pektyur pektyur! ismayl!!!!

27.2.09

kampay!

ang kumbinasyon ng aming lason




sige alak pa!!!

tulala na naman ako.

dalawang magkasunod na huwebes ng gabi, nakakainom na naman ako... pagkakaiba lang, nakumbinsi ko kanina ang sarili kong bumangon at mag-overtime ngayon, di kagaya noong nakaraang pagkakataon..



matagal-tagal na din nung huling nakatikim ako ng sadiki.


si pareng darnok at ang pamosong chemist namin on the art of sadiki-mixing

dahil nga wala namang iba nakakalasing na inumin dito, dahil mahigpit na ipinagbabawal. eto ang naging patron ng mga di maawat sa pag-iinom. Nasanay na din naman ako uminom ng NAB (non-alocoholic beer).. san miguel / holsten / moussy..

oo nga, lasang beer, pero walang pait.. ano naman napapala ko?? e di yun, nag-iihi lang ako pagkatapos!!

kwentuhan na walang saysay... tawanan na walang humpay...

ano naman ang masarap sa pag-iinom?? tingin ko, wala naman talaga yun sa klase ng alak na iniinom nyo e... kasi, pag ako umiinom mag-isa, di naman ako nasisiyahan... natatakot pa tuloy ang nanay ko, may mabigat daw ba akong problema??? masama ba talgang uminom mag-isa??
ang importante at hinahanap hanap ko e yung parteng "kwentuhan na walang saysay, tawanan na walang humpay". Yung tipong, kahit sobrang walang kwenta ang kwentuhan nyo at puro yabangan at asaran lang kayo, tawanan lang kayo ng tawanan...

hayyy... kaka-miss naman ang mga dabarkads ko sa pinas...

itaas mo!

3 comments:

  1. naririnig ko yang sadiki rito sa saudi pero di pa ko nakakatikim hmmm intriguing..

    ReplyDelete
  2. @ niqabi

    umiinom ka ba? or efes at san miguel NAB ang tinitira mo? wehe!

    ReplyDelete
  3. anong efes?..hehehe friendster?...hmm tikim lang di ko pa naranasang malasing.. :P

    ReplyDelete

huwag ka nang mahiya, isigaw mo yan!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails