pektyur pektyur! ismayl!!!!

20.6.09

gone with the wind

guys, si chuck po ng an_indecent_mind ay pansamantala munang mananahimik sa ilang personal na kadahilanan..

mananahimik pero di mawawala..

18.6.09

tyope ako (part 2)

bakit ba kasi kayo nagreact talaga sa last post kong tiyope ako??!

bakit ayaw nyong maniwala? lalo ka na, ikaw din at isa ka pa… oo! kayo!

natatawa kayo sa akin… sa pinagsusulat ko… at ikaw… humirit ka pa na sa susunod e yung totoo ang i-blog ko… aba e kasalanan ko ba naman na tyope ako?? at wala ba akong karapatan?? teka nga… bakit nyo ba ko pinakikialaman?? blog ko to ahh??! mga buseett!! lolz

o sige, hayaan nyong magpakaemote ako at patutunayan ko sa inyo..

hindi ako guwapo at hindi rin magaling mambola. Its either nabulag ka lang o sinuwerte lang siguro ako sa iyo.. oo, sa yo.
at hindi naman laging pasko, syempre nabokya na rin ako… at hindi lang isang beses… di ko na sasabihin sayo kung ilan kasi baka di ka na naman maniwala at pagtawanan mo na naman ako.

pero ang pinaka da best na pagkakabasted sa akin e sa loob ng pampasaherong jeep! sukat ba naman na sabihan ako na wag daw akong makulit dahil hindi nya ako gusto??!! wahahaha!! nasopla ako dun ahh??!! pakiramdam ko gusto kong matunaw sa kahihiyan at sumigaw ng paraaaa!! ewan ko ba dun, dumidiskarte pa lang ako, di pa man nagtatapat, basted na agad??!! gusto ko sanang soplahin ng… “bakit? nililigawan ba kita??” wahahaha!!

di daw ako gusto?? kaya pala ako ang lagi nyang tinatawagan noon pag may special occasions at may mga lakad sya.. tapos nung one time na nakainom sya e dun lumabas din lahat ng totoo.. may pag-iyak pa?! at muntik na pagsasamantala sa mura kong katawan! wahahaha!!! meganonnn?? lol pero xempre nabalewala lang yung gabing yun.. nadiskubre ko pangit pala pag masyadong pakipot, nakakaturn off!

eto pa… gaya ng iba, may all-time crush ako… isa sa grupo.. alam naman ng buong grupo yun. at hanggang ngayon applicable pa rin ang linyang tyope ako. alam ko, ramdam nya lahat ng mga pa-special treatment ko sa kanya, at syempre halata ng lahat. Pero kahit extra sweet xa sa akin (na halos magkapalit na ang mukha namin that night – take note, di pa kami nakakainom nung time na yun) nung huling b-day nya na may dala akong b-day cake, wala pa ring nangyaring pinakaaabangan (ng mga manyak) ng grupo dahil nga kasi tyope ako. parang di ko magawang isugal ang friendship namin at mabahiran ng kamunduhan ang magandang pagtingin ko sa kanya. oo, sa tagal ng panahon hanggang ngayon di ko pa rin naamin sa kanya. At hanggang ngayon di pa rin nawawala, super extra special pa rin sya at hindi napalitan ninuman. andun pa rin ang kabog at tiklop tuhod effects pag magkasama kami. nahuhumaling pa rin ako sa kanya. lol

o ano? satisfied ka na na tyope talaga ako? ikaw? ikaw? ikaw? at ikaw din??!… kinakabahan na ba kayo? Na baka kwento nyo na ang kasunod mong mabasa?? wahahaha!!
next time, next time… lol

16.6.09

tyope ako

oo.. nature ko na talaga to… makulit lang talaga ako sa grupo namin, maingay, palabiro, mapang-asar, atat, at mahilig akong magpares ng mga kaibigan ko.. pero pag ako na, halos malaglag sa lupa ang puso ko sa pagkabog, at tumitiklop na ang tuhod ko…

pag kausap ko na yung dinidiskartehan kong babae, namumutla talaga ako at natutulala.. pinipilit kong maging natural at pa-cool ang kilos, pero wala talaga e… bakit ba di ko makuha ang swabeng paepek nila james bond? o kaya ni mr. swabe?

di ako makadiskarte… lahat ng pinraktis kong linya at litaniya e nawawalang bigla. sunod-sunod ang paglunok ng laway at di mapakali.. iniisip kung ano ang susunod kong sasabihin para hindi ako mabokya at mapahiya.. aminado naman ako, kapag gusto ko ang babae, tiklop-tuhod, asong-ulol, maamong tupa at nagkakandarapa ako.. putakte! tyope! lol

e totoo namang hindi ganun kadali ang magsabi ng nararamdaman mo, especially if di ka sigurado kung mabobokya, ka o matatabla, mababasted sa unang attempt, lulubog at matutunaw sa kinatatayuan at kelangan mo nang mag-call-a-friend para mahatak ka palabas sa kahihiyang pinasok mo..

super bilib ako sa mga taong kayang i-express o sabihin ang mga nasa loob nila.. sila na mga may malayang pag-iisip, malaki ang tiwala sa sarili at kayang magdala ng sitwasyon. minsan nga lang, namimisinterpret o nahuhusgahan ng iba, na hindi naman dapat. isa lang naman talaga ang gusto natin, ang mailabas ang ating totoong nararamdaman, gusto lang nating magpakatotoo sa ating mga sarili, nang walang hinihintay na anumang kapalit.
o anong tinatawatawa mo dyan? bakit, hindi ka ba tyope??

15.6.09

do not copy if you cannot paste!

A repost..
A popular motivational speaker was entertaining his audience. He said, "The best years of my life were spent in the arms of a woman who wasn't my wife!"
The audience was in silence and shock.

The speaker added, "And that woman was my mother!"

Laughter and applause.

A week later, a top manager trained by the motivational speaker tried to crack this very effective joke at home. He was a bit foggy after a drink. He said loudly to his wife who was preparing dinner, "The greatest years of my life were spent in the arms of a woman who was not my wife!"

The wife went; "ah!" with shock and rage. Standing there for 20 seconds trying to recall the second half of the joke, the manager finally blurted out "....and I can't remember who she was!"

By the time the manager regained his consciousness, he was on a hospital bed nursing burns from boiling water

Moral of the story: Don't copy if you can't paste! LOL

13.6.09

my future ex-gf

“Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.” BOB ONG

Isa ako sa mga klase ng tao na nabanggit sa taas..

Kaya nga… Wag kang umasa, wag kang mahulog…

ikaw na din mismo ang nagsabi sa akin, “ingat ka sa akin, baka ma-fall ka”

bakit ikaw di ka nag-ingat??

11.6.09

Nakakain ka na ba ng bayag?

Oo, wag kang magulat sa taytol. Tinatanong nga kita kung nakatikim ka na ng bayag -- ng baka… o mas kilala sa tawag na soup #5. Pamoso bilang isa sa mga aphrodisiacs at pampatibay ng resistensya para sa walang humpay na labanan.

Sa may valley golf sa cainta, andun yung parang isang mini-palengke sa bangketa. Sa gitna nun e may isang karinderia/gotohan/lugawan. Tuwing napapadaaan ako e naiintriga ako sa nakikita kong karatula nila na “soup #5 available here’.

May mga nabasa akong articles about soup #5, mga nasusulat tungkol sa epekto sa ating katawan ng pagkain ng soup na to. At ang sabi e ito daw ang "da best" na aphrodisiac at mas mabisa pa sa viagra. E di syempre, dahil ako naman ay curious din sa mga ganitong bagay at mahilig din mag-eksperimento… naisip ko itong subukan..

Umupo, nag-order, naghintay… naexcite, nagfollow-up. Maya-maya pa e eto na nga at inihain sa aking harapan ang isang mangkok ng mainit na mainit na sinabawang bayag. Syempre, halukay muna ng laman, tinitingnang mabuti kung ano ba yung kakainin ko dahil sa totoo lang e di pa man lang ako nakakita ng ari ng baka at tapos ngayon e isusubo at kakainin ko pa??! eewww!!

Syempre, unang subo, higop ng sabaw lang muna -- pang-alis kaba… hanggang inumpisahan ko na ang isang piraso ng litid.. hmmm… (parang bulalo lang ahhhh)… teka, litid? Wahaha!! etits ng baka!! Ewww!

At eto na nga, ang sumunod kong pagsubo ay parang hindi katanggap tanggap sakin… habang nginunguya ko sya ay parang magaspang akong nangunguya … eto na nga malamang ang betlog ng baka… wahahaha!!

sige lang… higop, nguya, kain lang… kailangan kong panindigan ang aking kapangahasan at pagka-igno. At dahil bobo ako, inisip kong magiging kulang din ang epekto nito kung di ko sisimutin ang laman ng isang mangkok na iyon..

Sa madaling salita ay naubos ko din at nasimot ang aking inorder. Nagbayad, sumakay ng fx at pinakiramdaman ang sarili..

At ang mga sumunod na pangyayari ay sadyang inedit at hindi ko na maaaring ikwento (unless requested! LOL) dahil baka matira tayo ng board of censorship.

Clue: Hindi ko sigurado kung epekto ng sinimot kong mangkok ng soup o “psychological effect lang”, basta ang totoo hindi ako nakapasok sa work kinabukasan. Wehehehe!!

Ikaw parekoy, baka gusto mong subukan? Kaysa gumastos at magsunog ka ng pera sa Viagra, e mas mainam na subukan mo ang bayag ng baka… Ika nga, “singsarap pero di singmahal..” WEHEHEHE!!


Di ko napektyuran yung kinain ko… kaya nagnakaw na lang ako sa net..
salamat sa may-ari ng pektyur! hmmm.. yummy!

5.6.09

tsikinini


Napanaginipan na naman kita kagabi..



Mas matindi kaysa nung mga nagdaang gabi, mas maharot ka kagabi… mas maalab ang mga halik, mas mainit at mapangahas ang mga haplos, may kakaibang ritmo ang bawat paggalaw…



tinadtad mo pa ako ng kissmarks sa leeg hanggang sa dibdib, pati parteng singit ko hindi mo pinatawad… nakita ko ang sarili ko sa salamin, nagmukha akong pinyang maraming mata dahil sa ginawa mo!



Napapansin ko, palagi mo na lang akong hinahalay lately at di ko alam kung bakit...



Di ko gustong i-entertain ang ganitong mga thoughts, hindi dahil sa anupamang kadahilanan ngunit dahil sa bugso ng mga pangayayari e nananariwa ang mga alaala ng ating mga sexcapades noong tayo pang dalawa…



Kahit di ko ito ginusto, paulit ulit itong nangyayari sa aking sub-conscious mind. Kinwento ko na sa yo yung ganitong panaginip nung minsan lang, at natawa ka lang sa akin.. Di ko nakuha ang kahulugan ng mga tawa mo, ipinalagay ko na lang na “nakiliti” ka rin at bigla mong na-miss ang nakaraan nating dalawa..



Buti nga kamo at wala akong installed na camstudio sa utak, nacapture sana kita at nagawan ng sex video..



Di ko alam kung anong dapat kong gawin para di na maulit ang mga ganitong kalapastanganan mo sa kin…



at kagaya mo, natatawa na din lang ako… wahahaha!!



*pektyur mula sa flickr

3.6.09

bakit hindi ako dapat tawaging bagong bayani?

hindi ako bayani. sila lang yun, yung mga patay na. andun, nakahimlay sa libingan ng mga bayani. sila na may mga malaki at natatanging naiambag sa ating bansa.

hindi ako bayani. buhay pa ako.

wag nila akong ituring na bayani dahil ako ay makasarili. mas pinili kong lisanin ang bansang pilipinas kaysa makibaka sa kalsada at makipagpatayan sa mga isyung politikal at panlipunan na paulit ulit lang naman at di masolusyunan ng mga nagbibingi-bingihang nasa kapangyarihan.

hindi ako maituturing na isang bayani dahil bulok din ang kaisipan ko. kaya nga ako bumoto at nagluklok ng isang trapo ay iniasa ko na lang sa mga kagaya nya ang pilipinas. at pagdating ng panahon may masisisi ako kung bakit di umuunlad ang pilipinas. sa gayon, maikonekta ko din ang aking rason para mangibang bansa at kumita ng dolyares.

hindi ako isang bayani, isa akong linta na sumipsip at nakinabang sa edukasyong ibinigay ng aking paaralan upang magamit ito sa progreso ng mga dayuhang kapitalista.

hindi ako isang bayani, isa lang akong makinarya para sa mga kapitalista. pero, hindi ako isang basta bastang makinarya kagaya ng iba, tatak pinas ako. may kalidad, may abilidad, may silbi – kaya nila ako pinahahalagahan.

hindi ako isang bayani. isa din akong utak talangkang pilipino na nagpipilit makaahon sa kahirapan at bulok na sistema ng pilipinas na lalong nagpapahirap sa mga kagaya ko.

pero sa mata ng pamilya ko, hindi nila kailanman itatanggi na isa akong bayani. at walang sinuman ang makapagnanakaw ng pagtingin na iyon. hindi dahil sa buwanang remittance na kanilang natatanggap kaya nila ako mas pinahahalagahan ngayon, ngunit dahil napatunayan nila na kaya kong isakripisyo ang aking pansariling kaligayahan para sa ikabubuti ng kalagayan nila. bayani ako sa kanila dahil sa kabila ng lahat ng hirap at sakripisyo ng pagiging isang ofw ay pinili ko pa rin ang manatili dito.

hindi madali ang makibagay, makisama at makisalamuha sa iba’t ibang lahi. hindi madali ang magtrabaho walumpung oras sa loob ng isang linggo. hindi madaling patayin ang inip at homesick habang nag-iisa ka sa iyong kwarto.

wala nang mas sasakit pa sa isang ofw na kagaya ko ang di makasama ang asawa, anak at mga mahal sa buhay sa bawat paglipas ng araw. hindi madaling pawiin ang agam-agam sa aming mga sarili sa bawat minutong nagdadaan na malayo kami sa aming mga mahal sa buhay.

ngunit kagaya ng ibang ofw, pinili ko pa ring mangibang bansa. kapalit ng lahat – panahon, lakas, talino, pride, mga importanteng okasyon, mga kaibigang tunay, kapanatagan ng loob, seguridad, at simpleng buhay sa pinas. para sa katuparan ng aking mga pangarap, ang maibigay ang magandang buhay na hindi ko maibibigay kung mananatili ako dyan sa pinas.

iba’t iba man ang kwento ang bawat isa sa amin kung bakit kami napadpad sa kung saan man kami naroon ngayon. isa lang ang katiyakan, mas matimbang sa amin ang ikagiginhawa ng aming mga mahal sa buhay kaysa sa aming mga pansariling kaligayahan at interes.

maliban sa payak at di-sinasadyang tulong, sa pamamagitan ng pagpapadala ko ng dolyar, na naibabahagi ko sa pagbangon ng ekonomiya ng ating bansa, wala akong ibang maipagmamalaki at masasabing nagagawa ko para sa pilipinas para tawagin akong isang bayani.

hindi din ako kumporme sa bansag na pilit nila ikinakabit sa pangalan ko dahil lang sa kadahilanang isa akong ofw. kagaya ng iba pang ofw, hindi ko hiningi o ginustong bansagan akong bayani. wag na nila akong isali sa kabulastugang iyan! pakana lang iyan ng gobyerno, pampalubag loob lang.

kung naiinggit ka man dahil nabilang ako dito, ikaw na lang ang maging bayani! sa yo na! mas higit sa kahit anupaman, mas nanaisin pa rin naming mga ofw ang respeto kaysa pagkakilala.

respeto lang kaibigan, hindi mo ako kilala, wag mo akong huhusgahan. di mo alam ang buhay na pinagdaanan ko dyan sa pilipinas, at hindi mo nararamdaman ang sakripisyong dinadanas ko ngayon.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails