pektyur pektyur! ismayl!!!!

1.8.09

Memory gap

Days ago, nakausap ko ulit ang best bud ko, na bago-bago pa lang nakikipagsapalaran sa dubai… nakita ko na syang nakaonline pero di ako nag-initiate ng conversation kasi sabi ko malamang kausap pa nya ang inaanak ko… maya maya nag-open na din sya ng conversation …

Kumustahan, work, family, homesickness.. tablahan, tawanan, kinalkal muli ang alaala ng aming masayang grupo, balitaan ng mga naiwan sa pinas..

comparisons ng buhay namin noon at ngayon… napagusapan ang mga miyembro ng aming grupo na may kanya kanya nang buhay… na kahit anong pagplaplano e hindi na namin makumpleto kahit isang beses at magawang makarating sa mga pambihirang pagkakataon..

aspirations sa buhay… short and long term goals.. mga balak na matagal nang binabalak na di pa rin matuloy tuloy… kulitan, seryosohan... marami nang nabago, mas seryoso na kami pareho sa buhay ngayon…

pakitaan ng pagmumukha sa webcam, tablahan ulit! Ansarap tirahin ng harapan ang katropa mo, lalo pa’t katabi nya ang misis nya tapos uungkatin mo ang mga nakaraang relationships na malamang e di nya ipinapaalam sa misis nya… ansarap manggawa ng kwento at magimbento ng pangalan… ang sarap pag-awayin nung dalawa! Wahahaha!

natapos ang mahigit 3 oras, nagpaalaman… ingat-ingat.. til next tym daw..

Fast forward….

Nagising ako kaninang madaling araw, nag-aalarm cp ko, 420 am, oras na para bumangon…

huh??! Teka! Parang kakatulog ko pa lang??!

checked ko 2nd cp ko... 1:30 am?! Huuhhh??!!

Checked yung watch ko, 1:20 am…. amf!!
Checked 1st cp again, syete! Mali pala time and date settings… adjust, adjust, adjust…

Set ulit alarm.. ok na… tulog pa ulit…
Nag-alarm ulit, reminder: “Bday olags e – tom” huh???!

f*ck!! Nung minsan pa to! One day ealier pa ang settings, e anong petsa na ngayon??

At kachat ko xa nung araw na yun ah??!! Amf talaga!!
Pano ko ngayon ipapaliwanag na kasalanan ng cp ko ang lahat??
Sa haba ng pinasamahan namin, ngayon ko lang nalimutan ang bday nya… buti pa nung bday nung inaanak ko at ng wifey nya, naalala ko silang batiin… hahaha!! Talaga naman….

Di ko naman maiidahilan na signs of aging, memory gap… “bawal ang pork?” wala naman akong nakakain na pork for more than 6 months na!

Pero may nabasa akong nakakaapekto daw sa performance ng brain at memory ang di pagkain ng breakfast… pwede kayang palusot yun?? Amf!

Ayan na, nag-online na ulit sya… bahala na si batman! Haizzzz…

8 comments:

  1. it happens to all of us... ako palagi ako may nakakaligtaang batiin ang birthday.. buti na lang lumalabas sa facebook... hehehe

    ReplyDelete
  2. Hehe. Ako naman ee hirap talaga makaalala ng birthdays.. Kaya madalas, sinasabihan pa ko na batiin si ganito si ganyan.
    Sisihin natin yung cellphone mo. :) I wonder ano sabi nya nung binati mo sya ng late.

    ReplyDelete
  3. Hehehe :D Aminin mo na pre, nagkakaedad ka na lolz

    ReplyDelete
  4. @ GILLBOARD

    dapat pala sinabi ko sa kanya na kasalanan nya kac la syang FACEBOOK at FRIENDSTER ng misis nya ginagamit nya kaya la nagremind sa akin! wehehe!

    ReplyDelete
  5. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  6. @ LORD CM,

    sabi kasi nila wag daw aamin e... wehe!

    sabihin na lang natin na maxado akong occupied sa work at sa samut saring mga bagay... LOLZ

    ReplyDelete
  7. @ MILES

    eto exact conversation namin:

    ako: olags!
    ako: musta
    olags e: kupalin ka
    ako: bakit
    ako: wahaha
    ako: anong balita tol
    olags e: di kn nkaaallala
    ako: belated happy bday tol
    ako: nakalimutan ko
    ako: xenxa na
    ako: memory gap na
    olags e: lintik ka!! tnx!!
    ako: wehe!

    ReplyDelete
  8. nyahaha bawal ang pork bawal ang beans bawal ang hipon..daming bawal...

    ReplyDelete

huwag ka nang mahiya, isigaw mo yan!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails