pektyur pektyur! ismayl!!!!

16.9.09

kwento ka.. yung masaya naman..

hintay ka lang..

makakapagkwento din ako sayo, yung nakakatawa naman. hindi puro negatibong enerhiya at himutok na lang ang ipinapasa ko sayo. tama ka naman, di ako dating ganito. meron lang akong pinagdadaanan sa ngayon. madaming gumugulo sa kakarampot kong utak, na mukhang nagsarado na at di magawang tumanggap ng paliwanag at nagpipilit maniwala… sa wala.

pero sana bukas paggising ko, ako na ulit yung dating nakilala mo.


yung palaging bangka sa usapan, ako na parang hindi nauubusan ng kwento. oo, bilib ka nga sa akin di ba? at hinahanap mo yung dating ako kasi walang maingay at magulo at nang-aaway sa yo ngayon.

bukas siguro, paggising ko ok na.


ako na ulit ang magbibigay sayo ng panadaliang aliw. pangako, hindi kita tatantanan hanggat di ka naluluha at sumasakit ang tiyan at panga sa katatawa. hindi kita titigilang patawanin hanggat di ka nakikiusap sa akin na tama na…

pero sa ngayon favor lang, kaw muna.. “kwento ka.. yung masaya naman..”

7 comments:

  1. nauubusan ka ng kwento???
    mukhang hindi naman kase e! lolz!!

    uhmmm...
    sino ba ang pinapag kwento mo?
    kwentuuhan nalang kita tungkol sa stars at moon...lolz!!

    ingatz! :)

    ReplyDelete
  2. kung ano man ang nararamdaman mo at pinagdadaanan mo ngayon...iutot mo lang at bukas wala na!

    cheers...maganda ang sikat ng araw sa labas!

    ReplyDelete
  3. nakarelate ako dito ah. kapul!
    di bale, konting ligo lang, ok na yan. xD

    ReplyDelete
  4. ekaw ba ay nalolongkot at walang makaosap haleka reto shokoleyt lang katapat nyan ponta ka reto reyad.. :P

    ReplyDelete
  5. haha akala ko mag kukwento ka na binasa ko hangang huli haha ako rin pla mag kukuwento
    natawa nman ako dito sa post mo. nice

    ReplyDelete

huwag ka nang mahiya, isigaw mo yan!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails