pektyur pektyur! ismayl!!!!

13.10.11

sa bawat pagdapit-hapon

"wala na si nanay... di na nya nakayanan ang paghihirap nya..."

sa gitna ng paghagulhol yan ang ang buhol-buhol na mga salitang nasambit nya sa akin..

nablanko ako sa mga binitiwan nyang salita... hindi ko inasahan... hindi ako sanay sa ganito...

alam kong kelangan nya ng mapaghihingahan, ng masusumbungan at ng makakausap sa sandaling ito. wala akong mahagilap na salita para pagaanin ang kalooban nyang alam kong lubos ding naghihirap ng mga sandaling iyon. wala rin naman akong magawa kasi milya milya ang layo ko sa kanya. kung nasa tabi lang sana nya ako ay hahayaan kong lunurin nya ng kanyang mga luha sa pagtangis ang balikat ko, baka kahit sa ganong paraan e maibsan man lang ang bigat ng kanyang kalooban.

" tahan na... ayaw nyang makita ka ding nahihirapan di ba? kung kelangan mo ng makakausap o makikinig sayo, andito lang ako...."

mahirap para sa kanya dahil kausap lang nya ang nung nagdaang gabi ang kanyang inang nararatay sa sakit nitong unti unting pumapatay sa kanyang katawan. mahirap dahil araw araw nyang nalalaman na palala na nang palala ang kundisyon ng kanyang pinakamamahal na ina. mahirap para sa kanya na umasa na madudugtungan pa ang buhay ng kanyang ina, kung mismong ang kanyang sariling ina e sumuko na rin, at kung ang ama nya rin ay nawala na ng pag-asa at sa halip ay palaging ipinapaliwanag sa kanya na konting araw na lang ang nalalabi para makasama nila ang kanyang ina...

mahirap sa kanya dahil nasa ibang bansa sya.

malayo sya para mayakap ang kanyang ina at makasama sa mga huling sandali ng kanyang buhay. masakit dahil kahit gustong gusto na nyang umuwi para makapiling ang kanyang ina, kelangan nya pa rin magsakripisyo sa malayo para may pantustos sila sa gamutan ng kanyang ina.

"nay, pagaling ka ah? malapit na akong umuwi... ako naman ang mag-aalaga sayo ha? kagaya ng pag-aalaga mo sa kin noon pag nagkakasakit ako di ba?... pagaling ka ha? hintayin mo ang pag-uwi ko..."

mga katagang kanyang binitiwan sa huling pag-uusap nila ng kanyang ina. walang nakakabatid na iyon na pala ang huling pagkakataon para mapaabot ang pagmamahal nila sa isa't isa. kung alam lang sana nya, disin sana ay hindi na lang natapos ang pagkakataong iyon...

" sayang lang kasi di ko man lang sya inabutan, di ko man lang sya nayakap, naihatid o nakita man lang... sana man lang naalagaan ko sya sa mga huling sandali... sana man lang nakahingi ako ng tawad at nakabawi sa lahat ng mga ibinigay kong sama ng loob noon sa kanya.. sana man lang....."

totoo, walang anumang paalam ang madaling tanggapin ng kalooban, lalo pa at alam mong iyon na ang huling sandali nyong magkakasama. walang katumbas na sakit ang pagkawala ng isang mahal sa buhay. pero hindi naman doon natatapos ang lahat, kelangan pa din nating ipagpatuloy ang ating sariling buhay. nawala man ang kanyang pisikal na presensya, habambuhay nang mananatili ang kanyang mga masasayang alala. di naman sila nawala, andyan lang sila, di man natin sila nakikita pero patuloy lang silang gumagabay at sumusubaybay sa atin.

credits


Don't strew me with roses after I'm dead.
When Death claims the light of my brow,
No flowers of life will cheer me: instead
You may give me my roses now!
Thomas F. Healey




an_indecent_mind

11 comments:

  1. :( naka-relate ako ng sobra :( nakita ko yung sarili ko habang binabasa ko tong post mo..naalala ko ang mama noon :( hayzzz..

    sobrang hirap ng ganyang sitwasyon. wala kang magawa dahil malayo ka. kaya sa may mga nanay pa jan..alagaan nyo sila. ipakita nyo at iparamdam na mahal nyo sila at ang bawat araw eh mahalaga lalo na kapag magkasama kayo.

    sensya na..napa-emo bigla. goosebumps kaya ako nung binabasa ko toh! tsk.

    ReplyDelete
  2. naiiyak ako, babalik nlang ako pag may matinong comment na ko

    sorry.

    Bahaghari

    ReplyDelete
  3. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  4. naalala k ung pagpanaw ng mama ko. no one can imagine how many sleepless nights i spent. nalungkot ako sa kwento

    ReplyDelete
  5. marami na ring mga mahal sa buhay ang lumisan nang hindi ko nakausap muna bago man tuluyang umalis. lalo na yung lola ko na masyado ko'ng ka-close. ang hirap talaga magpaalam nang tuluyan, sobrang masakit. pero sa kabilang banda, ok na rin kasi hindi na sila maghihirap sa pinagdaraanan nila. pahinga na talaga nang lubos...

    ReplyDelete
  6. Nakakaiyak naman to kuya.
    Mahirap talaga malayo sa mahal mo sa buhay especially sa ganitong situation. It is when you know where you're supposed to be pero your circumstances binds you to where your at. And ooh, a goodbye is never painful unless you're never going to say hello again.
    Namiss ko tuloy si Dad.

    ReplyDelete
  7. kamamatay lang ng lolo ko nung isang buwan.. at alam ko kung pano nasaktan ang nanay ko sa mga pangyayaring yun... lalo na at huli nilang pagkikita ay isang linggo bago siya nagpaalam..

    nalulungkot ako sa post mo :(

    ReplyDelete
  8. iba talaga epekto kapag namatay ang mahal natin sa buhay. ibang kirot ang nararamdaman natin.

    ReplyDelete
  9. Pwede bang buntong hininga na lang ang i-comment ko?

    Haaays.

    Ambigat naman kuya.

    ReplyDelete
  10. ouch naman. ang hirap naman nito.

    sana okay lang siya.

    ReplyDelete

huwag ka nang mahiya, isigaw mo yan!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails