pektyur pektyur! ismayl!!!!

6.8.10

C (blogger o blogger, where art thou?)

dumadating ang mga pagkakataon na kelangan mong magpaalam, sa isang bagay na nakasanayan mo na, sa isang kaibigan na walang sawang naghatid ng saya at ngiti sa araw-araw mo, sa isang samahang walang kasinlalim at dalisay na akala mo noong una ay walang katapusan at minsan sa mga pangakong nabuo sa salitang “forever”. di naman maiiwasan ito sapagkat wala naman talagang permanente sa buhay ng tao, lahat maaring mabago o mawala sa isang kisap mata lamang.

ang isang bagay, gaano mo man ito kagusto na nasa kamay mo lang, ano mang pilit mo na wag munang bitiwan, sa katiting na pag-asang maaring meron pang magagawang paraan na hindi mo pa nasubukan, dadating pa rin sa punto na wala ka nang magagawa kundi tanggapin na lang na hindi na talaga pwede.

nothing is permanent in this world ika nga -- even life, even relationships, even a blogger’s blog.

naalala mo pa ba nung una kang pumasok sa blogosperyo? noong bago pa ang lahat sa iyong paningin? noong nagumpisa kang makibasa at mag-stalk sa isang blogista na super astig magsulat? noong puntong sinabi mo sa iyong sarili na, “hindi ako magaling magsulat, pero gusto ko ding magblog”. at dahil sa munting pangarap mong iyon, nagsimula ang pagikot ng buhay mo sa blog. sa mundong ito kung saan marami kang nakilala, natutunan, napatawa, at napahanga.

noong una, andami dami mong gustong isulat, andami mong gustong ibahagi sa iba, andami nilang nagsasabing “maganda ang pagkakasulat mo”, “magaling ka!”. ngunit matapos ang ilang posts, ilang panahon, bigla kang nabakante, bigla kang nawalan ng ganang sumulat, para ka na lang nakalutang sa kawalan. nawala na yung excitement na kagaya noong una mong pagpapakilala sa mundo ng blog, yung excitement na naramdaman mo nung unti unting may nakakakilala sa munting talento mo, yung feeling of fulfillment pag may nagsasabi sayong maganda ang pagkakasulat mo at nakarelate sila sa mga experiences mo.

ngunit darating ang maraming beses na biglang mawawalan ka ng interes na magsulat. bigla na lang mamamatay yung dating excitement mo na magkwento at magbahagi ng mga salitang hinuhugot mo sa iyong pagkatao..

inabot mo na ba yung punto na parang naoobliga ka na lang na magsulat, dahil maraming naghihintay sa mga hirit mo? tapos, andyan pa rin yung mga bumisita, nagkumento, naglink sa yo at humihingi ng exlinks, kelangan mo sila bisitahin isa isa.. magbasa ng posts nila.. natabunan ka na ng sandamakmak na gagawin, hanggang nakakatamad na sa sobrang dami ng kelangan mong gawin! hanggang sa kalaunan, di mo namamalayan, naging hiatus blogger ka na…

------

hiatus blogger

noong nagsimula ako dito sa blogosperyo, iba ang “trend” noon, marami kang mapupulot, may lalim ang bawat post. sa aking paglilibot marami akong hinangaan sa estilo ng panulat, sa pagpili ng mga titik, sa paglalapat ng emosyon sa bawat salitang sinasambit at nakakatuwang mga akda na sa kanilang pagkwekwento ay nadarama ko yung saya, lungkot, aral, pananaw at impormasyon na gusto nilang ibahagi. sa tulong nila, naging mas bukas ang aking isipan at mas malalim at malawak na pananaw sa buhay.

ngunit sa paglipas ng panahon, saksi ang marami sa atin at nakakalungkot isipin na maraming magagaling at mga aktibong blogger ang unti unting nawala, dumalang ang posts, pansamantalang namahinga ngunit sa kalaunan ay tuluyan nang nawalan ng siglang magsulat muli.

marahil ay abala na sila sa ibang bagay ngayon, marahil tuluyan nang nawalan ng interes yung iba, o kaya ay napagod? siguro lumalablayp na sila ngayon, siguro masyado na silang abala sa kanilang personal na buhay, sa totoong mundo. o siguro masaya na sila ngayon at nahihirapang tumipa, kasi nga mas madali daw makahugot ng emosyon at inspirasyon sa pagsusulat kung may pinagdadaaanan ka. o kaya naman ay nandyan lang sila sa tabi tabi, nakikibasa pa rin ngunit hindi nagpaparamdam.

panghihinayang. yun ang nararamdaman ko sa paminsan minsang pagbalik balik ko sa kanilang kuwarto, umaasa akong may bago mula sa kanila. sa bawat pagdalaw ko at paghalungkat sa mga natatago nilang mga posts, andun pa rin ang kakaibang ngiti at inspirasyon na naidudulot nila sa akin.

"asan na nga ba sila?"



photocredits mula sa flickr.com

totoo bang dumarating sa punto na bigla na lang umaayaw ang isang blogista sa kadahilanang wala na syang maisulat? may ganun ba? walang maisulat? o dili kaya naman ay masyado na lang silang nakahon sa konsepto ng kanilang pahina na tila sila mismo ay nawalan na ng laya para direktang ipahayag ang kanilang saloobin? ilan kaya sa mga hiatus bloggers ang mas piniling magbukas na lang ng panibagong kwarto para doon na lang tahimik na magsulat? mas malaya, mas pribado, mas tahimik.

kung nababasa mo ito, ikaw na isang blogger-on-hiatus mode, balik ka na, namimiss ka na namin… ikaw at ang mga pakwela mo, ikaw at ang mga kurot sa puso namin dulot ng mga likha mo.. balik ka na, namimiss na naming magbato ng kumento sa mga posts mo..

----

kumento

hindi naman maitatanggi na ang palitan ng kuro-kuro, saloobin, batuhan ng mga patutya o simpleng kumento ang isa sa nagpapadagdag kulay sa bawat akda ng isang blogero at sa tingin ko, kulang ang isang post kung walang nito.

pano mo sasabihing masarap ang luto mo kung ito ay angkop lang sa panlasa mo at walang ibang tumikim at nagsabing “masarap nga”?

nagsimula kang magsulat upang magbahagi, hanggang sa kalaunan parang naging entertainer ka na sa mga mambabasa mo. nagkaron na din ng pressure sa mga sinusulat mo. naging de-kahon ka na rin, tumitipa ka pero madalas yung angkop lang sa panlasa ng mga mambabasa mo ang nililikha mo. di ka pwedeng mag-emo, di mo na kayang magsulat ng may lalim at personal, di mo na kayang maging simpleng ikaw. di mo na kilala ang sarili mo, binasa mo ang iyong mga nauna at lumang akda, malaki na nga ang pagkakaiba ng noon at ngayon..

kung ikaw ang tatanungin ko ngayon, bakit ka ba nagba-blog? para sa sarili mo o para sa mga mambabasa mo?

matagal tagal na din akong nabakante, nagpahinga at medyo matagal na nanahimik, pero di pa ako umaayaw. heto ako ngayon, muling nagbabalik para sa aking ikasandaang post.

---

C

kung umabot ka sa puntong ito ng pagbabasa sa mahabang post na ito, maraming maraming salamat. kung nag skip read ka as usual, sayang pero di mo nalaman yung tsismis na sinabi ko dun sa itaas tungkol sa dalawang blogero na nadevelop dito sa blogosperyo at kung sino yung kras na blogista ni chiklet at ni keso… sayang!! tsk! hek hek!


almost 18 months of my existence here in blogspot, 144 followers, total of 958 comments and a handful of new friends.. yan ang buhay blogista ko..

at ngayon, sa pagtatapos ng hiatus mode ko at ang aking panata na isa isang bisitahin at balikan kayong lahat na mga dumalaw at nagkumento sa akin, tingnan natin ang resulta…

sila na mga minsang napadalaw at nagparamdam dito sa kuta ko,

<*period*> abou add topic aenid al de cruz algene aling baby alotstuff anonymous353 arbee atribidang mayora a-z-e-l batang nars bhing bloom bobo da wiseman bonistation bulaang katotohanan camille f. tajon ceejhay chingoy  dabo or david dado batista  dal  dclashed  elizabeth catura  ellehciren engel  erlyn  ferbert  gagay  herbs d  iisaw  jag  jhiegzh  joshmarie jules  katherine  kayce [kyrk]  kt  kumagcow kwentonatin  lhandz  led  macz  mark  marlon  mr. nightcrawler  myfingersrtyping  nafacamot nobe olay  ollie  pajay  pablong pabling  passing by  patola  patricia ashika  pong rej  rhodey  rio  rye meister  saul krisna  sempai  stupidient sweetham  taympers  taribong  tess pink tarha team the tomato café  tsariba  unbound/shuttershy  언니-unni  vanvan  vharonftw  vladimir buendia  walong bote  wandering commuter woman of contradiction yellow bells  yoshke


at sila din na “not once, not twice….” na nakibasa at nagparamdam,

goyo yanah  bampira ako alkapon angel jam  missguided  super gulaman eloiski iya_khin  j.d. lim kayedee mr. thoughtskoto  the pope ayie dhianz  manang jee  mjomesa  pinknote sasarai yin  azul  jelai jessa  kuhracha manik_reigun yeine tim  jongskie721  mike avenue  miles  sly  somnolent dyarista  sows zoan  aryan  dylan dimaubusan  gege  ghienoxs  goryo  i am xprosaic  leng  mokong  peanut  pink diaries  random student  rico sidney  soltero  tonio  adz  bulakbulero.sg  cayy cayy  chic's creations  confession nook  darklady  deth  fula  heleyna  iamyour angel iriz  jessie  jettro  kablogie kalyo galera  karen anne  kosa  lambing  mac callister  maldito  mervin  neildalanon  pirate keko  reyane salbehe  samar'a  stormy  the litter box owner  the reviewer  toilet thoughts  utak munggo  yang  yraunoj

at yung mga suki ko dito, (madalas skip read, minsan magcocomment ng “hehehe!” lang, at yung iba e nagsasabi ng “maganda ang structure” (mga nagkumento ng may bilang na mula sampu hanggang dalawampung kumento)


at ang mga talaga namang walang sawang nagpabalik balik dito:

master glentot ng wickedmouth (21 pagmumura)
chicqui ng my orange vest (22 "here we go!!")
princess roanne ng the journey of the prodigal daughter (25 super trumph)
choknat ng choknat  (28 tagay)
lord cm ng dungeon lord (30 patok na hirit)
jepoyski ng plema ni jepoy  (31 kabastushan)
super keso ng chi! (32 kasabawan)
sir gillboard ng gillboard grows up (32 banat)
pokie ng pokw4ng's uncensored mind (36 kahalayan)


at ang nag-iisa, walang gustong gumaya makagaya, ang nag-top sa pagkatalentado ng backreading at halungkat posts ko.. akalain nyong una syang nagkomento e 22 August 2009 pero nagalugad nya pa lahat ng posts ko, mapa walang kwenta man o walang kwenta, at tyinaga talagang isa-isahin?  ang aking number 1 stalker of all time;

si emdyey ng hide and seek (47 "impulsive buyer mode")

at emdyey, dahil sa iyong pagiging number one all-time-big-time fan/stalker ko at sa pangako ko na pasikatin ka bastat magdidikit ka lang sa akin higpit ng pangangailangan na maituro ang blog mo (sori, pero nagpaalam naman ako sayo na ibibigay ko link mo di ba?  di ka nga lang pumayag! hehe!), may munti namn akong pakuwensuwelo sorpresa sayo.. pls PM me..

sa lahat ho ng pumasok sa bahay na ito, sa inyo na nakitawa at nakikumento at nagdagdag kulay sa bawat salitang ibinahagi ko, maraming maraming maraming thank you beri beri mats po!


photocredits mula sa flickr.com


an_indecent_mind

39 comments:

  1. congratuleshyon!!! 100 post...
    maligayang pagbabalik, ibalik ang saya sa lungga mo, woohhoooo!

    siguro isa ko dun sa mga blogger na napressure sa mga makakabasa ng post and medyo nakahon...

    i'm trying to be myself again at ikwento kung ano ako, dahil yun naman talaga ang purpose ng blog ko.

    kaya apir sa mga nagbabalik na bloggers...woohoooo!!!!

    ReplyDelete
  2. congrats sa 100th posts.

    bakit kaya malaki ang impact ng sinulat mo. parang may kurot at nasapul ako. marahil tama ang mga naisulat mo.

    sa mga nag hiatus mode, marahil may rason kung bakit sila nawala sa blogworld at piniling manahimik muna upang sa susunod, ang tunay na nag-aabang at nagbabasa ay sulit ang madarama. :D

    ReplyDelete
  3. napapansin ko nga din ang trend, pakonti ng pakonti na ang nagpopost. Pero sa tingin ko, meron din naman pumapalit at nakakadiskubre ng pagbblog at maraming nashshare, siguro, hindi lang pa natin sila nadidiscover.

    Or!

    I think, hindi na sila nagbblog dahil masaya na sila.

    IMHO may correlation ang pagsusulat at ang discomfort na nararamdaman ng tao

    "pag mas madrama ang buhay - mas maraming naisusulat"

    mahirap magsulat kung masaya ka na at wala ng problema.

    at kung magpost ka man ng something na ikinasaya mo, malamang sa hindi, hindi ito papansinin, katulad ng kung madrama ang post mo.

    Kaya, in a way siguro there something positive to it narin.

    goes to show din how readers as consumers love to read about the discomfort of others.

    At yon naman talaga ang isang importanteng element ng magandang pagsuslat, dapat may "real" na conflict.

    Success is just as good til someone messes it up. Failures are forever! (House, M.D.)

    ReplyDelete
  4. yes 100th post!
    onga, tagal mo di nagupdate.
    at para panindigan ang aming gawain dito:

    "i like the structure"

    hahaha.

    congratulations, at sana ay huwag kang mawalan ng isusulat. Tama ka, maraming naghhiatus at nawawala ung mga kwela at may lalim na nagsusulat. papagawa na lang ako ng balon para laging may lalim, hahaha.

    ano kaya lalagay ko pag nag100th post ako?
    btw, i skippedread, bwahahaha.
    congrats uli!

    ReplyDelete
  5. Congratulations sa ika-100 post mo. HIndi ako nagskipread, alam kong walang chismis. Bweset.

    ReplyDelete
  6. remember nung gusto mo na burahin blog mo?..i told you to stay away of the computer kasi malamang sa malamang e mabubura mo talaga. buti naman nakinig ka ayan may 100th entry ka na and still counting...wowww! congratulations on your 100th posts indi!

    o dba kahit wala akong kahilig hilig magcomment e napacomment naman ako rito. Syempre di ko palalampasin to no...100th posts mo yata to.

    well, di naman talaga maiiwasan na paminsan-minsan ay nawawalan na ng posts or maipost ang mga bloggers. Siguro kasi parang paulit-ulit na lang rin ang nangyayari sa buhay or its too sad na ayaw mo na lang din ipaalam sa iba so as not too add to the bulk of lonely people in the world.

    At, talagang namang natouch ako kahit na binuking mo hideout ko? ano kayang price ko?..hmm?.. Anyways, keep on blogging..I will always be your number 1 fan.. :)

    ReplyDelete
  7. @ DETH,
    salamat po sa pagbati at walang sawang pagbalik dito.. yeah, madalas nakakahon din ako e.. palaganapin, hikayatin ang mga bloggers-in-hiatus na magsibalik na sa kanilang mga lungga! apir!!


    @KHANTOTANTRA,
    tenchu! "tunay na nag aabang at nagbabasa.." hahaha! konti lang tayo! lols


    @RAH,
    i like your analysis. yeah, magkaugnay nga ang ating personal na buhay at ang mga isinusulat natin. our blog is the extension of our untold personality.


    @OLIVER,
    ang walang kupas na "I LIKE THE STRUCTURE" hek hek!

    simulan mo ang balon mo na may lalim!


    @SALBEHE
    at natawa ako sayo, pramis! hak hak!

    ReplyDelete
  8. @EMDYEY NA ANONYMOUS KUNO,
    at dahil sa pagkahaba haba mong comment, forfeited na ang price mo!

    tse!

    ReplyDelete
  9. nakakalungkot nga isipin na naghiatus ang isang blogger lalo na kung he's one of the best and hindi natin alam kung kelan ulit sya babalik. but the good thing is there are still great bloggers that stay and keep on inspiring other bloggers and readers as well, parang ikaw.

    sana wag ka maghiatus :P

    ReplyDelete
  10. ang tyaga naman magbilang ng comments.

    congratulations on your hundredth. madami pang darating dyan. for sure.

    iniisip ko kung ako ba'y isang hiatus blogger din. madalang na lang ako magsulat. pero siguro para sakin, marami nako masyadong nakwento, naubusan na.

    salamat nga pala sa link.. nagkukumento ako dahil nakakarelate ako sa karamihan nang sinusulat mo.

    ReplyDelete
  11. che!.. wait ko yung seesha ha hmp..

    ReplyDelete
  12. mabasa ko lang koment mo dun sa post ko gusto na kitang upakan! lalo na dito! daldal daldal mo talaga!! nakuuuuuuuuuuuuuuu. HAHAHA! wala na! halata na yan! tsk.

    ReplyDelete
  13. kay ate chokie TAGAY talaga? haha!
    at ako ba ang pumapangalawa sa mga stalker mo? HAHA!

    ReplyDelete
  14. medyo nalungkot ako at kinilabutan.ewan ko ba. Dumating din sa punto na wala akong maisulat, kasi pili lang talaga ang mga sinusulat ko. Nakakulong ako, tama ka. Alam kasi ng mga kakilala ko ang blog ko. Tulad din ng nabanggit mo, gumawa din ako ng isa pang blog. Kung saan malayang malaya ako, puro kabastusan nga ang isinusulat ko dun e.hehe.

    Salamat sa post na to boss. Namulat ang mata ko sa maraming bagay. Happy 100th post. Cheers!

    ReplyDelete
  15. naks congrats at bumalik na ikaw~~~ayan oh 100 n pala poste mo dito saya saya ehehe,,
    tama ikaw minsan natutyo na rin utak ko kung ano ipopost ko kasi naman minsan di ko na alam kung nagpopost ako para sa sarili ko or reader ko...
    naalala ko din yung first time kong sumabak dito sa mundo ng blogging kala ko di pwede magtagalog bwahaha kaya umatras ako hello hirap naman mag english english d naman ako amerikan pero salamt dun sa isa kong iniidolong blogsta na ang galing magsulat sa tagalog kaya ayun nag blog na ako dito hehehe,,,
    at isa pa minsan ingat din ako sa pagsusulat kasi minsan masyado n daw personal kaya yung una kong blog nadelete dahil masyado daw open life ko dun kaya nga nagfiction na ako hahaa.....
    wahhhhhhhhhhhhhhhhhh ang adik haba na ng comment ko haha chat nalang tau bwahha.....
    salamat po at akoy napadpad sa bahay mo naaliw ako ng bonggang bongga dito hehehe,,wag magmalinis habang nasa bahay mo yun laging nasa isip ko hahaa...

    ReplyDelete
  16. dahil dun mo ako sinamas a mga nagcocomment lang ng mganda structure ayun na rin ang icocomment ko. ahahahaha.

    congratulation pre... happy 100th posts. hehe ..

    ReplyDelete
  17. ang arti lang! hmmmp may pa hiatus hiatus ka pa, maghahanda ka lang pala sa bonggang bongga mo na 100th post! ARTI LANG!!!!

    "siguro masaya na sila ngayon at nahihirapang tumipa, kasi nga mas madali daw makahugot ng emosyon at inspirasyon sa pagsusulat kung may pinagdadaaanan ka."

    ~kaya ba marami akong nasusulat kasi malungkot ako? o SADYANG ADIK LANG?

    conrats! =) well deserved!

    ReplyDelete
  18. Congrats sa iyong 100th post, kung hindi mo na itatanong ang istilo mo nag pasusulat ay hinahangaan ko talaga, kasi hindi ako marunong mag sulat. Gusto ko ang consepto ng gawa mo parati higit sa lahat ang structure.

    Just recently naisip ko naring i-close ang blog ko dahil nga nakakahon na ako sa kung ano mga bagay na sinulat ko, pero, ang pag susulat ko ang isang bagay na kahit papaano ay nag sisilbing outlet ko sa kahit na anong estado ng emosyon ko. Nag susulat ako para sa sarili ko at hindi para kung sino man. Teka baket ako naging emo. Puta naman kasi yung first part ang arte arte, napa haba tuloy ang comment ko. Hmp!

    ReplyDelete
  19. Ang tyaga mo magbilang! Nahirapan pa akong hanapin ang pangalan ko ahahaha master talaga?

    Agaw eksena naman ang comment ni Jepoy, blog nya ito? Ahahahahaha

    ReplyDelete
  20. happy 100th post.haha. hindi ko naman po kasi alam ang sasabihin ko, kasi bagong salta lang po ako dito sa blog nyo, pero for sure, aabangan ko po ang mga susunod nyo pang mga postsss, dahil isa na rin po ako sa madami nyong fans. :)

    ReplyDelete
  21. akalain mong napadpag ako ulit dito. swerte mo naman binalikan ko toh. hahaha! :P anyway isa ako sa mga laging hiatus. at malamang sa malamang ay alam mo na kung bakit. haba ng post mo kuya. nag skip read ako. buti na lang alam ko na kung sino ung blogger crush ko. bleh!

    actually namimiss ko na talaga magblog. blanko lang talaga ang utak ko. laging cloud 9. tsk. puro ulap ang laman ampf! anyway. please pray na mainspire ulit ako :D

    thanks for the chat sessions.

    ReplyDelete
  22. Pre, patanong naman...30 patok na hirit? meron ba?!!! lolzz

    Salamat naman pre dito at naisama pa ako sa listahan mo :)

    pero syempre dapat bisitahin mo rin ako lolzz

    pre kelangan ko lang tulong mo sa survey

    http://lordcm.blogspot.com/2010/08/overseas-delivery-services-survey.html

    ReplyDelete
  23. congrats, at tlgang sinadya yata na sa iyong pagbabalik ay ika-100 na post mo :))

    isang bonggang bonggang ARAY! naman ang naramdaman ko ng mabasa ko ang blog mo, pero pinili ko na ring tapusin (gusto ko sanang magskip read, kaya lang ayokong mahuli sa tsismis n wala naman pala :)) )dahil nakita ko ang pangalan ko dun sa last part ng post..hahaha

    niweiz congrats ulet, kampay!!!

    ReplyDelete
  24. first time kong mag-comment dito sa bahay mo. :)

    congrats sa 100th! blogenroll \m/

    ReplyDelete
  25. congratz sa 100th post mo..

    ala-tribute na naman..

    hardcore..

    ReplyDelete
  26. congrats!! ^_^ at hindi mo masyadong sinulit ang post na ito ah dahil ang hhhhhhhhaaaaaaabaa ng entry mo.hehehe..

    ReplyDelete
  27. wow. congrats parekoy. 100 posts... sana umabot din ako diyan. hehe. ako, naeenjoy ko rin ang pagsulat. nagsimula akong mag-blog nung mga panahong suicidal ako at talagang naka-tulong sa akin ng malaki ang magkaruon ng outlet upang ilabas ang lahat ng mga saluobin ko. haaay... congrats ulit parekoy... 100 posts pa ulit :P

    ReplyDelete
  28. huu mayabang, 100th post pala. haha. anyare? aasarin mo na naman ako na nakita mo ang marka ko sa live feed mo. huu huu tse haha XD
    congrats nga pala, baka sabihin mo masyado akong mean. ohwell gusto ko rin itry maging mean para wululung. yaks eto pa tuloy napagpraktisan ko. haha! bakit nga pala c? hmm di ko rin nakita pangalan ko don. oo na skip reading na~ XD

    ReplyDelete
  29. haleerr! welkam back! :) teka...isa din kaya ako sa mga nag hiatus mode at isa sa mga sinusubaybayan mong blogger? esep-esep...lol!

    i like your post! no! i love it! hahaha. buti nalang nabasa ko yung name ko dun...ndi naman kase ako skip reader! lol!

    o ayan...may 100 posts ka na...congrats! :)

    ReplyDelete
  30. congrats po to your 100th p0st. haba ng listahan ng blogger ahehe :)

    ReplyDelete
  31. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  32. akala ko may PEBA Entry ka na, hehe. I like what you said sa PEBA entry ni Roanne, yung comment mo dun. Eninglish ko nga at nilagay sa PEBA Facebook Page

    "For OFW's, we're not asking anymore the question " How About Me?" instead, we bear in mind the question, "How About Them?".


    Family is the central focus of PEBA, we call on bloggers in the Philippines to join in this year's search for Top 10.


    Thanks again. Not only once did you make me smile and laugh, but many many times. Congrats!!

    ReplyDelete
  33. Congrats on your 100th post! :) *clap clap* You write with depth that's why I like reading your posts. Minsan bastos, minsan serioso, pero laging may depth. :)

    Keep the fire burning!

    ReplyDelete
  34. hang hespesyal naman ng pang pang 100post mo. congrats pre \m/

    ReplyDelete
  35. hehehe naka 100 post ka na pla congrats po

    ReplyDelete
  36. congratttuuuulations!
    dahil sa muli kong pagbabalik, asahan mong makikigulo ako sa bahay mo :)
    nice post prekoy! astig!

    ReplyDelete
  37. SA INYO PONG LAHAT na bumati, nagkumento at walang sawang dumadalaw dito maraming maraming thankyouverymuch po!!

    ReplyDelete

huwag ka nang mahiya, isigaw mo yan!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails