Along the journey of our so-called lives, all of us encounters different people -- a friend, a foe and lots of strangers.
Some of them stayed in our life longer than we asked for, others were just short chance encounters. There were people who, at most of the times, we can only remember them by occasions, by a specific place which connotes them, or be recognized through their nameless faces, but most probably we remember them on how they really influenced or altered our lives.
May mga taong sa una pa lang e kasundo na agad natin sa interes, habits, moods, ugali, sa mga kalokohan, bulungan ng mga lihim ng buhay natin, sandalan, yung mga walang sawang nakikinig sa mga hinaing natin sa buhay, sila yung mga itinuturing natin na mga TUNAY na kaibigan.
Meron din namang ilang mga tao na parang hangin lang na dumaan sa buhay natin, unexpected ang pagkikita pero tumatatak sa ating buhay. Kadalasan impormal ang ugnayan natin sa kanila, masaya tayo na andyan lang sya, bahagi ng buhay natin. We never even asked for more. We never even dared to confront kung ano ba ang papel natin sa buhay nya or nya sa buhay natin. Ang importante e masaya tayo. Pero sila ang mga taong di permanente sa buhay natin. Touch and Go. Mabilis lang, will keep you hanging, but surely they will be remembered.
Meron ding iilang piling tao ang may kaya na tayo’y pahalakhakin kahit on their corniest jokes o kahit sobrang down na tayo e kaya pa rin nila tayong pangitiin - effortlessly. Sila yung tao sa buhay natin na kaya nating ibigay ang lahat ng nasa atin - to the extent na kahit wala nang matira para sa ating sarili. Sila yung taong nagiging inspirasyon natin to continue striving with our lives – no matter what. Sila yung mga tao na itinuturing nating special sa ating buhay. "A perfect fit" ika nga. Our other half.
But, sa mga taong nabanggit above, dumadating ang pagkakataon na isa sa inyo ang magsasawa at eventually e maghahanap ng something more exciting, stability or ng assurance. Under any given circumstances, merong maghahanap ng MAS sa kung anuman ang meron kayo, and magmomove-on.
"it's not you, it's me."
Masakit marinig ang linyang to. Wala namang goodbyes na madali lang lunukin, lalo pa kung lahat ng sacrifices e ginawa na natin para lang maging masaya sya at mag-stay na lang. Pero that’s life, we tend to hold on to our “rare find”, we tend to hold on no matter how painful it gets. Pero minsan nakakalimutan na din natin na it is not our decision to make who should stay in our lives. Actually, it is not our choice, it’s up to them. Ang masakit lang kasi talaga e kung tayo ang maiiwanan. What the hell is wrong with me???!!
Minsan kasi, kahit gaano ka-perfect fit ang isang tao para sa atin, kahit na alam natin na sya yung matagal na nating ipinagdadasal, kahit na sya yung “ito na talaga to”….. later on, marerealize natin na hindi pala sya yung kelangan natin sa buhay o kaya naman e hindi nya lang talaga kayang pumirmi ng matagal sa buhay natin. Well, that's life.
In this case, we should not be bitter or sad. Instead of wallowing on how unfair life is on us, for not having the person that we waited and fought for, maybe we should be thankful that once in our life, we were graced by their presence and we experienced something wonderful because of them. Everything happens for a reason. Most probably something better is in store for us. Something bigger. Just wait.
"Some people come into our lives and quickly go. Some stay for awhile and leave footprints on our hearts. And we are never, ever the same."
- UNKNOWN
Minsan ba, gaya ko ngayon, naiisip mo lahat ng mga taong dumaan sa buhay mo? Kung gaano ka nila binago? Kung gaano nila naapektuhan ang buhay mo sa kasalukuyan? Kung gaano karami o kabigat ng mga desisyon sa buhay ang nagawa mo at hindi nagawa dahil sa taong yun? What ifs?
Minsan ba nalungkot ka na rin na pagkalipas ng maraming panahon sa iyong paglingon e makikita mong muli ang isang tao na naging malaking parte ng buhay mo e andun sa isang sulok - NAG-IISA.
*pektyur galing dito
an_indecent_mind