"don't call me, i'll call you later, andito kasi ngayon si bf"
kung pamilyar sayo yung ganitong linya malamang naranasan mo na ang ganitong klase ng magulong relasyon,at ngayon pa lang e natumbok mo na ang kahulugan ng linyang yan. malamang di na bago sayo yung linyang "manong sa pinakamalapit...", adik ka na rin sa full throttle intensity ng "short time" at alam mo yung literal na kahulugan ng "parang mauubusan".
ang totoo, masarap na mahirap ang ganitong tipo ng relasyon. masarap kasi nga may thrill. para ka na ring palihim na kumakain ng huling slice ng pagkasarap sarap na cake sa ref nyo na di naman sayo at alam mong magagalit ang mayari pag nalaman nyang nilantakan mo ito.. pero sige kain ka pa rin..
di naman ako magmamalinis dahil di naman talaga ako malinis. i've been into same situation before. may gf ako noon but it just happened that my ex-gf and i found each other again after ten long years. once tinanong ko sya, "nasa yo ang lahat ng pagkakataon at magagandang katangian para pumili ng taong magmamahal sayo ng buong buo, pero bakit ako pa?" nakangiti pero walang kakurap kurap nya akong sinagot, "dahil sa ngayon ikaw lang ang nakakapagpasaya sa kin ng ganito. alam ko naman di permanente to, bukas maaaring maiba ang ihip ng hangin, pero sa ngayon pahiram muna sayo, habang masaya pa tayo sa isat isa. at saka... ano ka ba? mas mahal ang kabit no!"
the joy and pleasure of having an illicit affair.
iba ang pakiramdam, may adrenaline rush sa bawat pagkakataon, may kakaibang thrill, madalas fast forward ang lahat ng bagay. you both know what you want at ginagawa nyo yun without pretentions or hesitations,kasi di nyo naman kelangang magpanggap just to please each other. kasi tanggap nyo ang isa't isa, no more no less. wala kayong sinasayang na oras, itinuturing nyong last na ang bawat araw na magkasama kayo dahil wala naman talagang kasiguraduhan ang lahat sa inyo.
pektyur mula kay pareng gogol |
masarap ang bawal kasi alam mong alam nyang pumili ka na pero pinipili ka pa rin nya.
masarap ang bawal kasi alam mong pumili na sya ng para sa kanya, na sa tingin nya e pinaka the best na para sa kanya, pero heto at pinipili ka pa rin nya.... ibig sabihin ba nun e better ka pa sa best?
pero teka nga, may superlative pa ba ang best?
the torture of having one.
lahat ng saya may downside din yan at eto ang malupit na parte na walang gamot na mabibili kahit san pa mang mercury. yung nakakamatay na lungkot habang nag-iisa ka, naghihintay sa simpleng text message o paramdam, kahit miscall lang sana, masabi lang na naalala ka nya kahit masaya sya sa totoo nyang mundo..
alam mo naman na hindi sya sayo, alam mong di pwede, alam mong ikaw din ang talo sa huli pero sige ka pa rin.. bigay ka pa rin ng bigay.. ano nga bang kapalit? isang oras ng ngiti kapalit ng isang araw na luha. kaunting atensyon. kapirasong oras. isang buong daigdig ng kaligayahan. isang habambuhay ng walang kasiguraduhan na posibilidad, at muli sa paggising mo sa kinabukasan e andun na naman ang pagkasabik mo sa isang tao na di mo alam kung kelan mo ulit makakasama. paulit ulit lang, nakakaadik.
masakit ang maghintay sa isang bagay na di mo alam kung dadating nga ba, pero wala nang mas sasakit pa sa paghihintay sa isang bagay na hindi naman talaga dadating kahit kelan. pero sa tagal at sa paulit ulit na sakit parang naging manhid ka na rin. minsan nga di mo na alam kung martir ka ba o masokista lang talaga..
masarap sana ang bawal, yun nga lang dapat handa ka rin na maging parang tanga lang, nagaabang sa patak ng ulan. yung para bang ikaw lang lagi ang nagbibigay. umaasa. naghihintay. sa wala.
an_indecent_mind
Mga nakaw na sandali.... yan ang nangyayari sa ganyang magulong sitwasyon. :(
ReplyDeletemahirap nga sa parte ng nakikihati, dahil alam nyang hindi sya ang priority pero eto at nagpapakatanga pa rin...
ReplyDeletepero naisip mo ba, na minsan kung sino pa ung pinaghahatian eh sya pa ung nagiging tanga?naghihintay?umaasa?
masarap lang yan sa una, habang wala pang nasasaktan. pero pag nagsimula na yun, at mawala na yung mga mawawala, di sulit.
ReplyDeleteIt's just not worth it, simple as that. ; )
ReplyDeletedi ata ako makareact....sige eto na lang...
ReplyDeleteBAD YAN!
hahaha super relate ako lol... well lesson learned!! ganon lang ang buhay!!
ReplyDeleteit's not worth it pag legally attached yong tao pero kung both are single naman well i guess one person nga din naman won't look for somebody else if the person who's present can give all the emotional assurance towards it. when it's not then hala ka na!!!
ReplyDeleteAng laleeeeemmmmm! Nalunod ako kuya...
ReplyDelete"masakit ang maghintay sa isang bagay na di mo alam kung dadating nga ba, pero wala nang mas sasakit pa sa paghihintay sa isang bagay na hindi naman talaga dadating kahit kelan."
Awwww...ganda ng linya. Pa-register mo na yan, baka kuhanin ng Star cinema! hahahaha!
Ayoko mag comment. hahahah!
sus di naman ako makarelate!!!! parang di ko naramdaman na nakarelate ako kasi sumapol sa pinakang gitna..bulls eye!!
ReplyDeleteang dami ko pang dapat sabihin....ayaw ko na lang sabihin at baka maging isang post na puro drama,hihihi
@POKIE, ay sayang.. akala ko pa naman isa ka sa mga major commentor ko.. hehehe!
ReplyDelete@AYIE, uso ang walang comment? thanks sa pag-like! FB??? lol
@ POY, may point ka.. hindi naman kasi laging matter of financial stability, emotional security na rin at syempre quality and humor... di ba?
@ MADZ, bad ngaaaa!! tsk!
ReplyDelete@ ROUSELLE,not really worth it? hmmm...
@GILLBOARD, syempre charge to experience.. kumplikadong experience!
@LORDCM, tama yun minsan ung pinaghahatian ang nagiging biktima ng sarili nyang laro sa bandang huli.. kasi naman nakakaadik ang sobra sobrang atensyon at pagmamahal... at sa bandang huli, sya na mismo ang naghahabol sa isang bagay na di naman permanente.
@KHANTOTANTRA, puro panakaw... masarap.. may thrill.. exciting! magulo...
bawal yan oist!! sabay kanta ng...
ReplyDelete*secret lovaaaahhhh...."
un lang ang linyang alam ko sa kanta eh. haha!
tulad ng sinabi ni kuya GB, sa umpisa lang masarap at masaya yung ganyan dahil habang tumatagal masakit na yung ganyan..mahirap magmahal ng taong alam mong kahit kelan eh di mapapasayo..kasi kung talagang tunay yung love dapat sa umpisa palang ikaw na yung pinili nya..
ReplyDeletemahhirap nga ang ganyang sitwasyon. aaminin minsan..wag na nga lang. nambitn?. nwei nice post ^_^ thumbs up
ReplyDeleteMasarap talaga ang bawal pero we should keep in mind na everything backfires...
ReplyDeletesabi ko naman sayo kuya e, keep your mojo barriers intact... ano gusto mo hiramin yung mojos ko?
ReplyDeletethe only thing i know is; bawat isa kanila may mga dahilang pilit man nilang ipaunawa di rin natin maiintindihan as long as wala tayo dun sa sitwasyon; sabi nga, madaling magsalita para sa mga taong wala naman sa kalagayan nila...hindi ko sinasabing tama sila tulad ng di ko rin masasabing mali sila spagkat minsan ang tingin ng maraming mali ang di nila alam sa sitwasyong yun naging tama ang buhay nila...Ikaw alin ba ang pipiliin mo ang tama o ang kung ano ang makapagpapasaya sa iyo? Ang paggawa ba ng tama ang ciang makapagbibigay lang ng kasiyahan sa isang tao? MAy nagsabi nga pag natutuhan mong magmahal at sa taong yun ka lang nakakaramdam ng saya sa tanang buhay mo; others tell at the end of the day mas pipiliin mo pa rin yung kung ano ang tunay na makapagpapasaya sa iyo..ang paggawa ng tama na hindi ka naman kuntento at masaya o ang may masasaktan ka subalit alm mong magiging masaya ka....choice na lang yan ng bawat individual....
ReplyDeleteke tama o mali, lhat me consequences na alam ng lahat. dibale nang maging unfair, wag lang maging uber tanga.
ReplyDeletenuuks!
no comment is still a comment. lol
ReplyDeleteNapadaan, naiyak dahil sakto sya sa sitwasyong meron ako/kami. Tama ka naman masarap talagang magmahal nakakaadik lalo na kung alam mong may kaagaw ka.
ReplyDeleteSalamat sa entry na to, nabuksan ata third eye ko hehehe.
Bawal ito di ba. Bad nga. Pero teary-eyed ako after reading it. Parang nafeel ko yung nafifeel mo while writing this... Parang ganon...
ReplyDeleteNaghihintay sa wala. Argh. Napalakas ang pagkakatama sa akin.
ReplyDeletewhahha bakit ganun... kakagulat naman yung ganung sitwasyon.. wag ganun :D
ReplyDeletehindi mo lang alam kung paano ako nawiwindang sa mga nabasa ko sa unahan. hindi ko tinapos, alam ko na ang kasunod, kasi dinanas ko na rin yan dati.
ReplyDeleteand oh i'm so dowm right now, yung ex ng asawa ko nameet ko lang naman kagabi, just to get her things from our flat, what can i do, but to let my husband get them for her, oks lang sakin, but deep down inside, siguro kahit papano medyo masakit, medyo nakakainis, knowing that for my husband she's a past and only a good friend.
sorry naman at nakapaglabas ng sama ng loob dito. bigla na naman kasi ang balik ng maraming bagay. parang multo lang na trip na trip dumalaw sa alaala ko. haay! saan kaya ang ending ng pag-eemo ko...
word ver: WHEST - weh?
♫ di ba ako'y tao lang na nadadarang at natutukso rin... maiaalis mo ba sa kin ang matutunan kang mahalin.. sa bawat sandaling hiram natin.. ♫
ReplyDeletenapakanta na lang hihi. sapul kasi eh. minsan na akong naging 4th party. as in # 3 hahahaha :D
masarap na mahirap yan... pero hindi ko pa naranasan yang ganyang pagkakataon... tamaan man ako ng kidlat ngayon...
ReplyDelete"... pero sa ngayon, pahiram muna sa'yo..." nakng linyang yan.
ReplyDeletewala lang. hayst. hindi naman kase natin masabi ang hinaharap.
sabihin man nilang mali. may magagawa ba sila kung dun ka lumiligaya?
in the end. ikaw pa din ang pipili kung gusto mo maghintay at magpakatanga habang buhay para sa kaligayan mo na hindi mo alam kung permanente o hindi.
wala namang mawawala... kung may saglit na hiramang magaganap.
wapaks.
i've never been into any relationship simula nung pinanganak ako sa mundong ito. i don't know if tama tong makokoment ko kasi di ko pa to na-e-experience, ang say ko lang, sana wag nang subukan ang bawal kasi in the end, we all know babalik din sa tin yun at tayo rin ang masasaktan.
ReplyDeletehindi ako maka-react... palakpak na alng ako... ahahaha... party party... ;)
ReplyDelete=) Online na tabloid ito..
ReplyDeleteNakakalibang... na tunay...
Sa susuonod na dalaw ulit..
At nga pala salamat sa pagdalaw sa akin...
Kaibigan...diary ni gracia
sa bawat araw na lilipas, sa bawat edad na madaragdag. Panibagong kumplikasyon ang ang mapagdaraanan natin. Itong ganito? Masarap, masakit, nakakakilig, at nakakabaliw. Yung tipong ndi ka na makahinga sa dami mong nararamdaman. Ang importante lang e was mong kalilimutang hindi lang ikaw ang may mundong umiikot. Pero sana wag mo ding bagalan ang pag-ikot mo at baka marami kang malampasang mas makakapagpaligaya sayo.
ReplyDeleteBuhay nga naman!