pektyur pektyur! ismayl!!!!

17.3.10

body shot (2)

nagulat kaming tatlo nang bumalik sya mula sa pinto na may kasama, “mga brod si lalaine.. naaalala nyo pa ba sya?”


di ko eksaktong maalala kung san ko nakita o nakasama dati ang pamilyar na mukhang to.. di na ako nakapagtanong, kumaway lang ako at ngumiti sa kanya para bumati.


umupo sya sa gitna namin ni mike. nung una ay medyo nahihiya pa siguro sya kaya si mike lang ang kinakausap. o kaya naman ay paminsan minsang nakikitawa rin sa kulitan ng aming grupo. ngumingiti ngiti rin sya minsan sa akin, labas ang pantay pantay nyang ngipin na nagpadagdag sa karisma ng kanyang sweet at inosenteng ngiti. yup, maganda sya. maamo ang muka. makinis. artistahin. malakas ang dating.


hanggang sa di nagtagal, sa dami na rin siguro ng shot nya ay naging maingay na din si lalaine. bumubungisngis na at nakikisabay sa sound trip ng grupo. merong pagkakataong, kumekembot at sumasayaw sa saliw ng mahaharot o mabibilis na tugtog. di ko maiwasang di mapapatingin sa mga kasama ko sa kwartong yun sa tuwing sumasayaw si lalaine na parang walang pakialam, at tulad ko tahimik din lang silang nanood habang nilalagok ang tequila na nagpapainit sa aming mga katawan. medyo nakahalata yata si lalaine na tahimik lang kami at pinapanood lang sya habang sumasayaw.


sa halip na maalangan, nakuha pa nyang magtanong ng, “what’s wrong with you guys? ngayon lang ba kayo nakakita ng babaeng sumasayaw??” nang may halong ngiti na akala mo ay nang-aakit.


lakas tama na ako.. lumipat na ako ng pwesto, dun sa sofa na malapit sa pinagsasayawan nya.


“lika, sayaw tayo?” sabay abot ni lalaine sa aking kamay, napansin nya siguro na nalalasing na ako.


tumayo ako, pero di ko na talagang kaya pang sumayaw, mahina na din ang balanse ko. paikot ikot lang sya sa kin habang sumasayaw nang maharot. humawahak sya sa aking mga kamay, braso, sa aking leeg, sa likod, sumasampay sa balikat, pumupulpot sa aking bewang.. ahhhh!! para na akong tuod, nawawala ang aking kalasingan, napapalitan ng kakaibang init ang aking pakiramdam.


“shot pa tayo?”, sabay abot sa kin ng shot glass… sa bawat pagikot ng kanyang katawan at paghapit nya sa aking balakang papalapit sa kanya, di na ako makaayaw sa bawat shot na iniaabot nya.


“body shot? you like?” mapanghamong tanong nya sa akin. dun ako natameme. tiningnan ko sya sa mata, di ko talaga alam ang isasagot ko. napatingin ako sa mga kasama ko, ngingiti-ngiti lang sila sa akin, halatang mga nag-aabang ng kasunod na mangyayari.


“saan ba?” sabi ko, parang tanga lang.


“kaw! saan mo ba gusto? kahit saan!”



awwww! shet na malagkit! mukhang mapapasubo talaga ako. hindi sa ayaw ko, actually di ko alam kung bakit nagdadalawang isip pa ako. palay na ang lumalapit sa manok ika nga. at di lang basta bastang palay, primera klase! export quality!


nahalata nya siguro na nag-aalangan pa ako. kinuha nya ung botelya ng salt, hinawi sa kabila ang kanyang lagpas balikat na buhok at nagsprinkle sa may balikat nya..


“game!” sabay abot ulit sa akin ng shot glass na may tequila.. nilingon ko ulit si mike, at ang walangya nagthumbs up pa! malamang set-up to sabi ko sa sarili ko.. isang masayang set-up! kinailangan ko pang yumuko na konti para maabot ang kanyang balikat. may tama na ako pero di nakalagpas sa king pansin ang parang balahibong pusa na sa may batok nya pababa sa makinis at maputi nyang likod.


nasundan pa ang body shots na yun, sa magkabilang balikat, sa batok, sa dibdib, sa may tyan, sa pisngi nya malapit sa labi… pero di pa dun natigil yun… nataranta na akong tuluyan nung sabihin nyang, “nakakarami ka na ah?? kanina ka pa.. ako naman!”


awwww! shet na mas malagkit pa sa mas malagkit! di ka lang game lalaine! certified flirt ka pa!

“san?” kinakabahan ako… “hmmmmm… kaw? san ba pwede?” paglalambing ni lalaine. that time, halos manginig na ang laman ko sa pagpipigil. “kaw na ang bahala”


at sus! kumagat pa muna sa labi nya at itsurang nag-iisip nga. pilya talaga… isa isa nyang unbuttoned ang polo na suot ko.. nilabas ang dibdib ko at kinurot nya to nang may halong gigil. masakit. pero masarap. kinuha ang salt, nilagyan ako sa may dibdib malapit sa nipple at ngumiti..



“game ka na?” sabay ngiti sa akin. marahang tango lang ang naiganti ko. ang init ng hininga nya! ramdam na ramdam ko sa may dibdib ko, nangingibabaw sa init ng tequila at lamig ng aircon sa kwarto. di ko naintidihan ang ginawa nyang pagdila o pagsipsip sa asin, basta ramdam kong sumayad ang labi nya sa balat ko sa dibdib. parang sine, parang nagslow-mo ang lahat. ramdam na ramdam ko ang inggit nung tatlong gunggong sa dinaranas ko noon. kung tatanungin nya ako ng “want more?”, madaming oo ang sunod sunod kong isasagot syempre!


at di ako nabigo! nasundan pa ang paglalandian namin sa harap nung tatlong kumag na halos lumuwa ang mga mata. biglang bumilis ang mga pangyayari nung ilagay ko sa lower lip nya ung salt at dun ko ito sinipsip. pero naanticipate nya yun, kinabig na nya ako at kiniss ng torrid. nakalimutan ko na ang lemon at tequila sa tigkabilang kamay ko. sigaw at palakpakan ng tatlong gunggong kasabay ang maingay na tugtog ang maririnig sa buong kwarto. wala na kaming pakialam. may tama na kami pareho. tamang lasing. tamang libog.


hinatak na nya ako papasok sa banyo. nilock ang pinto. titigan muna, pakiramdaman, palakasan ng kabog ng dibdib. ramdam ko na ang init ng kanyang katawan habang nakadikit sya sa akin. andun pa rin ang ngiti nyang sadyang nang-aakit. pumikit sya at ibinuka ng konti ang labi, parang nag-aanyaya. tumingkayad at idiniin ang katawan sa akin. di na din talaga ako nakapagpigil. pinatay ko ang ilaw. matagal din kaming naglaban sa loob ng banyo. wala na kaming pakialam sa tatlong unggoy na malamang e nakikinig at nakikiramdam sa labas. malalalim na hininga at mga malalambing na daing na lang ng isa't isa ang aming naririnig.


kapwa kami pawisan at naghahabol ng hininga nang mailabas ang init ng aming mga katawan. pagod, pero kapwa may ngiti sa mga labi. hinalikan pa ulit nya ako nang matagal sa labi habang nakapulupot ang mga braso sa batok ko at nagsabing “shucks! that was good..” ngiti lang ang naisagot ko sa kanya.


hinatak nya pa ako sa shower para sumabay sa kanya, doon di pa rin kami maawat sa pagkasabik. tuloy pa rin ang aming romansahan nang biglang may kumatok sa pinto ng banyo..



“brod, brod… saglit..” si mike..


“lalaine!! lalaine lumabas ka dyan!!” boses ng isang matandang babae.


“hala! si mama yun! patay tayo!” takot na sabi sa akin ni lalaine.nagmamadali kaming nagbihis. di ko alam ang aking gagawin.


paglabas namin ng banyo, tahimik ang kwarto, mahina na ang audio, tameme ang tatlo. andun ang mama nya, kasama ang kuya daw ni lalaine. halatang galit at gustong gustong manapak, pero nagtitimpi kasi malaki pa ang katawan ko kaysa sa kanya at marami kami, baka siya pa ang magulpi.


tahimik lang ako. nagdadakdak ang mama nya, iyak nang iyak si lalaine sa iskandalong ginagawa ng mama nya. nahihiya siguro sa ginawa nya and at the same time e nahihiya sa pagtatalak ng mama nya.


“dinodroga nyo ang anak ko ano??! sumagot kayo!”


“ tatawag ako ng pulis! ipakukulong ko kayong mga hayop kayo!”


“lalo ka na!!” habang ang sama ng tingin sa grupo, lalo na sa akin..


pilit inawat ni lalaine ang mama at kuya nya, hinatak na palabas ng kwarto habang walang tigil sa paghagulhol. naiwan kaming apat. tameme.


“patay tayo mga brod, baka tuluyan tayo nun. maraming koneksyon ung mama ni lalaine. tsk!” “lalo ka na, ingat ka brod.. kilala ko utol nun.. gago yun e!” si mike, seryoso habang nakatingin sa akin, iiling-iling lang ako.


“putsa… basag ang trip! mukhang mapapasubo ata ako dito…” di ako makapaniwala sa mga pangyayari.


ilang gabi akong di pinatulog nung insidenteng yun. ilang beses akong di napakali tuwing umuuwi akong mag-isa sa gabi. baka may nag aabang sa akin sa dulo ng madilim na kalsadang dinadaanan ko.


nagdesisyon akong lumayo muna. nagdesisyon akong magpalamig.


mahirap na…

16 comments:

  1. huwooooww!!! ito ang tinatawag na kwentong K! kahindik-hindik, kagila-gilalas at kakaba-kaba! ano nangyari after? sana may follow up story!

    ReplyDelete
  2. putek! natatawa ko sa shet na malagkit saka sa tamang libog. hanu beh? ehhh! morbid. haha!

    sinipag ka na ngayon, kaya naman pala tamad tamad ka kasi ang habaaaaaaaaaaaaaa! wahaha

    lagot ka! ang dami mong lagot. hehe

    ReplyDelete
  3. kasi naman eh! bitin yung banyo scene :-D

    Pwede bang isang entry sa banyo scene lang? ahahhaa

    word verification: carna

    ReplyDelete
  4. pasaway yang nanay ni lalaine!!! di marunong tumayming!! hehehe

    ReplyDelete
  5. Eh kasi naman naligo pa, sana lumabas na kayo after ng anuhan para di kayo naabutan, at least masusundan pa yung nangyari sa ibang araw lolzz

    Tamang Xerex Xaviera ka ah! :D

    ReplyDelete
  6. Xerex ang drama dito hehehe alaykit... Ang hot kasi ni Lalaine ayan tuloy nagalit mama nya... siguro napalo yun pag-uwi...

    ReplyDelete
  7. walang bng video mas masaya kapag pinapanuod eh.haha

    ReplyDelete
  8. ayy juskodiday. pasaway ka. hala ka tuloy.haha.ang haba pala kaya tntamad ka. at buti na lang hndi na ko minor. pwde n kong mgbsa ng mga gnyan hahahahaahahha

    ReplyDelete
  9. Kakatakot, ung dulo haha.
    Sir, add po kita sa blogroll ko ha.
    Thanks!

    ReplyDelete
  10. chuck TL. chuck taylor? bwahahaha! langya, di ka naman sumasagot. kamusta si lalaine? haha

    ReplyDelete
  11. Telexerex!!!! hahahaha!!!!!

    ReplyDelete
  12. moral lesson of the story: dapat hindi na pinatay ang ilaw sa banyo para nakapanilip kami,hihihi

    agree ako kay Jepoy dapat isang entry ang banyo scene,hihihi

    ReplyDelete
  13. totoo ba ito?

    gullible ako sa mga nababasa ko, at talagang hook na hook ako sa pagbabasa, parang yung sa xerex lang. hahaha!

    wala lang. kung totoo man ito, sana naging ok pa rin ang lahat.

    cheers!

    ReplyDelete
  14. hay na bitin pa kayo sa pangalawa... uu nga bakit ba kayo nag shower pa...

    sana dininy nalang nang mga friends mo na andon kayo.

    hay patay ka... whats next?

    ReplyDelete

huwag ka nang mahiya, isigaw mo yan!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails