pektyur pektyur! ismayl!!!!

15.8.09

sobra ka na sa tulog!

nag-eenjoy ka ba sa buhay mo ngayon?

tagumpay ka sa pag-aaral at karerang napili mo. may maipagmamalaking trabaho. magandang takbo ng pinaghirapang negosyo. malaking bahay. magarang kotse. limpak limpak na salapi. marangyang pamumuhay.

tanyag ka at sikat sa iyong propesyon. maraming naiinggit sa narating mong estado sa buhay. maraming gustong dumikit sa iyong kilalang pangalan.

marami kang kaibigan. mga totoong kaibigan. may buo at masayang pamilya. maraming nagmamahal at nag-aalaga sa iyo, maraming naghahangad na mabigyan mo man lang sila ng kahit konti mong atensyon.

ngunit naisip mo ba kahit isang beses lang, na paano na kung lahat ng ito, lahat ng tinatamasa mo ngayon at ang buong buhay mo, ay parte lang pala ng isang napakahabang panaginip?

mula sa iyong pagkakaidlip sa realidad at sa pagmulat mo ng iyong mga mata ay lahat ng inakala mong totoo at nakakapagpasaya sa yo ay ang eksaktong kabaligtaran pala ng katotohanan ng iyong pagkatao?

paano mo ipagpapatuloy ang iyong buhay kaibigan? san ka mag-uumpisa?

13 comments:

  1. kung ganyan ang lagay e. wala tayong magagawa kundi gumising sa bangungot at tanggapin ang realidad.

    Gamitin mo na lang ang panaginip mo bilang inspirasyon para maging totoo lahat ito.

    tama? T A M A! *hehe

    ReplyDelete
  2. korek si missguided! di ko kinopya yun ha..nagkataon lang na naunahan ako,hihihi

    pero tama na gamitin ang panaginip para magkatotoo ang lahat ng bagay na gusto mo!

    ReplyDelete
  3. tama, kumilos na tayo, sobra na sa tulog..hihihi

    Btw, Indecent mind c arvin yang nagcomment sayo, chikahin mo si LordCM..inikutan nan ang blogosperyo para magkalat ng lagim..Grrr...

    ReplyDelete
  4. wala din naman magagawa ang panaginip, kelangan mo talagang magising. saan ka magsisimula? sa pagtanggap na gising ka na...

    ReplyDelete
  5. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
  6. anong kaguluhan to???!

    tagal kong nawala.. di ko lam na may ganito palang isyu dito sa blogosperyo..

    konting ingat lang sa mga binibitiwan nating salita mga brod...

    ReplyDelete
  7. ahmm
    balita ko me away sa bloggers..
    naku labas aku jan hahaha!


    (ok balik sa comment sa post)

    kung ganun lang din pala
    e nanaisin ko nlng na isilang muli,
    walang hassle, walang iniisip, walang problema, at walang kasalanan..

    pero ayokong mangyari un..
    i'm happy :)
    sana ikaw rin kuya chuck ^_^

    ReplyDelete
  8. kung ganun ang mangyayari,..hmm i will have to strive again. di dahil nawala ang lahat ay reason na para sumuko..kaya strive harder :) nice blog you have here.. :)

    ReplyDelete
  9. siguro fix everything one at a time...ganun naman talaga eh.. di naman pwede pag sabay sabayin lahat.. mas mabuting ayusin mo kada maliliit na parte ng buhay mo na may mali kesa wala kang gawin... whooot.. hehehe.. apir! :)

    ReplyDelete
  10. hehehe, matutulog na lang po ako ulit :]
    mananaginip. maglalakbay. pero paggising ko, gagawa ako ng paraan kung paano ko maabot yun :)


    OUT OF TOPIC: HALAAA! MAY AWAYYYY! HEHEHE. :} DI NA TAYO MAKA-RELATE KUYA KUN ANO NAGYAYARE LOLZ!

    ReplyDelete
  11. masarap managinip. pero mas masarap gumising at kumilos. dibale na kung mahirap. kesa naman puro tulog, baka di na magising. hehe

    ReplyDelete
  12. kung ganyan eh kung pwedi nga lang ayaw ko ng gumising,pero kung gumising ako siguro matutulog ulit ako hahabulin ko yung panaginip ko,hehe tamad talaga eh noh,

    ReplyDelete
  13. kahit man lang sa panaginip eh naging mayaman, ang mahirap sa panaginip pulubi parin paktay na hindi prin mkakain ng karne hehe

    ReplyDelete

huwag ka nang mahiya, isigaw mo yan!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails