pektyur pektyur! ismayl!!!!

31.10.09

tulo

Lahat sila ay nagulat at halatang nais magtanong kung ano ba ang totoong nangyari sa akin.

Sa totoo lang, walang nag-akala na tatamaan ako nitong sakit na ito dahil alam naman nilang sobrang ingat ko. Ang di ko lubos maisip, bakit ako lang? Bakit sila na mga kasama ko sa mga nagdaang gabi e hindi naman? Hayun nga sila o, tawanan lang nang tawanan! Di maubos ubos ang kwento ng mga gago! E ako, nagmumukmok na nga lang dito sa mesa ko, panay kantyaw at sari-saring pang-aalaska pa rin ang inaabot ko. Asar-talo!

Di ko naisip na kahit nag-iingat ako e pwede pa ring mangyari sa kin ang isang bagay na hindi gugustuhin ninuman. Hindi naman ako naging pabaya kung yun ang iniisip ng iba sa akin. Sadyang di lang naiwasan ang maraming nagdaang pagkakataon.

Bukod sa mahirap, e syempre nakakahiya din namang talaga. Di ko magawa ang mga bagay na gusto kong gawin at di ako makakilos ng normal. Lagi akong nasa toilet, di mapakali. Syempre, sa mga pasimple kong kilos at sa pananalita, nahahalata na rin ng iba kong kaopisina. Nakakahiya!

Alam ko naman kung paano gamutin ito. Pero bakit parang masyadong matagal na yata kaysa normal? Di ko na tuloy maiwasang mag-alala.

Siguro nga, masyado nang laspag ang aking katawang lupa nitong mga nagdaang ilang linggo, masyado ko kasing sinasagad. Humina tuloy ang aking resistensya para basta na lang tamaan ng ganitong nakakairita at nakakahiyang sakit.. Sana bukas paggising ko, medyo ok na ako at guminhawa naman kahit konti ang pakiramdam ko. Mahirap! Masakit! Nakakahiya!

Nyetang tumutulong ilong to! Sumabay pa sa makating ubo at gasgas na tonsil ko! amf!!

WANTED: “nar-es na may mapagkalingang kamay”

16 comments:

  1. nar-es?? aww sipon. auko rin nian. eto tissue oh :]

    ReplyDelete
  2. @ tsenn

    nar-es.. di mo gets?

    penge tissue... patapos na po.. nagsarado na ang ilong ko.. konti na lang ang tumutulo... yun nga lang, di na ako makahinga! parusang totoo! amf!

    ReplyDelete
  3. @ IYA_KHIN

    naku... mukang mas kelangan mo ng tissue kasi iyakin ka ata? wehehe!

    wala nang tumutulo, pero mas mahirap pala! amf!

    ReplyDelete
  4. Akala ko me birds flue ka...

    yung bird mo may flue.. buwa ha ha ha ha

    alkapon is back!

    ReplyDelete
  5. akala ko yung tulo na tulo..hahaha anyway..eto po tissue..pagaling ka po..^__^

    ReplyDelete
  6. hi...


    nagulat ako. but actually naging interesado ako sa tulo mo.


    hahaha

    ReplyDelete
  7. @ ALKAPON

    mahirap ata mangyari ung iniisip mo pre... hampasibol!! wehehe!

    huwelkam bak!

    ReplyDelete
  8. @ SUPERJAID

    malapit na po... di na tumutulo... salamat sa tissue!

    ReplyDelete
  9. @ DYARISTA

    nayari ka no? wehehe! salamat po sa pagdaan!

    ReplyDelete
  10. ako din tinamaan ng lintek na tulo na yan! ako may mapagkalingang kamay pero hindi nar-es!! ahahaha

    ReplyDelete
  11. @ POKIE

    nahawaan ka? papagaling na ako, onti na lang..

    kaw din pagaling ka!

    wehe! anong klase naman un mapagkalingang kamay mo??

    ReplyDelete
  12. wahahaha, kako na may punchline to eh hehehe. pero akala ko tenga mo natulo tol!

    ReplyDelete
  13. @ YIN

    mahirap ata yun pag tenga na ang tumulo... ewwww!!

    ReplyDelete
  14. Akala ko kung ano na yan! Wehehe. Magvitamins ka para hindi na mashadong sipunin. :D

    ReplyDelete
  15. @ ANGEL

    vitamins? hmmm... kulang lang siguro ako sa tulog?

    ReplyDelete

huwag ka nang mahiya, isigaw mo yan!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails