pektyur pektyur! ismayl!!!!

30.8.10

FU-BU



BOY: Ei! whats up?

GIRL: Wala nga e…. boringgggg….

BOY: Sinong andyan?

GIRL: Wala, ako lang.

BOY: need company?

GIRL: Yeah. Dala ka ng wine ha?

BOY: I’ll be there in few minutes!




aware ka ba dito? anong masasabi mo sa relasyong kaswal na to?





an_indecent_mind

24.8.10

Postcripts of a BloodBath

mga parekoy, received this forwarded email msg this morning. thought of sharing this to all my readers and fellow bloggers. hope this would give us all clearer insight and a peek on the other side of the unfortunate event that shook the whole world yesterday.



Postcripts Of A BloodBath

by Bang Lu Min
(One of the Hostages)

Mr. Mendoza was already upset even before he saw on television what the policemen did to his brother. The other tourists who remained inside the bus were complaining. Wei Ji Jiang wanted to go to the bathroom. Dao Chi Yu was hungry and the rest were just groaning and whining like they have forgotten that our lives rest in Mr. Mendoza's hands.

The hostage taker, as you know him was really nice. He treated us okay and even let the elders and the children leave the bus. He said your policemen treated him unfairly. He was a policeman too and was accused of doing something he had no knowledge of. But your government didn't listen so he used us to get everyone's attention.

Things would have never turned for the worst if he didn't see how his family was dragged out of their house and taken into custody. He was watching the news all the time as we huddled around each other behind the bus. He shouted some words in your language then started shooting in the air. A girl about my age started screaming. Mr. Mendoza demanded her to stop but she didn't understand English. God, he had to slash her neck with a knife just to put her to rest. Her boyfriend who tried to hit him was shot in the head.

Tension was rising. You can see in his face how scared and confused he was. The bus driver ran away leaving him alone with strangers from a distant land. I can see him walking across the aisle, sometimes pointing his machine gun to one of the tourists. But he tried his best not to hurt us, especially those who really cooperate.

I guess its in your nature not to inflict pain on others unless it was necessary. I remember him saying that he will free us before sundown and implored us to forget everything when we return home. But his words don't matter now. The policemen were trying to force their way in, while we all lied down to shield ourselves from bullets. Mister Mendoza blindly shoots at his enemies which I think kept them from rescuing us. I hear sobs under the chairs. Some were even shouting the names of their loved ones even when the air merely eat their words. Kevin Tang tried to escape when the glass door was was shattered, but one shot and he slumped on the floor with blood gushing from his mouth.

Heavy rain pitter-pattered on the rooftop. In old Chinese saying, it means an end to a struggle. Finally, somebody was able to open the escape hatch at the back of the bus. Freedom. But I knew Mister Mendoza was still alive. I knew he was just waiting for a chance to strike back at his enemies. So I told those around me not to escape. Let the authorities come for us instead. Then there was gunfire. He was firing at his enemies with a machine gun. Those who were at the escape hatch fled abandoning us once again. It's like a nightmare with no end and to wake up means a certain death. Then somebody from outside the bus threw a canister. It forced out a black smoke that is so painful to the eyes and putrid smelling to the nose. People started screaming. We cannot breathe. Some ran in front of the bus but Mister Mendoza warned them of stray bullets. It was too late. One was hit on the head, the other was hit on the shoulders. Bullets were now flying. Its like the authorities thought we were all dead. Mister Mendoza finally realizes his mistake and said sorry to everyone, dead or alive. He then ran towards the front of the bus where he would meet his maker. As he passed by my chair with bullets whistling overhead, I clutched my hand on the velvet curtain and wrapped it around my face. All I could think of was to stay alive - for my child who is waiting for me back in Xinjang. I know I will survive,

I will come home.



Bang Lu Min
Survivor, Quirino Bloodbath



everything happens for a reason... sa aking sariling opinyon, instead of blaming others for their lapses on this mishap, maybe we should dig deeper unto this... ano na nga ba ang lessons learned?


an_indecent_mind

21.8.10

ga-dose!

“Sing-haba tayo brod??? Parehas tayong ga-dose??! Weird!!” Yan ang sumigaw sa utak ko nung nakita ko yung kanya na kagayang kagaya ang sukat netong sa akin!


Ok! Maaaring sabihin nyong OA ako or weirdo para makipagkumpara sa iba, pero tingin ko kasi e very uncommon lang talaga na may makaparehas ako ng aking pag-aari considering the fact na hindi naman talaga ordinaryo ang haba nung sa akin. Meron man sigurong magkakaparehas pero konti lang talaga kami… oo, nacheck ko na kaya wag ka nang kumontra!

Base sa aking marubdob na pananaliksik, magkakaiba tayo ng pag-aari. Merong masagwa, mahaba, maikli, maganda, cute, at kadalasan kapag nakita natin ito sa isang tao e tumatatak na to sa ating isipan. Although mahaba yung sa akin, totoo ga-dose ito hindi ako nagbibiro, pero hindi ko ito ipinagmamayabang. Sabi nga ng tatay ko, ingatan ko daw ito at maging responsible ako sa paggamit, ito lang daw ang tanging yaman na maipapamana nya sa akin. Yeah, mahaba din yung sa kanya at sa kanya ko nga to namana!

Pero sa tingin ko e wala naman talagang malaking diperensya kung maiksi o mahaba yung sa yo, nasa paraan naman yun ng paggamit di ba? Nakakadagdag lang siguro ng pagkalalaki kung unique o cute yung sayo kasi madalas e naglulumikot eto sa isip ng mga.. malilikot ang isip! At saka, di naman (daw) dun sa haba o sa iksi nito pwedeng masukat ang pagkatao mo, hindi pwedeng maging basehan ng iyong pagkatao kumbaga!

Too much intro! sows!!

Ganito kasi yun, one of my blogger friends told me na may nag-add daw sa kanya sa FB, exactly same name as hers tapos lahat nung 12 friends nun e real-life-friends din daw nya… sabi ko naman baka nga may nanggagaya lang sa kanya o nagkataon lang talaga o ex-bf nya yun na ampalaya mode at gusto lang mamburaot or worst e doppelganger nya yun. Nyahahaha!! To the higher level na ang doppelganger! Haytettshhl!

Then kanina, may natanggap din akong friend request sa FB, from a name which is sssooooo familiar to me, dahil pangalan ko yun! At wala naman akong natatandaan na ini-add ko ang sarili ko… hello! Madami kaya akong friends sa FB! Di pa ako ganun kaloner para i-add ang sarili ko at maupdate sa mga pinaggagawa ng sarili ko! Hak hak! Magulo!

Very strange lang kasi not so common ang given name ko (five-letter-word lang pero very unusual) at family name ko (dose sya, oo ga-dose letra ang last name ko)!! Pero wadapak??? may kapareho pa rin pala ako??? Wahddaaaa???!!

Petty odd things, same month bday namin (but not same year, mas matanda sya sa akin ng 9 years), nasa lupain din sya ng buhangin ngayon (we are in almost same location)… and last, panget sya! (yun lang! malaking pagkakaiba! kasi mas panget ako! Hakhakhak!)…

At… hindi sya bogus, nakausap ko na!

Wooaaahhh!! What a coincindent coincidens coinsendent coinsidint co-accident!!!! Lol

Ikaw, kung very unique at uncommon ang first at last name mo tapos may makilala ka na complete stranger bearing the same name, ano ang magiging reaksyon mo? Nangyari na ba sayo to?




an_indecent_mind

16.8.10

libre chupit!

“what’s wrong with your hair??” takang-takang tanong ng kasama kong koreano.

halatang nagulat kaninang umaga dahil nga clean cut ang hairstyle ko at normally e laging maayos na sinuklay, with matching pomada gel, ang aking buhok sa tuwing papasok ako sa aming opisina.

simpleng ngiti lang at “why?” ang tinugon ko sa kanya. ngunit ang totoo nyan, noon ko biglang narealize na sa sobrang pagmamadali ko kanina e nakalimutan ko nga palang magsuklay! hahaha!

uso naman yun, “bagong gising” hairstyle. yun nga lang, mukang di ko yata kaya na madistract ng buhok ko ang attention ng clients namin! hehehe!

basically, our physical look is a pure reflection of our own personality. it can help us build good, or bad, lasting impressions. when we look good, it boosts our self-esteem and confidence. pero syempre, being professionals as we are, what we do for a living sometimes affects what we want in our lives.

and for sure, lahat tayo ay dumating na sa puntong gusto nating sumubok ng “something new” to loosen up ourselves. new look, new pastime, new food, new companion, new habit, new route. for a change, ika nga.

ako? nagsasawa na ako sa clean cut/nice look image.. now, i want to try something new..

skin head siguro… pero nagdalawang isip ako bigla nung makita ko tong picture na to...

patok na gupit para lingunin ng mga chicks!


baka maging sa halip na skinhead e maging dickhead din ako! hek hek hek!




an_indecent_mind

6.8.10

C (blogger o blogger, where art thou?)

dumadating ang mga pagkakataon na kelangan mong magpaalam, sa isang bagay na nakasanayan mo na, sa isang kaibigan na walang sawang naghatid ng saya at ngiti sa araw-araw mo, sa isang samahang walang kasinlalim at dalisay na akala mo noong una ay walang katapusan at minsan sa mga pangakong nabuo sa salitang “forever”. di naman maiiwasan ito sapagkat wala naman talagang permanente sa buhay ng tao, lahat maaring mabago o mawala sa isang kisap mata lamang.

ang isang bagay, gaano mo man ito kagusto na nasa kamay mo lang, ano mang pilit mo na wag munang bitiwan, sa katiting na pag-asang maaring meron pang magagawang paraan na hindi mo pa nasubukan, dadating pa rin sa punto na wala ka nang magagawa kundi tanggapin na lang na hindi na talaga pwede.

nothing is permanent in this world ika nga -- even life, even relationships, even a blogger’s blog.

naalala mo pa ba nung una kang pumasok sa blogosperyo? noong bago pa ang lahat sa iyong paningin? noong nagumpisa kang makibasa at mag-stalk sa isang blogista na super astig magsulat? noong puntong sinabi mo sa iyong sarili na, “hindi ako magaling magsulat, pero gusto ko ding magblog”. at dahil sa munting pangarap mong iyon, nagsimula ang pagikot ng buhay mo sa blog. sa mundong ito kung saan marami kang nakilala, natutunan, napatawa, at napahanga.

noong una, andami dami mong gustong isulat, andami mong gustong ibahagi sa iba, andami nilang nagsasabing “maganda ang pagkakasulat mo”, “magaling ka!”. ngunit matapos ang ilang posts, ilang panahon, bigla kang nabakante, bigla kang nawalan ng ganang sumulat, para ka na lang nakalutang sa kawalan. nawala na yung excitement na kagaya noong una mong pagpapakilala sa mundo ng blog, yung excitement na naramdaman mo nung unti unting may nakakakilala sa munting talento mo, yung feeling of fulfillment pag may nagsasabi sayong maganda ang pagkakasulat mo at nakarelate sila sa mga experiences mo.

ngunit darating ang maraming beses na biglang mawawalan ka ng interes na magsulat. bigla na lang mamamatay yung dating excitement mo na magkwento at magbahagi ng mga salitang hinuhugot mo sa iyong pagkatao..

inabot mo na ba yung punto na parang naoobliga ka na lang na magsulat, dahil maraming naghihintay sa mga hirit mo? tapos, andyan pa rin yung mga bumisita, nagkumento, naglink sa yo at humihingi ng exlinks, kelangan mo sila bisitahin isa isa.. magbasa ng posts nila.. natabunan ka na ng sandamakmak na gagawin, hanggang nakakatamad na sa sobrang dami ng kelangan mong gawin! hanggang sa kalaunan, di mo namamalayan, naging hiatus blogger ka na…

------

hiatus blogger

noong nagsimula ako dito sa blogosperyo, iba ang “trend” noon, marami kang mapupulot, may lalim ang bawat post. sa aking paglilibot marami akong hinangaan sa estilo ng panulat, sa pagpili ng mga titik, sa paglalapat ng emosyon sa bawat salitang sinasambit at nakakatuwang mga akda na sa kanilang pagkwekwento ay nadarama ko yung saya, lungkot, aral, pananaw at impormasyon na gusto nilang ibahagi. sa tulong nila, naging mas bukas ang aking isipan at mas malalim at malawak na pananaw sa buhay.

ngunit sa paglipas ng panahon, saksi ang marami sa atin at nakakalungkot isipin na maraming magagaling at mga aktibong blogger ang unti unting nawala, dumalang ang posts, pansamantalang namahinga ngunit sa kalaunan ay tuluyan nang nawalan ng siglang magsulat muli.

marahil ay abala na sila sa ibang bagay ngayon, marahil tuluyan nang nawalan ng interes yung iba, o kaya ay napagod? siguro lumalablayp na sila ngayon, siguro masyado na silang abala sa kanilang personal na buhay, sa totoong mundo. o siguro masaya na sila ngayon at nahihirapang tumipa, kasi nga mas madali daw makahugot ng emosyon at inspirasyon sa pagsusulat kung may pinagdadaaanan ka. o kaya naman ay nandyan lang sila sa tabi tabi, nakikibasa pa rin ngunit hindi nagpaparamdam.

panghihinayang. yun ang nararamdaman ko sa paminsan minsang pagbalik balik ko sa kanilang kuwarto, umaasa akong may bago mula sa kanila. sa bawat pagdalaw ko at paghalungkat sa mga natatago nilang mga posts, andun pa rin ang kakaibang ngiti at inspirasyon na naidudulot nila sa akin.

"asan na nga ba sila?"



photocredits mula sa flickr.com

totoo bang dumarating sa punto na bigla na lang umaayaw ang isang blogista sa kadahilanang wala na syang maisulat? may ganun ba? walang maisulat? o dili kaya naman ay masyado na lang silang nakahon sa konsepto ng kanilang pahina na tila sila mismo ay nawalan na ng laya para direktang ipahayag ang kanilang saloobin? ilan kaya sa mga hiatus bloggers ang mas piniling magbukas na lang ng panibagong kwarto para doon na lang tahimik na magsulat? mas malaya, mas pribado, mas tahimik.

kung nababasa mo ito, ikaw na isang blogger-on-hiatus mode, balik ka na, namimiss ka na namin… ikaw at ang mga pakwela mo, ikaw at ang mga kurot sa puso namin dulot ng mga likha mo.. balik ka na, namimiss na naming magbato ng kumento sa mga posts mo..

----

kumento

hindi naman maitatanggi na ang palitan ng kuro-kuro, saloobin, batuhan ng mga patutya o simpleng kumento ang isa sa nagpapadagdag kulay sa bawat akda ng isang blogero at sa tingin ko, kulang ang isang post kung walang nito.

pano mo sasabihing masarap ang luto mo kung ito ay angkop lang sa panlasa mo at walang ibang tumikim at nagsabing “masarap nga”?

nagsimula kang magsulat upang magbahagi, hanggang sa kalaunan parang naging entertainer ka na sa mga mambabasa mo. nagkaron na din ng pressure sa mga sinusulat mo. naging de-kahon ka na rin, tumitipa ka pero madalas yung angkop lang sa panlasa ng mga mambabasa mo ang nililikha mo. di ka pwedeng mag-emo, di mo na kayang magsulat ng may lalim at personal, di mo na kayang maging simpleng ikaw. di mo na kilala ang sarili mo, binasa mo ang iyong mga nauna at lumang akda, malaki na nga ang pagkakaiba ng noon at ngayon..

kung ikaw ang tatanungin ko ngayon, bakit ka ba nagba-blog? para sa sarili mo o para sa mga mambabasa mo?

matagal tagal na din akong nabakante, nagpahinga at medyo matagal na nanahimik, pero di pa ako umaayaw. heto ako ngayon, muling nagbabalik para sa aking ikasandaang post.

---

C

kung umabot ka sa puntong ito ng pagbabasa sa mahabang post na ito, maraming maraming salamat. kung nag skip read ka as usual, sayang pero di mo nalaman yung tsismis na sinabi ko dun sa itaas tungkol sa dalawang blogero na nadevelop dito sa blogosperyo at kung sino yung kras na blogista ni chiklet at ni keso… sayang!! tsk! hek hek!


almost 18 months of my existence here in blogspot, 144 followers, total of 958 comments and a handful of new friends.. yan ang buhay blogista ko..

at ngayon, sa pagtatapos ng hiatus mode ko at ang aking panata na isa isang bisitahin at balikan kayong lahat na mga dumalaw at nagkumento sa akin, tingnan natin ang resulta…

sila na mga minsang napadalaw at nagparamdam dito sa kuta ko,

<*period*> abou add topic aenid al de cruz algene aling baby alotstuff anonymous353 arbee atribidang mayora a-z-e-l batang nars bhing bloom bobo da wiseman bonistation bulaang katotohanan camille f. tajon ceejhay chingoy  dabo or david dado batista  dal  dclashed  elizabeth catura  ellehciren engel  erlyn  ferbert  gagay  herbs d  iisaw  jag  jhiegzh  joshmarie jules  katherine  kayce [kyrk]  kt  kumagcow kwentonatin  lhandz  led  macz  mark  marlon  mr. nightcrawler  myfingersrtyping  nafacamot nobe olay  ollie  pajay  pablong pabling  passing by  patola  patricia ashika  pong rej  rhodey  rio  rye meister  saul krisna  sempai  stupidient sweetham  taympers  taribong  tess pink tarha team the tomato café  tsariba  unbound/shuttershy  언니-unni  vanvan  vharonftw  vladimir buendia  walong bote  wandering commuter woman of contradiction yellow bells  yoshke


at sila din na “not once, not twice….” na nakibasa at nagparamdam,

goyo yanah  bampira ako alkapon angel jam  missguided  super gulaman eloiski iya_khin  j.d. lim kayedee mr. thoughtskoto  the pope ayie dhianz  manang jee  mjomesa  pinknote sasarai yin  azul  jelai jessa  kuhracha manik_reigun yeine tim  jongskie721  mike avenue  miles  sly  somnolent dyarista  sows zoan  aryan  dylan dimaubusan  gege  ghienoxs  goryo  i am xprosaic  leng  mokong  peanut  pink diaries  random student  rico sidney  soltero  tonio  adz  bulakbulero.sg  cayy cayy  chic's creations  confession nook  darklady  deth  fula  heleyna  iamyour angel iriz  jessie  jettro  kablogie kalyo galera  karen anne  kosa  lambing  mac callister  maldito  mervin  neildalanon  pirate keko  reyane salbehe  samar'a  stormy  the litter box owner  the reviewer  toilet thoughts  utak munggo  yang  yraunoj

at yung mga suki ko dito, (madalas skip read, minsan magcocomment ng “hehehe!” lang, at yung iba e nagsasabi ng “maganda ang structure” (mga nagkumento ng may bilang na mula sampu hanggang dalawampung kumento)


at ang mga talaga namang walang sawang nagpabalik balik dito:

master glentot ng wickedmouth (21 pagmumura)
chicqui ng my orange vest (22 "here we go!!")
princess roanne ng the journey of the prodigal daughter (25 super trumph)
choknat ng choknat  (28 tagay)
lord cm ng dungeon lord (30 patok na hirit)
jepoyski ng plema ni jepoy  (31 kabastushan)
super keso ng chi! (32 kasabawan)
sir gillboard ng gillboard grows up (32 banat)
pokie ng pokw4ng's uncensored mind (36 kahalayan)


at ang nag-iisa, walang gustong gumaya makagaya, ang nag-top sa pagkatalentado ng backreading at halungkat posts ko.. akalain nyong una syang nagkomento e 22 August 2009 pero nagalugad nya pa lahat ng posts ko, mapa walang kwenta man o walang kwenta, at tyinaga talagang isa-isahin?  ang aking number 1 stalker of all time;

si emdyey ng hide and seek (47 "impulsive buyer mode")

at emdyey, dahil sa iyong pagiging number one all-time-big-time fan/stalker ko at sa pangako ko na pasikatin ka bastat magdidikit ka lang sa akin higpit ng pangangailangan na maituro ang blog mo (sori, pero nagpaalam naman ako sayo na ibibigay ko link mo di ba?  di ka nga lang pumayag! hehe!), may munti namn akong pakuwensuwelo sorpresa sayo.. pls PM me..

sa lahat ho ng pumasok sa bahay na ito, sa inyo na nakitawa at nakikumento at nagdagdag kulay sa bawat salitang ibinahagi ko, maraming maraming maraming thank you beri beri mats po!


photocredits mula sa flickr.com


an_indecent_mind

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails