di ko maiwasang mangiti tuwing maririnig ko ang countdown sa tv tuwing umaga sa aking paggising… ipinagbibilang nila ako! at syempre pa araw-araw na nadadagdagan ang aking pananabik…
oo, malapit na akong umuwi!! masyado silang excited magbilang! ang totoo, maraming tulog pa.. pero, mabilis lang talaga ang paggulong ng araw. halos di ko nga namalayan na makaka isang taon na naman pala ako dito!
oo, malapit na akong umuwi!! masyado silang excited magbilang! ang totoo, maraming tulog pa.. pero, mabilis lang talaga ang paggulong ng araw. halos di ko nga namalayan na makaka isang taon na naman pala ako dito!
at dahil sa nalalapit na ang aking bakasyon… unti-unti ko nang sinasariwa sa aking alaala ang mga super namimiss ko nang pagkain. at eto ang mga pinaglalawayan ko ngayon pa lang…

2. Tokneneng/Kwekwek - nami-miss ko na ang pagcommute sa lrt recto station.. andun ang samu't saring tindahan ng street foods na wala sa street.. may isa pa, yung "tukneneng na balut" sarap nun! with suka, asin at sweet and chili sauce... hmmmm...


6. Pansit Habhab - eto talaga ang pansit na kinalakhan ko na sa aming probinsya. madalas ko itong hinahanap hanap lalo na ngayon. tradisyonal na paraan ng pagkain nito ang hindi paggamit ng kutsara o tinidor, kelangan mo syang kainin sa dahon ng saging gamit lang ang iyong bibig. the best kung may sukang maanghang!






14. Bopis - sa totoo lang, di ko pa rin maalis ang aking sarili sa pagkaadik sa bopis kaya kahit andito ako tyaga ako sa beef bopis... pramis! babawi ako pag-uwi ko! sarap kaya nyan sa kaning lamig o kaya sa hot pandesal! yum yum!

15. pinangat na laing - lumaki akong laging nakakatikim neto, lalo na noong di pa nagpunta ng esteyts ang aking mahal na lola... isa sa pinakamasarap na laing na natikman ko ang kanyang luto. hindi ko alam kung anong sikreto ng kanyang gata, pero basta hinahanap hanap ko yun... at irerequest ko talaga sa pag-uwi din nya sa bakasyon ko! (ngayon pa lang naglalaway na ako... wehehe)
16. Pritong tuyo - masarap na kaulam ng pagkasarap sarap na daing.. da best din sa champorado.. o kahit sa simpleng mainit na kanin... wag kalimutan ang sawsawang suka.. hmmmm...
17. longganisang lucban - eto ang siguradong niluluto pa lang e nagugutom at naglalaway ka na! mantika pa lang ulam na! sarap!

18. ice cold beer - pero hindi yang nasa taas... dahil yan ang pinagtitiisan ko dito... yan ang NAB (Non-Alcoholic-Beer)... syempre eto naman ang gusto kong sumayad sa tigang na lalamunan ko...

19. chicharong bulaklak - at syempre ito ang masarap pulutan sa nagyeyelong beer, ang malutong at pampahighblood na chicharong bulaklak! ihanda na ang sukang sawsawan!
20. sizzling PORK sisig - pulutan o ulam, hindi ko ito uurungan! konting piga ng kalamansi, konting durog ng sili, samahan ng paghalo ng itlog... yum yum yum!!
21. crispy pata - syempre di ito papahuli sa listahan ng mga pinaglalawayan ko! malutong na malutong at mainit sabay sawsaw sa pinaghalo halong toyo, ketchup, kalamansi, sibuyas at sili! perfect pampaalta -- crispy pata!
23. inihaw na pusit - eto ang hindi ko mapigilang lingunin at singhot singhutin sa tuwing madadaanan ko... ambango! kakagutom!

24. mangga at bagoong - syempre hindi yan mawawala sa listahan ko... daig pa ang naglilihi... kakapangasim!
25. santol - hindi naman ako masyadong mahilig sa santol, pero kapag naiisip ko yung asin na may kahalong dinurog na sili, naglalaway talaga ako...

at syempre... sa tagal kong nawala, eto ang pinakana-miss ko ng sobra....

wag kang mag-isip ng kung ano..
nami-miss ko lang ang aking kumot, kama at unan! wahahaha!!
at kagaya ko.... maglaway ka din!! wehehe!
salamat sa mga pektyur:
photobucket/flikcr / goggle
:( nakakamiss...
ReplyDeleteano yung betamax, sencia na po na curious lang ako may pagkain pa lang appliances hehehe...(joke) seriously, ano nga?????
ReplyDeleteKailan ang bakasyon mo, nakaka-homesick naman ang mga pictures, maliban sa huli kasi andito ang misis ko hahahahaha, may kaagaw ako sa unan at kumot hahahaha.
ReplyDeletetol nagutom naman ako at naglaway sa mga pinakita mo yung manga at bagoong ang namiss ko ng husto at yung kama at unan.
ReplyDeletehayyyy nakakaingit ka naman lapit na bakasyon magpakatay ka ng baboy at magpakain sa tao thanksgiving sa mga blessings na natatangap mo.
yum yum yum!
ReplyDeletenung friday meron ditong dinuguan with puto and bopis..buti di ako inatake ng GERD sa anghang ng bopis..wehehe dapat dumayo ka rito kahit na gate crasher ka indi.. :P
MMM.... ok na sana haha! Biglang may beer, chocnut at ka-L-an LOL! lusot ka pa kumot at unan haha!
ReplyDeleteApat pala paa mo pre? lollzzz
ReplyDeleteButi ka pa malapit na, ako next year pa :(
nakakagutom naman to kuya..yung manga at bagoong alamang lang naman ang namiss ko kasi mahal ang manga ngayin eh..^__^
ReplyDeleteWow, nakakamiss naman ang mga Pinoy food na yan. Ikain nyo na lang po kami pag umuwi kayo... lalo na yung crispy pata!!! :)
ReplyDeleteaw, kakagutom!
ReplyDeleteAng sarap kumain!!!
ReplyDeleteheytyu ginutom ako,huhuhu
ReplyDeletewalang tatalo sa pagkaing pinoy..pinaka gusto ko..pagkaing kalye...isama mo pa ang 1day old chick na sobrang lutong sa pagkakaprito,hihihi
kainis ka. hindi ko kinaya to :(
ReplyDeletedont worry dude, punta ka lang sa Planet Pansit, sarap ng habhab at chami nila dun. Lalo ng dinuguan served w/puto. yummmmmmiiiiiii talaga!!!
ReplyDeleteKala coe kung anu na....
ReplyDelete??† CeEjHaY †??
Awesome post. Thanks for sharing
ReplyDelete