pektyur pektyur! ismayl!!!!

16.2.09

tinimpla ka ngunit kulang

Tinimpla ka ngunit kulang

Kulang sampung minuto, nagmamadali ako sa paghahalo ng aking agimat sa loob ng aming pantry… Kelangan ko ito, para manatiling buhay ang aking isipan at dilat ang mata..

Nagmamadali ako sa mesa ko, inaayos ang mga gagamitin kong kalasag at espada, para sa aking susuunging laban.

Sinimsim ko ang aking agimat.. di ko nalasahan, masyado yatang mainit… ikalawa, ikatatlong lagok… wala yata akong panlasa… unti-unti kong naliwanagan at natanggap na wala ngang lasa ang aking agimat… gusto kong magbalik sa pinanggalingan kong silid, para maretoke ang lason na ginawa ko para sa aking antok… wala nang oras!!

Ano pa ba magagawa ko?? Inisip ko na lang na napakasarap at napakabango ng pagkakatimpla ko ng aking agimat.. na nanunuot sa aking ilong ang aroma.. ginigising ang buo kong pagkatao…
isa, dalawa, tatlo hanggang lima pang lagok… tuluyan ko nang pinagsinamantalahan ang init nya na nakahain sa aking harapan… pagkatapos ay nagmamadali ko siyang nilisan..

Kulang-kulang dalawang oras, mula sa pagkakapiit sa maingay na kuwartong iyon, nakabalik na ako sa mesa ko. Nagkatinginan kaming dalawa; siya na kani-kanina lang ay dinampian ko ng aking mga labi at sinimsim ang katas at bango… di ko pala sya nasaid.. pero ko di na ulit siya kayang pangahasan, nadala lang ako ng silakbo ng aking damdamin at pansariling interes kaya ko nagawa yun sa kanya kanina..

Pasalamat na rin ako, ginising nya nag aking diwa at iminulat ang aking isipan..

Pangako ko sa aking sarili, aayusin ko na ang timpla ng aking kape sa mga susunod na pagkakataon..

6 comments:

  1. Adik sa kape?..lolz

    Unang hirit nyo pa lang alam ko na tinutumbok nyo..hehe

    Pasyal po kayo sa ibang site para makakilala kayo ng mga totoong astig sa blog.;)

    cheers!

    ReplyDelete
  2. ahehehe...mga adik kayo sa kape...sama na si dylan...ako dn pala...ahahaha

    salamat sa pagbista... :)

    ReplyDelete
  3. @ dylan:

    Wahahaha!! d po ako adik sa kape.. pag kelangan lang...

    cge, makikigulong na lang din ko sa iba blog...


    @supergulaman:

    salamat sa komento..

    d ako adik sa kape, alakkk paaaa!!!

    hahahaha!!

    ReplyDelete
  4. sabi na kape e hehehe...
    masarap talaga ang kape as in super bango pa..
    sa sobrang adik ko sa kape iced_coffee ang ym id ko kaya tawag nila sa akin kape! pero pinipigilan ko na sarili ko sa drink na yan pano di pa nga ako nakainom di na ko makatulog how much more kung nakapagkape pa ay kawawa naman skin ko hehehe.. o dba lakas ng trip ko dito ako nagcomment sa old post.. :P

    ReplyDelete
  5. di ka lang adik sa kape, adik ka rin magkomento... wehe! umpisahan ba sa simula? wehehe!

    ako, pinipigilan ko ang kape... hanggat maaari!

    ReplyDelete

huwag ka nang mahiya, isigaw mo yan!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails