I am dying.. Would you tell a lie for me? Would you be kind enough? Would you love me or do every possible thing to make me happy on my remaining days?
Sasabihin mo ba sa akin na, “wag kang mag-alala everything would be fine” or “Matatapos na ang paghihirap mo", "masaya dun” (o sige ikaw na muna ang mauna! Masaya pala huh…)
Madalas kasi, tayo, ginagawa natin lahat para mapasaya ang isang tao na konti na lang ang nalalabing oras sa mundo. Sinusunod natin ano man ang sabihin nila, binibigay natin kung ano man ang hingin nila.
Oras, atensyon, pagmamahal, LAHAT.
Pero bakit nga kaya no? Para lang ba bumawi tayo sa lahat ng mga pagkukulang at masasamang ugaling ipinakita natin sa kanya noong malakas pa sya?
Para lang last-minute shopping e no? Kung kelan konti na lang ang oras saka tayo nagkukumahog na ipakita at ipadama ang mga bagay na hindi nya naramdaman noon, noong maaappreciate pa nya ang lahat ng ginagawa natin ngayon.
Mga ipokrito nga ba tayo na maituturing na pinapalakas natin ang kanilang loob sa mga nalalabi nyang ilang mga araw habang patuloy naman tayo sa pagpapakita ng mga bagay na hindi nya naramdaman noon mula sa atin, showing what he would be leaving behind.
It’s like, we’re trying to detach him from everything he possess here on earth, but still we’re trying to show him how good his life is/can be, at the same time.
So ironic.
Nakakalungkot isipin na maiksi na lang ang oras para ipadama natin kung gaano sila kaimportante sa ating buhay. Nakakapanlumo na bakit ngayon lang, kung kelan huli na, saka lang natin unti unting nararamdaman yung “hollow feeling” sa dahan dahan nyang paglisan.
That sense of emptiness and everything in between.
an_indecent_mind
P.S.
pektyur mula kay pareng gogol.
salamat po sa lahat ng walang sawang pumapasyal sa kwartong ito at sa ilang mga taong patuloy na nangungulit na magblog ulit at nambobola na magaling daw naman ako.. o ayan may bago na akong post, at isa lang ang masasabi ko.. di naman kayo ang dahilan neto! tseh! lols
Nakakaiyak, baka maiyak ako. Sino naman nagsabi sa 'yo na magaling ka? Binobola ka lang nila at nagpauto ka naman. Ang tanging binabalikan ko dito ay ang nakakakilig na header mo. Bohahahaha!
ReplyDeleteoi welcome back parekoy..busyng busy ata ah...
ReplyDeletei know right? hahahaha!!
ReplyDeletedi nauubos ang kilig mo sa header ko? susko! aside from pag-ihi mo, header ko na lang ang nagpapakilig sayo... lol
naiiyak ako....how sad nga naman we just come to realize pag nalaman mo mawawala na ang isang tao...
ReplyDeleteikaw tagal mong nawala!?
nakakalungkot isipin na ang ganon nga ang nangyayari. hindi kase tayo marunong magpahalaga ng mga bagay bagay na nandidito pa... o siguro, marunong naman magpahalaga, yun nga lang, nabubulagan tayo sa ideya na nanjan lang naman sila. hindi natin iniisip na pwede rin silang mawala.
ReplyDeletehindi naman siguro pagiging ipokrito o pagpapalakas lamang ng loob ng mga malapit ng pumanaw. we just want to make the best out of his/her remaining days. ipokrito kung ginagawa mo lang ito bilang pampalubag loob sa taong lilisan. pero kung buong puso mo itong ginagawa, ibang usapan naman iyon.
ako pag namatay ako gusto ko may iiyak. ampoots lang NR ang mga pupunta o masaya sila. multuhin ko pa sila e. DUHR.
anyway, welcum bak crush! hihi! landi lang.
wv:claudish (sabi na nga ba kamukha ko si claudine)
ang haba ng comment ko. blog ko toh?
may naalala akong pinoy proverb that states,
ReplyDelete"Huli man daw ang magaling, naihahabol din."
Mahilig kasi ang pinoy sa cramming.
Pero, common human nature naman talaga yon. Kailangan ng extra ordinary effort in times of emergency.
Hindi naman kasi all time high ang pageeffort. Ang importante, ginawa ang effort, at the right place, at the right time.
may icocomment sana ako..pero wag na lang... hehehehe baka kung anong masabi ko tungkol sa magulang ko..hahaha lol
ReplyDeleteparang filipino time na part na talaga ng sistema natin. mahirap pero possibling mabago.
ReplyDeleteminsan, nakakalimutan nating pahalagahan ang mga tao sa paligid natin knowing that there still there. And true, sometimes ang tanging nagagawa nalang natin sa huli ay i-cheer up ang taong nawawalan na ng pag-asa/mamamatay na/mawawala na.
ReplyDeletecramming!! pero mas gusto ko yun..yung alam mo kung ilang araw ka na lang sa earth..para naman makabawi ka din sa kanila..hindi lang sila sayo,hehehe
ReplyDeletetsaka mas okay na din siguro yung kahit sa last minute eh naging masaya ka kesa sa hindi,hehehe
welkam bak tibak! at sobrang nagpapasalamat ako sa comment mo..kakatats,hihihi yeah kaya ko to!!
Tulad nga ng lumang kasabihan, "laging nasa huli ang pagsisisi".
ReplyDeleteKung kailan, wala ng natitirang panahon, tsaka babawi. Nakasanayan na ata ng mga tao. Natin.
napatagal ang blog vacation mo ha.
ReplyDeleteteka, what's with this post? ok ka lang? hope you are.
ang sa akin lang,aganda yung iwan mo ang mundo na magaan ang loob.
kuyaaaaaa~~~~~ur back,,,,
ReplyDeletetae naman kung kelan bumalik eto pa ang poste haha,,,
ok payn,ang drama lang,,,hayss
d naman masama cguro kung ipakita mo sa taong mahal mo na mahal mo siya kahit sa nalalabing araw nya..
atleast dba mapapasaya mo cya or binibigyan mo cya ng lakas ng loob..atleast naisip nya may tao palang nagmamahal sakin..:P
hamishhue kuya~~
parang switch lang ng ilaw, kung kelan dumidilim na saka pa lang pinipindot...sad but true *teary eyed*
ReplyDeleteAno ka ba friend! Diba nga "It's better late than pregnant!"
ReplyDeleteTSK TSK TSK. Kaw naman o. Hehe.
Pero seriously, oo nga minsan napaka-ipokrito na kung kelan mawawala na, dun naman bumabawi yung tao. Pero ganun tlaga ang buhay. Ako din minsan guilty sa ganun. :( Bad.
talagang di ako nakapagpigil ... hahay...
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeletetumagos, ang seryoso namn nito. pero ramdam ko kasi kamamatay lang ng lolo ko. though kahit medyo detached ako sa mga pangyayari, kita ko lahat ng reaksyon ng mga kamag anak ko. tama ka, kung kelan patapos na ang byahe, dun pa naisipang mag ngitian ng mga pasahero. May nagbabayad una palang ng byahe, mayroon din bago bumaba. mayron din namang di nagbabayad. wala lang. wala atang sense sinabi ko. haha!
ReplyDeletepwede ka bang i-quote? may sinusulat din akong gaya nito eh.
- Toilet Thoughts
Ang deep tsong! Parang may pinaghuhugutan! :))
ReplyDelete