“Sing-haba tayo brod??? Parehas tayong ga-dose??! Weird!!” Yan ang sumigaw sa utak ko nung nakita ko yung kanya na kagayang kagaya ang sukat netong sa akin!
Ok! Maaaring sabihin nyong OA ako or weirdo para makipagkumpara sa iba, pero tingin ko kasi e very uncommon lang talaga na may makaparehas ako ng aking pag-aari considering the fact na hindi naman talaga ordinaryo ang haba nung sa akin. Meron man sigurong magkakaparehas pero konti lang talaga kami… oo, nacheck ko na kaya wag ka nang kumontra!
Base sa aking marubdob na pananaliksik, magkakaiba tayo ng pag-aari. Merong masagwa, mahaba, maikli, maganda, cute, at kadalasan kapag nakita natin ito sa isang tao e tumatatak na to sa ating isipan. Although mahaba yung sa akin, totoo ga-dose ito hindi ako nagbibiro, pero hindi ko ito ipinagmamayabang. Sabi nga ng tatay ko, ingatan ko daw ito at maging responsible ako sa paggamit, ito lang daw ang tanging yaman na maipapamana nya sa akin. Yeah, mahaba din yung sa kanya at sa kanya ko nga to namana!
Pero sa tingin ko e wala naman talagang malaking diperensya kung maiksi o mahaba yung sa yo, nasa paraan naman yun ng paggamit di ba? Nakakadagdag lang siguro ng pagkalalaki kung unique o cute yung sayo kasi madalas e naglulumikot eto sa isip ng mga.. malilikot ang isip! At saka, di naman (daw) dun sa haba o sa iksi nito pwedeng masukat ang pagkatao mo, hindi pwedeng maging basehan ng iyong pagkatao kumbaga!
Too much intro! sows!!
Ganito kasi yun, one of my blogger friends told me na may nag-add daw sa kanya sa FB, exactly same name as hers tapos lahat nung 12 friends nun e real-life-friends din daw nya… sabi ko naman baka nga may nanggagaya lang sa kanya o nagkataon lang talaga o ex-bf nya yun na ampalaya mode at gusto lang mamburaot or worst e doppelganger nya yun. Nyahahaha!! To the higher level na ang doppelganger! Haytettshhl!
Then kanina, may natanggap din akong friend request sa FB, from a name which is sssooooo familiar to me, dahil pangalan ko yun! At wala naman akong natatandaan na ini-add ko ang sarili ko… hello! Madami kaya akong friends sa FB! Di pa ako ganun kaloner para i-add ang sarili ko at maupdate sa mga pinaggagawa ng sarili ko! Hak hak! Magulo!
Very strange lang kasi not so common ang given name ko (five-letter-word lang pero very unusual) at family name ko (dose sya, oo ga-dose letra ang last name ko)!! Pero wadapak??? may kapareho pa rin pala ako??? Wahddaaaa???!!
Petty odd things, same month bday namin (but not same year, mas matanda sya sa akin ng 9 years), nasa lupain din sya ng buhangin ngayon (we are in almost same location)… and last, panget sya! (yun lang! malaking pagkakaiba! kasi mas panget ako! Hakhakhak!)…
At… hindi sya bogus, nakausap ko na!
Wooaaahhh!! What a
Ikaw, kung very unique at uncommon ang first at last name mo tapos may makilala ka na complete stranger bearing the same name, ano ang magiging reaksyon mo? Nangyari na ba sayo to?
an_indecent_mind
Ang weird pag ganun ang mangyari...As in? totoo? Meron nga? Baka kamag-anak mo xa...kasi yung kapatid ko kapangalan niya din ang pinsan ko pero magkaiba lang ng middle Initial hehehe...
ReplyDeletenaniniwala akong doppelganger mo yun...mukhang multo eh joke lang parekoy hehe...
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteNapakastrange nga kung may epal na darating sa buhay mo na nakikipangalan sa'yo. Pero parang wala ako makikilalang ganun. Haha. Una, paubos na ang lahi ng apelyido namin. Pangalawa, dalawa pangalan ko at kombinasyon pa na matindi. Parang wala...
ReplyDeleteakala ko ba naman gadose ka yung ano mo. hahahah! doppelganger lang pala hahahha.. pag sa kin nangyari yan aba kakaripas ako sa lawyer ko papalitan ko ang pangalan ko! hahahaha
ReplyDeleteweird kapag ganun. kasi nakausap mo pa ung person na may kasing name mo. usually sa fb madami dopelganger kaso sila ung walang pix.
ReplyDeleteNangyari na sa akin yung may kamukha ako ng name sa isang laro at magkamukha din kami ng avatar as in magkamukhang magkamukha. Akala ko may multo na din sa game na yun.lol
ReplyDeletemeron akong alam pero di sakin nangyari dun sa tito ko...
ReplyDeletekasi may JR. syang anak na kilala ko tapos nung nasa college ako meron ganun na pangalan at Junior din yung extension name nya to cut it short dapat magpinsan kame pero di ko sya kilala at di rin sya kilala nung tito ko.. yun lang :P
pag ganon isa lang maiisip ko...kaungaz ng magulang ko na nagpangalan sakin!walang effort na magisip ng unique na name!walang originality!hahaha..bitter pala e.
ReplyDeleteFeeling ko galing siya sa isang PARALLEL UNIVERSE. kailangan mo siya makausap, para masolve mo ang mystery.
ReplyDeletewoawww... Agree ako kay rah... ahehehe.. Kaya ayoko ng name ko eh, napakacommon. Parang kapag tinawag ako sa public place lahat ng tao lilingon haha
ReplyDelete@JAG
ReplyDeletedi ko kamag anak brod e... or maybe kamag anak ko pero malayo na... problem is di ko masyadong kabisado ang roots ng father side ko.. konti lang kami sa PINAS! lol
@AKO SI YOW
good thing kung wala kapareho di ba? madalas kasi nagiging problema yan sa NBI kung yung kapangalan mo e may criminal record, kung ganun GUDLAK naman! hehehe!
@PETITAY
hmmm... yung paa ko kasi e size 10.5 or 11.... meaning.... yun din ang size ng sapatos ko! hek hek!
@KHANTOTANTRA
ReplyDeleteweird feeling talaga... parang nakikipagusap ka sa sarili mo na may ibang identity? hahaha!
@DARKLADY
nageevolve na sa cyber world ang mga ghosts at doppelgangers! nyahahaha!
@POLDO
o? mas malupit yun! at napasa pa sa second generation! asttteeggg!
@UNGAZ
ReplyDeletehakhak! bigla naging ampalaya??? e kung mas matanda ka naman sa kapangalan mo, meaning nakigaya lang sya sa beri beri byutipul neym mo! lol
@RAH
hahaha! hindi ko kinaya ang theory mo ng PARALLEL UNIVERSE! ikaw naaaa!!
@KAREN
common ba name mo? pero last name mo naman hindi di ba? see? wala ka pang nameet na kagaya name mo...
haha, ang weird nga!
ReplyDeletetapos nakausap mo pa? may balak ba kayong magkita? hahaha
ako wala pa naman akong nakikita na pareho ng pangalan ko.
di kaya nabiktima ka ng identity theft? wag naman sana... hehehe
ReplyDeletebossing baka nman may Jr. sa last part ng name nya. kaso mathematically di pwede unless 9yrs old ka may najuntis ka na.. pero mahirap nga tlaga paniwalaan un pero ngyayari.. ako nga may 2nd cousin me middle name lang pinagkaiba nmin although common name at very common ang family name ko...same age but diff. birthday. muntik pa nga kmi maging mag classmates nung elem eh.. tyaka pinagkaiba namin eh pogi siya at mas pogi lang ako. hehehe...
ReplyDeletesa akin common na 'to, ang dami ko kapangalan pati kaapelido. masyadong pangmasa pangalan ko.
ReplyDeleteiba naiisip ko sa intro mo. hhahahaha
ReplyDeleteako nga rin may kapangaan eh. kasabay ko pa sa board exam.. yun nga lag very common lng ng pangalan ko
I'm sure mas pogi ka sa kanya. Pero medyo scary naman yun, same birthdate din, year lang nagkaiba. Parang bogus na ndi na ewan. Hay. Well, ingat lang ng konti kase super rampant na ng identity theft ngayon. Mwah!
ReplyDeletenagising ang malikot kong kaisipan kahit sobrang inaantok na ko dito sa office dahil sa nabasa ko tungkol sa something na mahaba.. whew!
ReplyDeletebaka nga jr. mo, hehehe!
so far wala pa naman akong kapangalan, pero ang weird naman sakin, marami akong ka-bday.. :)
buti wala pa akong nakakaenkwentrong kapangalan ko. weird to.
ReplyDelete@OLIVER
ReplyDeletedi ko lam kung magkikita kami,parang mas weird ata yun... haha!
@GILLBOARD,
di naman siguro... wala naman kwenta pagkatao ko kaya walang magkakainteres na nakawin! hahaha!
@NAFACAMOT
uyy! mas astig yun, kakilala mo tas kasing edad mo pa! yun nga lang, mas humble ka kaysa sa kanya! lol
@BULAKBULERO
ReplyDeletecommon name pero uncommon ang kagwapuhan mo?.. yun yown e!
@KIKILABOTZ
ano brod naiisip mo sa intro? hahaha!
@K,
mas pogi ako ng beri beri islayt lang... lol
@GESMUNDS,
mga ilan kabday mo? binilang mo talaga ha? hehe! madami ata nagbbday e oct or nov di ba?
@SUPER BALENTONG,
yeah weird! siguro kasi unique din name mo?
nakakacurious ang tinutukoy sa intro..syempre mahalay ako kaya un agad naisip ko!hahaha
ReplyDeletecreepy kung may katulad ka ng pangalan...lalo na kung mas chaka!
HIndi pa naman nangyari sa akin yan pero ang nangyari sa akin eh minsan pagsakay ko ng jeep may nakita akong kamukhang kamukha ko napatingin ko sa kanya nang matagal at nastarstruck hahahha ang cute ko lang kasi.
ReplyDeletegrabe naman un kpangalan mo tlga..mabuti nalang may pinagkaiba kayo hehehe lol
ReplyDeletenapadaan.
Ito ang pinakamahaba at pinakamalaman na intro na nabasa ko. Syet. Kinilig na naman ako, dagdag pa sa kakiligkilig na header mo.
ReplyDelete