pektyur pektyur! ismayl!!!!

26.3.10

konting tapik naman dyan ser...

Received an email from my boss.

He applauded my negotiating skills to close a deal with one of our suppliers and our company saved a relative huge amount from it. Anyway, my current position requires continuous practice of my bargaining skills and it is an essential part of my work.

Di na naman bago sa akin ang ganitong mga emails, regarding cost reductions and controls, pero syempre laging sya ang bida dun. Ako, accessory of the crime lang ako madalas.

Ang medyo naiiba lang kasi ngayon, at nakakagulat, yung manager ko e he personally sent one email to me to recognize yung move that I initiated, and take note naka-Cc pa sa two top managers ng project namin. Medyo nagulat lang ako dahil di ko alam ang true motives nya e samantalang dati rati e sya lagi ang nakafront sa lahat ng achievements at kami ang sangkalan, with matching name-mentioned-in-red-colors pa, pag may kapalpakan.

Nagtapos ako sa kursong pangunguryente, nasubukang magpractice ng propesyon ko ng ilang taon. Napaiba ng linya, tumalon ng tumalon sa mga kompanya at naghanap ng tinatawag na career and personal satisfaction. In between, natutunan ko na madalas kelangan mamili between career fulfillment and salary gratification.

Yung bargaining skill ko e hindi ko naman natutunan sa work na to. Napulot ko sya basically sa una kong work na minimum lang ang sahod tas provincial rate pa. But that work became very beneficial to my career development. Very timid kasi ako before and hindi outspoken na tao.

Sa work, nakakasawa din minsan na yung kung sino ang pursigido at may alam ng pasikot sikot ng ginagawang trabaho at tinatawag na key players sa grupo e di nabibigyan ng proper recognition, kasi most of the time e sa boss napupunta lahat ng praises at syempre pogi points. At yung key player e syempre may pampalubag loob naman mula sa kanyang boss para sa isandaang porsyento ng lakas na inubos, sasabihan naman sya ng boss nya na:

“isa kang tunay na team player, great work! Talentado ka talaga!”

Anyway, yung email na ipinadala ng boss ko , medyo di ko pa alam kung ano ang motibo nya na sa halip na akuin ang good work e ako ang ininguso nya. Or this is his way para i-justify dun sa mga nasa taas kung bakit sa halip na silipin nya ang mga petix mode ko sa office e hindi nya inimplement sa kin yung no-increase policy ng company this year due to crisis ek-ek nila na ikinasama ng loob ng marami kasi may bias nga daw. Totoo naman kasi. Ako, nadaan ko lang siguro sa makabagbag damdamin kong letter of appraisal kung pano ko medyo naungusan yung mga kasamahan ko. Para lang ba akong nagsulat ng essay on “why should I increase your salary?” but syempre sinamahan ko naman ng konting research at technical figures from pareng gogol para medyo kapani-paniwala o kabola bola ang essay ko. Yun, tipong ganun.

in my part, yung mga recognition na ganito na singdalas ng pag-ulan dito sa lupain ng buhangin e nakakaboost ng ego at morale but nakakatakot din at the same time.

Or paranoid lang ako? Hehe!

15 comments:

  1. congratulations indi!.. nax! galing naman...at dahil jan manlibre ka..ipadhL mo rito.

    diba balak mo ng umexit jan?..hahaha baka nililigawan kang wag umexit.

    ay naka base ako. :D

    ReplyDelete
  2. they're just acknowledging you for a job well done. keep it up hindi ka paranoid! :)

    ReplyDelete
  3. cOnGrAtz!!! Job well done.. :D

    ReplyDelete
  4. matuwa ka na lang at napuri ka... hehehe

    congratulations!!!

    namiss ko nang mapuri sa trabaho.. hehehe

    ReplyDelete
  5. Baka he was just being nice for a change?

    Kung gutsy ka komprontahin mo hehehehe...

    bottom line, you did a great job...

    ReplyDelete
  6. baka paranoid ka lang, hehe.
    I think sobrang naimpress ung boss mo sayo kaya ganyan. Just do your job ng mas higit pa sa inaasahan, extra effort ika nga, at for sure it will be rewarded. Saka para wala ring masabi ung ibang tao sau ^__^

    ReplyDelete
  7. ayiee, congrats. paranoid! haha. kaya siguro naisipan mong mglagay ng pang ballroom na tugtog kase masaya ka ngayon.

    ReplyDelete
  8. kongrats parekoy! buti nga ikaw pinupuri ng boss mo.. ako kaya kelan? nyahaha

    ReplyDelete
  9. Baka naman talaga ka dapat i-recognize at ma-apreciate ang good work mo.

    Wag mo na lang isipn ang mga negative thoughts or hinala mo dun sa email na yun.

    ReplyDelete
  10. nice! hnd dpat mparanoid bagkus ay maging proud u s self u..

    alm q y mjo tkot u..kc bka madagdagan ang work! aheheheh..

    ReplyDelete
  11. Pre sa Middle East ka rin ba? San sa Saudi ba?

    Oo nga ganun lang talaga sila, ayaw nilang mahalata mo kaya wag mag-isip ng kung ano ano!hehhe

    Ingat

    ReplyDelete
  12. "In between, natutunan ko na madalas kelangan mamili between career fulfillment and salary gratification."

    agree ako sa sinabi mong to, tsong. :-)

    ReplyDelete
  13. baka bumabawi lang si boss!
    hehe.
    yung tatay ko na nagtrabaho din sa ibang bansa... ganyan din hinaing sa mga boss nya.
    well, at least bumabawi na sa iyo!
    i feel mo!!!
    malay mo, ngayun lang yan.


    JOKE LANG.

    hello po!


    -gege

    ReplyDelete

huwag ka nang mahiya, isigaw mo yan!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails