hindi ako bayani. sila lang yun, yung mga patay na. andun, nakahimlay sa libingan ng mga bayani. sila na may mga malaki at natatanging naiambag sa ating bansa.
hindi ako bayani. buhay pa ako.
wag nila akong ituring na bayani dahil ako ay makasarili. mas pinili kong lisanin ang bansang pilipinas kaysa makibaka sa kalsada at makipagpatayan sa mga isyung politikal at panlipunan na paulit ulit lang naman at di masolusyunan ng mga nagbibingi-bingihang nasa kapangyarihan.
hindi ako maituturing na isang bayani dahil bulok din ang kaisipan ko. kaya nga ako bumoto at nagluklok ng isang trapo ay iniasa ko na lang sa mga kagaya nya ang pilipinas. at pagdating ng panahon may masisisi ako kung bakit di umuunlad ang pilipinas. sa gayon, maikonekta ko din ang aking rason para mangibang bansa at kumita ng dolyares.
hindi ako isang bayani, isa akong linta na sumipsip at nakinabang sa edukasyong ibinigay ng aking paaralan upang magamit ito sa progreso ng mga dayuhang kapitalista.
hindi ako isang bayani, isa lang akong makinarya para sa mga kapitalista. pero, hindi ako isang basta bastang makinarya kagaya ng iba, tatak pinas ako. may kalidad, may abilidad, may silbi – kaya nila ako pinahahalagahan.
hindi ako isang bayani. isa din akong utak talangkang pilipino na nagpipilit makaahon sa kahirapan at bulok na sistema ng pilipinas na lalong nagpapahirap sa mga kagaya ko.
pero sa mata ng pamilya ko, hindi nila kailanman itatanggi na isa akong bayani. at walang sinuman ang makapagnanakaw ng pagtingin na iyon. hindi dahil sa buwanang remittance na kanilang natatanggap kaya nila ako mas pinahahalagahan ngayon, ngunit dahil napatunayan nila na kaya kong isakripisyo ang aking pansariling kaligayahan para sa ikabubuti ng kalagayan nila. bayani ako sa kanila dahil sa kabila ng lahat ng hirap at sakripisyo ng pagiging isang ofw ay pinili ko pa rin ang manatili dito.
hindi madali ang makibagay, makisama at makisalamuha sa iba’t ibang lahi. hindi madali ang magtrabaho walumpung oras sa loob ng isang linggo. hindi madaling patayin ang inip at homesick habang nag-iisa ka sa iyong kwarto.
wala nang mas sasakit pa sa isang ofw na kagaya ko ang di makasama ang asawa, anak at mga mahal sa buhay sa bawat paglipas ng araw. hindi madaling pawiin ang agam-agam sa aming mga sarili sa bawat minutong nagdadaan na malayo kami sa aming mga mahal sa buhay.
ngunit kagaya ng ibang ofw, pinili ko pa ring mangibang bansa. kapalit ng lahat – panahon, lakas, talino, pride, mga importanteng okasyon, mga kaibigang tunay, kapanatagan ng loob, seguridad, at simpleng buhay sa pinas. para sa katuparan ng aking mga pangarap, ang maibigay ang magandang buhay na hindi ko maibibigay kung mananatili ako dyan sa pinas.
iba’t iba man ang kwento ang bawat isa sa amin kung bakit kami napadpad sa kung saan man kami naroon ngayon. isa lang ang katiyakan, mas matimbang sa amin ang ikagiginhawa ng aming mga mahal sa buhay kaysa sa aming mga pansariling kaligayahan at interes.
maliban sa payak at di-sinasadyang tulong, sa pamamagitan ng pagpapadala ko ng dolyar, na naibabahagi ko sa pagbangon ng ekonomiya ng ating bansa, wala akong ibang maipagmamalaki at masasabing nagagawa ko para sa pilipinas para tawagin akong isang bayani.
hindi din ako kumporme sa bansag na pilit nila ikinakabit sa pangalan ko dahil lang sa kadahilanang isa akong ofw. kagaya ng iba pang ofw, hindi ko hiningi o ginustong bansagan akong bayani. wag na nila akong isali sa kabulastugang iyan! pakana lang iyan ng gobyerno, pampalubag loob lang.
kung naiinggit ka man dahil nabilang ako dito, ikaw na lang ang maging bayani! sa yo na! mas higit sa kahit anupaman, mas nanaisin pa rin naming mga ofw ang respeto kaysa pagkakilala.
respeto lang kaibigan, hindi mo ako kilala, wag mo akong huhusgahan. di mo alam ang buhay na pinagdaanan ko dyan sa pilipinas, at hindi mo nararamdaman ang sakripisyong dinadanas ko ngayon.
enough said...
ReplyDelete:D
well appreciated, and thank you sa pakikiisa. its touching that ive known you only for a few days pero heto ka na. hoping to see you next thursday!mabuhay ang OFW!
ReplyDeleteMaraming salamat kaibigan sa iyong panulat, di ko maunawaan kung bakit kailangang lapastanganin ng iisang tao ang hanay ng mga manggagawang OFW - nawa'y magkaruon ng katahimikan ang puso at isip nya sa ginawa nyang pag-aalipusta sa ating mga OFW.
ReplyDeletePurihin ka Chuck.
May mga tao yata na para mapansin ay kailangan mkasakit ng iba, lalo sa tulad nating OFW. I hope he can said in nice way.
ReplyDeleteWell consider natin na bayani tayo sa family natin. nice reaction bro!
Sino bang bayani pinaguusapan natin? Bayani Agbayani?! joke!
ReplyDeleteSeriously my mom was an OFW before and I know the sacrifices na pnagdadaanan nyo sobrang mental and emotional torture ang mawalay sa mga minamahal!
Mabuhay kau!
Ano ba itis...??? At sila'y nag-iinit...weeeehhh...cool lang mga kapatid...
ReplyDelete... sabagay..
ReplyDeletetama ka...
ang OA kasi ng iba..
di bale..
naiintindihan kita ..
talagang nakakabotcha pag nasa isang lugar ka at iba ang itsura ng paligid..
hai..
salamat sa lahat ng mga dumaan, nagbasa at nagkomento
ReplyDeleteYANAH, salamat!
MR. THOUGHTSKOTO, oo nga brod.. hope makilala ko din kayo at ang grupo ng blogero dito sa eastern area... mabuhay angmga OFW!
POPE, ganun talaga... di natin hawak ang isip at daliri nila... di maiintindihan ninuman ang nararamdaman natin hanggat di nila ito nararanasan..
JESSIE, salamat bro!
HOMER, salamat sa pang-unawa!
SEAQUEST, cool? amf!
SI KEKO, welkam! salamat sa matyagang pagbabasa at pagkomento... salamat din sa pagunawa!
ah basta hindi ko feel yang bayani ekek na yan,hihihi...papaano ako magiging bayani kung everytime na tumataas ang halaga ng dolyar laban sa peso eh tuwang tuwa ako...
ReplyDeletesalamat sa pagdaan sa kubo ko ha!
hindi man ako isang ofw naiintindihan ko naman ang hirap at sakit na hindi mo makasama ang mga mahal mo sa buhay sa mga espesyal na okasyon o araw..hindi rin mabantayan ang mabilis na paglaki ng mga anak...ahahay...
ReplyDeletePOKWANG, oo nga... ipokrito ako kung sasabihin kong hindi ako kasama sa mga natutuwa kapag bumabagsak ang piso laban sa dolyar... walang anuman, balik ka lang dinlagi dito...
ReplyDeleteAZUL, salamat sa simpatiya...
aba...sandali nga...balak ko sanang mgpost ng reaksyon sa aking blog about sa tsokolate ek-ek kaya lang ei..feel ko hindi ata nararapat dahil puro pagkain ang nanduon at puro happy thoughts!!..mgbabasa nalang ako ng mga reaksyong gaya nito...hahaiiiizzzz...
ReplyDeletemagandang post to...=)
CONFESSION NOOK, salamat po... oo nga, dami ka pagkain sa kwarto mo... dala ka naman dito next time!! promise?? tnx! LOL
ReplyDelete