pektyur pektyur! ismayl!!!!

29.4.12

salamas po!


panoorin mo ang isang lumang video na ito na bahagyang kumalembang sa aking maduming pag-iisip. Malamang halos lahat ng babae e negatibo ang ang magiging reaksyon dito sa videong ito. But for us guys, aminin mong nakiliti ang imahinasyon mo sa scenario na to!


Ayos!!

Kung ikaw ba brod (regardless kung married ka or in a relationship) tapos walang ibang nakakakita, walang ibang makakaalam, tapos may chance ka na maka-score sa isang celebrity/sexy/super-hot / girl of your fantasy at very vocal kang i-flirt o kaya pasimple kang hihingahan sa tenga with the words; 

“I am horny… haaaaaaahhh”…..  LOL!!

Imagine this.. Una, walaaaaa kang kagastos gastos, walang tsetse-buretse, tapos one-time-big-time mong makukuha/matitikman/mararanasan yung isa sa mga halos imposibleng bagay na matagal mong pinapangarap.. at eto na nga…. Eto na yun.. magiinarte ka pa ba?? Papakachoosy pa?

Would you go for it?



HINDI, kasi totally devoted ako sa wife/gf ko e..
Universal truth, meron talagang mga ipinanganak na santo o kaya naman ay masyadong panatiko sa kanilang mga partner sa buhay. Kami Sila yung sumumpa na malalaglag ang betlog pag nag-attempt na tumingin sa boobs ng iba o humipo ng kamay ng ibang babae.

Girls, kami sila yung iniwan nyong umiiyak noon kase sabi mo e “boring, masyadong mabait”.. Actually endangered species na kami sila. Bading pa yung karamihan sa kanila.  So kung hindi taken e bading. Asa pa kayo.

Pass ako dyan brod, mahirap na.. baka malaman nya, lagot ako dun!
Chicken nature. Naaalala ko bigla yung alagang tandang ni Mang Kanor, tuwing makakabarako sa isa sa mga inahin buong gilas na iuunat at hahampasin ng malakas ang kanyang dibdib ang kanyang  ang kanyang pakpak, habang yung  inahin naman e walang magawa at masabi kundi… “Pakkpaaakkk ppaaakpaakkk poopaakk pooopaakkkk…” 

Sa totoo lang, hindi naman palaging applicable ang “men are born polygamous”.. paglilinaw lang, hindi kami ander!  nga lang, pinapahalagahan namin ang katahimikan ng aming buhay... 

Meaning? At times, hindi dahil ginagawa namin ang isang bagay na gusto/ayaw ng babae na gawin namin e nawawala na ang tikas ng aming pagkalalake. Ang totoo, nagiging praktikal lang kami. Simple lang, Less mistakes, less confrontations, less arguments, less hassle, menos gastos, more peace of mind.

Gets mo na?

Ganito kasi yan brod.. Regardless kung sino ang at fault sa isang argumento, in the end lalaki pa rin ang may obligasyong magpakumbaba/umintindi/manuyo sa babae. Sounds familiar? Tapos, babae pa ang may lakas na loob na magpahard to get, so kelangan mo pa rin brod mag-effort, magastusan, tumalon sa bangin at magpabangga sa pison para lang mapangiti ulet etong si babae at masabi mong abswelto ka na… yun ang maling akala mo!! “History repeats itself” ika nga.. dahil itaga mo sa bato brod, paulit-ulit na nyang isusumbat at gagamitin laban sayo ang lahat ng mga nagawa mong katangahan.

Mga hinayupak kayo! Oo na! basta atin-atin lang to ah!
Eto yung sagot ng taong napipilitan/nagpapapilit lamang. Hindi naman dahil sa bad influence ang barkada. Pero minsan kasi sila din yung motivating force natin to go out of the norm. Sapagkat ang bawat isa sa atin ay may natatagong paniniwala na ang buhay pag paulit-ulit lang ay nakakasawa rin. 

At dahil sadyang may mga bagay na hindi masaya o hindi mo kayang gawin pag walang magtutulak sayo. Kagaya na lang ng cliff diving o bungee jumping, hindi yan masayang gawin kapag magisa ka. Muka ka lang tanga nun! 

Kahit sa barkadahan may competition pa rin yan. At kung kaya mong gawin ang isang bagay and you can get away with it syempre pa ikaw ang pinakaastig sa tropa nyo..

Kung lahat sila e tumalon sa tulay at ikaw na lang ang hindi, chicken ka.

Kung lahat sila e umiinom ng beer at juice lang ang order mo, ano ka chicks??

Kung lahat sila e may ka-table at nakikihimas ka lang sa katabi mo.. brod hita ko na yan!! bakla ka ba???

Kung etong super sexy na chiching e kusang nagpapatuka sayo, OO SA IYO, IKAW ANG GUSTO, IKAW NA ANG POGI SA LAHAT NG BARKADA MO, tas tatanggihan mo? Kahit pinagtutulakan ka na nila sa isang bagay na alam mong gusto mo din? 

Spell pressure di ba??

GO!
Sagot na walang kakurap kurap! Walang hesitation, walang pressure! Dahil ikaw ang idolo ng mga barkada mo, ikaw ang kinaiinggitan, sapagkat wala kang takot sa consquences, sapagkat astig ka! Dahil ikaw ang alpha male sa inyong grupo!


***

Pero ano’t ano man ang maging choice ng isang lalaki sa bawat pagkakataon, naniniwala pa rin ako sa free will. Kanya kanyang paniniwala, kanya kanyang rason. Ako personally, hindi ako naniniwala na may taong ubod ng linis ang pagkatao. Yung tipong anghel na kumikinang kinang sa puti at linis! 

Tingin ko lang ah, may mga pagkakataon na ginagawa natin ang isang bagay labag man ito o hindi sa ating kalooban, depende sa pagkakataon. Maaring ikahiya natin ito pagkatapos o ipagmayabang pero yung mga pagkakataong kelangang subukin ang ating prinsipyo at pagkatao ang nagbibigay kulay sa ating buhay at mas naghahatid sa atin ng mga tumatatak na mensahe at leksyon.


 an_indecent_mind

9 comments:

  1. nakakaloka yung video. grabe lang. anyway..at tama ka kuya walang tao ang kumikinang sa linis. =D

    ReplyDelete
  2. temptation comes in many forms, at hindi lang lalake ang may ganitong dilemma...hehehe

    kahit pa siguro anong gawing tulak sayo kung ayaw mo talaga eh hindi, so it goes nasa sayo parin ang last say! heads up lang sa maaring consequences...\m/

    ReplyDelete
  3. magpapakatotoo lamang, Go ang sagot ko ")

    karamihan pa nga sa atin, bumabayad pa para lamang makatikim. :)


    tama ka sir, nakadepende sa pagkaktaon ang mga pangyayari. :)

    ReplyDelete
  4. hindi ko pinanonood ang video at masyadong malaswa...alam mo namang pang rated pg lang lagi ako...ahahahaha

    ako eh Go lang ng GO...masama daw tumanggi sa grasya...lumalabo ang mata,hihihihi

    ReplyDelete
  5. ngayon ko lang napanood yung video. sa bandang huli lahat ng ginagawa natin desisyon natin. Mabuhay si Mocha haha

    ReplyDelete
  6. hmmm.... kung kaw si Doc kuya ano gagawin moh? =P

    npadaan lang kuyah.. tc.. Godbless!

    ReplyDelete
  7. kung lalake lang ako, papatulan ko yan si mocha. ang landi e. LOL

    anu't anupaman, sabi nga sa newton's third law of motion, for every action, there is an equal (and opposite) reaction. kung anuman ang piliin mong haliparot ka, kailangang may nakahanda ka ng back-up plan, in case mahuli ka man. haha! panindigan ko yang desisyon mo, ginusto mo yan e.

    pautang!


    Rusmari

    ReplyDelete
  8. Hi, Nice post thanks for sharing. Would you please consider adding a link to my website on your page. Please email me back.

    Thanks!
    Angela
    angelabrooks741 gmail.com

    ReplyDelete

huwag ka nang mahiya, isigaw mo yan!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails