pektyur pektyur! ismayl!!!!

Showing posts with label senti. Show all posts
Showing posts with label senti. Show all posts

14.9.10

Anino ng Kahapon

Katahimikan.

Walang naririnig na kahit anong klase ng ingay. Sa isang sulok siya’y nakaupo. Nakatulala at tila ba’y kay lalim ng iniisip. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan. Marahil siguro dala ito ng sakit na nararamdaman niya. Sakit na walang gamot. Sakit na hihilom pagdating ng tamang panahon.

Anong oras na ba? Madaling araw na at gising na gising pa rin siya. Pinagmamasdan ko siya mula sa kinahihigaan ko. Pinagmamasdan ko ang maganda niyang mukha. Ngunit nagulat na lamang ako ng makita ko ang luhang unti-unting pumapatak. Hinayaan ko lamang siya dahil alam kong nakakapagpaluwag ito ng damdamin ng isang tao.

Ngunit hindi niya nakayanan ang sakit na nararamdaman niya.

“bakit kailangan pang magmahal kung masasaktan lang din naman?

‘Yan ang narinig ko sa kanya habang patuloy ang pagtulo ng luha nya sa kanyang mga mata. Wala akong maisagot sa kanya.


Naiwang nakaawang ang aking mga labi. Ano ba ang dapat na isagot ko sa tanong niya? Ako ba ang tinatanong o ang sarili niya? Hindi ko ito masagot dahil isa din akong talunan pagdating sa pag-ibig! Isa din akong biktima ng pagmamahal na sa huli ay nasaktan at iniwan din! Pero naaawa ako sa kanya. Hindi ko kayang nakikita siyang umiiyak dahil nakikita ko ang sarili ko sa kanya nung mga panahong nagmahal at nasaktan din ako.

Tumayo ako. Dahan dahan akong lumalapit sa kanya. Sa wakas nakarating din ako sa sulok kung saan siya nakaupo. Kung saan siya umiiyak. Niyakap ko siya. Hinaplos ang kanyang likod pero wala kahit isang salita ang namutawi sa aking labi. Hinayaan ko siyang umiyak. Hinayaan ko siyang ilabas ang sakit at galit na nararamdaman niya. Hinayaan ko siyang mapagod sa pag iyak dahil alam kong sa huli titigil din siya at hindi nga ako nagkamali. Muli ko siyang tiningnan. Muli kong pinagmasdan ang mukha niya, ang mga mata niyang namumula at namumugto dahil sa pag iyak. Ang mga mata niyang nagsasabi na sobrang sakit ng nararamdaman niya. Hindi na siya nagsalita ng kahit ano pa. Inisip ko na lang na magiging ok din siya.

Tumayo siya sa kanyang pagkakaupo.

“salamat” ang tangi niyang nasambit.

"Hindi ko na kaya!"

Sa kanyang pagtayo hinawakan ko ang kamay niya. Pinigilan sya sa pag alis.

“Ang magmahal ay isang sangkap na nagbibigay ng kulay sa buhay ng isang tao. Isang sangkap na gugustuhin ng kahit sino man. Hindi magiging kumpleto ang buhay natin kung walang pagmamahal. Minsan nasasaktan tayo. Natural yun. Hindi ibig sabihin na kapag nagmahal tayo ng isang tao siya na ang makakasama natin habambuhay. Hindi ibig sabihin na hindi niya tayo masasaktan. Ang pag-ibig ay isang regalo. Isang regalo na kapag tinanggap mo asahan mong may kapalit ito. Ito ay ang masasaktan ka o magiging masaya ka. Iba-iba ang pagmamahal natin. Iba-iba tayo magmahal. Kung sa tingin mo nagmahal ka ng sobra at sa huli ikaw din ang nasaktan, tanggapin mo. Ang importante minahal mo siya at ibig sabihin nito ay may magandang bukas pa. Na meron pang isang tao na naghihintay sa’yo. Isang tao na mamahalin ka at makakasama mo hanggang sa pagtanda. Isang tao na inilaan para sa atin. Huwag kang magmadali dahil darating din ang itinakdang tao para sa’yo at sa tamang panahon. Hayaan mong maghilom ang mga sugat na dala ng pagmamahal mo sa isang tao. Hayaan mong maramdaman ang sakit dahil isa yan sa magpapatibay ng kalooban mo. Isa yan sa magpapalakas sa’yo para harapin ang naghihintay na kinabukasan. Hindi ibig sabihin na kung nasaktan ka, hindi ka niya mahal. Tulad nga nang sinabi ko sa’yo iba-iba tayo magmahal. Siguro hindi lang kayo para sa isa’t isa. Isipin mo na may rason kung bakit nangyari yan. Isipin mo na siguro panahon na para tapusin ang pagmamahalan niyo at isipin mo na may isang taong naghihintay sa labas para mahalin ka at mahalin mo. Ito ay isang karanasan sa buhay natin. Karanasan na magtuturo sa’yo ng leksiyon. Leksiyon na natutunan at pwedeng i-apply sa susunod na magmamahal ka. At sana may natutunan ka sa pahinang ito ng buhay mo. Umaasa akong muli kong makikita ang mga ngiti sa labi mo at marinig ang iyong halakhak. Umaasa ako na mawawala ang sakit na nakikita ko sa mga mata mo. Umaasa ako na maghihilom ang sugat sa puso mo at higit sa lahat umaasa akong magmamahal ka muli sa tamang panahon.”

Isang ngiti lang ang ibinaling niya sa akin. Isang ngiti na alam kong yun na ang umpisa sa pagharap niya sa kinabukasan.

“Matulog na tayo.”

At muli kong pinagmasdan ang mukha niya at doon ko masasabi na ayos na siya at handa ng harapin ang bukas na naghihintay sa kanya.

--------

Ninais kong ibahagi sa inyo ang komposisyon na ito na nagmula sa isang blogger na walang pakundangang bigla na lang nagsara ng kanyang blog. Isa syang malapit na kaibigan, isa sa mga dating aktibong nilalang sa mundo ng blogosperyo, isa sa mga kilala at talentadong blogera. Author's name withheld (sa kanya na ring kahilingan, sinadya kong itago ang kanyang tunay na pagkakakilanlan at kagandahan).



pektyur ninakaw mula dito


an_indecent_mind

8.11.09

sponge bob

Sadista ka kasi! Hindi sa sarili mo, pero sadista ka sa kapwa mo. Ipinanganak kang manhid at sadyang walang pakiramdam sa nararamdaman at sinasabi sayo ng mga taong nasa paligid mo. Nasanay ka na maraming taong nagpapahalaga sa yo.. Tuloy, di mo halos alam ang salitang konsiderasyon at pangunawa. Puro sarili mo na lang iniisip mo.

Pero tingin ko naman, di ka naman ganun kamanhid para di mo mapansin ang presensya ko.. Ilang birthday mo na ba ang nakalagpas sa akin? Wala. Ilang txt mo ba ang hindi ko nireplyan? Wala din. Ultimo smileys mo at wehehe, nagrereply pa rin ako. Kelan ba kita nahindian sa bawat paglalambing mo sa akin? Wala akong matandaan. Kahit nga pamasahe na lang matitira sa akin, kahit one week allowance ko pa yun, kahit nakalaan yun sa pambili ng regalo sa gf ko, basta nagrequest ka sa kin hindi ako makahindi sayo.

Di naman ako umasa sa kahit ano dati di ba? Para lang akong engot pagdating sayo, konting atensyon mo lang at wala kang kaeffort effort napapasaya mo na ako ng todo, old school. Kulang na nga lang siguro ay maging stalker mo ako…

Pero kahit sobrang gusto kita hindi naman ako nagkalakas ng loob na umamin sa yo, muntik na sana. Kung binigyan ko ng ibang kulay yung nangyari nung gabing iyon, tumambling sana ang ikot ng buhay natin ng 360 degrees. Pero di e.

Kasi nga masaya naman ako naman ako ng ganun ganun lang, at least di tayo kumplikado. Di bale nang magmukha akong uto-uto. Di bale nang invisible ako sa paningin mo pag wala kang kailangan sakin…

Ganun ka naman talaga di ba? Naaalala mo lang ako pag nasasaktan ka, pag kelangan mo ng maiiyakan, pag kelangan mo ng sasalo sa mga tagay mo, pag wala nang aalalay sayo kapag sobrang lasing ka na, pag wala nang magdadala sayo sa kama mo, pag walang hahawi ng buhok mo at hihimas sa likod mo habang akap akap mo yung toilet bowl, pag kelangan mo ng sasandalan sa tuwing natutulog ka sa loob ng jeep. Tutor mo, tagagawa ng term papers mo, instant date pag nag-away kayo ng bf mo.. Oo, dakilang alalay mo ako, tagasuporta mo.

Sadista ka kasi! Ngayon, pati sa sarili mo.. Tapos ngayon, ngayong nasasaktan ka na ng todo todong buhos at nahihirapan sa magulong buhay na pinasok mo, sa akin ka pa rin tatakbo? Hansarap mong patayin sa hug at lunurin sa pagmamahal!!!

Ikaw kasi! Bakit kasi gustong gusto mong laging kumplikado ang buhay mo? Hindi naman kita sinisisi sa desisyon mo pero bakit damay na naman ako? bakit ako na naman ang mamomroblema kung paano natin maaayos ang buhay mo?

Ano mo ba ako? Ano ba ako sayo?

Sabi ko nga makikinig ako, pero di ko ipinangakong aayusin ko ang lahat.

Pero di pa rin kita matitiis gaya ng dati… andito pa rin ako para sa yo. Tagasalo ng hinanakit mo, tagaplantsa ng gusot ng buhay mo, Tsk!

"Kung akin ka lang, sana hindi ka ganyan. Kaw kasi."

Pero alam kong di ko sasabihin sa yo yan.. kasi dalawa lang yan, baka nga maniwala ka o kaya e tawanan mo lang ako at dagukan!

Amfufu!

16.9.09

kwento ka.. yung masaya naman..

hintay ka lang..

makakapagkwento din ako sayo, yung nakakatawa naman. hindi puro negatibong enerhiya at himutok na lang ang ipinapasa ko sayo. tama ka naman, di ako dating ganito. meron lang akong pinagdadaanan sa ngayon. madaming gumugulo sa kakarampot kong utak, na mukhang nagsarado na at di magawang tumanggap ng paliwanag at nagpipilit maniwala… sa wala.

pero sana bukas paggising ko, ako na ulit yung dating nakilala mo.


yung palaging bangka sa usapan, ako na parang hindi nauubusan ng kwento. oo, bilib ka nga sa akin di ba? at hinahanap mo yung dating ako kasi walang maingay at magulo at nang-aaway sa yo ngayon.

bukas siguro, paggising ko ok na.


ako na ulit ang magbibigay sayo ng panadaliang aliw. pangako, hindi kita tatantanan hanggat di ka naluluha at sumasakit ang tiyan at panga sa katatawa. hindi kita titigilang patawanin hanggat di ka nakikiusap sa akin na tama na…

pero sa ngayon favor lang, kaw muna.. “kwento ka.. yung masaya naman..”

4.9.09

reading between the lines

* pakiclick mo muna yung play button sa jukebox ko sa kanan.*

 

Wag mo sanang iisipin na sa bawat nagdadaang araw na wala akong kibo ay binabalewala na kita.


Ang totoo, hinahanap hanap ko pa rin ang araw araw mong presensya na tila ba nakasanayan ko na.. Umaasa pa rin ako na sa aking paggising sa bawat umaga ay andun ang mensahe mong magguguhit ng ngiti sa aking mga labi, gaya ng dati.


Sa bawat pagtatapos ng pagsambit ng aking panggabing panalangin, at kasabay ng mahigpit kong pagyakap sa aking paboritong malambot na unan, andun pa rin ang pagbabakasakaling kahit sa panaginip ko, kahit sandali lang ay makapiling ka.


Oo, nananahimik ako ngunit hindi dahil sa gusto na kitang makalimutan. Nananahimik ako dahil parang nauubusan na ako ng dahilan upang gawin ang mga bagay na dati ay nakakapagpasaya sa kin. Pero hindi ibig sabihin nun ay binubura na kita sa buhay ko; ikaw at ang masasaya nating mga alaala.


Ang totoo, pilit kong nililibang ang aking sarili sa ibang bagay. Ngunit, nakakapagtakang sa bawat pagpipilit, para namang biro na may mga bagay at pangyayari na pilit na naguugnay at nagpapalaala sa yo, at sa hindi mabilang na pagkakataon ay di ko pa rin mapigilan na sandaling mapatigil sa kung anumang ginagawa ko. Di maitatanggi, hanggang ngayon ay bigo pa rin ako na pilitin na huwag kang sumagi sa aking isipan; kahit isang araw man lang.


Tahimik man ang parehong mga mundo natin ngayon, at malayo, alam kong pareho tayo ng nararamdaman. Kahit wala kang sinasabi, hindi mo man ipaliwanag, naiinitindihan kita. Hindi kita pinaghahanapan, wala kang pagkukulang, alam ko at naniniwala ako sayo.


Nalulunod ako sa iyong kawalan. Pilit akong naghahanap ng makakapitan. Pero, hindi ako bumibitaw sa aking mga pangako, at kailanman hindi ko magagawang lunukin ang aking mga binitiwang salita.


Hindi naman dito natatapos ang lahat. Kahit kailan, walang kwenta ang kwentong walang ending di ba?


Nananahimik lang ako, dahil iniisip kita.

19.7.09

ikaw, ako at si anselmo

sa tuwing naaalala ko yung mga kwento mo, ikaw at si anselmo, di ko maiwasang mainggit sa kanya.

mabuti pa talaga sya, andami mong panahon para sa kanya. maigsi pa ang panahong ipinagkakilala nyo, at sa totoo lang mas matagal pa tayong magkakilala, pero andami nyo na agad pinagdaanan.

mas madaming kwento mo ang narinig nya, mas madaming emosyon mo ang hindi mo ikinahiyang ipakita sa kanya. di mabilang na sikreto mo ang nalaman na nya. e ako?

buti pa nga sya kahit di nya hingin ang oras mo, lagi kang may panahon sa kanya. buti pa sya konting papansin lang nya sayo, di mo maiwasang di magbigay ng atensyon sa kanya..

buti pa nga sya, paulit ulit na nyang nasilayan ang maamo mong mukha at ang malaanghel mong ngiti. ilan beses ka na nga ba nyang napatawa? buti pa sya….

ano ba ang pakiramdam ng laging nasa tabi mo? ano bang pakiramdam ng mahawakan ka? gaano ba kalambot ang iyong mga pisngi ? ang iyong mga labi? buti pa sya…


ano bang meron sya na wala ako??? sana ako na lang si anselmo…

16.7.09

echoes of our hearts

Sometimes we close our eyes and just listen to the echoes of our hearts.

We all fall in love and there are times that we love so much that we lose ourselves on our own emotions. More often than not, we wonder why there are love that grows and love that grows cold. We would start to search for answers and try to find where love has gone wrong. But in the end, we find ourselves where we started.

We cannot question love but it has its own reasons. Love will always be as it always has been -- silent, mysterious and deeply profound.

Many of us believe that love is forever, that love never dies. Only to be disillusion in the end when we find our hands empty and our hearts longing.

We mistakenly have looked at love as a need to be fulfilled. But love is only a gift given to us. We should not hold it in our hands for we may never find a strength to let it go when it decides to leave We should only embrace its warmth and glow while it lasts. And then freely open arms when it’s time to say goodbye.

When we fall in love with someone we don’t want that feeling to end for it is everything we are and everything that we wanted to be. We prayed that love would stay and grow in our hearts. But if it doesn’t, then we should never let our lives be taken by it, for life should not end where heartaches begin.


There’s always a reason why we have to move on. When we have to say goodbye to the feelings that we wanted to stay to forever, let us not wave our hands with a heavy heart. For love will have to set its wings free and find a place where it belongs.

We may have lost it, but then again, when we close our eyes and listen to the echoes of our hearts, we will hear that feeling, resounding silently forever. Then we’ll know that it has never left us, for the good that we have become because of love will always stay. It will always be there reminding us that we should be thankful and happy. Not because we have lost love but because for once in our lives, that feeling lived in our hearts and made us happy. -- jdm

*pic from flikr

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails