pektyur pektyur! ismayl!!!!

8.10.10

People in our Lives

Along the journey of our so-called lives, all of us encounters different people -- a friend, a foe and lots of strangers.

Some of them stayed in our life longer than we asked for, others were just short chance encounters. There were people who, at most of the times, we can only remember them by occasions, by a specific place which connotes them, or be recognized through their nameless faces, but most probably we remember them on how they really influenced or altered our lives.

May mga taong sa una pa lang e kasundo na agad natin sa interes, habits, moods, ugali, sa mga kalokohan, bulungan ng mga lihim ng buhay natin, sandalan, yung mga walang sawang nakikinig sa mga hinaing natin sa buhay, sila yung mga itinuturing natin na mga TUNAY na kaibigan.

Meron din namang ilang mga tao na parang hangin lang na dumaan sa buhay natin, unexpected ang pagkikita pero tumatatak sa ating buhay. Kadalasan impormal ang ugnayan natin sa kanila, masaya tayo na andyan lang sya, bahagi ng buhay natin. We never even asked for more. We never even dared to confront kung ano ba ang papel natin sa buhay nya or nya sa buhay natin. Ang importante e masaya tayo. Pero sila ang mga taong di permanente sa buhay natin. Touch and Go. Mabilis lang, will keep you hanging, but surely they will be  remembered.

Meron ding iilang piling tao ang may kaya na tayo’y pahalakhakin kahit on their corniest jokes o kahit sobrang down na tayo e kaya pa rin nila tayong pangitiin - effortlessly. Sila yung tao sa buhay natin na kaya nating ibigay ang lahat ng nasa atin - to the extent na kahit wala nang matira para sa ating sarili. Sila yung taong nagiging inspirasyon natin to continue striving with our lives – no matter what. Sila yung mga tao na itinuturing nating special sa ating buhay. "A perfect fit" ika nga. Our other half.

But, sa mga taong nabanggit above, dumadating ang pagkakataon na isa sa inyo ang magsasawa at eventually e maghahanap ng something more exciting, stability or ng assurance. Under any given circumstances, merong maghahanap ng MAS sa kung anuman ang meron kayo, and magmomove-on.


"it's not you, it's me."

Masakit marinig ang linyang to. Wala namang goodbyes na madali lang lunukin, lalo pa kung lahat ng sacrifices e ginawa na natin para lang maging masaya sya at mag-stay na lang. Pero that’s life, we tend to hold on to our “rare find”, we tend to hold on no matter how painful it gets. Pero minsan nakakalimutan na din natin na it is not our decision to make who should stay in our lives. Actually, it is not our choice, it’s up to them. Ang masakit lang kasi talaga e kung tayo ang maiiwanan. What the hell is wrong with me???!!

Minsan kasi, kahit gaano ka-perfect fit ang isang tao para sa atin, kahit na alam natin na sya yung matagal na nating ipinagdadasal, kahit na sya yung “ito na talaga to”….. later on, marerealize natin na hindi pala sya yung kelangan natin sa buhay o kaya naman e hindi nya lang talaga kayang pumirmi ng matagal sa buhay natin. Well, that's life.

In this case, we should not be bitter or sad. Instead of wallowing on how unfair life is on us, for not having the person that we waited and fought for, maybe we should be thankful that once in our life, we were graced by their presence and we experienced something wonderful because of them. Everything happens for a reason. Most probably something better is in store for us. Something bigger. Just wait.

"Some people come into our lives and quickly go. Some stay for awhile and leave footprints on our hearts. And we are never, ever the same."
- UNKNOWN

Minsan ba, gaya ko ngayon, naiisip mo lahat ng mga taong dumaan sa buhay mo? Kung gaano ka nila binago? Kung gaano nila naapektuhan ang buhay mo sa kasalukuyan? Kung gaano karami o kabigat ng mga desisyon sa buhay ang nagawa mo at hindi nagawa dahil sa taong yun? What ifs?

Minsan ba nalungkot ka na rin na pagkalipas ng maraming panahon sa iyong paglingon e makikita mong muli ang isang tao na naging malaking parte ng buhay mo e andun sa isang sulok - NAG-IISA.




*pektyur galing dito



an_indecent_mind

34 comments:

  1. the last part ang sobrang kumurot sa damdamin. sobrang nice ng entry na ito...

    ReplyDelete
  2. huhu.... nafefeel ko ying blog na to men.... lalo na tong quote na to
    "Some people come into our lives and quickly go. Some stay for awhile and leave footprints on our hearts. And we are never, ever the same."
    - UNKNOWN
    pero ganun talaga ng buhay...
    sabi nga sa kantang paglisan...

    Kung ang lahat ay may katapusan
    Itong paglalakbay ay makakarating
    Din sa paroroonan
    At sa iyong paglisan
    Ang tanging pabaon ko ay pag-ibig

    :(

    ReplyDelete
  3. i hate you. tinamaan ako dito.
    hehe.
    pero ngayon, hindi muna ako lilingon, kasi gusto kong malaman kung anong meron sakin para bukas.

    ReplyDelete
  4. sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa post mo na toh..although tumpak ka ng one hundred and one percent sa mga pinagsasabi mo dito, still, may isang part ko ang nagsasabing sana hindi ko na lang binasa to. :(

    this particular entry of yours made me feel how empty my life is right now. biglang sumulpot ung bitter feelings na sa PAGLINGON KO NAKITA KO SYANG MASAYA HABANG AKO NASA ISANG SULOK AT NAG-IISA.

    bakit nga kase kinakailangan pang maghanap ng MAS? bakit nga kase may mga walang contentment? ahhh cguro kase no matter how perfect fit we find the other person is, hindi namna kase kasiguruhan yun na tayo din ung other half na swak sa kanila. bakit kaya ganun noh? i could go on and on with this comment pero, it still wouldnt answer the unknown.

    who says goodbyes are easy? a person can spend a minute saying goodbye to someone but that person he's bound to leave behind would probably spend a lot of time to recover..

    everything happens for a reason.. true. but lets admit it, hanggat hindi natin nakikita ang mga reasons na yun, hanggat walang eye opener, hindi natin maiintindihin kung bakit tayo iniwan ng taong yun.. we can only move forward kapag naging malinaw na kung ano man ung reason ng paglisan ng isang tao sa buhay natin.

    ReplyDelete
  5. ang ganda naman ng post..

    ako, may nabago sakin dahil sa isang taong dumaan. pero dahil nawala, naghintay ako ng bagong darating. nung dumating na.. sobrang saya ko. anung nabago sakin, hindi ako papayag na dadaan lang yung panibago. :P pero di ko rin masasabi. lol

    ReplyDelete
  6. gusto ko kong magcomment, hindi ko lang alam kung ano ang ilalagay ko.

    marami akong what ifs. at sa tuwing naaalala ko, gusto ko na agad kalimutan.

    hindi ako magaling mag-goodbye. pero pakiramdam ko, madali akong manakit ng ibang tao, which will eventually lead to goodbyes.

    ayokong lumingon. natatakot akong malaman kung ano ang lilingunin ko. hindi ko kase alam kung masasaktan akong makikita na nagiisa ang taong naging parte ng buhay ko o masasaktan ako dahil sya ang masaya at hindi ako.

    -parang walang sense yung sinabi ko. hays..

    ReplyDelete
  7. Naduling ako.ang basa ko sa magbulungan magbulugan.pak!hahaha!

    Goodbyes are sad,but let's face it... nothing's permanent in this world.boohoo!hahaha

    ReplyDelete
  8. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  9. ihatechu koyah sumakit heart ko sa poster mo ihateu ihateu hahhaa
    sapul fess ko arggghhh....
    ihate goodbyes masakit pero kailangan eh....mahirapn mag say ng goodbye sa taong mahal/minahal natin pero mas mahirap kung ipipilit natin ang sarili natin sa taong yun na alam mong di ka naman kayang mahalin pala,,,letch lng ai sorry kuya napamura saglit ahihi...
    kasi naman binasa ko muna ang mga comments bago yung entry kahit alam kong masasapol ako eh binasa k talga ng bongga at fineel ko ahihi...

    nyaks ayan nakafeel ulit ako ng sadness saglit kasi feeling ko ang lonely lonely ko nanman pero that's life i need to accept the decision I made few days ago....

    ayaw ko ng masaktan kaya kahit sumakit ang heart ko atleast nagkaron na ako ng peace of mind now,,,,

    ReplyDelete
  10. teka teka, bakit parang iisa ang tema ng mga post natin.

    medyo maemo. ano meron?

    ReplyDelete
  11. napaluha ako ah... bull's eye!
    sinabayan pa ng comment ni Yanah.. haaayy... ;(

    tama ka,, grateful tayo dapat kasi dumaan ang taong un sa buhay natin at nagbigay sa atin ng bagong pagkatao.. pero bakit kasi kailangan pa magkahiwalay dahil sa mga bagay na wala naman tayong control??

    naalala ko tuloy ang kanta ni dong abay na 'dyad'

    ReplyDelete
  12. nasabi na lahat nila ang sasabihin ko! isang mabasa basang kiss para sa napakaganda mong post!!! muahh!

    ReplyDelete
  13. SAPUL AKO DITO! hehe

    Kaya nga ba ngayon iniiwasan ko nang mag-isip ng advanced kasi hindi mo naman talaga alam kung hanggang kailan magsstay ang tao sa buhay mo.

    enjoy mo lang yung bawat moment na kasama mo sila para kapag time for them to go, walang regrets di ba?

    ReplyDelete
  14. @ OLIVER
    di naman maiiwasan na hindi lumingon. minsan bigla na lang natin sila makakabanggaan. salamat sa pagbabasa at pagkumento!

    ReplyDelete
  15. @YANAH,
    malaman ang kumento mo.. pero eto ang pinakatumatak sa akin, "we can only move forward kapag naging malinaw na kung ano man ung reason ng paglisan ng isang tao sa buhay natin", whioh is soooo right!

    madalas kasi kaya nagkakaron ng what ifs e kasi nga may isang naiwan sa ere, walang proper closure, or may isa na sa tagal ng panahon e di pa rin makamove on..

    una kasi dapat e realization at acceptance before pa ang forgiveness di ba?

    salamat sa effort magbasa at magpahayag ng iyong saloobin!

    ReplyDelete
  16. @CHOKNAT,
    kilala ko ba yun? hehe!

    im happy for you... wala naman sigurado, so make the most out of it!

    heypi bertdey!

    ReplyDelete
  17. "hindi ko kase alam kung masasaktan akong makikita na nagiisa ang taong naging parte ng buhay ko o masasaktan ako dahil sya ang masaya at hindi ako."

    di kasi maiiwasan na minsan lingunin natin ang mga taong naging importante sa buhay natin, minsan out of curiousity na lang. masaya sana kung naging mas ok sila matapos ang lahat, after all kaibigan pa rin naman natin sila anuman ang nangyari sa past.

    ang malungkot lang kasi e kung naging miserable sya dahil sa atin o kaya tayo yung naiwan sa ere at marealize natin na di pa rin pala tayo makamove on samantalang sya e masaya na sa buhay nya ngayon -- kahit na wala tayo.

    ReplyDelete
  18. @2NGAWSKI,
    bat ganun? laging pabitter ang comments mo? bitter ka? hehe!

    ReplyDelete
  19. @UNNI,
    tama naman yun.. wag pilitin kung di naman talaga kaya... magtira ng para sa sarili! tanggapin na lang na di lahat ng bagay ay ibibigay sayo -- kahit gaano mo man ito kagusto!

    ReplyDelete
  20. @GILLBOARD,
    hahaha! di po ako emo.. nahahawa lang ata ako sayo? anong meron? hahaha!

    ReplyDelete
  21. @GESMUNDS,
    kaya nga! hanggat nandyan pa ang taong mahalaga sa atin, ibuhos na lahat ng pagmamahal! at least sa bandang huli wala tayong pagsisisihan sa mga bagay na hindi natin nasabi o nagawa!

    salamat sa pagbabasa at pagkumento!

    ReplyDelete
  22. @ POKWANG & CHINGOY,
    skipreaders?? hmmm....

    ReplyDelete
  23. @MADZ,
    korek! enjoy lang and give all! at least no regrets! thanks for reading!

    ReplyDelete
  24. huwaw... tama ba tong napasukan kong blog? emo much? haha. deep, tinamaan ako kahit papano. hehe.

    ReplyDelete
  25. oist hindi ah!!! binasa ko bawat salita..ninamnam ko pa nga...eto nga at bumalik ako para gahasain naman!

    wala nga lang akong macomment at nasabi na lahat nila...ahahaha

    ReplyDelete
  26. Napakalungkot ng entry na ito. I feel you. *hugs*

    ReplyDelete
  27. haayy..nakakarelate nama ako ng husto dito haayy..wala akong masabi..iaabsorb ko na lang lahat ng nabasa ko dito coz i know magamit ko to ngayon..

    ReplyDelete
  28. Wow naman men, nose bleed yun men. Pero nice read yun :))) KUDOS!

    Anyway, I'm back! Medyo matagal-tagal nung last time na nakabisita ako dito. Sorry na men :)))

    ReplyDelete
  29. wapak!!!!! sapul sa buto! ahihi.

    haaaay...salamat ng marami sa post na ito.. andami ko narealize. hmmmm.

    pero totoo, ang sakit pag ikaw ang naiwan tapos sya eh masayang masaya na sa kanyang kinalalagyan samantalang stuck ka pa din sa nakaraan.. may pinaghuhugutan? ahehe

    anyway, salamat talaga sa post na ito hehe. tatandaan ko ang iyong mga sinabi :)

    ReplyDelete
  30. ang senti nitong post na ito. meron akong kinopyang post maganda... mukhang kamag-anak nitong post na ito. yung "Are You A Season, A Reason, Or A Lifetime"

    salamat sa pagdaan po sa blog ko :)

    ReplyDelete
  31. One thing for sure, there's no easy way to break somebody heart...walang assurance na panghabambuhay ang samahan ng 2 taong nagmamahalan....dahil walng sino man ang makapagsasabi ng kasiguraduhan ng kinabukasan...

    ReplyDelete
  32. mahirap tanggapin na iiwan kana ng taong sinasandalan mo at nagbibigay sayo ng kapanatagan na lagi syang nasa likod mo. malungkot, masakit pero magiging maayos din naman ang lahat.

    ReplyDelete

huwag ka nang mahiya, isigaw mo yan!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails