oo.. nature ko na talaga to… makulit lang talaga ako sa grupo namin, maingay, palabiro, mapang-asar, atat, at mahilig akong magpares ng mga kaibigan ko.. pero pag ako na, halos malaglag sa lupa ang puso ko sa pagkabog, at tumitiklop na ang tuhod ko…
pag kausap ko na yung dinidiskartehan kong babae, namumutla talaga ako at natutulala.. pinipilit kong maging natural at pa-cool ang kilos, pero wala talaga e… bakit ba di ko makuha ang swabeng paepek nila james bond? o kaya ni mr. swabe?
di ako makadiskarte… lahat ng pinraktis kong linya at litaniya e nawawalang bigla. sunod-sunod ang paglunok ng laway at di mapakali.. iniisip kung ano ang susunod kong sasabihin para hindi ako mabokya at mapahiya.. aminado naman ako, kapag gusto ko ang babae, tiklop-tuhod, asong-ulol, maamong tupa at nagkakandarapa ako.. putakte! tyope! lol
e totoo namang hindi ganun kadali ang magsabi ng nararamdaman mo, especially if di ka sigurado kung mabobokya, ka o matatabla, mababasted sa unang attempt, lulubog at matutunaw sa kinatatayuan at kelangan mo nang mag-call-a-friend para mahatak ka palabas sa kahihiyang pinasok mo..
super bilib ako sa mga taong kayang i-express o sabihin ang mga nasa loob nila.. sila na mga may malayang pag-iisip, malaki ang tiwala sa sarili at kayang magdala ng sitwasyon. minsan nga lang, namimisinterpret o nahuhusgahan ng iba, na hindi naman dapat. isa lang naman talaga ang gusto natin, ang mailabas ang ating totoong nararamdaman, gusto lang nating magpakatotoo sa ating mga sarili, nang walang hinihintay na anumang kapalit.
o anong tinatawatawa mo dyan? bakit, hindi ka ba tyope??
If you wont take risk, aamagin lang sa kakahintay. :)
ReplyDeletePero minsan, ok lang maging tyope. Lalo't sila na ang nag-iinitiate.
BTW, what color ng cryola ang gusto mo? :)
Weeeh...tyope daw!!!???? talaga lang ha!! san? san banda? di halata hehehehe....Isang malaking "CHARING".....
ReplyDeleteahaha okay lang yan minsan kasi may babae din namang gusto ang tyope! hihihi
ReplyDeletetsaka buti nga hindi ka yung tipo na pag kinakabahan eh nagiging sobrang daldal na..yung wala na talaga sa linya ang sinasabi,hihihi
@ ACRYLIQUE,
ReplyDeleteoo nga...mauunahan pa ng iba...
color? gusto ko red, white & black!
@ SEQAUEST,
oo nga! bakit ba ayaw mo maniwala???! wehe!
@ POKWANG,
wahahaa!! sabi nga.. minsan challenge na din daw sa babae yun ... kaya nga nagpapakatiyope na lang ako... hahaha!!
with matching dialogue na.. "wag kang kikibo, ako ang hihipo.." (wag po ateeee!) LOLZ
hahaha.... helo po,.. padaan lang!
ReplyDeletenatawa naman ako sa last line ng post mo.
pano, tinamaan ako. tumawa at humalakhak pa!
pero hindi naman ako masyadong tyope.
i easily find my muse to say what i need and what i want .
mahirap naman talaga, kumakalog tuwid. pawisan gabutil ng munggo. nilalamig. woooh!!!
pero kapag nakuha mo na trophy... hahanap hanapin!(n_n)
lumaklak ka ng alak! Sure yon di uurong ang dila mo!haha
ReplyDeleteseriously,put your negative thoughts aside. wag kang matakot ma-reject...mauuwi mo din yung bebot na gusto mo! :)
Being a little tyope is okay. In fact, some women find it endearing. Iba naman pag soooobrang confident ang isang lalake, nakaka-turn off na yun.
ReplyDelete: )
expressive naman po ako eh, pero iba na pag negatives yung gusto kong iparating, haha, nakakahiya sabihin.
ReplyDeleteAng dyahe lang, kung sino pa panget siya pa malakas ang loob, ang mga pogi mga tyope, potek! HAHAHAHAHA.