pektyur pektyur! ismayl!!!!

29.9.11

wait lang! di ba True Love Waits??



True love waits daw... Madalas kong mabasa at marinig ito noong highschool pa ako. Lagi din kaming nireremind about sa consequences ng pre-marital sex ni titser Leny at titser Hilda (mga religion class teachers namin) at ni Mam Magdalena (titser namin sya sa Accounting pero madalas naming tanungin about sex; at syempre pa alis na ang antok ng lahat na pag sex na ang topic!).

kung sa panahong hayskul e normal na sa aming mga kalalakihan ang  pagiging mapagsaliksik, mapusok at padalos-dalos sa ganitong yugto e ako naman noon e nageenjoy pa lang sa mga “kilig moments” LOL. Oo tama, sa halip na pamboboso at kung ano ano pang kalokohang produkto ng hormonal na pagbabago e abala naman ako sa paggawa ng mga love letters o di kaya ay pagreresearch ang inaatupag ko noon sa kung paanong paraan mapapasagot ang nililigawan (pangit ka na nga wala ka pang diskarte??!). Madalas akong gawing kasabwat ng mga barkada ko para sumulat ng love letters sa kanilang mga nililigawan at madalas ko ding binalak na ako na lang kaya ang sumulat at lumigaw dun sa mga type nila, sagutin din kaya ako? LOL

Well, mga murang isipan at saka yung generation namin noon e considered na fourth base na ang lips to lips sa chick -- mayabang ka na nun brod! (ay syempre depende nga pala sa kartada ng chick mo! LOL) pero kung iyayabang mo e gumala-gala ang iyong mga kamay sa kambal na bundok at sa mabalahibong pusa (yes, as in!) sa dako pa roon? Aba naman parekoy! Fifth Base ka na nun! Tutulo ang laway sa inggit ng mga barkada mo sayo.. at sisimulan ka na nilang tawaging “chickboy”..

Wala e, ako mahina ang loob ko sa mga ganyan.. may mga naging gf ako during highschool days pero ang pinakamalayong narating ng dulo ng daliri ko nung mga panahong yun e hanggang dun lang sa ibabaw ng “sa dako pa roon” at nung nag-attempt akong baybayin ang garter ng kanyang so-en e dun natigil ang aming pagpapalitan ng laway. Tandang tanda ko pa kung pano nya ako tiningnan sa aking mga mata, maluha-luha sya noon, may takot, at nagtatanong o nagmamakaawa na ituloy ko ang maitim kong binabalak… pero tumigil ako sa ginagawa ko, bigla akong natauhan na para akong nabuhusan ng malamig na tubig..

gusto ko sanang ipagpilitan ang nais ko sa marubdob na pagnanasang kumawala na sa pagkaalipin kay mariang palad..

gusto ko sanang gamitin ang mga linyang “akala ko ba mahal mo ako?”

Andun na e! andun na yung tinatawag na “heat of the moment” na sa tingin ko e nadadala na din sya sa ginagawa namin! pero hindeeeee…. Natakot ako!

Una kasi wala pa naman akong karanasan at takot din akong mauwi lang sa kahihiyan ang gagawin namin, kasi ang totoo nyan e nung naglalaro pa lang yung dulo ng daliri ko sa garter nya e nanginginig na talaga ako!

ikalawa, biglang pumasok sa isip ko ang mga mukha ng titsers ko habang pinapaalalahanan kami about sex. .. lol

Natakot ako sa maaaring maging bunga ng gagawin naming masarap pero bawal.. natakot ako pano kung mabuntis sya? Pano na ang pangarap ng mga magulang ko para sa akin? Pano na ang pangako kong pagtataguyod sa mga mas nakakabata kong kapatid? Pano na ang gatas at lampin ng magiging anak namin? Sa ganitong nagsasalimbayang mga agam-agam, walang ilang segundo lang e humupa na ang galit ng nagngitngit kong alaga.. at pagkatapos ng gabing iyon, anlaking panghihinayang ko sa pinalampas na pagkakataon, ilang gabi akong nagsarili di pinatulog sa pag-asam na disin sana ay nakatikim na ako ng pagkaing parang pagkasarap sarap..

Ngunit ngayon, pag nagbabalik tanaw ako sa mga desisyon ko noon, natatawa ako sa sarili ko.. ano kaya kung mas naging agresibo ako noon? dalubhasa na kaya sana ako ngayon? ano kaya yung mga nakalagay dati dun sa mga love letters ko noon, bakit naging epektib para mapasagot yung mga chikas nila?

sa isang bahagi ng aking pagkatao, malaking pasasalamat ko din sa mga guro na patuloy na nagpaalala sa min about premarital sex.. kasi natuto ako --- natuto akong dapat laging may baong kapote (in case na umulan).. natuto akong mag-isip munang mabuti kung “worth it” ang napili kong kapareha..

Yeah! tip lang mga brod, pag andun na kayo sa climax at tipong atat na atat ka na, sandali mong isipin na, “what if mabuntis ko to? Eto na talaga mapapangasawa ko??? takte! parang lugi ata ako??"

at bigla sasabihin mo sa partner mong, “wait lang pala… True love waits.” LOL basag!

Ikaw, kelan ang iyong perstaym? at ginamit mo din ba ang konsepto ng TruLabWeyts? ekspleyn



pektyur galing dito




an_indecent_mind








22.9.11

Peksman! Mamatay man!



Madalas tayong sumumpa, kahit sa mga simpleng bagay.

Minsan nga parang andali dali nating magbitiw ng pangako sa isang tao, umaabot pa sa puntong sasabihin nating,

"peksman! kahit mamatay pa man ang kapitbahay namin!"
(tsk! kawawang kapitbahay!)

pero mas madalas di na natin pinag-uukulan ng pansin kung yun bang mga bagay na nagagawa natin e di-tuwirang pagsira sa ating mga salitang binitiwan.
 
palabra de honor

Bigla kong naalala ang aking lolo, kung gaano sya kaistrikto noon, kung gaano nya pinaninindigan ang kanyang mga binibitiwang salita (kahit nga minsan e parang baluktot na sa katwiran). Para lang bang “utos ng Hari, di mababali”.

Minsan maganda ang kinalalabasan, minsan naman panget. Minsan gusto mong sumuway o magtanong ng konkretong rason, pero wala na din namang magagawa kasi "utos ng matatanda".

Pansin ko lang ha, noon mas madami ang may mga matatag na paninindigan. Ang mga matatandang tao kasi oras na magbitiw sila ng salita sa kanilang kapwa e pilit nila itong sinusunod kasi pinapangalagaan nilang madungisan ang kanilang mga pangalan. E sa panahon ngayon, ilan pa kaya sa atin ang may ganitong prinsipyo sa buhay? Ilan pa kaya sa atin ang maingat sa pagbibitiw ng mga salita at mga pangako? Ilan ang walang pasubali na tutuparin ang lahat ng mga salitang nasabi na?

The best way to keep one's word
is not to give it.
Napoleon Bonaparte


Marahil konti na lang silang mga taong "may paninindigan" sa panahon ngayon. Marahil ultimo ang ating pagpapahalaga sa prinsipyo at sariling pangalan e nagbago na din sa paglipas ng panahon.

Minsan nga ang pagtupad sa mga pangakong ating binitiwan e parang biro-biro na lang sa atin. Minsan nakakasanayan na din natin na balewalain lang kasi alam natin na kahit di tayo tumupad e pagpapasensyahan at iintindihin naman nila tayo. Pero paano kung tayo yung umaasa at naiwan sa ere sa isang pangako na hindi naman pala matutupad? Masakit tsong di ba?

“dadating ako..” payak pero may paninigurado. Pero nagagawa mo nga ba to? O marami kang alibi sa di mo pagdating sa takdang oras o sa di mo pagsipot sa usapan?


Kung may ibulong akong sikreto sayo ngayon, at sabihin kong “atin-atin lang natin to ha?”, kaya mo bang mapanatiling tikom ang bibig mo? kahit kanino?

Ok na nga lang ba ang magsinungaling? Natural na lang ba na ngitian mo na lang sila at sabihin na “joke lang yun! Ano ka ba??!”

Katanggap-tanggap na ba na sabihin na lang sa isang tao na “sorry, I lied.”

Ikaw, mahilig ka bang mangako?




an_indecent_mind




5.9.11

ikaw ang nawawala kong butones

maghapon akong di mapakali. naghahanap ako ng aspili o kaya perdible, panlunas sa medyo "awkward" na sitwasyon na to. pano ba naman, nawala ang isang butones ng polo ko. bagamat napansin kong medyo maluwag na ang tahi ng butones bago ko isuot pero nagkibit balikat lang ako kasi tiwala naman ako na di naman yun basta basta bibitaw, at saka paborito ko to e...


ang kasunod ko na lang napansin, nawala na ang butones ko....

nagawan ko man ng remedyo ung polo ko pero sa tuwing may kausap akong ibang tao, naaalangan ako... kasi baka mahalata nilang nawawala ang isang butones ng polo ko..




buong araw ko syang inisip at hinanap, at ngayo'y umaasang sa paguwi ko sa bahay ay dun ko sya matatagpuan.. at sana may magawa pa akong paraan para maibalik sya sa dati nyang kinalalagyan, sa polo ko.


*****

sa buhay natin, sa pagdaan ng panahon marami tayong nakikilala. yung iba talagang tumatagal sa ating buhay. kaibigan man o karelasyon, dumadating talaga ang punto na nasasantabi natin sila, sinasadya man natin o hindi.


masyado na kase tayong nasasanay sa presensya nila. oo andun yung kakaibang kumportableng pakiramdam kapag sila ang nasa paligid natin. pero bakit minsan sila din yung mga taong madalas nating isinasantabi?


sa panahon ng saya, andyan lang sila sa isang sulok masayang nagmamasid sa atin habang malakas tayong humahalakhak kasama ng mga plastik na kaibigan... ngunit kapag malungkot tayo sila naman ang una nating naalala, kasi alam nating maaasahan natin sila at hinding hindi nila tayo iiwan.


hindi man natin napapansin, maalam din silang magdamdam. maalam din silang masaktan pag naiitsa pwera ngunit mas madalas silang magsawalang kibo na lang at iniinda ang sakit na nadarama, dahil mahal nila tayo. dahil anumang bagay na nakakapagpasaya sa atin e kaya nilang ipaubaya at sino man na makakapagpasaya sa atin, kaya nilang tanggapin at mahalin din.


ngunit dadating ang isang punto na sa patuloy nating pagwawalang bahala, magigising na lang sya isang umaga na wala nang sakit, wala nang pait, at wala na ngang sigurong nadadamang pag-asa na mababago pa ang lahat nang nakagawian na natin. at yun ang mas nakakatakot, kapag umabot sa pagkakataong kayang kaya na nila tayong bitiwan. at doon natin mararamdaman ang kahungkagan ng buhay sa kanyang pagkawala.


kung mangyari man yun pipilitin nating makabawi, pilit nating ibabalik ang dati, pilit na sosolusyunan ang sigalot na ito.. pero paano kung huli na pala ang lahat? na ang simpleng uka lang noon sa inyong samahan ay ngayon ay isa na palang malaking lubak? pano pa nga ba maibabalik ang lahat?


*****


katulad nang pagkawala ng isang butones sa iyong paboritong damit pilit mo itong hahanapan ng solusyon. hanggang sa puntong pilit kang hahanap ng kanyang kapalit, yung eksaktong eksaktong kagaya nya... para hindi makita ng ibang tao ang pagkakaiba nung nawala na ang orihinal na butones sa polo mo.. at ang totoo nyan, wala kang makukuha na kaparehas nya.

halos kapareho oo.. yung tipong di na mapapansin ng ibang tao ang pagkakaiba. pero ikaw mismo, sa sarilli mo, alam mo ang totoo. kailanman di mo maaring lokohin ang sarili mo na nakalimutan mo na ang lahat. dahil sa bawat sandali na mapapagtuunan natin ng pansin ang bagong butones patuloy pa ring sasariwa sa ating alaala ang minsang nawalang butones.


panghihinayang..

kung naging mas maingat lang sana tayo at mapangalaga....

ikaw, naranasan mo na bang mawalan ng butones?






an_indecent_mind


 







LinkWithin

Related Posts with Thumbnails