pektyur pektyur! ismayl!!!!

6.3.09

Ako, si Sadik at ang Half Moon Beach


E ano ba pakiramdam ng “mapick-up”?



Oo, “pick-up”, as in from someone na naghahanap ng panadaliang aliw o kahit anong paraan para mairaos ang kanilang sexual urge and needs…



Most of us, guys, regardless of his marital status would probably feel proud and will consider it an ego booster if an oozing girl would approach us and publicly show her sexual intention. But in real life, the probability of occurrence of this situation is very minimal, and it’s the other way around.



But, pano kung a certain homosexual will blatantly approach a guy and manifest his sexual urge? In a very little percentage, some may think that the guy possesses some good looks and sex appeal, maybe not that bad impression at all.



But, what if a straight-looking, well-built body and bearded male pig, suddenly stopped and offered sex with a person of same gender in a well-demonstrated way? Ano naman ang pagkakaiba? Malaking pagkakaiba, nakakatindig balahibo!



Sa atin un, sa Pilipinas…


Pero, dito sa lupain ng mga Arabo sa Middle East, “normal” pala talaga itong nangyayari..


Nakakatawa kung iisipin, pero totoo nga palang nangyayari… Kaya pala tinawag nila ang Saudi na “gay’s heaven”.



Mula noong dumating ako dito sa Saudi Arabia, di lang ilang beses akong tinigilan ng sasakyan at kawayan ng isang Saudi Lokal. Sa isang ignorante o bagong salta sa bansang ito, natural lamang na kumaway rin ako o mag-ukol ng pansin kapag ako ay kinawayan (nakagawian ko na rin siguro sa pinas). Na-realize ko na lang na ang inaakala kong simpleng kaway ay meron palang “makamundong kahulugan” at isa palang paanyaya.



Kung bakla ka, malamang kiligin ka… ngunit pano kung hindi? Kung nasa pinas ako, sa mga ganung pagkakataon, malamang nakapagbigay agad ako ng “dirty finger” sabay dampot ng isang malaking bato at naibato na agad sa salamin ng kanilang kotse. Ngunit, wala ako sa pinas. Andito ako sa Saudi sa ilalim ng kanilang batas, na ang simpleng gagawin kong pagmumura ay pwede kong ikakulong ng ilang buwan na may kasamang latay.



Naaalala ko ang pagbibiruan naming mga magkakaklase nuong high school, gayundin ang aking mga kabarkada, panahon ng kalokohan, panahon ng unti-unting pagkamulat sa sex. Sa isang pabirong ekspresyon, karaniwan naming tinutukoy ang sex sa pagturo ng aming daliri at pagdutdot nito sa aming palad. Minsan, kung makikipagkamay kami sa kapwa namin lalake ay hinahaluan namin ng mga birong ganito, di ko pa naranasang magbiro ng ganitong klaseng biro sa isang babae, malamang sampal ang abutin ko.



Ngunit, dito sa Saudi, sa aking minsan pamamasyal sa isang malaking mall na karaniwang pinupuntahan ng mga lokal, may nakasalubong akong isang grupo ng kabataang Saudi, bumati sa akin at nakipagkamay – na may halong “pagdutdot” sa palad ko. Nagulat ako.Nakakatawa sa una, pero mukhang may halong pahiwatig ng kamanyakan mula sa kanya, hindi lang pala isang biro! Nakakapanindig balahibo!!



One of most unforgettable experience, sa half-moon beach along with my colleagues from my company here in Saudi. Habang nag-iihaw kami, may aali-aligid na sasakyan ng isang Saudi Lokal. Tipikal na itsura, balbas-sarado, malaking tao… Pakaway-kaway sa amin, nakailang ikot ng sasakyan nya. Binibiro ko pa mga kasama ko, sabi ko natitipuhan ata sila. Bumaba sa kanyang sasakyan ang mokong, nakiusyoso sa niluluto namin. Umikot ulit ang sasakyan, at bandang huli, di na nakatiis, tinatawag ako, ako pala ang puntirya ng gago! Todo-todong kantyaw ang inabot ko sa mga kasama ko.



Sabi ko nga sa kanila, kung nasa pinas lang kami, kung saan hindi ako makukulong dahil sa pakikipag-away at pagmumura, malamang basag agad ang salamin ng sasakyan nya.



Base sa ilang artikulong aking nabasa, itinuturing na “normal” sa isang saudi lokal na lalaki ang maghanap ng “outlet” ng kanilang sexual needs kahit na sa isang kapwa lalake, sa kadahilanang hindi naman sila pwedeng basta na lang humanap ng babae. Itinuturing lang daw nila itong part of growing up, at darating ang panahon na malalagpasan din nila ito. Pero meron din pala silang tinatawag na “TOP” at “BOTTOM”, pertaining to their sexual acts with same sex. Syempre yung top, as dominant and giver, they still consider it masculine. Bottom is the opposite, sya un receiver, which is also commonly referred to as gays.



As explained by Nadya Labi on her article THE KINGDOM IN THE CLOSET, she pointed out,



”But what seems more startling, at least from a Western perspective, is that some of the men having sex with other men don’t consider themselves gay. For many Saudis, the fact that a man has sex with another man has little to do with “gayness.” The act may fulfill a desire or a need, but it doesn’t constitute an identity. Nor does it strip a man of his masculinity, as long as he is in the “top,” or active, role. This attitude gives Saudi men who engage in homosexual behavior a degree of freedom.”



Nakakatawa at nakakatakot ang normal na mga pangyayaring “indecent proposals”. Nakakatawa dahil kikilabutan ka kung iisipin mong mabuti. Nakakatakot dahil totoong may napapagtripan na mga pinoy, basta na lang isinasakay sa kotse at ginagahasa, iniiwan sa disyerto. Kaya ako, di ko kinakalimutan na mag-aya ng kasama tuwing may lakad ako, lalo na kung gabi, mahirap na!



Ang aking kaibigang tonying, mula nang dumating dito, nagpalago ng bigote at balbas. Sa takot na mapag-interesan ng mga arabo, piniling magmukhang ermitanyo na lang. Ako, di ko yata mawari ang sarili ko na ganun itsura, mag-iingat na lang ako.



Eto ang isang bahagi ng aking buhay Saudi. Buhay sa piling ni Sadik.

4.3.09

hikab

related sa latest post ko...

may naalala lang ko bigla...

sabi:

1. "habang buhay ka, wag kang tulog ng tulog... kasi kapag namatay ka, matutulog ka na lang..."
2. "di bale nang walang tulog, wag lang walang gising!"

tingin nyo? hehehe!!

comment kayo!

1.3.09

living the life of benjamin button


napanood ko ang the curious case of benjamin button. napaisip ako..

pano nga kaya kung ipanganak ako na itsurang matanda at habang tumatagal e pabata ako ng pabata?? masarap kaya yung ganung buhay?

alin kaya ang mas masarap? yung isilang akong kakaiba? ipanganak na matanda ngunit isip-bata. mahina ang katawan. walang kasiguraduhan kung gaano lang katagal ang buhay ko..

mabuhay nang abnormal. sa halip na tumanda ay bumabata pa lalo. sa bandang dulo, makalimutan na lang lahat sa buhay ko. basta mamatay na lang na isang sanggol. ung parang wala lang. basta pumikit lang. tapos na ang lahat…

kakaiba ah?!

o yung mabuhay akong normal. matikman ang tuwa, saya at problema ng mundo. makita ang realisasyon ng buhay. mabigo. madapa. matutong bumangon habang lumalaki ako – kagaya ng ibang tao sa paligid ko..

normal, kumplikado, mahirap pero tingin ko ok lang at mas simple kaysa dun sa una. at least may sense pa rin ang payo sa ng mga nakakatanda sa akin… applicable pa rin ung kasabihan nilang “papunta ka pa lang, e pabalik na ko”.

e yung lovelife ni daisy at ni benjamin? gaano kaposible ang ganung sitwasyon?? paano ako mamahalin ng isang tao, sa harap ng realidad na ilang taon mula ngayon ay mukha na kaming mag-ina or mag-lola kaya? masasabi pa rin kayang “age doesn’t matter”? posible ba yun?

malabo ata to? mas gugustuhin ko pa rin siguro na makahanap ng kapares ko sa buhay at makasama sa pagtanda ko… hindi yung, habang tumatanda siya e bumabalik naman ako sa pagkabata… parang mas palayo kami ng palayo nun ah??!

kumplikadong sitwasyon, magulo. pero, tingin ko, isa lang ang malinaw.. ang realidad -- mamuhay man ako ng normal o pabaliktad, kagaya pa rin ng ibang tao, di ko mapipigilan maubos ang oras ko.. di mapapabagal, di maikakahon.

tama nga ang sabi nila, hanggat may oras, sige lang… gagawin ko ang lahat ng bagay na makapagpapasaya sa akin, ngunit nang walang naaapakang ibang tao… sayang ang oras, gamitin ko man ito o hindi, mawawala pa rin to..

sabi nga sa kwento, “life isn’t measured in minutes, but in moments”.

Ayos!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails