pektyur pektyur! ismayl!!!!

8.11.09

sponge bob

Sadista ka kasi! Hindi sa sarili mo, pero sadista ka sa kapwa mo. Ipinanganak kang manhid at sadyang walang pakiramdam sa nararamdaman at sinasabi sayo ng mga taong nasa paligid mo. Nasanay ka na maraming taong nagpapahalaga sa yo.. Tuloy, di mo halos alam ang salitang konsiderasyon at pangunawa. Puro sarili mo na lang iniisip mo.

Pero tingin ko naman, di ka naman ganun kamanhid para di mo mapansin ang presensya ko.. Ilang birthday mo na ba ang nakalagpas sa akin? Wala. Ilang txt mo ba ang hindi ko nireplyan? Wala din. Ultimo smileys mo at wehehe, nagrereply pa rin ako. Kelan ba kita nahindian sa bawat paglalambing mo sa akin? Wala akong matandaan. Kahit nga pamasahe na lang matitira sa akin, kahit one week allowance ko pa yun, kahit nakalaan yun sa pambili ng regalo sa gf ko, basta nagrequest ka sa kin hindi ako makahindi sayo.

Di naman ako umasa sa kahit ano dati di ba? Para lang akong engot pagdating sayo, konting atensyon mo lang at wala kang kaeffort effort napapasaya mo na ako ng todo, old school. Kulang na nga lang siguro ay maging stalker mo ako…

Pero kahit sobrang gusto kita hindi naman ako nagkalakas ng loob na umamin sa yo, muntik na sana. Kung binigyan ko ng ibang kulay yung nangyari nung gabing iyon, tumambling sana ang ikot ng buhay natin ng 360 degrees. Pero di e.

Kasi nga masaya naman ako naman ako ng ganun ganun lang, at least di tayo kumplikado. Di bale nang magmukha akong uto-uto. Di bale nang invisible ako sa paningin mo pag wala kang kailangan sakin…

Ganun ka naman talaga di ba? Naaalala mo lang ako pag nasasaktan ka, pag kelangan mo ng maiiyakan, pag kelangan mo ng sasalo sa mga tagay mo, pag wala nang aalalay sayo kapag sobrang lasing ka na, pag wala nang magdadala sayo sa kama mo, pag walang hahawi ng buhok mo at hihimas sa likod mo habang akap akap mo yung toilet bowl, pag kelangan mo ng sasandalan sa tuwing natutulog ka sa loob ng jeep. Tutor mo, tagagawa ng term papers mo, instant date pag nag-away kayo ng bf mo.. Oo, dakilang alalay mo ako, tagasuporta mo.

Sadista ka kasi! Ngayon, pati sa sarili mo.. Tapos ngayon, ngayong nasasaktan ka na ng todo todong buhos at nahihirapan sa magulong buhay na pinasok mo, sa akin ka pa rin tatakbo? Hansarap mong patayin sa hug at lunurin sa pagmamahal!!!

Ikaw kasi! Bakit kasi gustong gusto mong laging kumplikado ang buhay mo? Hindi naman kita sinisisi sa desisyon mo pero bakit damay na naman ako? bakit ako na naman ang mamomroblema kung paano natin maaayos ang buhay mo?

Ano mo ba ako? Ano ba ako sayo?

Sabi ko nga makikinig ako, pero di ko ipinangakong aayusin ko ang lahat.

Pero di pa rin kita matitiis gaya ng dati… andito pa rin ako para sa yo. Tagasalo ng hinanakit mo, tagaplantsa ng gusot ng buhay mo, Tsk!

"Kung akin ka lang, sana hindi ka ganyan. Kaw kasi."

Pero alam kong di ko sasabihin sa yo yan.. kasi dalawa lang yan, baka nga maniwala ka o kaya e tawanan mo lang ako at dagukan!

Amfufu!

25 comments:

  1. base..

    namputsa! anong drama mo parekoy? kulang ka lang yata sa jakul.. he he he

    ReplyDelete
  2. Hehehe :D Sino ba talaga gusto mo?

    ReplyDelete
  3. Hansarap mong patayin sa hug at lunurin sa pagmamahal!!!

    ahahaha...

    hirap nyan...tsk tsk

    ReplyDelete
  4. ngek! kala ko emo-happy ka?..
    Para ka palang babaeng bagyo magpalit ng emosyon indi! nyehehe..

    hmmm or emo-happy ka ba kasi after all those years tinatakbuhan ka pa rin nya?.. O di ko nagetz tong post mo na to? teka..sinong adik? ako ba o ikaw?.. :P

    ReplyDelete
  5. hay hay hay....


    padumi sa Blog mo.


    hmmm... chessy!!!!


    hahaha pero nakakarelate ako sa nararamdaman mo parekoy!

    masarap din naman mabalewala paminsan minsan. Yung tipong parang bigla kang kinurot para magising ka sa katotohanan.

    yun talaga siguro ang irony ng buhay,..

    sakit ang gigising sayo sa gitna ng iyong malapantasya mong panaginip . , , .

    ReplyDelete
  6. hmmm...emo ka ngayon ha! nadale ka ng lintik na pusong mamon na yan na meron ka pala!

    hirap talaga,pwede naman sana kayo na hindi naman pwede..gulo..nakakatorete...

    sadistahin mo nalang din, lunurin mo nalang sa balon ng iyong hugs at pagmamahal...

    ReplyDelete
  7. Couldn't help but comment. Hehe.

    How nice it'd be if she can read this post. Regardless of how complicated or how easy the situation is, masarap pa rin malaman na may nagmamahal sayo ng sobra sobra.

    Ü

    ReplyDelete
  8. I feel you! hahaha. Ang swerte naman nya!
    FYI: did you know that most of sadist are masochist! kaya ibalik mo din yung ginagawa nya...she will love it *lol*

    ReplyDelete
  9. @ AL KAPON

    huh? ano yun? pano ba yun?? wehehehe!

    ReplyDelete
  10. @ LORD CM

    sinong gusto ko?

    huh? bakit??

    ReplyDelete
  11. @ DETH

    sadya lang kasi may mga taong sadist-masochist no?!

    ReplyDelete
  12. @ MARIA JUANA

    emo happy nga...

    tas now emo freak! wehehehe!

    hanggaleng mo na ngayon makagets ah??

    ReplyDelete
  13. @ DYARISTA

    mabalewala pag di kailangan at unang maalala pag may kailangan...

    absorber.. sponge..

    ReplyDelete
  14. @ IYA_KHIN

    sadistahan pala ha... waaattttaahhhh!! wehe!

    sarap mambatok no?? para matauhan sila paminsan minsan!

    ReplyDelete
  15. @ ANGEL

    malamang alam din nya un, di naman yun pusong bakal... nasasaktan nga rin e... iyakin pa! tsk!

    pero accepted fact na naman yan, hanggang ganun lang kami..

    mahirap lang na makita mong sinasaktan ang mga taong importante sa buhay mo..

    ReplyDelete
  16. @ MISSGUIDED

    saka ko na lang gantihan, pag nakamove on na.. kawawa naman pag ngaun ko agad sadistahin! wehehe!

    kakaltokan ko na lang at sadistahin ko bulsa nya, ubusin ko allowance, makaganti ganti man lang ako! wehehe!

    ReplyDelete
  17. watda. teka uber late ako. waaah bat di mo ko binalitaan tungkol dito--

    sino umaaway sayo chuckpot? tara sugurin natin, kampi tayo di ba. bad cheetah, ako nga di kita inaaway e, haha. pero, naku naman, upakan mo na kasi. tara na, ipagtatanggol kita. ako ang iyong gladiator. muwahaha.

    ReplyDelete
  18. @ TSENNNPOT!

    honga! uber late ka as usual! nyahahaha!

    antapang mo naman... baka mamaya nyan myembro ka pala ng sayonachi?? wahahaha!!

    cool ka lang... angringkols....

    wehe!

    ReplyDelete
  19. Hindi ko mapigilang mag comment.

    Ang Cheesy!!! And I kinda like it :-D Ang hirap kasi ng ganung sitwasyon. One way lang. Hayyyyyyyyyyyy! Yun lang naman. Sana lang wag mabasa ito ng gf mo LOL

    Ingats!

    ReplyDelete
  20. kasi dapat yung mga ganyan sunggaban na yan..para wala ng palag! ahahaha

    salamat po sa pagbisita^^

    ReplyDelete
  21. @ JEPOY

    nyahaha!! wag mo akong takutin, matagal na akong takot! wahaha!

    ReplyDelete
  22. @ STORMY

    sunggaban?? hahaha!!

    pag di pumalag, ok! or... sampal na may kasamang mura at habambuhay na sumpa!

    ReplyDelete
  23. hahaha..kaw pala ang sponge bob parekoy..lols

    mahirap nga yan....pero masarap din...hahahaha

    lunurin mo na nga lang sa pag ibig yan dre ...wag ng patagalin yan...hehe

    ReplyDelete
  24. @ PAJAY

    wahahaha!! baka di muna brod, pass!

    wag nating ilagay ang batas sa ating mga kamay!

    ReplyDelete
  25. lam kong late na ang comment ko para d2 kc napadaan lang ako..naalala ko 2loy si Buddy ko..d kya ganyan rin ang nararamdaman nya sa tuwing tumatakbo ako sa kanya..hirap pla ng nsa posisyon nyo whooo..buti na lng napadaan ako d2 at nagicng sa pagkakaidlip...Nice post sobrang nakarelate ako parang kami ni buddy hahaha. TC

    ReplyDelete

huwag ka nang mahiya, isigaw mo yan!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails