pektyur pektyur! ismayl!!!!

5.9.11

ikaw ang nawawala kong butones

maghapon akong di mapakali. naghahanap ako ng aspili o kaya perdible, panlunas sa medyo "awkward" na sitwasyon na to. pano ba naman, nawala ang isang butones ng polo ko. bagamat napansin kong medyo maluwag na ang tahi ng butones bago ko isuot pero nagkibit balikat lang ako kasi tiwala naman ako na di naman yun basta basta bibitaw, at saka paborito ko to e...


ang kasunod ko na lang napansin, nawala na ang butones ko....

nagawan ko man ng remedyo ung polo ko pero sa tuwing may kausap akong ibang tao, naaalangan ako... kasi baka mahalata nilang nawawala ang isang butones ng polo ko..




buong araw ko syang inisip at hinanap, at ngayo'y umaasang sa paguwi ko sa bahay ay dun ko sya matatagpuan.. at sana may magawa pa akong paraan para maibalik sya sa dati nyang kinalalagyan, sa polo ko.


*****

sa buhay natin, sa pagdaan ng panahon marami tayong nakikilala. yung iba talagang tumatagal sa ating buhay. kaibigan man o karelasyon, dumadating talaga ang punto na nasasantabi natin sila, sinasadya man natin o hindi.


masyado na kase tayong nasasanay sa presensya nila. oo andun yung kakaibang kumportableng pakiramdam kapag sila ang nasa paligid natin. pero bakit minsan sila din yung mga taong madalas nating isinasantabi?


sa panahon ng saya, andyan lang sila sa isang sulok masayang nagmamasid sa atin habang malakas tayong humahalakhak kasama ng mga plastik na kaibigan... ngunit kapag malungkot tayo sila naman ang una nating naalala, kasi alam nating maaasahan natin sila at hinding hindi nila tayo iiwan.


hindi man natin napapansin, maalam din silang magdamdam. maalam din silang masaktan pag naiitsa pwera ngunit mas madalas silang magsawalang kibo na lang at iniinda ang sakit na nadarama, dahil mahal nila tayo. dahil anumang bagay na nakakapagpasaya sa atin e kaya nilang ipaubaya at sino man na makakapagpasaya sa atin, kaya nilang tanggapin at mahalin din.


ngunit dadating ang isang punto na sa patuloy nating pagwawalang bahala, magigising na lang sya isang umaga na wala nang sakit, wala nang pait, at wala na ngang sigurong nadadamang pag-asa na mababago pa ang lahat nang nakagawian na natin. at yun ang mas nakakatakot, kapag umabot sa pagkakataong kayang kaya na nila tayong bitiwan. at doon natin mararamdaman ang kahungkagan ng buhay sa kanyang pagkawala.


kung mangyari man yun pipilitin nating makabawi, pilit nating ibabalik ang dati, pilit na sosolusyunan ang sigalot na ito.. pero paano kung huli na pala ang lahat? na ang simpleng uka lang noon sa inyong samahan ay ngayon ay isa na palang malaking lubak? pano pa nga ba maibabalik ang lahat?


*****


katulad nang pagkawala ng isang butones sa iyong paboritong damit pilit mo itong hahanapan ng solusyon. hanggang sa puntong pilit kang hahanap ng kanyang kapalit, yung eksaktong eksaktong kagaya nya... para hindi makita ng ibang tao ang pagkakaiba nung nawala na ang orihinal na butones sa polo mo.. at ang totoo nyan, wala kang makukuha na kaparehas nya.

halos kapareho oo.. yung tipong di na mapapansin ng ibang tao ang pagkakaiba. pero ikaw mismo, sa sarilli mo, alam mo ang totoo. kailanman di mo maaring lokohin ang sarili mo na nakalimutan mo na ang lahat. dahil sa bawat sandali na mapapagtuunan natin ng pansin ang bagong butones patuloy pa ring sasariwa sa ating alaala ang minsang nawalang butones.


panghihinayang..

kung naging mas maingat lang sana tayo at mapangalaga....

ikaw, naranasan mo na bang mawalan ng butones?






an_indecent_mind


 







50 comments:

  1. naisip ko ang mga kaibigan kong di ko na nakakusap. nakakalungkot. :(

    ReplyDelete
  2. tinamaan ako dito. minsan feeling ko ako yung buttones. tas minsan feel ko ako din yung may ari ng buttones :(

    ReplyDelete
  3. madalas ako'ng nawawalan ng butones. pero alam mo ung kahit anong ingat mo, bigla mo na lang mapapansin na wala na pala sila

    ReplyDelete
  4. nasasad naman ako sa post na ito...

    lahat naman ata nawawalan ng butones: minsan aksidente lang, minsan talagang kailangan mo silang iwala...

    tama rin yung sinabi mo na kahit sa tingin ng iba ay may bago ka ng butones, iba pa rin yung pakiramdam mo kasi di mo maloko ang sarili mo na kahit may bago na, iba pa rin yun sa nauna..

    ReplyDelete
  5. masyado na kase tayong nasasanay sa presensya nila. oo andun yung kakaibang kumportableng pakiramdam kapag sila ang nasa paligid natin.

    ganun naman talaga e. kadalasan kase pag alam nating importante tayo ng isang tao, masyado tayong kampante na hindi nila tayo iiwan. hindi nila tayo pababayaan. parang yung paborito mong polo, na alam mong lagi lang nariyan.

    nakaka-excite kase yung salitang bago. mabango, makintab, bagong gawa. kaya doon nababaling ang atensyon natin and little do we know that we start taking for granted those things na matagal ng atin, yung dati nating paborito. kaya sila ang naiiwang naghihintay at nagaabang kung kelan mo ulit sila maiisipang gamitin.

    Meron akong alam na mas masakit. Yun e yung, may isang taong nakahanap ng butones mong nahulog at kinabit ito sa sarili nyang polo. Hindi man ito ang angkop na butones sa polo nya, pero nakita niya ang ganda ng butones mong binalewala at di naglaon e minahal ito na parang orihinal na parte ng polo niyang iyon, habang ikaw, naghahanap, nanghihinayang at pinagsisisihan na sana, nuong nakita mo palang na malapit ng matanggal ang butones na ito, sinulsi mo na kaagad.

    -kamusta ang comment ko? novel?

    ReplyDelete
  6. Ang ganda ng analogy mo. Lovet! Pero tama ka, sad realization talaga na kung sino pa ung mas importante sa buhay naten, yun pa ung isinasantabe naten. Hay. Thats why I try as mcuh as possible to reconnect with old friends because I want to make sure that Im still so much a part of their lives as they are in mine.

    ReplyDelete
  7. ako nga dati nung studyante pa lang ako, hahaha,, yung uniform ko hindi lang isang butones ang kulang, dalwa pa. hahahaha


    kala mo skip reader ako noh? uhmmmm tama minsan yung mga nakasanayan na nating tao binabalewala natin, at kapag nawala na, saka lang natin mararamdaman ang kakulangan nito. hindi man halta ng iba, alam natin sa sarili natin. hahahah. ikaw rin nagsabi niyan eh.

    newei papaano naman kung yung butones na natanggal eh may nakapulot at ikinabit sa ibang polo..hehe..

    pero ito yung nakakgimbal kong comment.. sa milyong milyong butones sa mundo, sasayangin mo ba ang oras mo sa pagkawala ng isa. try mo bumili. mura lang naman ito ^_^

    ReplyDelete
  8. sa sobrang kampanti natin na andyan lang yong tao na nagpapahalaga sa atin. minsan, hindi natin napapansin na nagdamdam din sila at doon natin malalaman na mahalag sila sa ating buhay kapag nawala na sila.

    ReplyDelete
  9. danda-danda nmn ng post mo!

    Naalala ko ang ibang plastic na kaibigan... Mukha din silang butones.. Pero naalala ko rin ang aking tunay na mga kaibigan mukha naman silang polo..

    ReplyDelete
  10. oh eto na, hindi ako nagskipread baka yung mata ko lang ang hindi nagbasa dun sa salitang sinabi mo. LOL

    medyo may ibang maluwag na ang pagkakasulsi na butones sa damit ko pero inaayos ko na :)

    ReplyDelete
  11. Ngayon pa lamang ako nagawi rito sa iyong tahanan. At sa tingin ko kailangan kong masahin ang mga lumang mong lathala. Salamat kay Madz.

    Napakaganda ng iyong paghahambing sa buhay at sa butones. Napakamakabuluhan. Tunay ngang wala kang makitang kaprehas kapag may isang tao o bagay ang nawawala. Medyo kapareho oo meron, nainiwala ako rito.

    ReplyDelete
  12. Relate. I wish I could bring back the hands of time... :(

    ReplyDelete
  13. kundi ka pa naligaw sa bahay ko di ko pa maiisip na sumilip dito, salamat sa pagbwisita ;p kung butones ang hanap mo marami ako nyan... ilan ang gusto mo?

    ReplyDelete
  14. Isa lang ang msasabi ko, ouch!haaha:) dhil nung pinilit kong tahiin ung mga kapalit na buttones, nasugatan ako..heehe.alam ko walang kwenta, pero ouch padin!hehe:)

    ReplyDelete
  15. Ay potah! Yan ung pinagdadaanan ko nung isang buwan. haha nakarelate namn daw ako. lol

    pero minsan talga, pag nawalan ka ng butones, di mo na makikita, wala kang choice kundi palitan ung butones na un. At magdasal an di ka iwan ng butones ulit. hihigpitan mo na at titibayan ang pagkakatahi at bubulog na di sana masabit ung butones sa kung saan.

    pero un nga, misnan kahit palitan mo ung butones, mahirap makahanap ng kasing tulad ng dati. makikita mong iba padin ung iyong pinalit. :P

    ReplyDelete
  16. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  17. hmmm..pilit kung iniisip kung nawalan na ako ng butones minsan..

    ..sa pag iisip ko, na realized ko..hindi pa naman and I think that's a good thing :)

    cguro dahil na rin sa attitude ko na, pag feeling ko medyo mai sira na (kahit konting damage lang)at anytime eh pwdi ng matanggal eh inaayos ko agad..kc natatakot ako na baka totally eh matanggal at mawala pa sa akin..eh panu na ang damit ko dba? sabi mo nga kahit mai kapareha eh iba pa rin yong original :)

    ReplyDelete
  18. Pagnawala ung butones...
    Mkakahanap ka lang ng kapalit kung papalitan mo lahat ng nasa polo
    Kasi kung hindi mo un papalitan
    Hindi ka makakamoveon
    Kasi nandun pa rin ung alaala nung nawala
    Pero sigurado un
    Mkakahanap ka ng kasukat
    Hindi man sya kasing kulay ng dati
    Pero alam ko mkakahanap ka ng mas maganda
    Mas bago
    At kung sakaling makita mo na yun
    Higpitan mo ung tahi
    Para hindi na sila lahat kumawala

    ReplyDelete
  19. Ako ay napa isip at napa bilang kung ilan ng butones ang nawala sakin simulat sa pol. Dibale mawala ng mura butones wag lang ang zipper. Salamat sa pagdalaw kita'y dadalawin hanggang sa mga sumusunod. Kmumusta diyan sa Damma, KSA.

    ReplyDelete
  20. alam ko lahat tau nkaranas na nang ganitong sitwasyon... sa mga taong hindi pa darating at darating ung oras na mraramdaman mo rin ang bagay na to. wlang taong nabubuhay na perpekto. my knya knya tayong problema na dapat harapin gaya na lamang nang ganitong paghahanap sa nawawalang butones...sna lahat mging matibay sa mga bagay na ganito.

    npakaganda nang sulat na ito. saludo ako sau...

    ReplyDelete
  21. @ ro anne: Ang galing para bang ikaw ay pabalik na at ako'y papunta pa lamang. Lalim ng mga bitaw mo salitain ah "Mkakahanap ka ng kasukat
    Hindi man sya kasing kulay ng dati
    " kung sa bagay ako'y nene pa lamang. hehehe. Tama si roAnne -At kung sakaling makita mo na yun "Higpitan mo ung tahi" grabe mga wordings talaga parang tula.

    ReplyDelete
  22. May dalawang dahilan kaya nawawalan tayo ng butones. Una, hindi talaga para sa damit natin ang butones na iyon. Pangalawa, tapos na ang misyon niya para sa damit natin. Either way, wala tayong karapatan para hanapin pa sila at ipilit na ibalik sa ating damit dahil kahit magtagumpay man tayo, darating at darating muli ang pagkakataon na matatanggal sila.

    Ganunpaman, binibigyan tayo ng mga mananahi ng dalawang options: una, hahanap tayo ng bagong butones na ikakabit natin sa damit natin. Swerte kung babagay siya sa luma nating damit. Kung minalas-malas man, hindi magiging compatible ang butones sa damit- magmumukha lamang basahan. Pangalawang option: bibili tayo ng bagong butones na kaakibat ang bagong damit.

    Sa dalawa, pipiliin ko ang bagong damit na may bagong butones. At ang lumang butones? Saan man siya naruroon, alam kong may ibang damit na tiyak na mas bagay siya. Masaya akong naging bahagi siya ng damit ko. Hayaan kong ibang damit naman ang pagandahin niya.


    (off topic shit: sir, nagtataka lang ako dahil tuwing binibisita ko ang site mo, merong nade-detect ang anti virus ko na malware attack, something like: /favicon.ico

    ReplyDelete
  23. Kaya ako laging may dalang double-sided tape kasi laging nangyayari sa'kin 'to. Ang laki kasi ng tiyan ko. Saka madami pang butones diyan, hindi ko sila kawalan! Bitter eh no? Haha!

    ReplyDelete
  24. Hahahahahaha Nakakatuwa naman. Ang alam ko pinaghalong salita ang buto nes. Ang buto mo may goodness kaya naging butones hehehehehe.

    ReplyDelete
  25. Ang galing ng pagkakahambing ng butones sa isang kaibigan. Nang dahil jan bibigyan kita ng isang malaking ismayl. Eto! (^____^)\
    Sinundan na kita para updated ako sa mga bago mong akda.
    Pano hanggang dito na lang ang pagtambay ko.
    Sa uulitin!

    Ningning ng www.athomeakodito.blogspot.com

    ReplyDelete
  26. @ronadelle,
    salamat sa pagdaan, pagbabasa, komento at papuri!

    salamat sa isang malaking ismayl!

    salamat din sa pagfollow!

    daan daan ako sa blog mo! tenchu ng beri beri mats!

    ReplyDelete
  27. @Kung Nakarelate Ka, Magsalita Ka

    huwaw! may analogy pa ng buto + nes! salamat sa pagbabasa!

    ReplyDelete
  28. @FerBert
    baka kaya nasira ung butones ko e dahil parehas tayong malaki ang tiyan? may gawd! lol

    may nalalasahan akong mapait sa sinabi mo parekoy! hehehe

    ingat!

    ReplyDelete
  29. @zhurutang,

    "Masaya akong naging bahagi siya ng damit ko. Hayaan kong ibang damit naman ang pagandahin niya."

    madali itong sabihin pero mahirap gawin pag nangyayari na.. magagawa ngunit hindi madali.. pero sasang-ayon ako sayo dito.. sabi nga, hindi lahat ng gusto natin sa buhay ay mananatiling atin habambuhay

    at dahil kinarir mo ng wagas na wagas ang pagkumento.. maraming maraming salamat!

    ReplyDelete
  30. @babymyn,

    tama ka lahat e dadaan at dadaan sa ganito.. magkakaiba man ng impact sa bawat isa sa atin ang bawat pagkawala, pero sana maging bukas ang ating mga mata at isipan sa pagharap ng katotohanan... at sana lesson learned mula sa experience, para di na maulit kung anuman ang nangyari before..

    salamat sa pagbabasa at pagbahagi ng iyong saloobin!

    ReplyDelete
  31. @admin,

    "Dibale mawala ng mura butones wag lang ang zipper"

    hahahaha!! ibang usapan na pag zipper ang nawala! mixed emotions yan panigurado! LOL

    salamat sa pagdaan at pagkumento!

    ReplyDelete
  32. ro,

    sa sinabi mo may ilang katagang pumasok sa isip ko

    1. fasten your seatbelt
    2. dont leave your valuables unattended

    alam ko nakuha mo ang point ko.

    salamat sa perstaym mong pagkumento sa post na to above sa other posts na nabasa mo... oo ako na! am so honored!

    ^___^

    ReplyDelete
  33. mai yang,

    nung sinabi mong di mo pa naranasan na mawalan ng butones, nainggit ako sayo.. at least, di mo pa naranasan yung empty feeling na may nawawalang something sayo..

    either.... isa kang magnet na lahat ng pagaari mo e ayaw nang kumawala sayo or you're such a good person who everybody couldnt afford to loose..

    salamat sa pagbabasa at pagbabahagi!

    ReplyDelete
  34. toilet thoughts,

    "....at bubulong na di sana masabit ung butones sa kung saan..."

    ipagpalagay na lang natin na hindi talaga para sayo ang butones na yun parekoy.. mas mabuti nang habang maaga pa e bumitaw na, kaysa ipilit lang at kalaunan kung kelan mas matagal na kayong magkasama e saka pa sya mawawala sayo... other side, chance na rin to para makahanap ka ng bago mong butones!

    salamat sa pagdaan!

    ReplyDelete
  35. soberfruitcake,

    hay naku ikoi! poreber ka na lang na clumsy! hahaha!!

    salamat sa muling pagdalaw!

    ReplyDelete
  36. era,

    kaw pala ang madaming butones... sige sige pag nangailangan ako ikaw ang una kong hahanapin! :p

    salamat din sa pagbwisita!

    ReplyDelete
  37. jag,

    wag kang malungkot brod, sa bawat pagkawala andun din ang bawat pagdating... di ba?

    ReplyDelete
  38. joeyvelunta,

    salamat sa iyong pagkapadpad sa munti kong espasyo..

    balik balik lang bossing!

    ReplyDelete
  39. madz,

    "medyo may ibang maluwag na ang pagkakasulsi na butones sa damit ko pero inaayos ko na :)"

    hanggang ngayon ay nagugulumihanan pa rin ako sa tinuran mo... esplikahi! :p

    ReplyDelete
  40. goryo,

    "Naalala ko ang ibang plastic na kaibigan... Mukha din silang butones.. Pero naalala ko rin ang aking tunay na mga kaibigan mukha naman silang polo.."

    hahaha!! pakilala mo nga ako minsan sa mga kaibigan mong mukang butones, madalas kasi sila ang masarap kasama!

    salamat sa iyong papuri parekoy! mukang nananamlay ang kwarto mo ah? salamat sa pagdaan!

    ReplyDelete
  41. empi,

    hindi daw natin nararamdaman ang tunay na halaga ng isang tao pag di pa ulit dumating yung oras na kailangan ulit natin sila... madalas akala natin madali lang magpalit ng kaibigan.. pero gaano man kabuti o kasama ang mga kaibigan natin, sila pa rin ang una nating hahanapin!

    salamat boss empi! musta na ba? lapit na uwi, toma ulit tayo ah?

    ReplyDelete
  42. kikilabotz,

    "sa milyong milyong butones sa mundo, sasayangin mo ba ang oras mo sa pagkawala ng isa. try mo bumili. mura lang naman ito"

    sa isang gaya mo na umaapaw sa kagandahang lalaki e madali lang magsabi ng ganito.. pero paano na ako? :)

    ReplyDelete
  43. khacai,

    thanks!

    buti naman lagi kayong may time to get together, kami kasi di gaano mahirap nang makumpleto!

    ReplyDelete
  44. bahaghari,

    "Meron akong alam na mas masakit. Yun e yung, may isang taong nakahanap ng butones mong nahulog at kinabit ito sa sarili nyang polo. Hindi man ito ang angkop na butones sa polo nya, pero nakita niya ang ganda ng butones mong binalewala at di naglaon e minahal ito na parang orihinal na parte ng polo niyang iyon, habang ikaw, naghahanap, nanghihinayang at pinagsisisihan na sana, nuong nakita mo palang na malapit ng matanggal ang butones na ito, sinulsi mo na kaagad."

    minsan kasi sa sobrang kampante natin, sa sobrang saya, sa sobrang kapabayaan, nakakalimutan natin ang mga simpleng bagay na nakakapagpasaya sa atin... totoo, nakakalunod ang tagumpay, nakakalunod ang saya..

    ReplyDelete
  45. aj banda,

    ".... minsan talagang kailangan mo silang iwala..."

    siguro ito yung bagong butones na inakala mong babagay sa luma mong polo kapalit ng nawawala mong butones... pero hindi pa rin sapat, di ka pa rin nasiyahan.. kelangan mong iwala at humanap muli ng iba..

    ReplyDelete
  46. bino,

    kulang sa pagaalaga parekoy? o sadyang di sya ganun katibay?

    ReplyDelete
  47. khantotantra,

    kung ikaw ang butones, bakit ka nawala? sana mas kumapit ka pang mabuti di ba?

    sana ok na ok ka na ngayon sa bago mong polong kinakapitan!

    ReplyDelete
  48. GB,

    itagay na lang natin yan! hope maaalala nila muli tayo pag may kelangan na ulit sila sa atin! hehe!

    ingats!

    ReplyDelete
  49. Heart broken ako. kasi ng away kami ng friends ko. :( Danda danda po post nyo..

    ReplyDelete
  50. ay tumuh. mahirap maghanap ng kapalit. pwede na may pagkakatuld pero iba pa rin ang original. naisip ko tuloy yung mga college prens ko. ammm..

    ReplyDelete

huwag ka nang mahiya, isigaw mo yan!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails