pektyur pektyur! ismayl!!!!

4.9.09

reading between the lines

* pakiclick mo muna yung play button sa jukebox ko sa kanan.*

 

Wag mo sanang iisipin na sa bawat nagdadaang araw na wala akong kibo ay binabalewala na kita.


Ang totoo, hinahanap hanap ko pa rin ang araw araw mong presensya na tila ba nakasanayan ko na.. Umaasa pa rin ako na sa aking paggising sa bawat umaga ay andun ang mensahe mong magguguhit ng ngiti sa aking mga labi, gaya ng dati.


Sa bawat pagtatapos ng pagsambit ng aking panggabing panalangin, at kasabay ng mahigpit kong pagyakap sa aking paboritong malambot na unan, andun pa rin ang pagbabakasakaling kahit sa panaginip ko, kahit sandali lang ay makapiling ka.


Oo, nananahimik ako ngunit hindi dahil sa gusto na kitang makalimutan. Nananahimik ako dahil parang nauubusan na ako ng dahilan upang gawin ang mga bagay na dati ay nakakapagpasaya sa kin. Pero hindi ibig sabihin nun ay binubura na kita sa buhay ko; ikaw at ang masasaya nating mga alaala.


Ang totoo, pilit kong nililibang ang aking sarili sa ibang bagay. Ngunit, nakakapagtakang sa bawat pagpipilit, para namang biro na may mga bagay at pangyayari na pilit na naguugnay at nagpapalaala sa yo, at sa hindi mabilang na pagkakataon ay di ko pa rin mapigilan na sandaling mapatigil sa kung anumang ginagawa ko. Di maitatanggi, hanggang ngayon ay bigo pa rin ako na pilitin na huwag kang sumagi sa aking isipan; kahit isang araw man lang.


Tahimik man ang parehong mga mundo natin ngayon, at malayo, alam kong pareho tayo ng nararamdaman. Kahit wala kang sinasabi, hindi mo man ipaliwanag, naiinitindihan kita. Hindi kita pinaghahanapan, wala kang pagkukulang, alam ko at naniniwala ako sayo.


Nalulunod ako sa iyong kawalan. Pilit akong naghahanap ng makakapitan. Pero, hindi ako bumibitaw sa aking mga pangako, at kailanman hindi ko magagawang lunukin ang aking mga binitiwang salita.


Hindi naman dito natatapos ang lahat. Kahit kailan, walang kwenta ang kwentong walang ending di ba?


Nananahimik lang ako, dahil iniisip kita.

22 comments:

  1. Syet!!!Ang Sweet!! Hehehe Parekoy para kanino ba yan?

    Wag ka mag alala pre, halos lahat ng ending eh Happy...Bihira na ung malungkot ang ending...

    ReplyDelete
  2. hang swit naman :)

    para kanino yan? hehehe...
    dapat mabasa niya ito...lolz!

    hmmm...wala lang! inlab ka? hindi ata... talagang nagmamahal ka lang ng totoo...hehehe...

    ingatz!

    ReplyDelete
  3. kuya chuckpot!
    para knino yan?? dali ibulong mo saken sa ym. hehehe.
    kea pala lagi mong sambit e "ngiti sa mga labi".. naks :)

    ReplyDelete
  4. nakakatuwa nmn to... tlgang may theme song pa... lol goodluck!

    ReplyDelete
  5. wow.. para sakin ba to? haha! jk..

    para kanino kaya to.. hmm... nakakaintriga ah.

    ReplyDelete
  6. ang sweet!

    akala ko ikaw yung ex ko at para sa akin ito,hihihi

    ReplyDelete
  7. ang sweeeeeeeeeeeeeettttt......

    ReplyDelete
  8. @ LORD CM,

    para sa masasapul nito... para sa kanya na nga...

    "halos lahat"? nakupo....

    ReplyDelete
  9. @ TSENN,

    di naman ako, ikaw naman ang laging :may ngiti sa iyong mga labi" e.... wehehe!

    ReplyDelete
  10. @ CHICKLETZ,

    di para sau to... baka may magalit... yung may ari ng barko? wehehe! joke!

    ReplyDelete
  11. @ POKWANG,

    sinong ex? ung nakita mo ang profile sa FS? lolz

    ReplyDelete
  12. @ MJ,

    wehehe! di ako sweet... senti mode ako...

    ReplyDelete
  13. I cant accept your friendship. Love is all I can offer. :(

    ReplyDelete
  14. whew d gumagana ang cbox! huhu

    lalim pre!hehe

    ReplyDelete
  15. @ ACRYLIQUE

    same like, "marami na akong kaibigan!! gf naman ang hanap ko!" LOL

    ReplyDelete
  16. @ ADZ,

    di yan malalim... senti lang...

    ReplyDelete
  17. sweet, may konting senti pero sweet pa din,hehe

    ReplyDelete
  18. nabasa ko.... kung alam mo lang kung ano ang pinagdadaanan ko ngayon....konting panahon pa ang hinihingi ko.... still.... mahal na mahal kita.

    ReplyDelete

huwag ka nang mahiya, isigaw mo yan!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails