iinom ka pa ba???!! bilisan mo at dyan (sa tagayan ding yan) din kami iinom!!
ilan lang to sa mga patutsada at kantyaw na maririnig natin sa gitna ng umpukan pag medyo nabababad na sa ating harapan ang tagayan..
para sa iba siguro, unhygienic yung iisa lang ang umiikot na baso sa isang inuman. pero ito ang nakagisnan ko sa aming probinsya sa quezon. kung di ka makikisalamuha at hihingi ka pa ng espesyal na baso, malamang sabihin sayo e maarte ka o di marunong makisama. ano ka chicks???! e kung yun ngang mga chicks samin e umiinom sa mismong tagayan ikaw pa ang magiinarte??
usapang inuman.. i miss the good old days, yung noon before pa ako magabroad. kasama ang mga barkadang putik.. yung mga tawanan, inuman, at mga kalokohan kapag nalalasing na.. noong mas simple pa lang ang buhay... sure we can brag of things that we have now compared with before pero tingin ko wala nang mas sasarap pa sa dating samahan ng barkada..
noon nga nagkakasya lang kami sa ginpomelo at boy bawang kasi dun lang magkakasya ang aming pera pero wag ka inaabot na kami nun ng magdamagan!
baligtaran pa nga kami ng bulsa para lang lumabas ang pambili! (para lumabas ang pera nung mga tsinatyani ang bulsa sa pagbunot! hehe)
di baleng mangatok sa tindahan kahit alas tres na ng madaling araw na para lang mangutang kay Inang Ading wag lang mabitin sa inuman!
good old days ng tropa..
nakakalungkot lang kasi na isipin na sa bawat paguwi ko sa pinas, pakiramdam ko e unti unting lumalayo ang lahat sa akin. hindi na ganun kadaling mabuo ang grupo kasi may kanya kanyang dahilan. kung kelan may pambili na kami ng masarap na pulutan, kung kelan may inihanda akong imported na alak para sa kanila, at saka saka naman sila hindi mahagilap.
tuloy, unti unting napapalitan ng paghahanap sa "noon" ang bawat pakikiumpok ko sa kanila.
nakakamiss din naman yung bigla na lang susulpot sa bahay mo yung mga barkada mo at hahatakin ka, literally, palabas ng bahay para lang sumama sa kanilang inuman. at pagdating dun, isang simpleng simpleng inuman ang iyong madadatnan... isang tagayan, isang pitsel ng tubig na may nakaplastic na yelo, isang long neck ng matador, pansit para sa mga di pa naghahapunan, at oishi o lala para sa pulutan, gitara para sa mga rakista, mic para sa mga feeling bokalista pag nalalasing na... solb!
at dito lang, sa ganitong paraan, wasted na ang aking buong pagkatao sa espiritu ng alak pero pag nagkita kita ulit kinabukasan di maubos ubos ang tawanan sa jamming ng nakaraang gabi! kung ikaw kaya, ipagpapalit mo nga ba to sa masarap na alak at pulutan?
hinahanap hanap ko rin ang simpleng inuman, hinahanap hanap ko yung patak-patakan, "bente-bente matuloy lang!"... pero mukang di na ata ganun..
wala naman kwenta sa akin yung gumastos sa tomaan kasi parte yan ng samahan ng barkada, nasasabik nga ako sa kanila e.. ang totoo nyan andito pa lang ako sa malayo may budget na akong nakalaan para sa aming mga magdamagan..
ang hanap ko lang naman sana, yung paminsan minsan e hindi gawing basehan sa "pagbunot" ang estado natin sa buhay. yung mga minsan e sabihan ako ulit gaya ng dati, "sama ka brod, may kauntian tayo at malalasing ka dun nang walang kagastos gastos"... o? di ba masarap yun??? yung lasing na lasing ka pero walang kagastos gastos?? tapos hanggang sa tapsihan pagkatapos ng inuman libre ka pa rin! san ka pa? di ba?!
siguro naman di lang ako ang nakakaramdam ng ganito, kung ofw ka, malamang ikaw rin.
drink or drown?? |
"o shot na! iinom ka pa ba??? aba'y di bale nang magtagal sa suso wag lang sa baso!"
pektyur galing dito
an_indecent_mind
koyah haha,,,,
ReplyDeleteayun may poste na,,
wohooo,,,nag eemote naman sa ibang part ng post,,,
ako kuya llibre mo pag uwi mo ulit dito?haha,,kasi naman ang lau mo hahah...
ikaw kuya iinom ka pa ba?:P
nabuhay
ReplyDeletewow may post na ulit! yeahbah!
ReplyDeleteka relate me much sa mga tagayang
yung tipong walang pera(kuno) pero umuulan parin ng inomin...hahaha
Ang hirap mamili sa huling tanong sa pektyur. LOL. Juk.
ReplyDeleteAt ako din mamimiss ko ang mga ganto kahit di ako solid na tumotoma.
homesick na?!
ReplyDeleteako, kahit nandito sa pinas namimiss ko din ang inuman. may pa yata ako huling nalasing.
hot nga ang chick na game magshot sa shared na baso.
ayun oh, mukhang umpekto yung pagtatanggal namin ng agiw dito sa bahay mo.. KUYA MAY POST KA NA!!!! LOL
ReplyDeleteAwww kahit siguro hindi ofw ay nakakaranas din nang ganyan lalo na kapag nagkakahiwa-hiwalay ang barkadahan. I feel you kuya. Miss ko na rin ang mga barkada ko at ang tomahan moments namin.
"bente bente, matuloy lang" - CLASSIC! :)
bwahaha. tama nga ang kasabihan mo. hahaha.
ReplyDeletepartida!
ReplyDeletegaling! OFW din ako nakakamiss nga mga barkada. tama ka, sa bawat pag uwi, lumalayo na rin ang mga kabarkada. kani kaniyang dahilan at kani kaniyang buhay din
ganon talaga ang life...
ay oo, nakakamiss yang good old days na yan.. babae ako pero ang lakas ko'ng tumoma nuon.. ang masarap talaga eh yung samahan ng barkada, yun ang nagpapasarap sa inuman!
ReplyDeletekampay!!!
mas masaya ata ang nomnoman pag nasa 15-30 years old ka. Pag kasing tumanda ka na at may kanya-kanya na kayong buhay, everybody have an alibi. hindi makumple-kumpleto ang samahan. :(
ReplyDeletehahahaha
ReplyDeletelola techy: like like like.
ReplyDeletenakarelate naman ko ng sobra. siguro ganyan na pagtumatanda na ang barkada. may sariling mga priorities na. kakalungkot isipin.
naksss....nawala ang atensyon ko sa post...nasa picture lang...bwahahaha... :D
ReplyDeletekaya nga daw mas masarap daw ang alak kay sa gatas...
sabi kasi:
Ang ALAK, maz ok p sa GATAS, mas naka2wla p ng problma, tpos mnsan, Libre lang... Eh ang GATAS?! meron n bang nag treat ng gatas? at nagsabing "Tara tol! Dede tayo! O kaya eh, Tol, tara. Hanap tayo ng madedede!" Pwede din kaya yung, "Padede ka naman tol! Birthday mo eh?" O kaya, "Tol, sabhn mo sa syota mo, Padede siya!Monthsary n'yo ah?" hahahah!!!
kaya nga gustong-gusto ko yung tagline mo na "dahil ang malisya ay nasa isip lamang"...
ReplyDeletepero mas ayuz din kung "ang malisya ay hindi lang dapat nasa isip lamang, ginagawa din dapat paminsan-minsan"... ahehehehe... :D
sa palagay ko lang pre ah, nahihiya na sigurong lumapit sayo ang mga yan, pero subukan mong sila ang lapitan mo at ayaing uminom, balik sa dati ang samahan...
ReplyDeleteUy! nag-rereminisce c koyah? Lolz!Pero sadyang masarap nga ang mga ganun tunggaan...msrap sariwain ang ganung samahan...sadyang walang katulad ang ganun sa Pinas...lalo na yung share share ng laway sa iisang baso lolz!
ReplyDeleteNalaman ko lang yung saying na yan sa inuman last month, hahaha! pero natawa ako, tama ka ang malisya ay nasa taong nag-iisip, sabi nga sa banner mo.
ReplyDeleteSiguro ganun talaga kapag nagkaron na ng trabaho ang bawat miyembro ng barkada. May iba-iba na kasing priorities kaya ang hirap na mabuo. Kaya ako pag may chance hindi ko talaga pinpalampas dahil sa barkada namin, ako ang madalas na wala.
May kilala din akong magkakaibigan na ganyan. Patak-patak para maka-inom. Mga adik, minsan ang iinumin Gin, tapos beer and chaser. hehehehe, pero sila madalas pa rin magsama-sama.
Sana mabuo ang iyong barkada para makapagbalik-tanaw kayo sa masayang ala-ala.!
"baligtaran pa nga kami ng bulsa para lang lumabas ang pambili!"
ReplyDeleteTakte, di ko inasahang matatawa ako rito ah^^
namiss ko yang mga ganyang inuman!!ganyan din ang sentimyento ko..kakamiss yung dating inuman =(
ReplyDelete