pektyur pektyur! ismayl!!!!

29.4.10

paradox of our lives

"The paradox of our time in history is that we have taller buildings but shorter tempers, wider Freeways , but narrower viewpoints. We spend more, but have less, we buy more, but enjoy less. We have bigger houses and smaller families, more conveniences, but less time. We have more degrees but less sense, more knowledge, but less judgment, more experts, yet more problems, more medicine, but less wellness.


We drink too much, smoke too much, spend too recklessly, laugh too little, drive too fast, get too angry, stay up too late, get up too tired, read too little, watch TV too much, and pray too seldom.


We have multiplied our possessions, but reduced our values. We talk too much, love too seldom, and hate too often.We've learned how to make a living, but not a life. We've added years to life not life to years. We've been all the way to the moon and back, but have trouble crossing the street to meet a new neighbor. We conquered outer space but not inner space.


We've done larger things, but not better things. We've cleaned up the air, but polluted the soul. We've conquered the atom, but not our prejudice. We write more, but learn less. We plan more, but accomplish less.


We've learned to rush, but not to wait. We build more computers to hold more information, to produce more copies than ever, but we communicate less and less. These are the times of fast foods and slow digestion, big men and small character, steep profits and shallow relationships. These are the days of two incomes but more divorce, fancier houses, but broken homes.


These are days of quick trips, disposable diapers, throwaway morality, one night stands, overweight bodies, and pills that do everything from cheer, to quiet, to kill. It is a time when there is much in the showroom window and nothing in the stockroom.


A time when technology can bring this letter to you, and a time when you can choose either to share this insight, or to just hit delete (ignore)..


Remember; spend some time with your loved ones, because they are not going to be around forever.Remember, say a kind word to someone who looks up to you in awe, because that little person soon will grow up and leave your side.

Remember, to give a warm hug to the one next to you, because that is the only treasure you can give with your heart and it doesn't cost a cent.Remember, to say, ' I love you ' to your partner and your loved ones, but most of all mean it. A kiss and an embrace will mend hurt when it comes from deep inside of you.

Remember to hold hands and cherish the moment for someday that person will not be there again.Give time to love, give time to speak! And give time to share the precious thoughts in your mind.

AND ALWAYS REMEMBER:

Life is not measured by the number of breaths we take, but by the moments that take our breath away."

--- GEORGE CARLIN



20.4.10

i'm going home




I’m going home ---- in a soon!!

Mayaman na ako and I need not to worry about my financial stability anymore. Pwede na akong magrelak-relak ng konti at magliwaliw san ko man gustong pumunta.

By the way, i-share ko lang ang very good fortune that I received this morning from someone na hindi ko naman talaga kilala. Here goes..




THE NIGERIA POLICE FORCE (NPF)
Plot 16 Alausa, Ikeja-Lagos.PMB 072 Lagos.
THE NIGERIA POLICE FORCE (NPF)
FEDERAL REPUBLIC OF NIGERIA
COMMITTEE ON FOREIGN PAYMENT
(RESOLUTION PANEL ON CONTRACT PAYMENT)
IKOYI-LAGOS NIGERIA .

From The Nigeria Police Force (N.P.F)
Federal Republic Of Nigeria.
Dr.Ogbonna. O. Onovo CFR, NPM, mnik
Attention: ATM Card Beneficiary,

I wish to use this medium to inform you that your full Payment of USD$5.8 (Five Million Eight Hundred Thousand Dollars) from CENTRAL BANK OF NIGERIA have been RELEASED and APPROVED for onward transfer to you via an ATM CARD which you will use to withdraw all the USD$5.8Million USD in any ATM SERVICE MACHINE in any part of the world, but the maximum you can withdraw in a day is USD$9,500 Only.

We have mandated BANK PHB, to send you the ATM CARD and PIN NUMBER which you will use to withdraw all your USD$5.8 Million Dollars in any ATM SERVICE MACHINE in any part of the world, but as i have mentioned earlier, the maximum you can withdraw in a day is USD$9,500 Only.

You are therefore advice to contact the Head of ATM CARD Department of BANK PHB Nigeria Plc Contact Person: E-mail address:(vincentholbar3@hotmail.com) Mr.Vincent Holbar and inform him that you received a message from the Nigeria Police Force instructing him to send you the ATM CARD and PIN NUMBER which you will use to withdraw your USD$5.8 Million Dollars in any ATM SERVICE MACHINE in any part of the world, also send him your direct phone number and contact address where you want him to send the ATM CARD and PIN NUMBER to you.

Thanks for adhering to this instruction and once again accept our congratulations.

Your's In Service


Dr.Ogbonna. O. Onovo CFR, NPM, mni
Inspector-General of Police
Federal Republic of Nigeria



Great!! What a sum!

With this much money, I can put up some small investments, save more than enough for my family's future and enjoy the rest of my life.

So pano? I should go and collect my money now, start packing my things and head back to Philippines. See yah!

Nyetang email yan! WISH KO LANG! hahaha!




18.4.10

coke lang ang sakto!


mood status: plain

ang buong maghapon ko: merong sobra, merong kulang at sa aking pag-aanalisa gamit ang quadratic equation, konting probability at kayabangan – sakto lang!

pero kung ating lilimiin, wala naman sigurong bagay na “sakto lang”. ano ba ang panuntunan ng sobra at kulang? san ba yun nakabatay?

ang isang tao, gaya ko, kahit gaano karami ang isang bagay na hawak nya ngayon, darating ang mamaya o ang bukas na makakaisip pa rin ng dahilan para madagdagan kung ano pa man ang meron sya ngayon. kung gayon, walang katapusan, laging may dagdag na pangangailangan, laging may kulang. kahit gaano karami na ang hawak, kulang parin, pilit gagawa ng paraan o maghahanap ng ikapupuno kahit labis na sa sariling kapasidad.

paano mo malalaman na isa ka sa kanila?

simple lang, paano ka ba magdasal sa nasa itaas? pansinin mo, bilangin ang bagay na hinihingi mo at ikumpara sa mga ipinagpapasalamat? kung inaakala mo na konti lang ang mga bagay na kelangan ipagpasalamat sa iyong buhay, o sige sa isang araw, isipin mong muli maaaring nagkakamali ka lang.

sir, yung sakto lang po!

oo, siguro nga kelangan kong medyo magdahan dahan. humingi ng tipong tama lang talaga para sa kin, yung kaya kong hawakan.

less expectations, less complications, less trouble, less worries. sakto lang.

17.4.10

grab it if you want!

akala ko barubal na ako at ang aking pagkatao...

di ko alam na may mga bagay pa rin na makakapagpasindak sa kin.

ini-refer lang to kanina ng isang kaibigan ko at muntik na akong malaglag sa aking upuan!!

check this http://chuvaness.livejournal.com/854847.html

susmaryosep!! bastos na bata! lol

15.4.10

Pain

I grew up with very low pain tolerance level.

When I was small I whined for every little pain. Each whine, I cried. And for each cry, I ran and sobbed at my mother’s comfort.

Now I am old enough, a full grown man but maybe I have not outgrown my pain tolerance, yet. I do not whine everything to my mother anymore, or even to anyone else. I must have mastered the art of being incognito. I seldom lay down my cards, especially when I am at loss.

Been through tougher and more complicated days -- moments when I felt so knocked down, lost and torn. But stereotype-me, a man afraid of showing his true emotions, crying is a big no-no. Shedding tears is a pure display of weakness, defeat, failure.

Poker faced. I am.

I used to cry alone, where no one could see me. In times of turbulence, I’d prefer to be alone. I’d rather plunge myself into a secluded beach or take myself into higher grounds – to escape, to reflect, to relax, to breathe in, to shout, to cry, to be a critic of my own self and to be a different and stronger person when it’s time to go back to the real world. Damn! I really miss those days.

Strange though, there are moments that I am willing to sacrifice half of my being to partake with someone else’s pain….

Like NOW.

12.4.10

kamoten



Mare 1: Mare, alam mo pag nakakakita ako ng kamote dito sa palengke,
naalala ko ang sa mister ko…

Mare 2: Huwaw!!!! Ganyan kalaki mare??!!


Mare 1: Huh?? Di no! ganito kadumi!!



pektyur mula kay pareng gogol


11.4.10

in pursuit of happYness… magkano ka?


kung ikaw ang aking tatanungin, magkano ang halagang kailangan mo para maging masaya ka?

kasi tingnan mong mabuti , ano bang dahilan ng maraming taon ng pag-aaral mo? Para magkaroon ng magandang trabaho at maayos na kinabukasan di ba?

ano bang dahilan ng pagtyatyaga mo sa araw araw mong pakikipagsiksikan sa mrt? sa pakikipaghabulan sa mga bus? sa pagtitiis ng nakakakabagot na trapik? Sa pagtitimpi sa topak ng boss mo, sa mga tsismosa at inggitera mong mga kaopisina, sa paghihintay ng nakakabatong pagdating ng akinse at katapusan?
di ba isa na dun ang para kumita ng pera? para?....

pang-tuition ni utol, pambili ng gatas ni bunso, pambili ng alak ni tatay at ng kanyang mga dabarkads na sunog baga, pang mahjong ni nanay, pambili ng mga pangkiri ni ate, pambili ng diaper ng anak ni kuya na sa akin pa rin laging nakaasa, renta sa bahay, pambayad sa kuryente, tubig, lotto, bigas, ulam, yosi at kung ano ano pa…

ilan lang yang mga nabanggit ko sa posibleng pagkagastusan mo ng sahod na pinaka inaabang abangan tuwing akinse at katapusan.. teka, may natira pa ba? o abonado ka pa? wala ka bang nakalimutang utang na di pa rin nababayaran? hayyy… next sahod na lang kamo, bitin e! kahit nga isang pirasong medyas o bagong brief di ka man lang nakabili para sa iyong sarili.. tsk!

mistulang isang cycle na lang ang ganito sa mas nakararaming ordinaryong manggagawang pilipino, yun tipong halos wala nang maitabi para sa mga emergency na pangangailangan.. paulit-ulit lang, nakakabagot ang ganitong klaseng buhay, tanging pag-asa na lang natin ay isang araw giginhawa din tayo, maayos din ang lahat, magiging masaya din..

o sige, yung tanong ko ulit sa taas, magkano nga ang kailangan mo para lang maging masaya ka na?

isama mo na sa kwenta ang lahat ng pagkakautang mo, lahat ng mga kapamilya at kamag-anak mo na gusto mong maambunan, lahat ng gusto mong bilhin na pinagsisikapan mo pa ring pagipunan hanggang sa ngayon—pangcollege ng anak mo, magandang bahay, magarang kotse, bumili ka na rin ng maganda at seksing asawa (yung pipi para wala kang problema na magiging bungangera sya in the long run). ngayon, magkano?

tingin mo ba kung masolusyonan sa isang iglap ang problema mo sa pera e magiging masaya ka na? contented? may peace of mind? Mahirap yatang sabihing oo ano?

obserbasyon ko lang, tila hindi maaring gawing sukatan ng happiness ang laki ng sweldo ng isang tao, rangya ng bahay, gara ng kotse, ganda ng asawa, lawak ng lupain, posisyon at kapangyarihan sa lipunan, at kapal ng bulsa.

kung gayon... ano ba ang totoong makakapagpasaya sayo?


pektyur mula kay pareng gogol

10.4.10

balinguyngoy


aaarrrgghh!!! masamang masama ang araw ko ngayon…


sa nakakabiglang pangyayari ay di maampat ang pagdaloy ng dugo mula sa aking ilong..

di naman ngayon ang unang beses na nangyari sa kin ito, pero kakaiba lang ngayon dahil sa kahit anong gawin ko ay di ko mapatigil ang patuloy na pag-agos ng dugo…

di naman masasabing balingungoy ito bunga ng kakulangan sa ligo o kaya naman ay dala ng mas tumitinding init ng panahon..

masyado na lang siguro akong nagiging mapangahas..

iisa lang ang posibleng dahilan -- malamang ang walang habas kong pagtalon talon sa blog ng mga intelihenteng nilalang, sila na mga hindi ko kalevel, at ang aking marubdob na pagpipilit na maarok ang kanilang kaisipan ang nakikita kong tanging dahilan ng balinguyngoy na ito…

para sa inyo na mga walang pakundangan kung magsulat sa wikang ingles… isinusumpa ko…

lintik lang walang ganti!

magbabayad kayooooo!!!


pektyur mula kay pareng gogol


3.4.10

Friends??


