"don't call me, i'll call you later, andito kasi ngayon si bf"
kung pamilyar sayo yung ganitong linya malamang naranasan mo na ang ganitong klase ng magulong relasyon,at ngayon pa lang e natumbok mo na ang kahulugan ng linyang yan. malamang di na bago sayo yung linyang "manong sa pinakamalapit...", adik ka na rin sa full throttle intensity ng "short time" at alam mo yung literal na kahulugan ng "parang mauubusan".
ang totoo, masarap na mahirap ang ganitong tipo ng relasyon. masarap kasi nga may thrill. para ka na ring palihim na kumakain ng huling slice ng pagkasarap sarap na cake sa ref nyo na di naman sayo at alam mong magagalit ang mayari pag nalaman nyang nilantakan mo ito.. pero sige kain ka pa rin..
di naman ako magmamalinis dahil di naman talaga ako malinis. i've been into same situation before. may gf ako noon but it just happened that my ex-gf and i found each other again after ten long years. once tinanong ko sya, "nasa yo ang lahat ng pagkakataon at magagandang katangian para pumili ng taong magmamahal sayo ng buong buo, pero bakit ako pa?" nakangiti pero walang kakurap kurap nya akong sinagot, "dahil sa ngayon ikaw lang ang nakakapagpasaya sa kin ng ganito. alam ko naman di permanente to, bukas maaaring maiba ang ihip ng hangin, pero sa ngayon pahiram muna sayo, habang masaya pa tayo sa isat isa. at saka... ano ka ba? mas mahal ang kabit no!"
the joy and pleasure of having an illicit affair.
iba ang pakiramdam, may adrenaline rush sa bawat pagkakataon, may kakaibang thrill, madalas fast forward ang lahat ng bagay. you both know what you want at ginagawa nyo yun without pretentions or hesitations,kasi di nyo naman kelangang magpanggap just to please each other. kasi tanggap nyo ang isa't isa, no more no less. wala kayong sinasayang na oras, itinuturing nyong last na ang bawat araw na magkasama kayo dahil wala naman talagang kasiguraduhan ang lahat sa inyo.
pektyur mula kay pareng gogol |
masarap ang bawal kasi alam mong alam nyang pumili ka na pero pinipili ka pa rin nya.
masarap ang bawal kasi alam mong pumili na sya ng para sa kanya, na sa tingin nya e pinaka the best na para sa kanya, pero heto at pinipili ka pa rin nya.... ibig sabihin ba nun e better ka pa sa best?
pero teka nga, may superlative pa ba ang best?
the torture of having one.
lahat ng saya may downside din yan at eto ang malupit na parte na walang gamot na mabibili kahit san pa mang mercury. yung nakakamatay na lungkot habang nag-iisa ka, naghihintay sa simpleng text message o paramdam, kahit miscall lang sana, masabi lang na naalala ka nya kahit masaya sya sa totoo nyang mundo..
alam mo naman na hindi sya sayo, alam mong di pwede, alam mong ikaw din ang talo sa huli pero sige ka pa rin.. bigay ka pa rin ng bigay.. ano nga bang kapalit? isang oras ng ngiti kapalit ng isang araw na luha. kaunting atensyon. kapirasong oras. isang buong daigdig ng kaligayahan. isang habambuhay ng walang kasiguraduhan na posibilidad, at muli sa paggising mo sa kinabukasan e andun na naman ang pagkasabik mo sa isang tao na di mo alam kung kelan mo ulit makakasama. paulit ulit lang, nakakaadik.
masakit ang maghintay sa isang bagay na di mo alam kung dadating nga ba, pero wala nang mas sasakit pa sa paghihintay sa isang bagay na hindi naman talaga dadating kahit kelan. pero sa tagal at sa paulit ulit na sakit parang naging manhid ka na rin. minsan nga di mo na alam kung martir ka ba o masokista lang talaga..
masarap sana ang bawal, yun nga lang dapat handa ka rin na maging parang tanga lang, nagaabang sa patak ng ulan. yung para bang ikaw lang lagi ang nagbibigay. umaasa. naghihintay. sa wala.
an_indecent_mind