di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nung napanood ko sa tv kagabi ang procession ng remains ni former pres. aquino. sobrang dami ng tao. tingin ko, marami dun e nakikiusyuso lang, pero sigurado ako outnumbered naman yun nung mga totoong nagdadalamhati sa pagkawala nya..
sabi nga nila, kapag nawala na ang isang tao, dun mo daw makikita kung anong klaseng tao ba siya nung nabubuhay pa. kung madami bang nagpupuyat sa kanyang lamay, at kung madami bang nakikidalamhati sa kanyang libing. At manghihinayang sa kanyang pagkawala.
napagisip-isip ko, pag ako kaya ang namatay, madami kayang pupunta at sisilip sa akin?
ilan kaya ang pipirma sa aking “log book”?
ilan kaya ang hindi matatakot sumilip sa akin sa loob ng aking kabaong?
ilan ang matatawa sa kapal ng aking make-up?
o pilit sisilip kung may suot ba akong sapatos?
ilan kaya ang matutuwa sa aking pagpanaw? o totoong malulungkot at magdadalamhati?
pupunta din kaya yung mga nakaaway ko? sabihan kaya ako ng “sabi ko sayo una-una lang yan”?
meron pa rin kaya na magdadalawang isip na makita ako sa huling pagkakataon?
ilan kaya ang mag-effort na ipagpaliban ang kanilang importanteng schedule para lang makasama sa paghahatid sa akin sa libingan?
may eksena kayang “sasama ako! sasama ako! nyeta! bakit nyo ko itinulak??!” LOL
Trivia,
1. nagpupunta ako sa patay, pero bilang lang talaga ang pagkakataon na sumisilip ako sa kabaong, duwag kasi ako e! napapanaginipan ko kasi yung patay!
2. allergic at sensitive ang aking pagmumukha sa make-up, kaya ibibilin kong wag akong lagyan ng makeup kasi baka tigyawatin ako! LOLZ
3. tanong lang, kelangan ba talagang nakasapatos pa? oo sige, ibibilin ko na dapat suot ko ang aking chucky.
4. hindi ako palakaibigan, suplado akong tingnan, mapili ako sa kaibigan at hindi ako madaling magtiwala. Konti lang ang tunay na kaibigan ko… Wish ko lang, kahit dun man lang e makumpleto naman kami!
2. allergic at sensitive ang aking pagmumukha sa make-up, kaya ibibilin kong wag akong lagyan ng makeup kasi baka tigyawatin ako! LOLZ
3. tanong lang, kelangan ba talagang nakasapatos pa? oo sige, ibibilin ko na dapat suot ko ang aking chucky.
4. hindi ako palakaibigan, suplado akong tingnan, mapili ako sa kaibigan at hindi ako madaling magtiwala. Konti lang ang tunay na kaibigan ko… Wish ko lang, kahit dun man lang e makumpleto naman kami!
5. totoo bang masamang magdala ng kahit anong pagkain galing sa lamay? o sige, eat all you can sa burol pag ako ang namatay! pero subukan mong magdala ng kahit isang piraso ng kendi pauwi, kakamutin ko talaga ang pwet mo!! nyahaha!!
Ikaw, sasama ka ba sa libing ko???
Ikaw, sasama ka ba sa libing ko???
Parehas tayo re makeup kaya bwisit na bwisit ako nung kinuhanan kami ng grad pic nung college at hs.. nangati ang mukha ko! :D
ReplyDeleteNapaisip ako, paano kaya kung si Gloria yung namatay?
ReplyDeleteGaano kadami kaya ang tao na pupunta sa burol niya? May holiday kaya pag ililibing na siya?
hmmm...
@ HOMER
ReplyDeletepareho pala tayo? tentative din ang pagmumukha mo? LOL
@ GILLBOARD,
ReplyDeletemalamang madami din... pero mas marami na yung nakikiusyuso kaysa nakikidalamhati at nanghihinayang..
malamang e holiday din, kasi may mga protesta pa rin kung dapat ba siyang ilibing sa libingan ng mga bayani! wehehe!
hehehe... your blog is beautiful... nice posts!! specially the picture..
ReplyDelete@ RICO
ReplyDeletesalamat sa pagbisita at pagbabasa! balik ka lang!
Haha. Buti na lang nag-polbo lang asko nung grad pic, black and white pa. haha :)
ReplyDeleteHonga, kelan, i mean pano kaya kung si GMA na ang pumanaw?
@ ACRYLIQUE,
ReplyDeleteang tanong e makikidalamhati ka ba or makikiusyuso lang?
hahah kulit mo!
ReplyDeletebat ganon nga tayo, pag buhay pa hindi natin pinapahalagahan pero kung kailan namatay saka natin sinasamba? Tulad na lang ng kay mj at mareng cory.
Maiksi lang ang buhay. matuto tayong magpahalaga at iparamdam ang pagpapahalaga :)
Teka, wala pang november tinatakot mo na ako..
ReplyDeletehehe=)
@ MISSGUIDED:
ReplyDelete"Maiksi lang ang buhay. matuto tayong magpahalaga at iparamdam ang pagpapahalaga"
tama! wag nating piliin na may pagsisihan tayo sa huli sa mga bagay na sana ay ginawa natin at sinabi.
@ PINKNOTE,
ReplyDeletewag kang matakot ano ka ba??!
hintayin mo entry ko sa nov., matatakot ka...
psssst! LOL
HAHAHA. nice. may mga ganyang tanong din ako.
ReplyDeletepero naisip ko din na gaya nung sabi nung reporter, dapat kabahan yung ibang mga pulitiko,
ganito din ba kadami ang pupunta pag sila ang namatay?
sabi nila pag naka-sapatos daw, tatakbo. HAHAHA.
ewan ko lang kung ano mangyayari sa mga nag uuwi ng pagkain. hehe.
isang beses pa lang ako nagbilin, sabi ko sa friend kong maganda ang boses, kantahin nya yung bye bye ni mariah.
yun lang kanta ni mariah na gusto ko kasi i think maganda yung song.
kuya chuck! (tama, mas matanda ka saken db. hehe) naadd na po kita sa blog roll ko, weeweet! makakateleport na ko dito :)
ReplyDeleteaku rin po bilang rin pagpunta ko sa mga lamay. sabi kasi ng magulang ko nun, "bawal ang bata sa patay." kaya hayun, hindi ko rin alam kung nakasapatos nga un dedbols.. hihibrr
ah basta ang alam ko eh..walang pangit na nasasabi ang mga tao sa mga namamatay kahit na masama pa sya nong nabubuhay,hehehe
ReplyDelete@ MILES,
ReplyDeleteoo nga, kaya nga naisip ko din kung madami ba magpupunta sa libing ko... magumpisa na akong mag-invite! punta kau ha? LOL
@ CHENN,
ReplyDeletesalamat sa pag-add!
"bawal ang bata sa patay"?? kaya pala ayaw pa rin akong payagan ng nanay kong magpunta sa patay up to now?? wehehe!
@ POKWANG,
ReplyDeletekelangan ba talaga magaganda alng ang sasabihin sa patay? pag makapal makeup ko, sasabihin pa rin na bagay sa akin??? LOL