Is this the life you have pictured of yourself when you were
still young?
Is this the path you were supposed to take to live with what
you’ve wanted since?
What have you actually done to realize your dreams?
Punumpuno tayo ng mga pangarap nung mga bata pa tayo, mga
bagay na dapat gawin, mga lugar na gustong puntahan, madami tayong gustong
patunayan sa ating sarili, masumpungan ang mga bagay na alam nating may
kapasidad tayong makuha, makasama sa buhay ang taong nakalaan sa atin..
Pero di naman pala kasi ganun kasimple ang buhay.. Noong
bata pa tayo, wala naman tayo magagawa dahil
kung ano ang gusto ng mga taong nakapaligid sa atin e yun ang madalas na
nasusunod. Kung ano ang mas makakabuti sa nakakarami sa ating pamilya, yun ang
mas nauuna nating maisip...
Common people like us were born with lots of complications
and most of the times we are just driven by forces against our will.
Madalas nating inasam na sana dumating ang pagkakataon na
pwede na tayong magdesisyon para sa mga sarili natin. Pumili ng kung ano at
sino ang talagang gusto natin, nang walang nagdidikta.. Yung tipong sarili lang
natin ang ating iisipin.. kahit isang araw lang.. yung walang anumang iisipin
sa muling pagmulat ng mata sa kinabukasan..
Kung di mo naranasan ang lahat ng mga kumplikasyong ito,
napakawerte mo kaibigan..
Pero eto ngayon may tamang pag-iisip ka na at may kalayaang
pumili pero asan ka na nga ba? Ito ba
ang buhay na pinangarap mo noon? Ginawa mo ba ang lahat ng pwedeng gawin para
matupad mo ang gusto mo?
Minsan kasi, masyado lang nating ginagawang kumplikado ang
mga bagay na gusto nating gawin.. Nasubukan mo na bang kausapin at humingi ng
opinyon sa mga paslit? Minsan marerealize mo may punto din nga sila, na simple
lang ang problema, simple lang ang solusyon.
Ang isang malaking problema nga lang siguro, sa dami na ng
mga napagdaanan natin, takot tayong sumubok humakbang at magkamali.. kaya
nagkakasya na lang tayo sa isang sulok na nakasanayan na natin. Hanggang sa yung
mga pangarap natin nagsisilbing palamuti na lang sa sulok ng ating isipan. Kaya
eto araw araw na lang tayong palaging kulang, palaging umaasam sa isang bagay
na di natin magawang tikman..
Sa madaming pagkakataon, nasambit mo na siguro na, “sana
simple lang ang buhay..”
Pero sino ba ang nagpapagulo at ginagawang kumplikado ang
lahat? di ba tayo din mismo?
Madami kang gustong patunayan.. pero ano ba ang ginagawa mo
ngayon?
Nasubukan mo na bang humakbang?
an_indecent_mind