pektyur pektyur! ismayl!!!!

6.3.09

Ako, si Sadik at ang Half Moon Beach


E ano ba pakiramdam ng “mapick-up”?



Oo, “pick-up”, as in from someone na naghahanap ng panadaliang aliw o kahit anong paraan para mairaos ang kanilang sexual urge and needs…



Most of us, guys, regardless of his marital status would probably feel proud and will consider it an ego booster if an oozing girl would approach us and publicly show her sexual intention. But in real life, the probability of occurrence of this situation is very minimal, and it’s the other way around.



But, pano kung a certain homosexual will blatantly approach a guy and manifest his sexual urge? In a very little percentage, some may think that the guy possesses some good looks and sex appeal, maybe not that bad impression at all.



But, what if a straight-looking, well-built body and bearded male pig, suddenly stopped and offered sex with a person of same gender in a well-demonstrated way? Ano naman ang pagkakaiba? Malaking pagkakaiba, nakakatindig balahibo!



Sa atin un, sa Pilipinas…


Pero, dito sa lupain ng mga Arabo sa Middle East, “normal” pala talaga itong nangyayari..


Nakakatawa kung iisipin, pero totoo nga palang nangyayari… Kaya pala tinawag nila ang Saudi na “gay’s heaven”.



Mula noong dumating ako dito sa Saudi Arabia, di lang ilang beses akong tinigilan ng sasakyan at kawayan ng isang Saudi Lokal. Sa isang ignorante o bagong salta sa bansang ito, natural lamang na kumaway rin ako o mag-ukol ng pansin kapag ako ay kinawayan (nakagawian ko na rin siguro sa pinas). Na-realize ko na lang na ang inaakala kong simpleng kaway ay meron palang “makamundong kahulugan” at isa palang paanyaya.



Kung bakla ka, malamang kiligin ka… ngunit pano kung hindi? Kung nasa pinas ako, sa mga ganung pagkakataon, malamang nakapagbigay agad ako ng “dirty finger” sabay dampot ng isang malaking bato at naibato na agad sa salamin ng kanilang kotse. Ngunit, wala ako sa pinas. Andito ako sa Saudi sa ilalim ng kanilang batas, na ang simpleng gagawin kong pagmumura ay pwede kong ikakulong ng ilang buwan na may kasamang latay.



Naaalala ko ang pagbibiruan naming mga magkakaklase nuong high school, gayundin ang aking mga kabarkada, panahon ng kalokohan, panahon ng unti-unting pagkamulat sa sex. Sa isang pabirong ekspresyon, karaniwan naming tinutukoy ang sex sa pagturo ng aming daliri at pagdutdot nito sa aming palad. Minsan, kung makikipagkamay kami sa kapwa namin lalake ay hinahaluan namin ng mga birong ganito, di ko pa naranasang magbiro ng ganitong klaseng biro sa isang babae, malamang sampal ang abutin ko.



Ngunit, dito sa Saudi, sa aking minsan pamamasyal sa isang malaking mall na karaniwang pinupuntahan ng mga lokal, may nakasalubong akong isang grupo ng kabataang Saudi, bumati sa akin at nakipagkamay – na may halong “pagdutdot” sa palad ko. Nagulat ako.Nakakatawa sa una, pero mukhang may halong pahiwatig ng kamanyakan mula sa kanya, hindi lang pala isang biro! Nakakapanindig balahibo!!



One of most unforgettable experience, sa half-moon beach along with my colleagues from my company here in Saudi. Habang nag-iihaw kami, may aali-aligid na sasakyan ng isang Saudi Lokal. Tipikal na itsura, balbas-sarado, malaking tao… Pakaway-kaway sa amin, nakailang ikot ng sasakyan nya. Binibiro ko pa mga kasama ko, sabi ko natitipuhan ata sila. Bumaba sa kanyang sasakyan ang mokong, nakiusyoso sa niluluto namin. Umikot ulit ang sasakyan, at bandang huli, di na nakatiis, tinatawag ako, ako pala ang puntirya ng gago! Todo-todong kantyaw ang inabot ko sa mga kasama ko.



Sabi ko nga sa kanila, kung nasa pinas lang kami, kung saan hindi ako makukulong dahil sa pakikipag-away at pagmumura, malamang basag agad ang salamin ng sasakyan nya.



Base sa ilang artikulong aking nabasa, itinuturing na “normal” sa isang saudi lokal na lalaki ang maghanap ng “outlet” ng kanilang sexual needs kahit na sa isang kapwa lalake, sa kadahilanang hindi naman sila pwedeng basta na lang humanap ng babae. Itinuturing lang daw nila itong part of growing up, at darating ang panahon na malalagpasan din nila ito. Pero meron din pala silang tinatawag na “TOP” at “BOTTOM”, pertaining to their sexual acts with same sex. Syempre yung top, as dominant and giver, they still consider it masculine. Bottom is the opposite, sya un receiver, which is also commonly referred to as gays.



As explained by Nadya Labi on her article THE KINGDOM IN THE CLOSET, she pointed out,



”But what seems more startling, at least from a Western perspective, is that some of the men having sex with other men don’t consider themselves gay. For many Saudis, the fact that a man has sex with another man has little to do with “gayness.” The act may fulfill a desire or a need, but it doesn’t constitute an identity. Nor does it strip a man of his masculinity, as long as he is in the “top,” or active, role. This attitude gives Saudi men who engage in homosexual behavior a degree of freedom.”



Nakakatawa at nakakatakot ang normal na mga pangyayaring “indecent proposals”. Nakakatawa dahil kikilabutan ka kung iisipin mong mabuti. Nakakatakot dahil totoong may napapagtripan na mga pinoy, basta na lang isinasakay sa kotse at ginagahasa, iniiwan sa disyerto. Kaya ako, di ko kinakalimutan na mag-aya ng kasama tuwing may lakad ako, lalo na kung gabi, mahirap na!



Ang aking kaibigang tonying, mula nang dumating dito, nagpalago ng bigote at balbas. Sa takot na mapag-interesan ng mga arabo, piniling magmukhang ermitanyo na lang. Ako, di ko yata mawari ang sarili ko na ganun itsura, mag-iingat na lang ako.



Eto ang isang bahagi ng aking buhay Saudi. Buhay sa piling ni Sadik.

7 comments:

  1. kaya nga din daw uso dyan ang anal sex kasi para mapreserve ng babae ang kanilang virginity bago ang kasal eh sa pwet na lang..hihihi

    kamusta naman yung nagyaya sayo..pinagbigyan mo ba?hihihi dyowk!

    ReplyDelete
  2. @ pokwang:

    gusto ko nga sana kaso gusto e sa loob lang ng pick-up truck nya.. may tabing lang na panyo... hahahaha!! cheap!!!

    d naman ako kaladkaring lalaki... wahahahha!!

    salamat sa pagdaan!

    ReplyDelete
  3. The "L" word lang pala ang tawag doon. OMG! Normal lang sa kanila maghanap ng outlet kahit same sex? Asus!

    Sa babaeng Arabo (Araba ba tawag?) may ganyan din kaya na naghahanap ng mga tibo para masatisfied yung sexual needs?

    ReplyDelete
  4. @ mike avenue

    di ko din alam, di ko pa din sinubukan na makipagtinginan sa knaila e, kabilin-bilinan na rin sa akin ng mga katrabaho ko noong dumating ako dito. pwede ka na rin kasing ipahuli sa mga "mutawa" (religious police.

    di hamak na paniniwalaan ang mga babae kaysa sa mga lalaki...

    ReplyDelete
  5. totoo nga talaga na nangyayari yan dito sa saudi? sad to say meron mga lalaki at pati babae na pumapatol sa mga ganun.. good to know ur not one of them.. nakakatakot sila no? one time nakasakay ako sa dabab sa red sand bigla na lang may humarang na sasakyan sa harap ko at nagbukas ng salamin. Ipinakita ang pera na ginawang parang pamaypay! Goodness! kala naman nila sa lahat ng expats cheap.. natakot ako buti na lang dumating yung mga kasama ko kaya umalis na rin sila... grabe to think mga binatilyo pa lang yun... nasa saudi ka pa rin ba ngayon? dito pa lang kasi ako sa april post mo e hehehe..di bale to be continued na lang muna ang reading...sleep muna ako.. o dba ginawa kong teleserye ang blog mo hehe... ingatz sa namimick-up :P

    ReplyDelete
  6. Hahaha! Naalala ko tuloy nung umuwi ang tatay ko galing Saudi--parang ermitanyo nung umuwi, kse nga daw ayaw nyang malapa ng bwitre sa disyerto. Eh bata pa ako noon, akala ko totoong buwitre ang lalapa sa kanya--ibang malaking ibon pala! eheheh!

    ReplyDelete
  7. gwapo mo ser, lapitin ka. haha!

    ReplyDelete

huwag ka nang mahiya, isigaw mo yan!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails