pektyur pektyur! ismayl!!!!

12.2.09

first things first

12.02.09

Unang post ko sa mundo ng blogger's world...

At dahil first time ko, gusto ko sana mag-post ng something na makaka-impress ng sino man na makakabuklat ng mga pahina ko, dahil naniniwala ako na "first impression lasts", un tipong maka-nose bleed na post.. pero parang aukong gawin. Una, dahil parang mayabang ang dating; ikalawa, parang di ko trip magsulat sa wikang ingles dahil di naman ako magaling at bihasa, so bakit ko pa pahirapan sarili ko???

Unang beses, naligaw ako sa mundong ito isang beses habang bagot na bagot ako sa pagkainip sa harap ng aking computer dito sa aking opisina. Sa totoo lang, meron naman ako ilan blog entries na naisuksok sa account ko sa friendster. Ilan lang yun. Wala lang, may maisulat lang...

At yun nga, habang nakatitig ako sa nagbli-blink na guhit sa aking monitor, nag-iisip ng maiisulat upang patayin ang inip at antok na hindi nakayang patayin ng isang timbang kape na pinilit kong lagukin. Wala, blanko talaga... naisip ko na lang i-search sa"gogol" ang salitang coffee... blog...

Nakatawag sa pansin ko ang "bottomless coffee" ni dylan... very catchy... "hello dylan!"

di lang isang beses ako nagpabalik-balik sa mundo ni dylan, nakikibasa, nakikiusyuso sa mga isinulat nya... at sa iba pa nya kaibigan katulad ni "utak-munggo"... nakakaaliw sila, ang mga isinusulat nila... nakakalibang... Sa totoo lang, sila ang impluwensya ko sa pagsali ko sa mundong ito..

Saludo ako sa mga taong naiilabas ang saloobin nila at kaisipan sa pagsusulat... Kagaya ng mga may-ari ng blogs na napasukan ko na, kagaya ni dylan, ni utak-munggo, ni Bob Ong, at marami pang iba..

Madami beses na akong nanghimasok sa mundo nila pero kahit isang beses, d ko nagawang mag-iwan ng papuri o pasalamat man lang sa kanila.. Salamat!!

Expectations... makapagsulat ng kahit konti, pailan-ilan, paminsan-minsan... para mailabas ang aking mga himutok sa buhay, saya at lungkot.. makapagsulat ng kahit ano na may kabuluhan, un tipong may mapupulot man lang kahit katiting ang kahit sino na maliligaw sa mundo ko..

yun lang...

3 comments:

  1. Hey, salamat sa pagdaan, pagbati, pag bida ng pangalan, at pag-follow ng blog ko. hehe..Na-touch naman ako..

    For sure I'll be waiting for your posts... Magdagdag po kayo ng chatbox so we can greet you, I'll add you din sa blogroll ko. so i can easily find you..Thanks again..

    And hope to see you around here in blog world. A nice start. ;)

    "makulit ako and magulo kahit na lagi napapagkamalan na seryosong tao..."

    -pareho lang tayo, wahaha!

    cheers!

    P.S. Indecent Mind na ba ang blog name nyo???

    ReplyDelete
  2. wow...si dylan pla ang recruiter mo...aheks....

    pero alien yan...aheks...alien na adik sa kape...kaya nyan kalasin ang sarili nya...ulo, paa, braso...aheks...juk lang...

    welkam sa mundo ng mga adik...este...bloggywood.. :D

    ReplyDelete
  3. hehehe kulitz ng first entry kala ko naulit pero naulit pala talaga hehehe gulo ko... hehehe kulitz ng first entry kala ko naulit pero naulit pala talaga hehehe gulo ko...

    ReplyDelete

huwag ka nang mahiya, isigaw mo yan!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails