Madalas tayong sumumpa, kahit sa mga simpleng bagay.
Minsan nga parang andali dali nating magbitiw ng pangako sa isang tao, umaabot pa sa puntong sasabihin nating,
"peksman! kahit mamatay pa man ang kapitbahay namin!"
(tsk! kawawang kapitbahay!)
pero mas madalas di na natin pinag-uukulan ng pansin kung yun bang mga bagay na nagagawa natin e di-tuwirang pagsira sa ating mga salitang binitiwan.
palabra de honor
Bigla kong naalala ang aking lolo, kung gaano sya kaistrikto noon, kung gaano nya pinaninindigan ang kanyang mga binibitiwang salita (kahit nga minsan e parang baluktot na sa katwiran). Para lang bang “utos ng Hari, di mababali”.
Minsan maganda ang kinalalabasan, minsan naman panget. Minsan gusto mong sumuway o magtanong ng konkretong rason, pero wala na din namang magagawa kasi "utos ng matatanda".
Pansin ko lang ha, noon mas madami ang may mga matatag na paninindigan. Ang mga matatandang tao kasi oras na magbitiw sila ng salita sa kanilang kapwa e pilit nila itong sinusunod kasi pinapangalagaan nilang madungisan ang kanilang mga pangalan. E sa panahon ngayon, ilan pa kaya sa atin ang may ganitong prinsipyo sa buhay? Ilan pa kaya sa atin ang maingat sa pagbibitiw ng mga salita at mga pangako? Ilan ang walang pasubali na tutuparin ang lahat ng mga salitang nasabi na?
The best way to keep one's word
is not to give it.
Napoleon Bonaparte
Marahil konti na lang silang mga taong "may paninindigan" sa panahon ngayon. Marahil ultimo ang ating pagpapahalaga sa prinsipyo at sariling pangalan e nagbago na din sa paglipas ng panahon.
Minsan nga ang pagtupad sa mga pangakong ating binitiwan e parang biro-biro na lang sa atin. Minsan nakakasanayan na din natin na balewalain lang kasi alam natin na kahit di tayo tumupad e pagpapasensyahan at iintindihin naman nila tayo. Pero paano kung tayo yung umaasa at naiwan sa ere sa isang pangako na hindi naman pala matutupad? Masakit tsong di ba?
“dadating ako..” payak pero may paninigurado. Pero nagagawa mo nga ba to? O marami kang alibi sa di mo pagdating sa takdang oras o sa di mo pagsipot sa usapan?
Kung may ibulong akong sikreto sayo ngayon, at sabihin kong “atin-atin lang natin to ha?”, kaya mo bang mapanatiling tikom ang bibig mo? kahit kanino?
Ok na nga lang ba ang magsinungaling? Natural na lang ba na ngitian mo na lang sila at sabihin na “joke lang yun! Ano ka ba??!”
Katanggap-tanggap na ba na sabihin na lang sa isang tao na “sorry, I lied.”
Ikaw, mahilig ka bang mangako?
an_indecent_mind
sapul ako nito. swak na swak.
ReplyDeletemay ilang pangako na ako na napako na; may di mabilang na ako'ng kasinungalingang nagawa.
hindi na marahil nakakapagtaka na bihira na sa atin ang may isang salita, kasi iginagaya natin ang sarili natin sa iba "eh bakit si ganito nagsabi rin ng ganuon pero di naman pala totoo"
nakikigaya? o parang binabalewala na lamang ito ng karamihan, ang kredibilidad ng ating mga pangako.
... paano kung tayo yung umaasa at naiwan sa ere sa isang pangako na hindi naman pala matutupad? Masakit tsong di ba? --- oo naman yung parang may bumara lang sa dibdib mo at gusto mo nang umiyak. Suki na ko sa ganito kaya nga hangga't maaari iniiwasan ko ring mangako kung sa palagay ko naman eh hindi ko matutupad.
ReplyDeletehaha naku ayus lang sakin na sabihan ng secret kasi may pagkaulyanin naman ako kahit yung sinabi sakin nalilimutan ko na :))
Ok lang naman na siguro minsan eh mapako ang pangako basta hindi na mauulit kasi ibang usapan kapag habit na.
hindi ako mahilig mangako. basta bigla na lang ako'ng darating kung kinakailangan dahil yoko masira ung tiwala sa kin.
ReplyDeletehindi ako mahilig mangako kasi alam kung may tendency na hindi ko matupad. Saka minsan na rin akong naging biktima ng mga pangakong napako. Hehehe, ayun hindi na ako nag-promise. Basta na lang.
ReplyDeletehate promises. wag na lang mangako kung sa tingin mo naman ay di mo matutupad/magagawa.
ReplyDeleteNangangako ako sa mga pagkakataong gusto kong ipakita na kaya ko sa sarili ko, hindi ako nangangako kung hindi ko kayang gawin ang isang bagay.
ReplyDeleteTotoo ang mga binibitawan kong salita, pag may nangako sa akin, mangangako rin ako sa kanya. Pero sa oras na hindi niya tinupad ang pangako na yon' magkalimutan na lang tayo. Hahaha!
Pero siyempre pag nangako ka sakin iisipin kong mabuti kung karadapat rin ba akong mangako o hindi.
minsan kasi, sa state din ng sitwasyon kung asaan tayo kaya natin nasasabi. katulad ng kapag masaya tayo or dahil sadyang ang layo pa naman ng isang bagay, nag a-assume tayo batay sa kasalukuyang kaya natin. yun nga lang, dumarating yung pagbabago ng sitwasyon then we fail sa certain promise na binitiwan.
ReplyDeletetingin ko, doing the best para matupad ang isang pangako is good enought excuse kung sasablay yun. pero para mas safe, iwasang mangako hanggat maaari.
magandang araw!
Ako sawang sawa na sa promises. Ang sakit na sa bangs kahit wala akong bangs.Mas ok yun daanin na lang sa gawa.Kaya ako pag di ako sigurado na matutupad ko yung isang bagay sinasabi ko agad. BOW.
ReplyDeleteako di ako marunong mangako, ayaw kong mangako, madalas "try ko ah" :D
ReplyDeletemahirap mangako kasi minsan di ko ito natutupad.... minsan ang rason na lang ay kung ano ang priority... gulo no? ewan ko din. hahah
ReplyDelete