pektyur pektyur! ismayl!!!!

27.2.09

kampay!

ang kumbinasyon ng aming lason




sige alak pa!!!

tulala na naman ako.

dalawang magkasunod na huwebes ng gabi, nakakainom na naman ako... pagkakaiba lang, nakumbinsi ko kanina ang sarili kong bumangon at mag-overtime ngayon, di kagaya noong nakaraang pagkakataon..



matagal-tagal na din nung huling nakatikim ako ng sadiki.


si pareng darnok at ang pamosong chemist namin on the art of sadiki-mixing

dahil nga wala namang iba nakakalasing na inumin dito, dahil mahigpit na ipinagbabawal. eto ang naging patron ng mga di maawat sa pag-iinom. Nasanay na din naman ako uminom ng NAB (non-alocoholic beer).. san miguel / holsten / moussy..

oo nga, lasang beer, pero walang pait.. ano naman napapala ko?? e di yun, nag-iihi lang ako pagkatapos!!

kwentuhan na walang saysay... tawanan na walang humpay...

ano naman ang masarap sa pag-iinom?? tingin ko, wala naman talaga yun sa klase ng alak na iniinom nyo e... kasi, pag ako umiinom mag-isa, di naman ako nasisiyahan... natatakot pa tuloy ang nanay ko, may mabigat daw ba akong problema??? masama ba talgang uminom mag-isa??
ang importante at hinahanap hanap ko e yung parteng "kwentuhan na walang saysay, tawanan na walang humpay". Yung tipong, kahit sobrang walang kwenta ang kwentuhan nyo at puro yabangan at asaran lang kayo, tawanan lang kayo ng tawanan...

hayyy... kaka-miss naman ang mga dabarkads ko sa pinas...

itaas mo!

16.2.09

tinimpla ka ngunit kulang

Tinimpla ka ngunit kulang

Kulang sampung minuto, nagmamadali ako sa paghahalo ng aking agimat sa loob ng aming pantry… Kelangan ko ito, para manatiling buhay ang aking isipan at dilat ang mata..

Nagmamadali ako sa mesa ko, inaayos ang mga gagamitin kong kalasag at espada, para sa aking susuunging laban.

Sinimsim ko ang aking agimat.. di ko nalasahan, masyado yatang mainit… ikalawa, ikatatlong lagok… wala yata akong panlasa… unti-unti kong naliwanagan at natanggap na wala ngang lasa ang aking agimat… gusto kong magbalik sa pinanggalingan kong silid, para maretoke ang lason na ginawa ko para sa aking antok… wala nang oras!!

Ano pa ba magagawa ko?? Inisip ko na lang na napakasarap at napakabango ng pagkakatimpla ko ng aking agimat.. na nanunuot sa aking ilong ang aroma.. ginigising ang buo kong pagkatao…
isa, dalawa, tatlo hanggang lima pang lagok… tuluyan ko nang pinagsinamantalahan ang init nya na nakahain sa aking harapan… pagkatapos ay nagmamadali ko siyang nilisan..

Kulang-kulang dalawang oras, mula sa pagkakapiit sa maingay na kuwartong iyon, nakabalik na ako sa mesa ko. Nagkatinginan kaming dalawa; siya na kani-kanina lang ay dinampian ko ng aking mga labi at sinimsim ang katas at bango… di ko pala sya nasaid.. pero ko di na ulit siya kayang pangahasan, nadala lang ako ng silakbo ng aking damdamin at pansariling interes kaya ko nagawa yun sa kanya kanina..

Pasalamat na rin ako, ginising nya nag aking diwa at iminulat ang aking isipan..

Pangako ko sa aking sarili, aayusin ko na ang timpla ng aking kape sa mga susunod na pagkakataon..

12.2.09

first things first

12.02.09

Unang post ko sa mundo ng blogger's world...

At dahil first time ko, gusto ko sana mag-post ng something na makaka-impress ng sino man na makakabuklat ng mga pahina ko, dahil naniniwala ako na "first impression lasts", un tipong maka-nose bleed na post.. pero parang aukong gawin. Una, dahil parang mayabang ang dating; ikalawa, parang di ko trip magsulat sa wikang ingles dahil di naman ako magaling at bihasa, so bakit ko pa pahirapan sarili ko???

Unang beses, naligaw ako sa mundong ito isang beses habang bagot na bagot ako sa pagkainip sa harap ng aking computer dito sa aking opisina. Sa totoo lang, meron naman ako ilan blog entries na naisuksok sa account ko sa friendster. Ilan lang yun. Wala lang, may maisulat lang...

At yun nga, habang nakatitig ako sa nagbli-blink na guhit sa aking monitor, nag-iisip ng maiisulat upang patayin ang inip at antok na hindi nakayang patayin ng isang timbang kape na pinilit kong lagukin. Wala, blanko talaga... naisip ko na lang i-search sa"gogol" ang salitang coffee... blog...

Nakatawag sa pansin ko ang "bottomless coffee" ni dylan... very catchy... "hello dylan!"

di lang isang beses ako nagpabalik-balik sa mundo ni dylan, nakikibasa, nakikiusyuso sa mga isinulat nya... at sa iba pa nya kaibigan katulad ni "utak-munggo"... nakakaaliw sila, ang mga isinusulat nila... nakakalibang... Sa totoo lang, sila ang impluwensya ko sa pagsali ko sa mundong ito..

Saludo ako sa mga taong naiilabas ang saloobin nila at kaisipan sa pagsusulat... Kagaya ng mga may-ari ng blogs na napasukan ko na, kagaya ni dylan, ni utak-munggo, ni Bob Ong, at marami pang iba..

Madami beses na akong nanghimasok sa mundo nila pero kahit isang beses, d ko nagawang mag-iwan ng papuri o pasalamat man lang sa kanila.. Salamat!!

Expectations... makapagsulat ng kahit konti, pailan-ilan, paminsan-minsan... para mailabas ang aking mga himutok sa buhay, saya at lungkot.. makapagsulat ng kahit ano na may kabuluhan, un tipong may mapupulot man lang kahit katiting ang kahit sino na maliligaw sa mundo ko..

yun lang...

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails