pektyur pektyur! ismayl!!!!

24.3.12

chasing pavement




Is this the life you have pictured of yourself when you were still young?

Is this the path you were supposed to take to live with what you’ve wanted since?

What have you actually done to realize your dreams?

Punumpuno tayo ng mga pangarap nung mga bata pa tayo, mga bagay na dapat gawin, mga lugar na gustong puntahan, madami tayong gustong patunayan sa ating sarili, masumpungan ang mga bagay na alam nating may kapasidad tayong makuha, makasama sa buhay ang taong nakalaan sa atin..

Pero di naman pala kasi ganun kasimple ang buhay.. Noong bata pa tayo, wala naman tayo magagawa dahil  kung ano ang gusto ng mga taong nakapaligid sa atin e yun ang madalas na nasusunod. Kung ano ang mas makakabuti sa nakakarami sa ating pamilya, yun ang mas nauuna nating maisip...

Common people like us were born with lots of complications and most of the times we are just driven by forces against our will.

Madalas nating inasam na sana dumating ang pagkakataon na pwede na tayong magdesisyon para sa mga sarili natin. Pumili ng kung ano at sino ang talagang gusto natin, nang walang nagdidikta.. Yung tipong sarili lang natin ang ating iisipin.. kahit isang araw lang.. yung walang anumang iisipin sa muling pagmulat ng mata sa kinabukasan..

Kung di mo naranasan ang lahat ng mga kumplikasyong ito, napakawerte mo kaibigan..

Pero eto ngayon may tamang pag-iisip ka na at may kalayaang pumili pero asan ka na nga  ba? Ito ba ang buhay na pinangarap mo noon? Ginawa mo ba ang lahat ng pwedeng gawin para matupad mo ang gusto mo?

Minsan kasi, masyado lang nating ginagawang kumplikado ang mga bagay na gusto nating gawin.. Nasubukan mo na bang kausapin at humingi ng opinyon sa mga paslit? Minsan marerealize mo may punto din nga sila, na simple lang ang problema, simple lang ang solusyon.
 
Ang isang malaking problema nga lang siguro, sa dami na ng mga napagdaanan natin, takot tayong sumubok humakbang at magkamali.. kaya nagkakasya na lang tayo sa isang sulok na nakasanayan na natin. Hanggang sa yung mga pangarap natin nagsisilbing palamuti na lang sa sulok ng ating isipan. Kaya eto araw araw na lang tayong palaging kulang, palaging umaasam sa isang bagay na di natin magawang tikman..

 Sa madaming pagkakataon, nasambit mo na siguro na, “sana simple lang ang buhay..”

Pero sino ba ang nagpapagulo at ginagawang kumplikado ang lahat? di ba tayo din mismo?

Madami kang gustong patunayan.. pero ano ba ang ginagawa mo ngayon?

Nasubukan mo na bang humakbang?





an_indecent_mind


 

5 comments:

  1. that's exactly what i feel currently. there a lot of things i wanted to do yet dahil sa health ko its impossible kong magawa. i am trying to move my feet forward pero kahit ang pagtayo di ko rin naman magawa. hays =(

    ReplyDelete
  2. im glad wala pa naman akong pinagsisisihan sa buhay ko dahil sa di ko ginawa yung gusto ko. mahirap lumayo sa comfort zone mo pero its all worth it. kahit pa nga di ka magtagumpay masaya pa rin kasi wala kang pagsisisihan sa huli

    ReplyDelete
  3. I was once in this position... very sad and empty.
    i suggest you seek for a life mentor.. like what i did..
    and take a rest... :)

    ReplyDelete
  4. saktong sakto!\m/

    I am in this stage right now, yung tipong hindi masagot ang tanong na "ano ba talaga ang gusto mo?" or "saan ka nga ba patungo?" walang direction... always in the comfort zone, stagnant as I may say...but one day siguro if I find the courage to take a leap of faith then that would be the happiest of me.

    ReplyDelete
  5. we had just done this, isang matinding hakbang na magbitiw sa trabaho at di sigurado kung ano ba ang kakaharapin namin pagbalik sa pinas. pero mabait si Bro. we know things will be a lot better :)

    ReplyDelete

huwag ka nang mahiya, isigaw mo yan!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails