sa unang pagpatak ng ulan sa iyong pisngi, di ka makapaniwala at di mo maikubli ang nadaramang kaligayahan.
maisasatitik mo pa ba ang kahungkagan ng pakiramdam mo ngayon, ikaw at ang matagal mo nang kinikimkim na bagot sa kakahintay? kelan na nga ba ang huli? kung hindi pa ngayon, kelan pa kaya?
larawan ng isang tigang na pagkatao, ang tanging asam mo lang ay muling maginhawahan ng kahit kapirasong lamig. at ngayon nga sa pagdatal ng mumunting patak, naninibasib ka at ang iyong kaba, sa bawat paghawi kaalinsabay nito ang kabog sa yong dibdib. medyo matagal tagal na nga din kaibigan.
"halika at nasok sa aking kasabikan..." |
lumurok na nga ang ulan kaalinsabay ng iyong pagkabulid sa sarap ng isang bagay na napakatagal mo nang inaasam asam na muling matikman.
aaahhhhhh.... eto na yun... eto yung kulang... eto yung sagot para maibsan ang palagian mong pagiging tigagal sa kawalan.. larawan ng walang kaparam ang iyong kaligayahan... gusto mo pang abutin ang sukdulan... sa saliw ng isang awit, buhos pa ulan, ang pagkatao ko'y lunurin mo nang tuluyan...
ngunit...
ang marubdob na pag-asam ay napalitan ng dagling pagkaunsyami. maaaring hindi mo nakayanan ang labis na pumaimbulog na kaligayahan. at ito ay taliwas sa iyong pagkakilala sa sarili, taliwas sa pag aakalang kakayanin mo ang lahat ng ligayang idudulot sa yo ng ulan..
matapos ang pagbuhos ng nakakabaliw na ulan, kapalit ng pagparam ng katigangan ng iyong pagkatao, kapalit pala ng silakbo ng pagnanasa ay ang daluyong na pagbaha... di mo inakala. di mo inasahan.
sino nga ba ang nagpasasa kanino?
sino nga ba ang tigang?
ang disyerto nga ba o ang ulan?
pektyur mula kay pareng gugel
an_indecent_mind