pektyur pektyur! ismayl!!!!

29.9.11

wait lang! di ba True Love Waits??



True love waits daw... Madalas kong mabasa at marinig ito noong highschool pa ako. Lagi din kaming nireremind about sa consequences ng pre-marital sex ni titser Leny at titser Hilda (mga religion class teachers namin) at ni Mam Magdalena (titser namin sya sa Accounting pero madalas naming tanungin about sex; at syempre pa alis na ang antok ng lahat na pag sex na ang topic!).

kung sa panahong hayskul e normal na sa aming mga kalalakihan ang  pagiging mapagsaliksik, mapusok at padalos-dalos sa ganitong yugto e ako naman noon e nageenjoy pa lang sa mga “kilig moments” LOL. Oo tama, sa halip na pamboboso at kung ano ano pang kalokohang produkto ng hormonal na pagbabago e abala naman ako sa paggawa ng mga love letters o di kaya ay pagreresearch ang inaatupag ko noon sa kung paanong paraan mapapasagot ang nililigawan (pangit ka na nga wala ka pang diskarte??!). Madalas akong gawing kasabwat ng mga barkada ko para sumulat ng love letters sa kanilang mga nililigawan at madalas ko ding binalak na ako na lang kaya ang sumulat at lumigaw dun sa mga type nila, sagutin din kaya ako? LOL

Well, mga murang isipan at saka yung generation namin noon e considered na fourth base na ang lips to lips sa chick -- mayabang ka na nun brod! (ay syempre depende nga pala sa kartada ng chick mo! LOL) pero kung iyayabang mo e gumala-gala ang iyong mga kamay sa kambal na bundok at sa mabalahibong pusa (yes, as in!) sa dako pa roon? Aba naman parekoy! Fifth Base ka na nun! Tutulo ang laway sa inggit ng mga barkada mo sayo.. at sisimulan ka na nilang tawaging “chickboy”..

Wala e, ako mahina ang loob ko sa mga ganyan.. may mga naging gf ako during highschool days pero ang pinakamalayong narating ng dulo ng daliri ko nung mga panahong yun e hanggang dun lang sa ibabaw ng “sa dako pa roon” at nung nag-attempt akong baybayin ang garter ng kanyang so-en e dun natigil ang aming pagpapalitan ng laway. Tandang tanda ko pa kung pano nya ako tiningnan sa aking mga mata, maluha-luha sya noon, may takot, at nagtatanong o nagmamakaawa na ituloy ko ang maitim kong binabalak… pero tumigil ako sa ginagawa ko, bigla akong natauhan na para akong nabuhusan ng malamig na tubig..

gusto ko sanang ipagpilitan ang nais ko sa marubdob na pagnanasang kumawala na sa pagkaalipin kay mariang palad..

gusto ko sanang gamitin ang mga linyang “akala ko ba mahal mo ako?”

Andun na e! andun na yung tinatawag na “heat of the moment” na sa tingin ko e nadadala na din sya sa ginagawa namin! pero hindeeeee…. Natakot ako!

Una kasi wala pa naman akong karanasan at takot din akong mauwi lang sa kahihiyan ang gagawin namin, kasi ang totoo nyan e nung naglalaro pa lang yung dulo ng daliri ko sa garter nya e nanginginig na talaga ako!

ikalawa, biglang pumasok sa isip ko ang mga mukha ng titsers ko habang pinapaalalahanan kami about sex. .. lol

Natakot ako sa maaaring maging bunga ng gagawin naming masarap pero bawal.. natakot ako pano kung mabuntis sya? Pano na ang pangarap ng mga magulang ko para sa akin? Pano na ang pangako kong pagtataguyod sa mga mas nakakabata kong kapatid? Pano na ang gatas at lampin ng magiging anak namin? Sa ganitong nagsasalimbayang mga agam-agam, walang ilang segundo lang e humupa na ang galit ng nagngitngit kong alaga.. at pagkatapos ng gabing iyon, anlaking panghihinayang ko sa pinalampas na pagkakataon, ilang gabi akong nagsarili di pinatulog sa pag-asam na disin sana ay nakatikim na ako ng pagkaing parang pagkasarap sarap..

Ngunit ngayon, pag nagbabalik tanaw ako sa mga desisyon ko noon, natatawa ako sa sarili ko.. ano kaya kung mas naging agresibo ako noon? dalubhasa na kaya sana ako ngayon? ano kaya yung mga nakalagay dati dun sa mga love letters ko noon, bakit naging epektib para mapasagot yung mga chikas nila?

sa isang bahagi ng aking pagkatao, malaking pasasalamat ko din sa mga guro na patuloy na nagpaalala sa min about premarital sex.. kasi natuto ako --- natuto akong dapat laging may baong kapote (in case na umulan).. natuto akong mag-isip munang mabuti kung “worth it” ang napili kong kapareha..

Yeah! tip lang mga brod, pag andun na kayo sa climax at tipong atat na atat ka na, sandali mong isipin na, “what if mabuntis ko to? Eto na talaga mapapangasawa ko??? takte! parang lugi ata ako??"

at bigla sasabihin mo sa partner mong, “wait lang pala… True love waits.” LOL basag!

Ikaw, kelan ang iyong perstaym? at ginamit mo din ba ang konsepto ng TruLabWeyts? ekspleyn



pektyur galing dito




an_indecent_mind








15 comments:

  1. Ikaw ang may sense of pagpipigil (kahit di ako naniniwala?) hehe. Buti naman at may natutunan sa mga titser mo, di birong muka nila nakita mo eh nasa rukrukan na sana? Haha!

    Nag-enjoy ako, di ako inantok magbasa. Da best, pramis!

    Dumalaw si Ningning!
    www.athomeakodito.blogspot.com

    ReplyDelete
  2. wow sa tip..... iisipin ko to kpag may tukso. lols

    ReplyDelete
  3. hahaha, sabi ko nga kapag hindi mo na talga kayang magpigil, ihampas hampas mo na lang. hahaha

    -kikilabotz

    ReplyDelete
  4. haha....dude, sana lahat din ng mga lalaki gaya mo (o mas mabait pa sa 'yo..teeeheee)..

    mabuti nama't may natutunan ka from your titser...maimpluwensya nga naman talaga :D

    napatawa ako sa post mo dude :D good job..

    ReplyDelete
  5. Hehehehe naks! halatang nakikinis sa teacher! ^_^

    minsan kasi pag nakatabi na sa kama ang babae nag bblanko na utak ng mga lalake eh hehe..

    ako noon sumakit puson ko.. lol !

    napadaan lang hehe ^_^

    ReplyDelete
  6. Bait ah! hehe

    ang problema lang du'n sa mag-iisip habang climax ay 'yung pre-c*m, baka mabalewala lang ang pag-iisip isip haha.

    ang aking perstaym ay...

    itutuloy

    ReplyDelete
  7. unang perstaym ko hayskul. di ko nagamit yun, dahil mas matanda sakin yung ex ko.

    mas experienced.

    di ata uso samin yang true love waits na yan. lolz

    ReplyDelete
  8. Ang cute ng post na ito. :))) True love weeyyttss. :p

    ReplyDelete
  9. naks! aylabet!

    point very well said..nakakatawang post pero in all fairness may realization sa huli..:)

    ReplyDelete
  10. kayo rin ba nagkatuluyan? hinintay mo ba talaga sya pre? lollzz

    sa tutuo lang pre, kung ako rin nasa kalagitnaan ng laban at maisip ko mga teachers ko, malamang manguluntoy si manoy :))

    ReplyDelete
  11. Sabi nga sa commercial "Ang tunay na lalaki...... marunong maghintay.."

    Nice one kuya... :D

    ReplyDelete
  12. not even close ang experience ko sa high school experience mo, kaya ewan ko din kung napunta ako sa ganung eksena.pero ayos na rin sa kaso mo, malaking 'show stopper' minsan ang pananagutan lalo kapag nakabuntis ng wala sa oras.

    ReplyDelete
  13. Parang pancit canton lang hehehe...

    Lahat tau dumadaan sa ganyang stage.. depende n lng kung paano ito lusutan ng matiwasay :)

    ReplyDelete
  14. Sa panahon ngayon, hindi na ata uso yang "true love waits" na idea.. Yung mga kabataan ngayon, very sexually active.

    Pero syempre, iba pa rin ang dating ng isang lalaking marunong maghintay.. Hindi namimilit.. Merong RESPETO. 100 pogi points yun.. :)

    yun lang.. :D

    ReplyDelete
  15. naman! andun ka na eh pipigilan pa ba? eheheh

    ReplyDelete

huwag ka nang mahiya, isigaw mo yan!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails