pektyur pektyur! ismayl!!!!

9.6.10

huwag mo akong salingin



Mataman akong nakikipagtitigan sa papahilom na mga sugat sa braso, tuhod at balikat ko. Isang linggo makalipas ang aksidenteng inabot ko sa basketball, nagsisimula nang kumati ang mga sugat palatandaan na nagsisimula na itong matuyo. Gusto ko sana itong kamutin pero mas namayani ang pagdadalawang-isip.

Makati ang sugat na nababahaw, masarap kamutin! Ngunit alam kong pag nasimulan na mahirap na itong pigilan, sapagkat lalo itong kumakati sa bawat pagkamot at syempre pa dahil kakaiba ang ginhawang naidudulot nito, nakakaadik.

Bagamat madalas tayong sinasabihan na wag kutkutin ang ating sugat kasi magpepeklat mas madalas din na nagiging matigas ang ulo natin. Kapag walang nakatingin, ang simpleng kamot na nagdudulot ng kakaibang ginhawa ay naglelevel up sa pakikialam sa langib ng natutuyong sugat.

Bakit nga ba masarap kutkutin ang nababahaw na sugat? Kasi may halong excitement, anticipation, sakit, sarap at makapigil-hininga ito. Sa unti-unti mong pagtanggal ng langib nito umaasa ka rin na tuluyan nang naghilom ang sugat sa ilalim. Ngunit sa pinakahuling bahagi ng iyong pagtatangka ay bigla na lang itong magdudugo! Bigla kang matatauhan at pilit mong lalagyan ito ng konting pressure para maampat ang pagdurugo nito.. hindi na muna gagalawin.. hindi muna… hanggang sa muling pagkati nito..

Bawat isa sa atin may peklat ng mga nakaraan. Merong malalim, merong mababaw at lahat ay may kakaibang kwentong tinataglay. Sa paglipas ng panahon, yung iba marahil ay limot mo na pero meron din naman na nag-iwan ng malalim na peklat sa iyong katawan at sa alala.

Sa lahat ng sugat sa ating pagkatao, ang sugat sa ating puso ang pinakamasakit, pinakamahapdi at pinakamatagal maghilom. At sa paglipas ng panahon, merong ilang malalalim na sugat na nagmarka sa ating puso ang aakalain nating tuluyan nang natuyo ngunit kagaya din ng isang ordinaryong sugat sa tuhod na ating kinakamot at kinukutkot, magugulat ka na lang isang araw na ang inakala nating bahaw na sugat sa ating puso ay di pa pala lubusang natutuyo, na pag di sinasadyang nasaling ng isang pangyayari o pinangahasang kutkutin ng isang tao ay muli itong magdurugo.

Maaring ang sugat sa puso ang pinakamatagal na mabahaw sa lahat ng mga tinamo nating sugat sa ating katawan, lalo na kung malalim ang sugat nito. Pero kagaya ng lahat ng sugat, maghihilom din ito.. hindi agad-agad, hindi madali, pero maghihilom din.. sa pagdating ng panahon..

Wag kamutin at wag kutkutin, magpepeklat.

Wag pilitin, hayaan lang na kusang matuyo.

A time to heal.

 
 
 
pektyur ninakaw mula sa flickr
 
 
 
 
 

53 comments:

  1. ang galing parekoy :)

    Konting tiis at pasensya at samahan ng tyaga, gagaling din yan sa tamang panahon...

    ReplyDelete
  2. Ang importante, lumaban! Ang mga sugat na nakuha sa laban, maghihilom din naman. Yun nga lang, maaring mag-iwan ng peklat na hindi na maalis, ang importante maghilom ng tuluyan para hindi na magdugo kahit kamutin mo pa ng bonggang bongga.

    Hindi mapigilan ng jutak kong kiligin tuwing makikita yang header mo. Hahahaha.

    ReplyDelete
  3. ayoko magcomment. seryoso kasi.

    ReplyDelete
  4. lordcm,
    tama parekoy, panahon lang.. at wag munang pilitin... dudugo. *wink!


    salbehe,
    tama! kahit bongggang bonggang kamot pa yan! lol

    ano na naman naisip mo sa header ko?? salbehe kang bata ka ah... lol

    ReplyDelete
  5. kuhracha,
    suplada mode? or nasapul? churi nemen!

    ReplyDelete
  6. Natatawa ako na medyo tinatamaan.. hahaha! :)) Nice post.

    ReplyDelete
  7. masarap kamutin ang betlog tapos aamuyin pag tapos. Ganun din sa pwet. LOL

    pasensya na ayokong mag comment tungkol sa sugat ng puso at pag hilom nito, dahil may sakit na kelan man hindi mag hihilom. CHOS!

    ReplyDelete
  8. tama c pareng jepoy mahirap pigilin kapag kumati na ang betlog. kelangan talga kamutin...hehe

    lahat ngsugat maghihilomsa tamang panahon db/

    ReplyDelete
  9. masarap naman kasi talaga ang bawal. hehehe

    ang lalim ng post.

    ReplyDelete
  10. Uminom ka kaya ng betadine :)

    Anyhow, kung hindi ko alam ung tunay mong status, iisipin ko na badingers ka hehe tama bang si hello kitty pa ang piliin mo haha! Peace koya!

    ReplyDelete
  11. tama....nasa tamang panahon ang lahat ng bagay...pg pinilit,maaring di maganda ang resulta...

    ReplyDelete
  12. tama, feeling ko hindi lang oras ang nakakapaghilom ng sugat, kailangan din ng virtue of forgetfulness, importante din na makalimutan ang mga sakit, upang umusbong ang pagbabago at pagusad. kung tayo ay mananatili sa lamig ng yelo ng nakaraan, walang mangyayari satin. Nothing grows in ice.

    ReplyDelete
  13. Tama ka diyan. Galing ng post! =)

    ReplyDelete
  14. sasarai,
    tenchu... ;)


    jepoy,
    bastush mo po! emo emohan post tas hahaluan mo ng pag-amoy ng betlog! tse! balatuba! lol


    kikilabotz,
    yup! pero alam mo ba ang sugat na hindi naghihilom kahit kelan? lol


    madz,
    nakkuu!! nagkautang pa ako sayo nyan ng 1%... (ssshh... atin atin lang, di mo binasa ano??) lol

    ReplyDelete
  15. gillboard,
    tama! masarap talaga ang ba... teka brod, ano bang bawal ang tinutukoy mo??? hahahaa!

    di naman gaanong malalim.. pero may pinaghuhgutan.. *wink!


    roanne,
    cute nga e.. hello kitty na fenk! aylabet!! *wink! wink! wink! lol


    mac callister,
    tama ang iyong tinuran! danda danda naman ng profile image mo...


    rah,
    gusto ko yung "virtue of forgetfulness" mo..

    forgive, foget and heal..

    galeng galeng!


    stone-cold angel,
    salamat!

    ReplyDelete
  16. @ an_indecent_mind Nabasa ko ang reply mo sa comment dito (huh? ang gulo kasi ng comment sa blogspot gusto ko lang naman makisabat), yung tungkol sa peklat na hindi naghihilom kahit kelan. Eto ba yung dumugugo din buwan-buwan, masarap din kamutin ng bonggang bongga?

    Hihihihi. Hindi ko alam yan.

    ReplyDelete
  17. panahon lamang ang makakapagsabi kung kelan maghihilom ang mga sugat... hindi ito pwedeng pilitin at madaliin...

    ReplyDelete
  18. Haneps. Ibang level ito. May kurot sa puso, may sundot sa kaluluwa.

    Wala na akong ibang mai comment kundi: agree, tama ka.

    ReplyDelete
  19. nyahaha hinimay ko pa bawat salita..PAMBIHIRA KA!

    ReplyDelete
  20. waappaakk!... nakakatuwa naman at fenk na fenk si hello kitty mo..nyahaha..

    pero tama... wag pilitin ang sugat na hindi pa lubusang naghihilom. kung ang literal na sugat ay kailangan ng betadine, ang sugat sa puso, kailangan din ng bagong babae/lalake.. hehe..waappaakk!..

    ReplyDelete
  21. nyahaha... ibang indecent ang nabasa ko dito ah.. rock on parekoi.. \m/

    ReplyDelete
  22. salbehe,
    ahahaha! salbehe ka ngang bata ka!! ayoko kumamot nun lalo pag dumugo! la akong lahing bampira! ewwwwkkk!! hahahaha!!


    mervin,
    korek! minsan nga kahit akala mo walang wala na pag nakita mo yung tao bigla na lang... arrrgghhh!!


    ayie,
    hehehe! kurot sa singit sundot sa pwet!

    nakarelate ka?


    madz,
    yano ka ay! pano ta ay ikai yanong rikit magcomment e! lol

    ReplyDelete
  23. leng,
    napa-waappaak din naman ako sayo! hahaha!

    kelangan ng bagong babae? hahaha! baka imbes na mabahaw e lalong sumariwa?? lol


    bulakbulero.sg,
    panong iba? hahahaha! rock on! atig!

    ReplyDelete
  24. tama! lahat makukuha sa tamang panahon.

    ako din taena, nasugatan sa basketball, putok ilong ko, demet.

    mas nakakaadik kamutin ang itlog, sa palagay ko lang naman. :))

    ReplyDelete
  25. una sa lahat. ano ba ang Salingin? (masyado pa deep hehehe)

    mukhang may pinag huhugutan ah!pero tama ka. huwag ng maharot kung ayaw masaktan!

    *pagaling U!! :D

    ReplyDelete
  26. pwede bang pag nasugatan ang puso e kamutin na lang din - nakaka adik

    ReplyDelete
  27. wala pa bagong post? palit na!

    teka, happy father's day sayong ama. di ko alam kung tatay ka na. kung oo, binabati din kita.

    binabati, hindi binabate. ok?

    ReplyDelete
  28. time heals ika nga.
    at lab ko ang hello kitty na yan. hangkyut!

    ReplyDelete
  29. sana lahat ng sugat pede lagyan ng band aid... yung lavender ha! =)

    ReplyDelete
  30. at ako ay nagbalik! wapakkk!


    goyo,
    at ako ay may bagong sugat ulit, wasak na naman ang siko ko kahit di pa gumagaling ang tuhod ko! wahaha! nagiging lampayatot na ata ako... di ko pa napag-adikan ang pagkakamot ng betlogs..


    missguided,
    ngayon ka lang ulet napadalaw dito ah? huwag mo akong salingin is touch me not.. noli me tangere sabi nga ni ollie..

    "huwag ng maharot kung ayaw masaktan" taaamaaaaa!! lol


    pabs,
    mahirap ata kamutin ang puso pag nasugatan?


    kuhracha,
    wala pang bagong post... ibinebenta na nga itong blog na to kaso wala pang maayos na buyer.. lol

    salamat sa iyong pagbati sa akin... greetings ha hindi mast**bation! salamas!


    ollie,
    yup!


    ellehciren,
    hek hek! di naman obvious na mahilig ka sa ubeng halaya? salamat sa pagperstaym dito, nasarapan ka ba? lol

    ReplyDelete
  31. sabi nga kung anu nga dawa ang bawal sya pang ginagawa. kaya kung kaya natin tiisin na mahilom ang sugat na di kinakamot para di lumala.

    ReplyDelete
  32. sugat sa puso,yan ang mahirap at matagal gamutin...only time can tell naks!

    ReplyDelete
  33. i call it addiction to the drama

    ReplyDelete
  34. Sa lahat ng sugat sa ating pagkatao, ang sugat sa ating puso ang pinakamasakit, pinakamahapdi at pinakamatagal maghilom. At sa paglipas ng panahon, merong ilang malalalim na sugat na nagmarka sa ating puso ang aakalain nating tuluyan nang natuyo ngunit kagaya din ng isang ordinaryong sugat sa tuhod na ating kinakamot at kinukutkot, magugulat ka na lang isang araw na ang inakala nating bahaw na sugat sa ating puso ay di pa pala lubusang natutuyo, na pag di sinasadyang nasaling ng isang pangyayari o pinangahasang kutkutin ng isang tao ay muli itong magdurugo.

    (i lyk it)

    ReplyDelete
  35. Naks mukhang serious entry to ah... pero di mapigilang sumagi sa isipan ko yung sugat na di naghihilom di ba masarap yun kamutin... lolz... at pareho pala tayo naglaro ng basketbol last week pero di ako nasugat...lolz... pero nakafoul ako... lolz... di kaya ako nakasugat sa iyo?! wag naman sana...lolz

    ReplyDelete
  36. paano ba kamutin ang sugat sa puso?

    wala kwenta comment ko. tsk

    ReplyDelete
  37. masarap ang bawal sir!
    at parang agaw attention lagi kapag pinipigilan ka... kaya naman i therefore conclude na, ganyan talaga ang buhay!

    ReplyDelete
  38. wow! ang macho! hello kitty! nyahaha. basta ang masasabi ko lang... time heals all wounds.

    ReplyDelete
  39. wow...basta ang masasabi ko lang eh...

    ang sugat sa puso ang tanging aksidente na paulit ulit nating ginagawa.

    wala lang.salamat pala sa pag add..nag blush ako ng white.

    ReplyDelete
  40. mukhang may pinaghuhugutan a.

    pero lahat naman yata makaka-relate dito. lahat naman yata may sugat sa puso na hndi pa alam kung naghilom na. At syempre, lahat naman naranasan na na kumutkot at magpadugo ng sugat. yung iba nga sadya pa. emo lang.

    ReplyDelete
  41. Award :) tuwang tuwa n ko sa first part eh! mega-relate nmn ako.. nagfflashback p nga ako dun sa mga sugat n nagpeklat dhil sa sobrang pagkamot! pati ung mga galing lang sa kagat ng lamok n dapat ndi nmn magpepeklat pero npasobra ang sarap ng kamot! hehe.. kaso biglang naging seryoso..-_- tinamaan ata ak... este ung katabi ko... hehe

    ReplyDelete
  42. ang nagpawinnur ng post na ito ay ang hello kitty na band aid e. hahaha, natapos ko na basahin pero ang nagretain sa akin ung hello kitty talaga :p

    ReplyDelete
  43. naku naman, sa title pa lng alam mo.. hehehehehehe

    ReplyDelete
  44. i love your post

    hay.. tama yun pinakamatinding sugat talaga yun sa puso.. kahit dumaan pa ang napakaraming taon.. kapag naungkat panigurado kikirot yun.. di man siguro magdugo tulad ng dati pero meron pa rin konting kirot.. ano daw?? pero time heals all wounds ika nga maungkat man pero hindi na ganon kasakit gaya ng dati.. sana lang marunong mag ingat yun may puso kapag nasugatan sana wag na nya hintayin madunggol ulit sa parehong situasyon sa ibang parte naman sya magpasugat haha.. nangungulet lang... nice nice ilabit..

    ang wholesome yata ngayon ehehee

    ReplyDelete
  45. Ang ganda, full of debt, ay depth pala :) Ang ganda ng analogy mo. At dahil dyan, parang gusto kita i-hug. LOL.

    2nd time ko pa lang mapadaan dito at natuwa ako sa name ng blog mo. "Indecent Mind". Yung saken naman "My Unpure Thoughts". Haha, parang magkapatid lang.

    Baka ikaw ang nawawala kong kapatid? Kuya, isdatchu? :p

    ReplyDelete
  46. uyyy magkapaitd daw oh! ok cge wag lagyan ng malice. gagaling din yan. Wag mo lng madaliin

    ReplyDelete
  47. Sa lahat ng sugat sa ating pagkatao, ang sugat sa ating puso ang pinakamasakit, pinakamahapdi at pinakamatagal maghilom.-->tama ka, minsan nga yung iba ayaw tumigil sa pagdurugo...

    ReplyDelete
  48. definitely, i agree with your post.
    lalo na sa last line.

    Be blessed sir!

    ReplyDelete
  49. kaylangan mo ba ko bossing??? hehehe...

    ReplyDelete
  50. peklat, malalim man o mababaw.. peklat pren!

    asteg to

    ReplyDelete

huwag ka nang mahiya, isigaw mo yan!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails