Ikaw na lang ang LAGING TAMA!
Ikaw na ang MADAMING ALAM!
OK FINE!
Ikaw na ang BRIGHT!
Point of Argument: ON BEING RIGHT.
SHE SAID: Hindi sa lahat ng pagkakataon ang mali ay mali at ang tama ay tama. Hindi lahat ng ikakasaya ng isang tao e ang pagiging tama. Also, Being responsible is not being always right. Being responsible is yung alam mo kung kelan ka gagawa ng tama at alam mo kung kelan ka gagawa ng mali. At hindi ibig sabihin na gumawa ka ng mali e masama ka na o masama yung ginawa mo, nasa sitwasyon yun. As long as kaya mong ibalanse ang lahat ng bagay, kaya mong ipaliwanag at kaya mong ipaglaban ang sarili mong pananaw.
HE SAID:Yun nga kasi ang mali dun, yung alam mo nang mali pero ginawa mo pa rin dahil lang alam mo na kaya mong ipaliwanag at panindigan after at kasi alam mong maiintidihan ka naman. Pero looking at it, tama pa rin ba yun? The end does not justify the means.
Sino nga ba ang totoong MAY TAMA?
an_indecent_mind
IKAW may tama..(evil laugh)
ReplyDeletetsk.. sa tingin ko ha.. eto naman eh opinyon ko lang.. kung sa tingin ko masaya ako at wala naman akong nasasagasaan na ibang tao dun sa sitwasyon ko, sa desisyon ko at sa actions ko.. sa tingin ko tama ako.. pero kung in the process ng mga decisions at actions ko(na sa opinyon ko eh ikasisiya ko)may masagasaan ako/may matapakan/may masaktan, yun ng yung point ko na masasabi kong mali ako.. once na may ibang taong affected in a negative way, mali na yun..
pareho silang may pnto par... pero mas tama si HE...para sa akin.
ReplyDelete@yanah
ReplyDeleteikaw na ang adik na maagang natutulog pero nakakapagcomment pa rin!
so kung wala kang nasasagasaan pero mali ok lang na gawin?
@moks
ako din tingin ko mas tama yung HE.... lol
makikisalii lng ah~!
ReplyDelete:D:D
kung susuriin mong mabuti, tamaaa si He~
pero sa totoong buhay parang ang hirap i-apply or tanggapin minsan yung sabi ni He, kasi looking at it nga, tama rin sinabi ni She, i-balance and depende sa sitwasyon~! ^^
parang medyo vague ewan ko.
ReplyDeleteanyway, agree ako na the end does not justify the means.
kuya bukas na ko magcomment, di ko naintindihan e haha!
ReplyDeletedi ko ma gets bobo kasi me.
ReplyDeleteDi ko din nagets. hHaha. Ang tanga ko naman. Hindi kinaya ng utak ko. Bleed! Sorry naman.
ReplyDeletealin ang may tama? tama sa utak? LOL...ang nagsulat nito hehehe joke lng parekoy!
ReplyDeletepano mo ba maasabing mali ang isang bagay? kapag salungat sa prinsipyo mo? kapag kaiba sa paniniwala ng iba? kung ibabase mo sa paniniwala at prinsipyo ng iba ang lahat ng gagawin at magiging desisyon mo, bukod sa hindi ka magiging masaya, hindi ka pa rin magiging tama.. dahil abwat tao iba-iba ang pinaniniwalaan, iba-ibaa ng pamantayan ng tama at mali.. :D
ReplyDeletewv: sessexxs
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteShe said he said. Wala bang it said ahehehe. Tingin ko tama yung He. Pero case to case basis pa rin.
ReplyDeleteahmmmm san ba ko papanig?pwedeng pakibatukan muna ang otor?umagang umaga kasi pinapadugo utak ko..
ReplyDeleteSabi sa philo class namin,kahit daw malinis ang intensyon o nagdulot ng magandang resulta pero ang mismong act ay hindi mabuti,considered mali pa rin ito. So ito nga yung sinasabi ni HE na the end does not justify the means.
Agree ako dito pero hindi ko naman sinasabi na walang punto si SHE. Ang akin lang, e di MALI kung MALI! Aminin na lang para walang away.hehe Ang pinag-uusapan naman talaga in the first place ay yung act itself at hindi yung mga dahilan behind that action. Kung nagdulot man ito ng mabuti o masama in the end, e ibang usapan na yun at problema na yun ng taong involve. Huwag na nating gawing kumplikado ang mga bagay bagay. Mali kung mali. Tama kung tama.
Magulo ba? Basta lahat naman tayo e gusto lang maging masaya. Minsan nga lang hindi lahat ng nakakapagpasaya sa atin ay tama. Diskarte mo na lang kung papaano haharapin ang kinalabasan ng iyong ginawa.Yun lang.. :)
Haaaayyyy...Ang tama ay pagbigyan mo si "SHE" at hindi papatalo yon.Hahaba lang usapan!Kaya laging tama babae.Matahimik lang.hahaha!!!
ReplyDeleteAng hirap naman ng tanong mo. Ang pagiging tama kasi ay nasa tao, parang yung kasabihang beauty is in the eye the beholder.
ReplyDeletewag ganun... hehe :D
ReplyDeleteika ka nila wala naman tama eh.. its how you see and interpret the things happen :D
basta masaya ka sa desisyon na ginawa mo, yun ang tama!!! just my 2 cents... =D
ReplyDeleteTama si He pero may point din si She. Magulo. pero kasi minsan dedepende sa tao kung ano ang tama at kung ano ang mali.
ReplyDeleteOo nga naman... Sino nga ba talaga ang Tama...??? Errr...
ReplyDeletetuhmah!!
ReplyDeletehaha. di din ako naniniwala kay niccolo machiavelli. the end does not justify the means, ika mo nga :D
kung saan masaya..supurtahan taka!
ReplyDeletebakit parang ako lang yung nagsasalita ng SHE?? ahahaha
ikaw ang may tama!... tama ang sagot mo dun sa tanong ko.. ahehehe..nice nice... ^_^
ReplyDeletesa tingin ko, being right or being wrong depends on the subject. hindi naman kasi universal ang morality ng mga tao. lahat may say, lahat gustong magpakatama. siguro ang kelangan nalang nating isipin eh, there's no absolute truth or good :)
ReplyDeletekelan ba naging tama ang mali?
ReplyDeleteang mali, kahit pagbali-baliktarin mo pa, mali parin.
ReplyDelete"As long as kaya mong ibalanse ang lahat ng bagay, kaya mong ipaliwanag at kaya mong ipaglaban ang sarili mong pananaw." ---ang tawag don, alibi.
convincing others that you have a point in doing something wrong and later on, lulunurin sila sa point mo na yon hanggang makalimutan na nilang mali ang ginawa mo. after that, lalabas na tama ka.
pero sa palagay ko, kahit i-solve mo pa yan using ur abacus, if it cannot be, borrow one. lol! ang negative ay mananatiling negative at ang positive ay positive. anu ba! wag ng gawing complicated!
i therefore conclude: magaling talaga sa alibis ang she! girl power! LOL!
actually hindi ko to magets. gusto ko lang makigulo, lakas ng tama neto e. haha!
=D
hmmm.. sa tingin ko ha.. parehong "may tama".. bakit.. sa tingin ko lang naman..
ReplyDeleteIkaw naman talaga! Nagets ko...pero hindi ko na ma elaborate ang comment ko.
ReplyDeleteMasyadong pamilyar..hahahah!
marami na akong narinig na ganyang argumento, pero may kanya kanyang pananaw at paniniwala sila kung saan tama ang tama, mali ang tama, tama ang mali, at mali ang mali.. ang gulo ko lang.
ReplyDeletetama si he. para sa kin mali ay mali. tama ay tama.
ReplyDeleteIt's a case to case basis. Tama sila pareho. Pero hindi rin laging tama sila palagi.
ReplyDelete