pektyur pektyur! ismayl!!!!

23.8.11

in yur peys!

you: psssstt....
you: suplado!!!
me: hello crush!
you: ewwwwwwww!!!!!!



Tangina ka ah... nakakasakit ka na ah... pakyu ka!


someday, i'll say.... "pag lumingon ka, akin ka..." --- (in the name of love-- AGA & ANGEL) LOL

pag gwapo ko di na kita papansinin! tandaan mo yannn!!!

o!! gudlak naman sa akin! hahaha!



an_indecent_mind


16.8.11

di baleng magtagal sa suso wag lang sa baso!!




iinom ka pa ba???!! bilisan mo at dyan (sa tagayan ding yan) din kami iinom!!


ilan lang to sa mga patutsada at kantyaw na maririnig natin sa gitna ng umpukan pag medyo nabababad na sa ating harapan ang tagayan..


para sa iba siguro, unhygienic yung iisa lang ang umiikot na baso sa isang inuman. pero ito ang nakagisnan ko sa aming probinsya sa quezon. kung di ka makikisalamuha at hihingi ka pa ng espesyal na baso, malamang sabihin sayo e maarte ka o di marunong makisama. ano ka chicks???! e kung yun ngang mga chicks samin e umiinom sa mismong tagayan ikaw pa ang magiinarte??


usapang inuman.. i miss the good old days, yung noon before pa ako magabroad. kasama ang mga barkadang putik.. yung mga tawanan, inuman, at mga kalokohan kapag nalalasing na.. noong mas simple pa lang ang buhay... sure we can brag of things that we have now compared with before pero tingin ko wala nang mas sasarap pa sa dating samahan ng barkada..


noon nga nagkakasya lang kami sa ginpomelo at boy bawang kasi dun lang magkakasya ang aming pera pero wag ka inaabot na kami nun ng magdamagan!


baligtaran pa nga kami ng bulsa para lang lumabas ang pambili! (para lumabas ang pera nung mga tsinatyani ang bulsa sa pagbunot! hehe)


di baleng mangatok sa tindahan kahit alas tres na ng madaling araw na para lang mangutang kay Inang Ading wag lang mabitin sa inuman!


good old days ng tropa..


nakakalungkot lang kasi na isipin na sa bawat paguwi ko sa pinas, pakiramdam ko e unti unting lumalayo ang lahat sa akin. hindi na ganun kadaling mabuo ang grupo kasi may kanya kanyang dahilan. kung kelan may pambili na kami ng masarap na pulutan, kung kelan may inihanda akong imported na alak para sa kanila, at saka saka naman sila hindi mahagilap.


tuloy, unti unting napapalitan ng paghahanap sa "noon" ang bawat pakikiumpok ko sa kanila.


nakakamiss din naman yung bigla na lang susulpot sa bahay mo yung mga barkada mo at hahatakin ka, literally, palabas ng bahay para lang sumama sa kanilang inuman. at pagdating dun, isang simpleng simpleng inuman ang iyong madadatnan... isang tagayan, isang pitsel ng  tubig na may nakaplastic na yelo, isang long neck ng matador, pansit para sa mga di pa naghahapunan, at oishi o lala para sa pulutan, gitara para sa mga rakista, mic para sa mga feeling bokalista pag nalalasing na... solb!


at dito lang, sa ganitong paraan, wasted na ang aking buong pagkatao sa espiritu ng alak pero pag nagkita kita ulit kinabukasan di maubos ubos ang tawanan sa jamming ng nakaraang gabi! kung ikaw kaya, ipagpapalit mo nga ba to sa masarap na alak at pulutan?


hinahanap hanap ko rin ang simpleng inuman, hinahanap hanap ko yung patak-patakan, "bente-bente matuloy lang!"... pero mukang di na ata ganun..



wala naman kwenta sa akin yung gumastos sa tomaan kasi parte yan ng samahan ng barkada, nasasabik nga ako sa kanila e.. ang totoo nyan andito pa lang ako sa malayo may budget na akong nakalaan para sa aming mga magdamagan..


ang hanap ko lang naman sana, yung paminsan minsan e hindi gawing basehan sa "pagbunot" ang estado natin sa buhay. yung mga minsan e sabihan ako ulit gaya ng dati, "sama ka brod, may kauntian tayo at malalasing ka dun nang walang kagastos gastos"... o? di ba masarap yun??? yung lasing na lasing ka pero walang kagastos gastos?? tapos hanggang sa tapsihan pagkatapos ng inuman libre ka pa rin! san ka pa? di ba?!


siguro naman di lang ako ang nakakaramdam ng ganito, kung ofw ka, malamang ikaw rin.




drink or drown??
 
"o shot na! iinom ka pa ba??? aba'y di bale nang magtagal sa suso wag lang sa baso!"





pektyur galing dito






an_indecent_mind

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails