minsan may isang ibong pinagarap mong maturuan kung paano matutong lumipad.
sa bawat araw, ibinuhos mo ang lahat ng iyong atensyon at kaalaman sapagkat pursigido ka na gabayan sya.
paunti unti, pilit mong hinulma ang kanyang lakas ng loob na gawin ang isang bagay na dapat makaya nyang gawin.
tinuruan mong maging matatag hindi lang ang kanyang katawan ngunit mas higit ang kanyang kalooban.
hanggang isang araw sa iyong paggising wala na sya sa kanyang natatanging sulok, andun na sya sa kalawakan at buong tayog na lumilipad..
dun sa lugar na ninais mong marating nya na dati lang ay kanyang lubhang kinatatakutan.
hayon sya ngayon at malayang pumapagaspas ang mga pakpak, mga bagwis na kelan lamang ay naalangan syang ibuka..
kasabay ng pagkaaliw at pagkamangha, magkahalong emosyon ang bumabalot sayo ngayon...
masaya ka sapagkat may isang nilalang kang natulungang matuklasan ang angking kakanyahan na sadyang meron sya. masaya ka na sa unang pagkakataon ay nakita mo ang tunay na kasiyahan sa kanya.
ngunit kaalinsabay nito ay dahan dahan ka ding nilulukuban ng mumunting takot at pag aalala..
ngayon ngang natuto na sya, ngayong tingin mo ay kaya na nyang mag-isa, kailangan ka pa ba nya?
*****
sapagkat sadyang wala namang permanente sa buhay ng tao, lahat ay magbabago. lahat ng dumating ay mawawala din.
tulad din ng tamis ng hanging dulot ng amihan. tulad din ng masamyong dampi ng sikat ng araw sa umaga. tulad ng galak na hatid ng bawat bahaghari at bulalakaw.
lahat ay panandalian lang.
larawan mula kay gugel
an_indecent_mind
Ang masaklap pa talaga kung hindi ka na kilalanin o kinikilala ng tinuturuan mo noon. Tsk! tsk!
ReplyDeletetotoo, walang permanente sa mundo. kaya sa ayaw man o gusto natin, kailangang tanggapin ang katotohanang ito :D
ReplyDeleteLahat ay pawang panandalian lamang at waalng nakakaalam kung kelan mawawala ang mga abgau na nasa kamay mo tulad ng isang ibong inalagaan darating at darating ang araw na makakalipad rin siya at kakawala sa iyong hawak. Walang magawa kundi pagmasdan kung papaano ito lumipad at mawala!
ReplyDeletetama hindi lahat ng bagay permanente,
ReplyDeletepero sa katagalan mayroon talagang sa isang iglap mawawala rin.
matapos mo'ng tulungang lumipad, di ka na babalikan. pero naniniwala naman ako na may darating na kapalit ng ibong nakalimot
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeletenaalala ko noong niregaluhan ni mama si darryl ng bike. atat na atat kaming lahat na turuan sya kung pano pumedal. nung natuto sya ng paano ito gawin, atat na atat kaming alisin ang dalawang balancer sa likod ng bisikleta para matuto syang bumalanse. halos pagalitan ko sya noon dahil ayaw na nyang magpraktis. sabi ko ipamimigay ko na ang bike kung ayaw din lang nyang matuto. matyaga ko syang inaalalayan, makuha lang nya ang balanse nya sa bisikleta. noong natuto na sya, pa-unti unti, parang ayaw ko na syang bitawan. pano kung mahulog sya sa bisikleta? pano kung sumemplang sya at wala ako para alalayan sya? natakot ako. marami na syang gustong puntahan sakay ng bisikleta nya at hindi na nya kailangan ang mga kamay ko para umalalay sa kanya.
ReplyDeleteang gara ano?
kung kailan kaya na nila, saka parang ayaw na nating bumitaw. pero wala ka naman talagang choice kundi maglet go. dahil yun ang nararapat, para sila lubusang matuto. walang bagay na maaari nating hawakan ng panghabang buhay. parang pinong buhanging nilikom mo sa kamay. kahit gaano kahigpit ng kapit mo, tatapon at tatapon ang mga buhanging ito sa siwang ng mga daliri mo. bago mo pa mamalayan, wala ka ng hawak na buhangin sa kamay.
WV: vergen (naks!)
nararamdaman ko yan sa ilang mga kaibigan ko.
ReplyDeletedi ko alam kung nagiging madamot ba ako na ayaw ko sila mawala. pero gusto ko silang matuto, pero takot ako na kaya na nila mag-isa.
hay
ay nako. relate naman me sa post na to. Parang... alam mo yung feeling na pagpaparaya tapos sa gitna ng kasiyahan mo para sa kanya, ramdam mo na may kulang sa iyo.
ReplyDeletealam ko malabo lang yung pinagsasasabi ko.
gnun lang talaga ang buhay, hnd sa lahat ng oras tangan mo ang isang bagay, tao o ano man..
ReplyDeletelike sa mga anak, noong mga bata pa sila palagi sila sa tabi mo pero pagmagkaisip na, may kanya kanya na silang buhay..:(
haay wala talagang bagay ang permante..haaay
ReplyDeletetotoo at walang duda, walang permanente sa mundo kundi tanging pagbabago. Lahat ay lumilipas, lahat ay pwedeng mawala. Lahat ng bagay na may buhay ngayon ay pwedeng mamatay nabukas. Ganun pa man, atleast sabuhay natin natuto tayong lumipad at ituro ito sa iba..
ReplyDeletetumatambay mula sa heaven :)
Kaloka. Ang lalim. Hindi maarok ng hormones ko ngayon kuya, baka mag ngangawa ako ng walang wawa.
ReplyDeleteHave a great vacation pangs!
naalala ko tuloy yung kantang: friends they come and friends they go, nothing really last forever. smile na lang at wag na malungkot dahil change ang only thing that is constant in this world :)
ReplyDeleteganon nga yata talaga ang buhay! walang permanente!!! kahit ang titi na masarap sa loob kailangan ding ilabas..ahahahaha
ReplyDeletehapi neo yir AIM...ang aga ng kasagwaan ng comment ko!!!
yun lang. ganun naman talga. parang magulang lang din yan. magpapakahirap tayong palakihin ang anak natin tapos sasagutin lang tayo pag laki.
ReplyDeletehahaha.
kaya ayoko maging magulang XD haha
sad but true.
ReplyDelete免费交友有联繫方式 , 免费徵婚交友网站 , 单身男女免费交友网 , 一夜情免费交友 , 寻爱网 , 视频聊 , 毫米聊视频社区 , 看聊天室视频 , 国际聊天室 , 国外同志开放视频聊天室
ReplyDelete