“Hoy! Gago ka! Alam ko ikaw yan! I-add mo ako now na! Kung hindi, irereport kita as spam!”


Yan.. ganyan man lang sana na message pwede na rin.. kahit masakit sa tenga ok na rin… kaysa naman basta na lang ako makakareceive ng mga friend requests na blangko. Blangko, walang message man lang. Blangko kasi pati mukha e di ko maalala kung magkakilala nga ba talaga kami..


Or else, mag send ka ng friend request e add ka naman man lang ng message, pakilala man lang kaya no? kung natapakan ko ba luya mo sa paa habang nagmamadali ako? Kung tinakbuhan ba kita matapos kung tumuhog tuhog ng tinda mong calamares at fish ball? Kung itinakbo ko ba yung pusta nyo sa basketball? Kung nai-table ba kita isang gabi tas di kita binilhan ng LD at nagshare lang tayo sa bote ko? Yung mga tipong ganun?


Kahit panget pakinggan, Oks na rin kahit paano. Di yung bigla na lang poooff!! Coco crunch!
Di ko maintindihan ang mga friend requests na bigla na lang sumusulpot na parang kabute from out of nowhere, ang tinutukoy ko dito e yung sa FB, FS at kung san san pang social networking sites.
Ubos oras kaya na magbulatlat pa ako ng lahat ng pektyurs mo at pakatitigan hanggang sa magkandaduling ako para lang maalala kung san tayo nagkakilala. E mabuti sana kung matalas ang memorya ko, madali lang sana kitang maalala. E kaso nga hindi, utak ipis lang ako sensya na!
Tapos, matapos akong pahirapan kakabulatlat e di ko talaga maalala kung kilala ko ba sya. Or konektado ba kami in any way.


Haaisssss! Maano bang magpakilala na, “hi, number one fan mo ako” o kaya “stalker mo rin ako.. pls add me!”


No offense, but ako kasi kaya ako nagpapadala lang ng friend requests e para sa re-connection ko dun sa tao, na kakilala ko. Marami pa akong gustong makareconnect, gaya nung mga:


-mga dating kaibigan ko nung elementary pa ako; sila yung mga pinapanood ko habang nagcha-chinese garter, yung mga nakasama kong napaluhod sa bilao ng munggo, yung kasama ko pagpapaanod ng tsinelas sa tubig baha


- mga kaklase ko nung day care, yung mga tumawa sa akin kasi pipilay pilay ako dahil baligtad pala ang pagkakasuot ko ng aking sapatos


-yung batang babae na nabasagan ko ng kanyang gitarang bandoria kasi tinamaan ko ng volley ball pagspike ko ng ubod lakas! Nyay! Lagot ako!


-of course yung mga high school friends na kasama ko sa lahat ng kalokohan; vandalizing sa cr at sa mga upuan, pamboboso sa ilalim ng lumang main building; pagiging “friendly” sa mga classmates naming super hot! cutting classes para kumain sa canteen, pagpapaiyak ng substitute teachers (churi! Hehe), pangongolekta ng locknut at washers ng mga upuan wahehehe!


-yung mga importanteng tao na naging bahagi ng buhay ko syempre, yung seyoso at matured na buhay hehehe!


-mga bagong taong interesante


Nag-iinarte? Oo, suplado na kung suplado. Pero di ko kasi ugali na basta mag-add lang nang mag-add… tapos di ko naman kilala… ano yun pamparami lang?


Nga pala, may isa pa… pasintabi lang po…


No offense meant, di naman siguro masama na maging friends pa ulit kayo ng ex mo di ba? After all may pinagsamahan din naman kayo… pero dapat siguro maging responsible, considerate din at sensitive kayo both, especially sa mga comments at reactions na ipino-post mo sa pages nya sa networking sites. Syempre meron at merong tao na masasagasaan at hindi agad makakaintindi kung bakit kelangan na may connection pa kayo ng ex mo.


Kasi kung bigla ka tanungin na bakit kelangan may communication pa kayo ulit, makakasagot ka ba kaagad? Sige nga, Bakit nga ba?


And kung i-delete ka sa account nya, alam mo na yung ibig sabihin nun...


tabi-tabi po...






LinkWithin

Related Posts with Thumbnails