pektyur pektyur! ismayl!!!!

27.2.12

parausan




ayan ka na naman.. ilang beses na nga ba tayong ganito nitong mga nakaraang buwan?

Wag kang magtaka, naeenjoy ko lang naman ang mga pagkakataong tahimik lang ako at hinahayaang dumaan ang panahon sa harapan ko. Hindi pa din naman ako handang basta na lang iwan ka, mahirap din naman kasing basta na lang talikuran ang isang kagaya mo.

Kase sa totoo lang ah, ikaw lang naman ang totoong handang makinig sa lahat ng kaangasan at kayabangan ko. ikaw din naman ang isa sa mga dahilan kung bakit umiinog nang marahan at sa tempong hindi nakakabagot ang aking mundo. ikaw ang isang piping saksi na kahit papaano ay hindi lang puro walang kawawaan ang madalas na namumutakti sa bibig ko-- may sense din naman ako paminsan-minsan di ba? ikaw din ang nagpakilala sa akin sa mga taong madalas kong kahalubilo sa ngayon..

Mula sa panandaliang paglayo,  ika isang libo’t isang beses na yatang sinilip kita sa tahimik at madilim na sulok mong kinalalagyan. tangan-tangan sa aking pasmadong kamay ang munting lalagyanang bubog ng inuming nagbibigay ng gumuguhit na init sa aking lalamunan.

Lumagok.. matamang tinitigan ang anyo mong dati ay masigla at puno ng buhay..

Ngunit kagaya pa rin ng dati, hindi ko alam kung pano ako magsisimula…

ganito na lang ako palagi, mataman ka lang pinagmamasdan, umaasa at naghihintay na pasimple mong kindatan o kawayan man lang.. ang muli mong anyayahan na ako ay magbigay ng aliw o ikaw ang magpaunlak sa aking hanap.. isang uri ng pagsasalong sa wari ko ay di naman na lingid sa mata ng marami..

ngunit ngayong sandaling ito ay walang pagkakaiba sa nagdaang mga araw, paulit ulit na lang na bigo ako. 

Nawala na nga bang tuluyan ang mga mahaliparot kong pangangantyaw sayo. Ewan ko ba, napaglipasan na ata ako ng panahon o sadyang hanggang dun lang ang kaya ko? o talagang nasasabaw na lang ako ngayon sa tuwing kaharap ka?

Hindi ko alam kung nagsasawa ba ako na palaging andyan ka lang o sadyang gusto ko lang ng kaunting katahimikan. Siguro nga hinahanap hanap ko na rin yung excitement gaya ng dati, tulad ng paglalaway ko sa manggang maasim na may bagoong, kapag di kita nabibisita at nakakausap. Yung parang hayskul na kakabog ang dibdib sa tuwing maguumpisa na akong lulunurin ng mga imahinasyon ko at hindi mapakali pag di ito naikwento sayo.

pero alam kong isang araw ay mababalik ang dati nating samahan -- gaya ng dati.. yung walang ubos ang mga walang kwenta nating kwentuhan. Yung tawanan na parang wala nang bukas..

lumilipas ang lahat… kumukupas..

pero gaya ng pagmamahal natin sa isang lumang awitin na na may kapangyarihang makapagpabalik ng masasayang alaala, sa isang lumang kaibigan na hindi nakakausap pero palaging andyan lang, sa isang gutay-gutay ngunit mas kumportableng sneakers, sa isang paboritong maong na kupas, sa nagiisang maginhawa at gula-gulanit na t-shirt pantulog, sa pambahay na tsinelas na pilit hahagilapin ng mga paang pagal.

Sadyang may mga bagay na nagdudulot ng kakaibang ginhawa sa atin na mahirap ipagpalit o basta na lang kalimutan. Hahanapin at babalikan pa rin natin iyon isang araw.

Gaya MO.

Babalik at babalik ako… muling hahabi ng mga pangungusap na walang kawawaan..

mamaya.. bukas.. sa makalawa…

sa muling pakikipagkumpetensya ng aking diwa sa aking pagtipa.



an_indecent_mind

 

22 comments:

  1. may epidemya bang kumakalat??? bakit ganun, lahat tayo sabaw, hiatus at tahimik?

    wala din akong maipost ngayon, na maayos :(

    katamad naman tong captcha ang haba :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. a. inlababo
      b. masaya
      c. busy
      d. tamad
      e. uso

      hmmm.... ikaw yung....

      Delete
  2. sinasabaw ka din? ang dami natin ah

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi ka naman nasasabaw, super update ka nga e! hehe!

      Delete
  3. sige lang basta babalik din eh,hihihihi

    ReplyDelete
  4. maghihintay at maghihintay ako.. =)
    anong kawawaan?

    ReplyDelete
  5. "Sadyang may mga bagay na nagdudulot ng kakaibang ginhawa sa atin na mahirap ipagpalit o basta na lang kalimutan. Hahanapin at babalikan pa rin natin iyon isang araw."

    wagas! :)

    ReplyDelete
  6. gusto mo ng lighter na blue flame tapos magiging green?

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha! di ba nga mas kelangan mo yan kaysa sa akin?

      Delete
  7. sabaw ka pa sa lagay na to kuya?hehe kaloka. basta wag iiwan ang blog ok lang yan.

    ReplyDelete
  8. kahit sinasabaw men, hindi parin kumukupas.

    ReplyDelete
    Replies
    1. maka anonymous ka ah... akala mo hindi kita kilala BEN ah!

      Delete
    2. tange si elsa to. hay nako pag tumatanda na talaga.

      Delete
  9. ako yata ang may indecent mind habang binabasa ko ang post mo, yun pala hindi naman yung indecent na iniisip ko ang punto mo, parang hindi ka naman sinabaw e, ang swabe pa nga ng hagod!

    ReplyDelete

huwag ka nang mahiya, isigaw mo yan!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails