pektyur pektyur! ismayl!!!!

5.12.09

dose...

"if i live for a million years i would be right there to catch your tears.."

Naaliw naman ako sa message mo na super unexpected ko. Sa totoo, hindi ko ino-open yung email na yun kaya post dated na nung mabasa ko ang email mo. At tama ang expectations mo, nagulat talaga ako. Hindi ko lubos maisip na mas inuna mo pang pagaksyahan ng malaginto mong oras ang pagsusulat ng mensahe mo para sa akin kaysa matulog. Nakakabagbag damdamin at nakakataba ng puso. Salamat.

at kung akala mo e palalampasin ko ang effort mo na walang response, well mag isip isip ka muna dahil nagkakamali ka.. Sasagutin ko lang ang mga sinabi mo punto por punto.. di ko lam kung natatandaan mo pa ang mga sinabi mo.. kung hindi, sori ka na lang…

Ang mahal naman!! Wala bang tawad? Hehehe!

Oist! Dudero talaga ako, kaya ganun.. wag ka nang magtaka, alam mo naman ang reasons kung bakit di ba?

At wag ka na rin magtaka kung bakit uto uto ako.. di ko din kayang ipaliwanag yun.. hehehehe! Parehas lang naman tayong madaling maawa, at dakilang tissue paper, sponge bob nga di ba? Oo, bad trip na rin tlaga minsan, pero di naman natin maiiwasan yun.. alangan naman umiiyak na sila palapit say o e bigla kang tumakbong papalayo dib a?? kaya yun, tipong makikinig pa rin kahit nakukulili na ang mga tenga natin sa paulit ulit nilang kwento at hinagpis sa buhay.. kahit nanggigigil na tayo at gusto natin pilipitin ang leeg nila.. at sabihing, “hello??!!! yan lang nagkakaganyan ka na?? Mas mabigat kaya ang problema ko sayo no???”

Astig naman ng meaning ng name mo.. alone, reserve.. pero di naman appropriate sa personality mo kasi well surrounded ka ng circle of friends mo.

Yung hirit mo sa akin na suhol, noon alam ko ang gusto mo pero bakit biglang nag-iba?? Hindi ko na tuloy magets..

Hindi naman perception ko lang na mayaman at matalino ka.. may basehan yun xempre.. teka, bakit di mo ata nabanggit na sinabi kong maganda at mabait ka? Di ba sinabihan din kita nun??

Wag kang mag-alala, nasa yo na ngayon ang pagkakataon para matupad ang matagal mo nang inaasam asam.. kaw naman, di ba?

Salamat din sa lahat.. gaya ng sabi mo, di pa ito goodbye, gusto ko din lang mag-thank you sa lahat ng oras na inaliw mo ako.. sa lahat ng oras na pinagtyagaan mo ang kakornihan, kababawan at pang-aasar ko sayo.. sino naman nagsabi sayo na di ka ok kausap? Ok nga tayo di ba? Puro may sense usapan natin di ba? hehehe!

Yaan mo, dahil mabuting nilalang ka, for sure gagantimpalaan ka nung nasa itaas.. nga pala, salamat sa paalala. Kelangan ko yan.. minsan kasi akala ko masyado na sya madami kausap kaya di na nya naririnig yung mga bulong ko pag madilim na ang aking kwarto.. salamat, salamat…

Di naman po ako nagpapauto sa sinasabi nila. Nabanggit ko na dati, pampabalubag loob lang yung pagtawag na bagong bayani sa akin.. di ako naniniwala dun..

sana nga sooner, di ko na kelangan umalis.. magtitinda na lang ako ng mga pirated triple x dvds at pilikmata ng kambing sa carriedo… malakas siguro kumita yun no? hehehe!

“kilala ako ng mga kaibigan ko sa paraang hindi mo ako kilala.. kialal mo ko sa paraang hindi nila ako kilala…” Yup, may tama ka jan. parehas tayo. Meron kang mga alam sa akin, na hindi ko pa nasabi kahit minsan sa mga matagal ko nang kaibigan. Same here, salamat sa pagkilala at pagtyatyaga sa akin… kung matter of choiceless-ness man yun or whatever.. thank you pa rin.

Ok na sana yung hirit mong sana magkrus yung landas natin isang araw, pero napaisip ako bigla na dahil gusto mo lang pala akong batukan… wehehe! Wag kang mag-alala, minsan habang naglalakad ka sa may sangandaan e may kakalabit sayo, ako yun… “ate, pangrugby lang ho…”

Ikaw pa lang ang nakilala kong nagpatugtog ng labindalawang beses ng isang kanta… at binilang kung ilang beses ito nagpaulit ulit sa pandinig… adik ka!

Ingat palagi! Iwas sa tukso at panganib.. laging magbehave, our savior is watching…

(o di ba? parang parehas lang ng mga sinabi mo ang mga pinagsasabi ko??) wehehehe!

24 comments:

  1. Sana sinabi mo sa kanya.. ang bait bait mo... sana kunin ka na lang ni lord.. he he he

    ReplyDelete
  2. anak ng...binasa ko na sya ng tatlong ulit...inde tlaga ako maka-relate..parang nauuso na talaga ang pakikipag-usap sa sarili... :)

    ReplyDelete
  3. @ AL KAPON

    wag ganun! konti na nga lang ang mabutin tao sa mundo, mababawasan pa? hehehe!

    @ SUPERGULAMAN

    wahahaha! wag pilitin... baka mabuwang! LOL

    ReplyDelete
  4. parang ang sweet nila, parang may "something" hahahahaha.

    ReplyDelete
  5. @ KESO

    hahahaha!! "something"??? kaw ha... di siguro... good friend ko yan.. good provider ng panandaliang aliw in times that i badly needed it..

    ReplyDelete
  6. masyadong vague para sakin...

    Basta sana masaya na kayong pareho para moving forward na hihihihi

    ReplyDelete
  7. @ JEPOY

    bakit? anong meron?

    anong kaguluhan to?? hehehe!

    ReplyDelete
  8. pinilit kung intindihin sa paraang kunyari eh para sa akin at ako ang nag email sayo...ahahaha!

    ReplyDelete
  9. ah.. a friend with benefits pala. hahahahaha.

    ReplyDelete
  10. @ POKWANG

    ayan ka na naman poks.. assuming ka na naman... hehehehe! uyyy... lapit na xa uwi... makakatikim ka na naman.... ng mga bagay na gustong gusto mong tikman! wehehehe!!

    @ KESOng pula

    hahahaha!! linawin mo yung comment mo, baka mamisinterpret nya.. yari ako! amfufu!

    ReplyDelete
  11. iba ka talaga! nag-iba kana! may something soft ka din pala hmmmm..i'm touched,pa-touch nga! weee!

    ReplyDelete
  12. @ IYA_KHIN

    sige touch lang ng touch.. magsawa ka! ingat lang baka kung anong mahipo mojan.. wehehehe!

    nag-iba? hmmm.. di siguro... malabong mangyari.. bumubwelo pa lang... wahahaha!

    ReplyDelete
  13. hihi. pano ko lilinawin yan, tanggalin n lng ntin yung "with benefits"

    friend lang. hahahaha

    ReplyDelete
  14. @ KESO

    yan yan ... much better! or else paktay ako dun! wahhhh!

    ReplyDelete
  15. @ PINKDIARIES

    sige po, daan lang ng daan! *wink*

    ReplyDelete
  16. ayos ah. kundi pa dahil sa email kamo e wala kang bagong post. sabi na nga ba't nililinlang mo lang ang mga bloggers sa previous post mo. bwahaha

    sabi mo mabait yan?! oh?! panu kayo nagkasundo?? parang anlabo..eh hindi ka naman-- MUWAHAHAHA! >:)

    ReplyDelete
  17. tol tagal na nung e-mail kong yun sa wakas nabasa mo din at nitouch naman ako gumawa ka pa ng poste para dun..

    ReplyDelete
  18. @ UNBOUND/ SHUTTERSHY

    salamat sa pagdaan.. galing ako sa kwarto mo, walang tao dun! hek hek!

    @ ANGEL

    bakit wala?? wehehe! salamat sa komento mong wala.. LOL

    @TSENNPOT

    wahahaha! hindi naman related ang last two posts ko, anong pinaggaganyan ganyan mo jan??!

    mabait yan promise, hindi lang halata at hindi kasi sya showy! nyahahahaha!

    @ YIN

    salamat naman at na-aapreciate mo... wahahaha!!

    baka di ako ang na-email mo???

    ReplyDelete
  19. "if i live for a million years i would be right there to catch your tears.." ---> such a sweet quote... parang sarap hiramin.... puwede kayah?! hmmm... para kanino yang mensahe moh... hangswit naman.... mahal nyo ang isa't isah?! M.U.?! ex?! 'la lang... naki-chismax... sweet naman haba nang mensahe moh sa kanyah... ingatz... Godbless! -di

    ReplyDelete
  20. nyak! kelangan ba may love para maging sweet?? waahhh!

    kaibigang putik ko po yan,

    di po sa akin galing yung quote, kinopya ko lang din sa kanya... hehehe!

    ang alam ko ikaw ang inlababo e... hehehe!

    ReplyDelete

huwag ka nang mahiya, isigaw mo yan!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails