pektyur pektyur! ismayl!!!!

1.3.09

living the life of benjamin button


napanood ko ang the curious case of benjamin button. napaisip ako..

pano nga kaya kung ipanganak ako na itsurang matanda at habang tumatagal e pabata ako ng pabata?? masarap kaya yung ganung buhay?

alin kaya ang mas masarap? yung isilang akong kakaiba? ipanganak na matanda ngunit isip-bata. mahina ang katawan. walang kasiguraduhan kung gaano lang katagal ang buhay ko..

mabuhay nang abnormal. sa halip na tumanda ay bumabata pa lalo. sa bandang dulo, makalimutan na lang lahat sa buhay ko. basta mamatay na lang na isang sanggol. ung parang wala lang. basta pumikit lang. tapos na ang lahat…

kakaiba ah?!

o yung mabuhay akong normal. matikman ang tuwa, saya at problema ng mundo. makita ang realisasyon ng buhay. mabigo. madapa. matutong bumangon habang lumalaki ako – kagaya ng ibang tao sa paligid ko..

normal, kumplikado, mahirap pero tingin ko ok lang at mas simple kaysa dun sa una. at least may sense pa rin ang payo sa ng mga nakakatanda sa akin… applicable pa rin ung kasabihan nilang “papunta ka pa lang, e pabalik na ko”.

e yung lovelife ni daisy at ni benjamin? gaano kaposible ang ganung sitwasyon?? paano ako mamahalin ng isang tao, sa harap ng realidad na ilang taon mula ngayon ay mukha na kaming mag-ina or mag-lola kaya? masasabi pa rin kayang “age doesn’t matter”? posible ba yun?

malabo ata to? mas gugustuhin ko pa rin siguro na makahanap ng kapares ko sa buhay at makasama sa pagtanda ko… hindi yung, habang tumatanda siya e bumabalik naman ako sa pagkabata… parang mas palayo kami ng palayo nun ah??!

kumplikadong sitwasyon, magulo. pero, tingin ko, isa lang ang malinaw.. ang realidad -- mamuhay man ako ng normal o pabaliktad, kagaya pa rin ng ibang tao, di ko mapipigilan maubos ang oras ko.. di mapapabagal, di maikakahon.

tama nga ang sabi nila, hanggat may oras, sige lang… gagawin ko ang lahat ng bagay na makapagpapasaya sa akin, ngunit nang walang naaapakang ibang tao… sayang ang oras, gamitin ko man ito o hindi, mawawala pa rin to..

sabi nga sa kwento, “life isn’t measured in minutes, but in moments”.

Ayos!

2 comments:

  1. yeah...maganda yang film na yan...and napanood ko sya kahit na medyo nag-init talaga ang pwet ko...aheks...

    ...indeed true...time is so precious...tpos sobrang ikli pa ng buhay...at kalahati pa nun ay tulog tayo...kung tutuusin 70.8 years lang ang life expectancy nating mga Pilipino...tpos kung lalaki ka meron ka lamang 67.89 years at 73.85 years naman para sa mga babae (*source: CIA World Fact Book 2008*)...di ba, ang ikli lang ng panahon natin? kung sasayangin lang natin ang mga panahon na yan para sa mga negatibong bagay, nasa atin na iyon... :D

    ReplyDelete
  2. @ super gulaman

    ayos ang stats mo super G...
    additional info sa maliligaw sa mundo ko...

    tama ka, wag natin sayangin ang buhay sa mga walang kabuluhang bagay..

    ReplyDelete

huwag ka nang mahiya, isigaw mo yan!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails