pektyur pektyur! ismayl!!!!

21.8.10

ga-dose!

“Sing-haba tayo brod??? Parehas tayong ga-dose??! Weird!!” Yan ang sumigaw sa utak ko nung nakita ko yung kanya na kagayang kagaya ang sukat netong sa akin!


Ok! Maaaring sabihin nyong OA ako or weirdo para makipagkumpara sa iba, pero tingin ko kasi e very uncommon lang talaga na may makaparehas ako ng aking pag-aari considering the fact na hindi naman talaga ordinaryo ang haba nung sa akin. Meron man sigurong magkakaparehas pero konti lang talaga kami… oo, nacheck ko na kaya wag ka nang kumontra!

Base sa aking marubdob na pananaliksik, magkakaiba tayo ng pag-aari. Merong masagwa, mahaba, maikli, maganda, cute, at kadalasan kapag nakita natin ito sa isang tao e tumatatak na to sa ating isipan. Although mahaba yung sa akin, totoo ga-dose ito hindi ako nagbibiro, pero hindi ko ito ipinagmamayabang. Sabi nga ng tatay ko, ingatan ko daw ito at maging responsible ako sa paggamit, ito lang daw ang tanging yaman na maipapamana nya sa akin. Yeah, mahaba din yung sa kanya at sa kanya ko nga to namana!

Pero sa tingin ko e wala naman talagang malaking diperensya kung maiksi o mahaba yung sa yo, nasa paraan naman yun ng paggamit di ba? Nakakadagdag lang siguro ng pagkalalaki kung unique o cute yung sayo kasi madalas e naglulumikot eto sa isip ng mga.. malilikot ang isip! At saka, di naman (daw) dun sa haba o sa iksi nito pwedeng masukat ang pagkatao mo, hindi pwedeng maging basehan ng iyong pagkatao kumbaga!

Too much intro! sows!!

Ganito kasi yun, one of my blogger friends told me na may nag-add daw sa kanya sa FB, exactly same name as hers tapos lahat nung 12 friends nun e real-life-friends din daw nya… sabi ko naman baka nga may nanggagaya lang sa kanya o nagkataon lang talaga o ex-bf nya yun na ampalaya mode at gusto lang mamburaot or worst e doppelganger nya yun. Nyahahaha!! To the higher level na ang doppelganger! Haytettshhl!

Then kanina, may natanggap din akong friend request sa FB, from a name which is sssooooo familiar to me, dahil pangalan ko yun! At wala naman akong natatandaan na ini-add ko ang sarili ko… hello! Madami kaya akong friends sa FB! Di pa ako ganun kaloner para i-add ang sarili ko at maupdate sa mga pinaggagawa ng sarili ko! Hak hak! Magulo!

Very strange lang kasi not so common ang given name ko (five-letter-word lang pero very unusual) at family name ko (dose sya, oo ga-dose letra ang last name ko)!! Pero wadapak??? may kapareho pa rin pala ako??? Wahddaaaa???!!

Petty odd things, same month bday namin (but not same year, mas matanda sya sa akin ng 9 years), nasa lupain din sya ng buhangin ngayon (we are in almost same location)… and last, panget sya! (yun lang! malaking pagkakaiba! kasi mas panget ako! Hakhakhak!)…

At… hindi sya bogus, nakausap ko na!

Wooaaahhh!! What a coincindent coincidens coinsendent coinsidint co-accident!!!! Lol

Ikaw, kung very unique at uncommon ang first at last name mo tapos may makilala ka na complete stranger bearing the same name, ano ang magiging reaksyon mo? Nangyari na ba sayo to?




an_indecent_mind

27 comments:

  1. Ang weird pag ganun ang mangyari...As in? totoo? Meron nga? Baka kamag-anak mo xa...kasi yung kapatid ko kapangalan niya din ang pinsan ko pero magkaiba lang ng middle Initial hehehe...

    naniniwala akong doppelganger mo yun...mukhang multo eh joke lang parekoy hehe...

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. Napakastrange nga kung may epal na darating sa buhay mo na nakikipangalan sa'yo. Pero parang wala ako makikilalang ganun. Haha. Una, paubos na ang lahi ng apelyido namin. Pangalawa, dalawa pangalan ko at kombinasyon pa na matindi. Parang wala...

    ReplyDelete
  4. akala ko ba naman gadose ka yung ano mo. hahahah! doppelganger lang pala hahahha.. pag sa kin nangyari yan aba kakaripas ako sa lawyer ko papalitan ko ang pangalan ko! hahahaha

    ReplyDelete
  5. weird kapag ganun. kasi nakausap mo pa ung person na may kasing name mo. usually sa fb madami dopelganger kaso sila ung walang pix.

    ReplyDelete
  6. Nangyari na sa akin yung may kamukha ako ng name sa isang laro at magkamukha din kami ng avatar as in magkamukhang magkamukha. Akala ko may multo na din sa game na yun.lol

    ReplyDelete
  7. meron akong alam pero di sakin nangyari dun sa tito ko...
    kasi may JR. syang anak na kilala ko tapos nung nasa college ako meron ganun na pangalan at Junior din yung extension name nya to cut it short dapat magpinsan kame pero di ko sya kilala at di rin sya kilala nung tito ko.. yun lang :P

    ReplyDelete
  8. pag ganon isa lang maiisip ko...kaungaz ng magulang ko na nagpangalan sakin!walang effort na magisip ng unique na name!walang originality!hahaha..bitter pala e.

    ReplyDelete
  9. Feeling ko galing siya sa isang PARALLEL UNIVERSE. kailangan mo siya makausap, para masolve mo ang mystery.

    ReplyDelete
  10. woawww... Agree ako kay rah... ahehehe.. Kaya ayoko ng name ko eh, napakacommon. Parang kapag tinawag ako sa public place lahat ng tao lilingon haha

    ReplyDelete
  11. @JAG
    di ko kamag anak brod e... or maybe kamag anak ko pero malayo na... problem is di ko masyadong kabisado ang roots ng father side ko.. konti lang kami sa PINAS! lol


    @AKO SI YOW
    good thing kung wala kapareho di ba? madalas kasi nagiging problema yan sa NBI kung yung kapangalan mo e may criminal record, kung ganun GUDLAK naman! hehehe!


    @PETITAY
    hmmm... yung paa ko kasi e size 10.5 or 11.... meaning.... yun din ang size ng sapatos ko! hek hek!

    ReplyDelete
  12. @KHANTOTANTRA
    weird feeling talaga... parang nakikipagusap ka sa sarili mo na may ibang identity? hahaha!


    @DARKLADY
    nageevolve na sa cyber world ang mga ghosts at doppelgangers! nyahahaha!


    @POLDO
    o? mas malupit yun! at napasa pa sa second generation! asttteeggg!

    ReplyDelete
  13. @UNGAZ
    hakhak! bigla naging ampalaya??? e kung mas matanda ka naman sa kapangalan mo, meaning nakigaya lang sya sa beri beri byutipul neym mo! lol


    @RAH
    hahaha! hindi ko kinaya ang theory mo ng PARALLEL UNIVERSE! ikaw naaaa!!


    @KAREN
    common ba name mo? pero last name mo naman hindi di ba? see? wala ka pang nameet na kagaya name mo...

    ReplyDelete
  14. haha, ang weird nga!
    tapos nakausap mo pa? may balak ba kayong magkita? hahaha
    ako wala pa naman akong nakikita na pareho ng pangalan ko.

    ReplyDelete
  15. di kaya nabiktima ka ng identity theft? wag naman sana... hehehe

    ReplyDelete
  16. bossing baka nman may Jr. sa last part ng name nya. kaso mathematically di pwede unless 9yrs old ka may najuntis ka na.. pero mahirap nga tlaga paniwalaan un pero ngyayari.. ako nga may 2nd cousin me middle name lang pinagkaiba nmin although common name at very common ang family name ko...same age but diff. birthday. muntik pa nga kmi maging mag classmates nung elem eh.. tyaka pinagkaiba namin eh pogi siya at mas pogi lang ako. hehehe...

    ReplyDelete
  17. sa akin common na 'to, ang dami ko kapangalan pati kaapelido. masyadong pangmasa pangalan ko.

    ReplyDelete
  18. iba naiisip ko sa intro mo. hhahahaha

    ako nga rin may kapangaan eh. kasabay ko pa sa board exam.. yun nga lag very common lng ng pangalan ko

    ReplyDelete
  19. I'm sure mas pogi ka sa kanya. Pero medyo scary naman yun, same birthdate din, year lang nagkaiba. Parang bogus na ndi na ewan. Hay. Well, ingat lang ng konti kase super rampant na ng identity theft ngayon. Mwah!

    ReplyDelete
  20. nagising ang malikot kong kaisipan kahit sobrang inaantok na ko dito sa office dahil sa nabasa ko tungkol sa something na mahaba.. whew!

    baka nga jr. mo, hehehe!
    so far wala pa naman akong kapangalan, pero ang weird naman sakin, marami akong ka-bday.. :)

    ReplyDelete
  21. buti wala pa akong nakakaenkwentrong kapangalan ko. weird to.

    ReplyDelete
  22. @OLIVER
    di ko lam kung magkikita kami,parang mas weird ata yun... haha!



    @GILLBOARD,
    di naman siguro... wala naman kwenta pagkatao ko kaya walang magkakainteres na nakawin! hahaha!



    @NAFACAMOT
    uyy! mas astig yun, kakilala mo tas kasing edad mo pa! yun nga lang, mas humble ka kaysa sa kanya! lol

    ReplyDelete
  23. @BULAKBULERO
    common name pero uncommon ang kagwapuhan mo?.. yun yown e!


    @KIKILABOTZ
    ano brod naiisip mo sa intro? hahaha!


    @K,
    mas pogi ako ng beri beri islayt lang... lol


    @GESMUNDS,
    mga ilan kabday mo? binilang mo talaga ha? hehe! madami ata nagbbday e oct or nov di ba?


    @SUPER BALENTONG,
    yeah weird! siguro kasi unique din name mo?

    ReplyDelete
  24. nakakacurious ang tinutukoy sa intro..syempre mahalay ako kaya un agad naisip ko!hahaha

    creepy kung may katulad ka ng pangalan...lalo na kung mas chaka!

    ReplyDelete
  25. HIndi pa naman nangyari sa akin yan pero ang nangyari sa akin eh minsan pagsakay ko ng jeep may nakita akong kamukhang kamukha ko napatingin ko sa kanya nang matagal at nastarstruck hahahha ang cute ko lang kasi.

    ReplyDelete
  26. grabe naman un kpangalan mo tlga..mabuti nalang may pinagkaiba kayo hehehe lol

    napadaan.

    ReplyDelete
  27. Ito ang pinakamahaba at pinakamalaman na intro na nabasa ko. Syet. Kinilig na naman ako, dagdag pa sa kakiligkilig na header mo.

    ReplyDelete

huwag ka nang mahiya, isigaw mo yan!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails