“Hoy! Gago ka! Alam ko ikaw yan! I-add mo ako now na! Kung hindi, irereport kita as spam!”
Yan.. ganyan man lang sana na message pwede na rin.. kahit masakit sa tenga ok na rin… kaysa naman basta na lang ako makakareceive ng mga friend requests na blangko. Blangko, walang message man lang. Blangko kasi pati mukha e di ko maalala kung magkakilala nga ba talaga kami..
Or else, mag send ka ng friend request e add ka naman man lang ng message, pakilala man lang kaya no? kung natapakan ko ba luya mo sa paa habang nagmamadali ako? Kung tinakbuhan ba kita matapos kung tumuhog tuhog ng tinda mong calamares at fish ball? Kung itinakbo ko ba yung pusta nyo sa basketball? Kung nai-table ba kita isang gabi tas di kita binilhan ng LD at nagshare lang tayo sa bote ko? Yung mga tipong ganun?
Kahit panget pakinggan, Oks na rin kahit paano. Di yung bigla na lang poooff!! Coco crunch!
Di ko maintindihan ang mga friend requests na bigla na lang sumusulpot na parang kabute from out of nowhere, ang tinutukoy ko dito e yung sa FB, FS at kung san san pang social networking sites.
Ubos oras kaya na magbulatlat pa ako ng lahat ng pektyurs mo at pakatitigan hanggang sa magkandaduling ako para lang maalala kung san tayo nagkakilala. E mabuti sana kung matalas ang memorya ko, madali lang sana kitang maalala. E kaso nga hindi, utak ipis lang ako sensya na!
Tapos, matapos akong pahirapan kakabulatlat e di ko talaga maalala kung kilala ko ba sya. Or konektado ba kami in any way.
Tapos, matapos akong pahirapan kakabulatlat e di ko talaga maalala kung kilala ko ba sya. Or konektado ba kami in any way.
Haaisssss! Maano bang magpakilala na, “hi, number one fan mo ako” o kaya “stalker mo rin ako.. pls add me!”
No offense, but ako kasi kaya ako nagpapadala lang ng friend requests e para sa re-connection ko dun sa tao, na kakilala ko. Marami pa akong gustong makareconnect, gaya nung mga:
-mga dating kaibigan ko nung elementary pa ako; sila yung mga pinapanood ko habang nagcha-chinese garter, yung mga nakasama kong napaluhod sa bilao ng munggo, yung kasama ko pagpapaanod ng tsinelas sa tubig baha
- mga kaklase ko nung day care, yung mga tumawa sa akin kasi pipilay pilay ako dahil baligtad pala ang pagkakasuot ko ng aking sapatos
-yung batang babae na nabasagan ko ng kanyang gitarang bandoria kasi tinamaan ko ng volley ball pagspike ko ng ubod lakas! Nyay! Lagot ako!
-of course yung mga high school friends na kasama ko sa lahat ng kalokohan; vandalizing sa cr at sa mga upuan, pamboboso sa ilalim ng lumang main building; pagiging “friendly” sa mga classmates naming super hot! cutting classes para kumain sa canteen, pagpapaiyak ng substitute teachers (churi! Hehe), pangongolekta ng locknut at washers ng mga upuan wahehehe!
-yung mga importanteng tao na naging bahagi ng buhay ko syempre, yung seyoso at matured na buhay hehehe!
-mga bagong taong interesante
Nag-iinarte? Oo, suplado na kung suplado. Pero di ko kasi ugali na basta mag-add lang nang mag-add… tapos di ko naman kilala… ano yun pamparami lang?
Nga pala, may isa pa… pasintabi lang po…
No offense meant, di naman siguro masama na maging friends pa ulit kayo ng ex mo di ba? After all may pinagsamahan din naman kayo… pero dapat siguro maging responsible, considerate din at sensitive kayo both, especially sa mga comments at reactions na ipino-post mo sa pages nya sa networking sites. Syempre meron at merong tao na masasagasaan at hindi agad makakaintindi kung bakit kelangan na may connection pa kayo ng ex mo.
Kasi kung bigla ka tanungin na bakit kelangan may communication pa kayo ulit, makakasagot ka ba kaagad? Sige nga, Bakit nga ba?
And kung i-delete ka sa account nya, alam mo na yung ibig sabihin nun...
tabi-tabi po...
base ba ito.
ReplyDeletegwapo mo talaga ser mam ser. dami invites, haba ng hair. haha. ignore all mo, suplada ka naman diba? LOL
may bubulong ako. pero bukas na lang. haha!
hanep. hearthrob ba?ampogi haha. add mo nga din ako! haha. kng mnsan nga nkakainis din tlga ung kung sino sino ung invite ng invite. tsk. di nman kilala. ignore all mo n lng hahah. or gawa k fan page for them. naks.
ReplyDeletenakakarelate ako dito! i have 500+ friends sa facebook pero kilala ko lahat yun, inipon kong mga kamag-anak at kaibigan since birth, and i don't just add people na out of nowhere biglang susulpot sa friend request ko.. hehe... ok lang yan hindi ka nag-iisa :)
ReplyDeletehehehehe kala ko tinamaan ako ng post nato.. teka nga at ma-add ka sa fb ko na ginawa lang para mapagbigyan ang nanghihingi ng farmville gift..
ReplyDeletedati di ako nag aadd ng mga kamag-anak, pero dahil pinagalitan ako one time, ngayon napipilitan na ako...
ReplyDeleteexcept dun sa mga kamag-anak na hindi ko talaga kilala...
chokie, di ako gwapo.. mahaba lang talaga hair ko.. sa ilong! wehehe! ignore all, suplado mode nga e...
ReplyDeletekeso, alin ka ba dun kasi? pakilala ka! wehehe! fan page? hmmm... sige gawin kitang presidente ng mga stalkers ko..
roanne, o di ba? mga tipong pang-asar lang at pang ubos oras? tas pampuno ng inbox.. tsk! we belong! lol
niqabi, ok na.. nakita ko na.. nireport na kita as spam!! bwahahaha!
gill, pag kamag-anak na pinag-usapan, paramihan na yan ng angkan.. hehe!
pero ok yun di ba? tracing your roots.. tas kahit nga ung mga kaparehas mo ng surname from other places e matrace nyo ung family tree nyo? yun ang maganda dun!
ahem...andaming kong friends sa fb ...dahil addict ako sa Castle Age..wahahaha!!!
ReplyDeletepero mas maganda rin kc un nagpapakilala..katulad ko, kung may mag-aadd sa akin from one of my fb games, nilalagay nila sa message para hindi mahirap mag organize ng friend list dbah!
nice ikaw na anng artista! Hahaha!
ReplyDeleteAko di naman umabot sa ganyang karaming request! Sabagay di naman ako artista!
Ikaw na pre!
Masalam
Kung naghiwalay nmn kayo ng maayos ng ex mo at walang mgbibigay ng malisya kung sakaling maging close ulit kyo khit pa sa FB lang or FS walang masama db? at kung committed naman na kayo sa iba wala ring msama kung ioopen nyo s present lover nyo na "huy eto ung ex ko pero prend n lng kami..cguro naman mauunwaan nya un...
ReplyDeletenakakainis naman yung 500+!!!
ReplyDeleteahaha!
pangarap ko yun...
biro lang.
ako OO lang ako ng OO.
minsan lang mag online sa chat.
kasi dalawa lang naman kilala ko sa friends ko.
haha!
di ko kasi alam na pwede pa lang mag ignore...
:P
mani, ikaw pala ang artistahin e kasi dami ka friends! try mo ilagay sa blog mo ang FB mo, dudumugin ka, pustahan?
ReplyDeletedrake, di ako artista, wala akong balak... ayoko ng showbiz, mawawala ang aking private life. nyahahaha!
jam, ideal but mahirap sa totoong buhay. anyway, less complications less worry di ba?
gege, pasaway ka.. as if naman di mo nababasa yung ignore e katabi lang naman yun ng confirm! adik ka! wehehehe!
Nanggaling na din ako sa ganyang stage ng career ko bago ako nag call center (malalaman mo kun bakit pag na meet ko kayo personally)... pag artista, di dapat suplado... hahaha!
ReplyDeleteLilipas din yan... madadala din yang mga yan...
add mo nga din ako... hahaha! =)
This comment has been removed by the author.
ReplyDeletehuh!! tsk..
ReplyDeletemay point ka talaga tsong. hehe :-D
ReplyDeletenapadaan ulet...
my ex's request is still pending on FB. why not? her current's face is on her avatar, too.
ReplyDeleteanghel na singtigas ng bato (lol), ikaw na ang artista! ikaw na ang bida! supporting na lang ako.. hehehe! e bakit nga ba?
ReplyDeleteseaquest, huh?
neildalanon, laging may tama ako? lol salamat sa muling pagdaan!
random student, yeah! why not? bitter-bitteran ka pa rin? hehehe! or nagpapapilit ka lang?
Ang ginagawa ko, share ko lang, inadd ko lahat ng may gusto magpa-add tapos pinagdedelete ko kapag bored ako hehehe
ReplyDeleteAko delete ko sila kagad. Tama ka pag nag lagay ng facebook sa blogsite dinudumog kaya inalis ko na yung sakin (feeling artista ng slight)
ReplyDeleteSuplado naman you pre! LOL
glentot, pagtripan ang pag-add and delete? wehehehe! nice idea!
ReplyDeletejepoy, nagtataka ako, bakit lagi kayong magkasama sa comments ni glentot?? para kayong....
dinumog ka o kinuyog? wehehe!
hahahah ang kapal mo anong pres ng mga stalker mo, akina nga fb mo iaadd kita hahaha.
ReplyDeleteohnga noh, bkit ba laging mgkasunod mgkoment si jepoy at glen hahahahaha
keso, FB ko?? magkano??? hahahaha!
ReplyDeleteawwww! ginaya mo lang tanong ko.. e bakit nga ba? lol
hindi ka nag-iisa ginoo. ganyan din naman ako.
ReplyDeleteang balak ko lang naman talaga sa fb ko eh iadd laaht ng mga kakilala ko. yung mga klasmeyts nung kinder hanggang sa kasalukuyan. makakuha man lang ng updates sa kanila. at saka makastalk man lang ng kunti. hakhak!
kaso may epal talaga na gustong iadd kahit sino. sorry. ignore ng bonggang bongga ang gagawin. hakhak!
580ampf! ako 100 plus lang kasi nadelete ko na yung iba.
ReplyDeletePero diba yan pa yung dating mukha ng facebook? :p
Nakafriends of friends nalang ang search mode ko ngayon. Nakakainis na kasi na kung sino ang nag-aadd sa yo na hindi mo naman kakilala e. E aanhin ba nila kung sasabihin ko sa fb ko na kakatapos ko lang tumae sa opisina diba?
580 friend requests? haahha. andami.
ReplyDeletepero mas malupit ung meron kang 1 Kidnap! request, ahha. biruin mo nagpapakidnap na sau.
ung sa akin e kilala ko naman silang mga inaadd ko. may inadd ako at talaga namang kilala nya ako as in may enumeration pa kung anong alam nya sakin, kaso di ko talaga sya maalala.
Ung sa ex, well, i abstain muna ako sa comment ko dun, haha, buti na lang nagpasintabi ka, =p
eloiski, honga! kinder hanggang college! tas stalker mode.. hehehe! apirrr!!
ReplyDeletemaelfatalis, oo nga, biglang nabago settings mo sa FB.. hehehe! marami kasing nawindang sa pix mo.. hahahaha!
ulyabot, kidnap request?? hahaha! natawa naman ako.. kelangan pala may approval pa??! hahaha!
abstain?? bakit anong meron? hmmmm....