pektyur pektyur! ismayl!!!!

19.12.09

all i want for xmas is??


updates:

- ilang araw nang pokus ang aking atensyon sa preparasyon ng paghand-over ng aking trabaho.. kelangan plantsado na muna ang lahat bago ako umalis.

- oo, tuloy na tuloy na ang pag-uwi ko ng pinas!! ilang araw na lang..

- nakaset na ang lahat, dumating na lahat ang mga boxes ko sa pinas nung isang araw pa.. katawang lupa ko na lang talaga ang kulang kasi pati isip ko e andun na rin! hehehe!

- malapit nang mapuno ang itinerary ko (na hanggang ngayon ay magulo pa rin) para na rin itong ngipin ni melai, na sabi nga nya e one-seat-apart! hehehe! eto, pilit pinagbabali-baligtad ang schedules, umaasang masisiksik pa lalo..

hayyyy… bakasyon ko na, pero curacho pa rin ata ako pagdating sa pinas?



---------------------


nga pala, tinanong ako ng nanay ko ano daw ba ang gusto kong matanggap na regalo ngayong pasko? mahirap na daw kasi akong bilhan ngayon kumpara noong bata pa ako.. ngayon lang ulit yun nagtanong, bigla tuloy akong kinabahan, baka kasi may kapalit yung regalo na ibibigay nya sa akin… hehehe!


nahirapan naman akong sumagot sa tanong nya! ano pa nga ba ang gusto ko?


naisip ko nga, ano pa bang mahihiling ko e “boom-boom-pow-boys-boohooss” na ang biyayang binigay ni papa jetut sa kin for this year.. and at this early, may present na ulit xa sa akin for next year! next time ko na lang kwento yun… (thanks so much papa jetut! kahit na nga seasonal na lang kung magparamdam ako sayo)


so much blessed ako this whole year, especially ng mga taong hindi nakalimot sa akin kahit na andito ako sa malayo. nadagdagan pa ng mga bago at espesyal na kaibigan mula dito sa blogosperyo. salamat sa inyo (kayo na hindi ko na kailangang pangalanan pa isa-isa) sa pagpatay nyo ng homesickness ko, sa pagbibigay ng panandaliang aliw, sa pagbibigay ng oras at atensyon at sa pagpapahalaga.. tenchu!


sa totoo lang, wala pa akong maisagot ngayon kung ano ba talaga ang gift na gusto kong matanggap, good health at peace of mind lang naman lagi ang gusto ko.. other than that, saka ko na lang siguro iisipin yun! sa ngayon, pinagkakakabalahan ko munang isipin kung ano ba ang makakapagpasaya sa mga taong nagpapasaya sa akin..


as of now, nagpapaka feeling contented, grateful and thankful na lang muna ako.. (insert my angelic halo here…) hehehe!



*pic from flickr*





6 comments:

  1. wooooow!uuwi ng pinas! pasalubong! wahahaha.


    "salamat sa inyo (kayo na hindi ko na kailangang pangalanan pa isa-isa) sa pagpatay nyo ng homesickness ko, sa pagbibigay ng panandaliang aliw, sa pagbibigay ng oras at atensyon at sa pagpapahalaga.. tenchu!"----naks.damang dama ko ang sinseridad. hahahaha. salamat din!

    ReplyDelete
  2. naks contented. Merry Christmas!!!

    Tsaka pasalubong ko!!! hehehe

    ReplyDelete
  3. wow! kainggit naman uuwi sya.. sama ako. LOL! enjoy your holidays with your loved ones :D

    ReplyDelete
  4. @ KESO

    hmmm.. damang dama ha...

    oo isa ka jan... salamat salamat!

    @ GILLBOARD

    oo contented.. (trying to be) hehehe!


    @ CHICQUI

    sasama ka pala, di ka agad gumayak! bilis na!! hehe! meri xmas sa yo jan! kaw din, enjoy holiday season with your family :D

    ReplyDelete
  5. nakasalubong ko nun sa broadway un boom boom pow boys. wula lang haha :)

    ingat paguwi. magsuot ka ng plakard (plakard?) para makilala ka agad ng nanay mo, baka di ka mamukhaan kung sakali mang may angelic halo sa bumbunan mo.

    enjoy ur vacation! apir chuckpot! :D

    ReplyDelete
  6. @ TSENNPOT

    wahahaha! maninibago ang nanay ko pag nakita ang halo ko.. matutuwa xa kasi nagbalik loob na pala ako... LOL

    ReplyDelete

huwag ka nang mahiya, isigaw mo yan!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails