pektyur pektyur! ismayl!!!!

6.11.10

Till Death Do Us Fart




Maporma? Mayaman? Malakas ang dating? Down to earth? Matalino? Malakas ang sense of humor? Yan ba ang ilan sa mga katangian ng partner mo ngayon at yan din ang ilan sa iyong mga dahilan kung bakit mo sya napili?


Isa, dalawa, tatlong buwan mula nang sinagot mo sya matapos ka nyang ligawan ng mahaba habang panahon, ang lahat ng magagandang ugali ay napapalitan na ng totoo nyang pagkatao (pagkakataon na nyang gumanti sa yo ngayon!).. eka nga, mas nakikila nyo na ang tunay na ugali ng isa't isa.


Habang tumatagal, mas lumalalim ang inyong pagsasama at mas humahaba ang oras nyo sa kama nyong magkasama e mas nakikilala mo na ang partner mo.


Kung ako ang tatanungin, ang extreme test ng ikakatagal ng isang relationship, bukod sa inyong compatibility at capacity ng iyong partner sa sex, e hindi ang distance at hindi din ang time lang kundi ang haba ng iyong pasensya at tibay ng pagkatao para malagpasan ang kabalahuraan ng partner mo.


Noong bf/gf pa lang kayo, sooo cheesy pa sayo yung maghiraman kayo ng damit pambahay, tsinelas, magsalo sa iisang plato, maghiraman ng personal things at pati na rin ang maghiraman ng deodorant at toothbrush (costcutting!) at sa pagtagal tagal pa, naatim mo na rin ang magtootbrush o makipagkwentuhan sa kanya habang jumejebs sya, o kaya ay mangulangot sa harap nya habang sarap na sarap syang nagkukwento o ganadong kumakain. O di ba? so morbid??


Harder test ng relationship nyo, ang walang pandidiri mong paglalaba ng underwear nya na may kasamang bulbuhok o skid marks/blood stains (di ko kakayanin to! Itatapon ko talaga yun sa basurahan pramis! Nyahahaha!)


Pero sa tingin ko ang isa sa ultimate tests mo to withstand ang pagkabalahura ng iyong partner, which would eventually determine ang ikakatagal ng inyong pagsasama, ay ang tanggapin ang talent nyang magsabog ng utot “in your face” at your most unexpected situations!

Kung noong unang beses na narinig mong umutot sya e naconsider mo yun na cute at nakakatawa (kasi feeling comfortable na sya sa yo di ba?) pero sa pagdaan ng maraming taon ng inyong pagsasama kaya mo pa rin kayang yakapin ang pilosopiya nya sa pag-utot na “strike anywhere”?? kaya mo kayang sikmurain ang pagsabog ng kanyang bomba at namnamin ang nakakasulasok na amoy nito sa gitna ng paghaharutan ninyo sa ilalim ng iisang kumot? Kaya mo bang matagalan ang trip nyang panghuhuli ng sariling utot para isabog sa mukha mo habang wala kang kalaban laban? (langhap sarap??!)



See? Ang relationship ay hindi laging isang fairy tale lang! maraming kalokohan, maraming harutan at maraming ups and downs. Hindi laging factor sa pagpili ng asawa ang good genes ng partner mo… minsan kelangan mo din iconsider at lunukin ng buong buo ang pagkabalahura niya!

tip? amuyin ang utot ng partner mo as early as possible.. pakiramdaman ang sarili kung matatagalan mo ang amoy for the rest of your life!


Oo, tulad sa isang magandang jamming, ang utot ay nakakasira din ng isang magandang relasyon! Ang tanong lang naman kasi e tatagal ka ba??


BLLAAAKKKKKK!!

Oooppsss… Excuse me po!




an_indecent_mind

18 comments:

  1. parang lahat na yata ng posibleng kababuyan eh andito nyahahahaha..
    tae. sino naman ang may gustong pasabugan ng heavy duty na utot sa pagmumukha? lol
    hanggggg baboysssssss!

    nuknukan ng kalinisan at kabanguhan tong entry mo na to. wahahahaahahha
    sana man lang pala naisipan ko mamayang may araw na basahin to ng hindi ako nagmukhang sira ulong tumatawa mag isa ng alas tres ng madaling araw.

    tip? amuyin ang utot ng partner mo as early as possible.. pakiramdaman ang sarili kung matatagalan mo ang amoy for the rest of your life!

    tibay ng tip! ang tindi! hahaha.. epektibity kaya eto? gawain mo siguro noh? hahahaha

    ReplyDelete
  2. grabe lang. Pero tama, mukang yang utot ang magiging make or break sa isang relationship.

    Kadirts naman yung panghuhuli ng utot tapos isasabog sa pes :p

    ReplyDelete
  3. uupakan koh sya nang bonggang bongga pag ginawa nyah un sa mukha koh... haha... at kung aamuyin ko ang utot nyah eh he shoul smell mine too... haha... ung tipong kasunod na un eh poop... ewww! haha.. man! u make gross too.. haha... katuwa ang post moh parekoy... ingatz... Godbless! -di

    ReplyDelete
  4. Cguro pag na-immune na parang balewala na din ang amoy hahaha adik ka talaga pero totoong nagyayari ang mga nakasulat dito hehehe...

    ReplyDelete
  5. Hanep ung utot mo parang may kasama..bblllaakkk?hahahaha!!!Mainam nang ilabas ang utot dahil lason un s ktwan.un nga lang lason din sa makakaamoy.hahaha!!!

    ReplyDelete
  6. may naalala tuloy ako bigla pero ayokong magemo dito hehehe ^^

    ang gross nga ng mga ganyan..nakuu naman!but eventually dahil nga sa mahal nyo yung isat isa..matatanggap mo rin yung kabalahuraan nya..^^

    ReplyDelete
  7. bat kaya pag sarili mong utot okay lang maamoy mo...pero pag ibang tao todo alis ka sabay insulto sa taong umutot...? tanong ko lang! hehehe

    ReplyDelete
  8. wow napakagandang way para magbalik after ilang days na walang post...grabe nagpasabog talaga... Baho din...hahaha

    pero sige na nga,may point ka naman sa post mong ito,talagang ang mga simple at minsang nakakadiring pangyayari ang talagang ika nga can make or break a relationship...yun lang.

    balahuraan na lang..tgnan qng cnong makakatagal at siguradong SIYA na un! mag-ingat lang pag SIYA naman ang gumanti..hahaha

    ReplyDelete
  9. palagay ko lang, isa pang factor ng ikatatagal ng relationship e ang.... MORNING BREATH! haha!

    "talk to me HAAAAHHH"
    "MOHORRNINGGG"
    "HAAAAII HOOON, morning sex naman"

    =D

    wv: surehoto << tamo naaaa! hahahaha!

    ReplyDelete
  10. ah basta kami ng mister ko swak na swak, kasi pareho kami'ng ututin. hahahaha!

    yun lang.

    ReplyDelete
  11. issue din namin yang hayop na utot na yan..ahahahaha

    tama!! dapat kasama pati kabalahuraan ng pakner..kasi pagkatao din nya yun eh!

    ReplyDelete
  12. oki na sana yung start sabay may ganun oh.. whahaha LOL trip men :P

    ReplyDelete
  13. so sweet<3 hahaha or kapag comfortable na siya mangulangot sa harap mo, AYUN. life parter for sure.

    ReplyDelete
  14. Hahaha! astig!

    Ako, uutot ako na sasaluhin sa akong mga kamao. tapos ibubuka ang aking palad laman ang hanging ng utot sa tapat ng mukha nya.

    haha! can relate much? LOL

    ReplyDelete
  15. nice topic!! ^_^ kailangan pala maamoy ko na utot nya.hehehe

    ReplyDelete
  16. Naku napakalaking balakid ito at kapag hindi ito nalampasan eh nakakahiya pa malaman ng iba na naghiwalay kayo dahil lang sa ututen ang asawa mo wahahaha

    ReplyDelete
  17. pag bago pa lang ang relasyon, animo'y halimuyak ang dating ng utot ng iyong jowa. pero pag nagtagal, kulang na lang eh isumpa mong magsara na lang ang butas ng puwet nya para di sya makautot. haha :D

    ReplyDelete
  18. wahahahaha..ang kulit! Kami oks lang magututan sa ilaim ng kumot..wahahahhaa:D

    ReplyDelete

huwag ka nang mahiya, isigaw mo yan!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails